14 - The Deal

1052 Words
TEAGAN "B-Bossing...m-may d-dalawa pang kalaban na goblin ang b-bubwit," hinihingal na sambit ni Greer nang makalapit s’ya sa amin. "Greer ilayo mo ang babaing yan dito." utos ni Levi kay Greer saka n’ya binuksan ang isang portal. Kakaiba ito sa ibang portal na ginawa n'yang mga nauna dahil nakikita na sa loob ang lugar na mapupuntahan mo. Ang mundo ng mga tao. Makauwi na ako...p-pero hindi ko pweding iwan sina Elisha at Melkor. "A-Ayoko! H-Hindi ako babalik sa mundong yan hangga't hindi ko kasama si Elisha at hindi nasisiguradong ligtas si Melkor." Pagmamatigas ko. Napalunok ako nang wala sa oras ng titigan ako nang sobrang sama ni Levi. "Mukhang nagkakaproblema ka sa babaing iyan. Bakit kasi hindi mo na lang ibigay yan sa akin." sabat ni Riddygore. "Gusto mo bang itulak pa kita papasok d'yan." pagbabanta ni Levi kaya naman mabilis akong napaatras ng ilang hakbang papalayo sa kanya. "Binibini, halika n-na." pagpupumilit ni Greer. "P-Pero..." Hindi! Hindi ako aalis! Kung patigasan lang din naman ng ulo ay bigyan n'yo na ako ng medal! "Aray!" daing ko nang biglang hablutin ni Levi ang braso ko. Akmang itutulak na sana n’ya ako sa portal nang mabilis ko s’yang yakapin sa bewang gamit ang isa ko pang braso. Hinawakan ko nang mahigpit ang damit n’ya para wala na talaga s’yang kawala. "F*ck!" narinig kong mura n’ya. Nang bitawan n’ya ang isa ko pang braso ay ipinulupot ko na rin ito sa bewang n'ya. Hinawakan n’ya ang magkabila kong balikat para mailayo ako sa kanya pero hindi n'ya magawa. "Ang tigas ng ulo mo!" asik n’ya. Galit na talaga s'ya. Mabilis kong ibinaon ang mukha ko sa dibdib ni Levi nang maramdaman ko ang pag-angat ng mga paa ko sa ere. Plano n'ya bang ilaglag ako? Jusko! Pero mabilis ding nabura ang hin lang 'yon ng marinig ko ang kalansing ng mga bakal sa paligid. Inaatake kami ni Riddygore! "Hold on tight!" narinig kong sambit ni Levi. Mabilis ang mga bawat paggalaw ni Levi, bawat pagatake ng Goblin ay s'ya ring pagdepensa n’ya gamit ang kanyang kawit. Hindi ba s'ya makagawa ng hakbang para atakihin si Riddygore dahil hawak-hawak n'ya ako? Ang tanga tanga mo talaga Teagan! Bakit ka kasi pumulupot ka na parang ahas sa kanya 'e alam mo namang nasa gitna pa s'ya ng labanan. "Sabay ko na lang kayong papatayin kung yan ang gusto mo Leviathan!" sigaw ni Riddygore na sunod-sunod ang pag-atake sa amin. "L-Levi..." sambit ko sa pangalan n’ya pero hindi s’ya nagsalita at nakatuon lang sa goblin ang atensyon n’ya. "A-anong ginawa mo?" narinig kong tanong ni Riddygore kaya naman dahan-dahan akong napatingin dito. Nakita ko ang unti-unting pagyelo ng hawak n’yang double axe hanggang  sa maging yelo na rin ang kamay n’ya. Dahan-dahang sinakop ng yelo ang katawan ng Goblin. "Pansamantala lang ang mahikang yan pero maaari kang mamatay kapag nabasag ang nagyeyelo mong katawan." paliwanag ni Levi. "Pwede mo na kong bitawan." saad nito nang bumaba ang masamang tingin nito sa akin. Mabilis naman akong bumitaw sa kanya ang lumayo. "S-Sorry." mahinang sambit ko na lang. "B-Binibini...b-bossing." Nakakaawa rin itong si Greer. Dahil sa cute n’yang mga paa ay mabilis s’yang hingalin sa tuwing tumatakbo. "Ayos ka lang ba Greer? Gusto mo bang buhatin na lang kita?" tanong ko rito. "Sige!" Mabilis na tugon n’ya. Agad ko s’yang kinuha. Para lang s'ya diyablong stuff toy habang hawak ko. Nang harapin namin ni Greer si Levi ay parehas kaming natakot dahil sa seryosong tingin nito sa amin. "B-Bossing ang sakit na kasi ng mga binti ko." biglang paliwanag ni Greer pero alam kong hindi iyon ang ikinaiinis ngayon ni Levi. "Uulitin ko, hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikitang ligtas si Melkor at kasama si Elisha na makaalis sa lugar na'to." Lakas loob na pahayag ko habang mata sa matang sinasalubong ang matalim na mga titig nito. "Alam mo bang nasayo na ang mata ng ilang malalakas na diyablo? Gusto mo ba talagang mapahamak ang iba sa pagprotekta sayo? Imbis na makatulong ka ay nagiging pabigat ka lang." Walang preno ang masasakit na salitang pahayag ni Levi. Kung babalik ba ako sa dati kong mundo ay may magbabago ba? Wala na bang mga nilalang ang maghahabol sa akin? Babalik ba talaga sa normal ang buhay ko? "B-Binibini..." tawag sa akin ni Greer kaya nahugot ko ang sarili ko mula sa malalim na pag-iisip. "Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin." Iyon na lang ang nasabi ko bago s’ya tuluyang talikuran. Malalaki ang mga hakbang ko na tinungo ang kaninang daan na dinaanan ni Melkor. Wala akong kakayanan na tulungan s’ya sa pakikipaglaban kaya... Huhuhuhu! Pabigat nga akoo! "Greer." "Ano iyon binibini?" "Gusto kong dalhin mo ako kay Beelzebub." "S-Sigurado ka ba?" "Oo." determinadong kong sagot. Gusto kong makausap ang diyablong iyon.   Isang mahabang tulay ang binaybay namin ni Greer. Kitang kita mula rito ang napakataas na tore na halos humalik na sa mapupulang kalangitan. "Hindi na ba magbabago ang isip mo, binibini?" kabadong tanong ni Greer. "Hindi na." pinal na saad ko. Agad akong napatigil sa paglalakad ng makita ang dalawang diyablo na mayroong malalaking katawan na nakabantay sa malaking pinto. May hawak itong matatalas na sibat. Napaatras ang isa kong paa nang bumaba ang tingin nang mapupulang mata nila sa akin. Nang dumapo ang tingin ng dalawa kay Greer ay walang sabi sabi na itinulak ng dalawa ang malaking pinto pabukas. "Greer, anong ginawa mo?" pabulong na tanong ko rito habang dahan dahang naglalakad papasok. "Madalas lang talaga ako maparito kay Beelzebub." pahayag ng Imp. Nang magsara ang pinto sa likuran ko ay doon na ako nakaramdam nang matinding kaba. Parang ayaw nang humakbang pa ng mga paa ko. "Doon tayo sasakay para makarating sa pinakatuktok kung nasaan si Beelzebub." Turo ni Greer. Isang elevator na gawa sa kalawanging bakal parang rehas. Pag-apak ko ay parang bibigay na ang elevator. "S-Safe ba na sumakay tayo rito?" kabadong tanong ko kay Greer. "Oo naman. Pindutin mo ang 666 floor." 666 floor? Ganun kataas ang tower na 'to? Sinunod ko na lang ang sinabi ni Greer. Pagpindot ko ng 666 ay bigla na lang nagbukas ang pinto. T-Teka? 'Yon na 'yon? Wala man lang akong naramdamang paggalaw ng elevator. "Nandito na tayo." anunsyo ni Greer. Tama ba ang desisyon kong makipag-usap kay Beelzebub? Haist! Wala ng atrasan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD