12 - Promise

1189 Words
"B-Binibini, bumalik na tayo sa iyong silid.'" wika ni Greer. Hind ko s’ya pinansin at pinagpatuloy lang ang panonood kina Levi sa loob. "Anong karapatan mong ipagdamot sa akin na makita ang kalahating diyablong iyon hah, Leviathan?" asik ng Goblin na mayroong napakahabang pangil. "Nakapagtataka lang, paano mo na lamang nandito sa palasyo ang kalahating diyablo at nasa pangangalaga ko. Nagkausap ba kayo ni Beelzebub?" batong tanong ni Levi sa Goblin. "Oo. Nakausap ko si Panginoong Beelzebub." mabilis na sagot ni Ribbygore. "Kaya kung ako sayo ay hayaan mo akong makita ang pakay ko bago pa makarating kay Beelzebub ang ginagawa mo. Hindi ko rin naman ginustong umapak sa distrito mo." dagdag pa n’ya. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Levi. Ang kaninang ordinaryong kawit na hawak n’ya ay unti-unting naging yelo. "Kamatayan ang parusa sa traydor na katulad mo." "Hahahahhaha! Nahihibang ka na! Wala akong trinaydor pero kung balak mo akong patayin ay uunahin na muna kita!" asik ng Goblin saka n’ya inihagis papunta kay Levi ang hawak n’yang double axe. Bago pa man tumama kay Levi ang ataking iyon ni Riddygore ay mabilis na s’yang nakailag pero hinabol s'ya ng double axe na parang may sariling buhay na habulin ang biktima nito. Isang portal ang biglang nagbukas sa harap ni Levi at doon pumasok ang palakol. Mula sa likod ni Riddygore ay panibagong portal na naman ang lumitaw at iniluwa nun ang palakol at akmang tatama na sana ito sa goblin ng bigla itong tumigil at mabilis na bumalik sa mga kamay n’ya. "Alam mong hindi umuobra sa akin ang ganoong plano mo." nakangisng saad ng goblin. "Iba ang plano ko." Hindi pa rin pala nawawala ang portal sa likuran ng Goblin. Mabilis na lumipad at bumaon sa likuran ng kalaban ang nagyeyelong kawit ni Levi. Napaluhod si Riddygore sa hindi inaasahang atake ng kalaban n’ya. "Alipores mo ang umatake sa kalahating diyablo sa mundo ng mga mortal, Riddygore. Sa kasamaang palad ay nasaksihan ko lahat ng mga nangyari at ako pa mismo ang pumatay sa ipinadala mong tauhan." Walang emosyong pahayag ni Levi. "Sinong makapangyarihang diyablo ang nagutos sa'yo?" "T-Tanging si Beelzebub lang pinagsisilbihan ko at wala ng iba!" bulyaw ng Goblin. Agad s’yang nakabalik sa sariling mga paa. Mabibigat ang mga hakbang n’ya habang naglalakad papalapit kay Levi. Makikitang parang wala lang ang naging atake kanina ni Levi sa kanya. May maliit na sugat pero hindi ganun kalalim kong titingnang mabuti. Sunod-sunod na pag-atake ang pinakawalan ni Levi pati na rin ni Riddygore. Ang bawat salpukang nagaganap sa pagitan nang dalawa ay talaga naman nagbibigay ng malakas na impact sa paligid. Kahit ang malaking pintong bakal ay tumatagingting dahil sa malakas na pressure na nagagawa nila. "Binibini!" tawag sa akin ni Greer pero hindi ko s’ya nilingon. Hindi ko pweding palampasin ang nakakaexcite at nakakakabang live action na 'to. "Binibini!" muling tawag nang maliit na Imp. "Ano ba kasi 'yon, Greer." pabulong na tanong ko saka mabilis na humarap sa kanya. "Ahhhh!" gulat na sigaw ko nang makita ang malakalansay sa payat at 6 footer na tatlong nilalang. "A-Ano ang mga iyan?" kabadong tanong ko. "G-Goblin. Mga alipores ni Riddygore." sagot ni Greer habang nakakapit sa binti ko. "Ako ng bahala sa kanila, Milady." saad ni Melkor saka lumabas sa kamay n’ya ang kanyang latego. Narinig ko ang pag-uusap ng tatlong goblin gamit ang kakaibang linguwahe. Mukhang nagpaplano na sila kung paano kami pipira pirasuhin. "Ano ang sinasabi nila Greer?" bulong na tanong ko sa kanya. "Nagtatalo silang tatlo kung sino sa inyong dalawa ni Melkor ang maharlikang diyablo." sagot ni Greer. "Binibini, hindi ganun katatalino ang mga goblin pero hayop naman sila sa pakikipaglaban." "Ako ang maharlikang diyablo!" bulol na sigaw ni Melkor. "Catch me if you can!" dagdag pa n’ya bago mabilis na tumakbo papalayo sa amin ni Greer. "Melkor!" tawag ko rito. Mabilis na hinabol nang tatlo si Melkor pero dahan-dahang napatigil ang isa sa mga goblin at humarap sa amin. "Akala ko ba mga bobo sila?" inis kong tanong kay Greer." "Yong iba lang pal- Ahhhhh!" sigaw ni Greer saka mabilis na tumakbo papasok sa kinaroroonan nina Levi at Riddygore. Bigla kasing tumakbo papunta sa direksyon namin ang 6 footer na goblin. Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Greer. Langyang Imp 'to! Iwanan ba naman ako! Nauna pang tumakbo kesa sa akin. Nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay ni Levi nang makita akong tumatakbo papunta sa kanya. Mabilis na nabaling ang tingin n’ya sa kasunod kong Goblin. "Bossing!" sigaw ni Greer na tumatakbo rin papunta sa kanya. "S'ya na ba ang maharlikang diyablo?" Narinig kong manghang tanong ni Riddygore pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Isang portal ang lumitaw sa harap ko at walang pagaalinlangang pumasok ako rito at lumabas sa harap ni Levi. "Levi." hinihingal kong sambit nang bumalaga ako sa harap n’ya. "Paano naman ako bossing?!" narinig kong sigaw ni Greer na tumatakbo pa rin papunta sa direksyon namin. Halatang pagod na pagod na s’ya. Kunti na lang at maabutan na s'ya ng Goblin. "Madumi ka pa rin maglaro, Riddygore!" asik ni Levi. "At sinong nagsabing nakikipaglaro ako, huh Leviathan." sigaw ni Riddygore saka n’ya muling ibinato ang hawak n’yang double axe. Napasigaw na lang ako sa takot at napaupo habang hawak ang ulo ko nang makitang papunta sa akin ang palakol. Jusko! Ayoko pang mamatay! Kung mamatay man ako ay 'wag naman sana rito sa Demon world! Ilang segundo rin ako nasa ganun posisyon at nang wala namang tumamang palakol sa akin ay doon na ako napaangat ng tingin. Nakatayo sa harap ko ngayon si Levi habang may portal na nakabukas sa harap n'ya maya-maya pa ay nakita ko ang bagsak ng 6 footer na goblin dahil sa palakol na tumama sa ulo n’ya. Galing ang palakol sa itaas. Hindi ko mapigilang mapamangha sa tricks na iyon ni Levi. "Pakialamero ka talaga, Leviathan!" pahayag ni Riddygore. "Hindi mo alam ang ginagawa mong pagprotekta sa maharlikang diyablo na iyan kaya kung ako sa'yo ay isuko mo na ang babaing iyan sa akin bago pa mahuli ang lahat!" dagdag pa n’ya. Anong ibig n'yang sabihin? "Anong gagawin mo sa kanya kapag napasakamay mo s’ya?" walang emosyong tanong ni Levi. "Ang katulad n'yang maharlika ay kailangang mamatay! Papatayin n'ya tayong lahat. Walang mga diyablo ang mabubuhay dahil sa kanya. Kahit ang mundo ng mga mortal ay mabubura kapag nagising ang diyablo sa loob n'ya!" sagot ng goblin. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Naalala ko na naman kung paano ko pinatay gamit ang sarili kong mga kamay ang lalaking 'yon. Hindi lang pala s'ya ang mapapatay ko kundi pati na rin ang lahat. Dapat na akong mamatay! Hindi dapat nabubuhay ang isang tulad ko! "Huwag kang magpapalinlang sa sinabi n'ya!" narinig ko saad ni Levi kaya mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya. "Nilalason n'ya lang ang utak mo." dagdag pa n’ya. "P-pero..." Nanginginig ang mga labing sambit ko. "Hahanap ako ng paraan para makabalik ka sa dati mong buhay! Wala kang papatayin at hindi ka magiging isang ganap na diyablo tandaan mo yan." Isang pangakong panghahawakan ko. "S-Salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD