11 - Goblin

1101 Words
TEAGAN Mula sa salaming kaharap ko ay nakita ko ang repleksyon ko habang nakatayo sa isang abandonadong kwarto pero hindi iyon ang umagaw sa pansin ko kundi ang unti-unting pagbabago ng katawan ko. Dalawang itim na pakpak ang bigla na lang tumubo sa likuran ko. Isang itim na pakpak sa kaliwa kong likuran at isang punit-punit na puting pakpak naman sa kanan. Ang kulay itim kong mga mata ay napalitan nang dilaw na kulay. Bigla ring lumaki ang dalawa kong mga kamay at kasabay nito ay ang paghaba ng matatalim kong mga kuko. Naging kulay abo rin ang balat ko at dalawang mahahabang sungay ang tumubo sa ulo ko. Pinagmasdan kong mabuti ang imahe ko sa salamin. Isang diyablo. Isang nakakasukang anyo. Maya-maya pa ay bigla na lang nagbago ang imahe sa salamin. Isang lalaki ang nakita ko habang nagkukumahog na makatakas mula sa pagkakasakal ng sarili kong mga kamay. Napaatras na lang ako nang biglang tumagos sa katawan ng lalaki ang matatalim kong kuko sa sikmura n'ya. Pinaghahampas ko ang salamin kasabay nang paghagulgol ko. "Aahhhh! " sigaw ko saka mabilis na napabalikwas mula sa pagkakahiga. Naulit na naman ang bangungot ko. Iyon ba ang anyo ko kapag naging isang diyablo ako? Ayoko! Ayokong maging diyablo! At sino ang lalaki pinatay ko? Mahigpit ang ginawa kong pagpiga sa ulo ko. Bakit napakapamilyar ng lalaking iyon sa akin? Mabilis akong napalingon sa may pinto ng biglang itong bumukas. "Huwaaaaaa! Stop following me!" umiiyak na saad ni Melkor. Sunod na pumasok ang isang maliit na diyablo na mas maliit pa kaysa kay Melkor. Hindi ko alam kong pipigilan ko ang ginagawang paghabol ng diyablo kay Melkor o papanoorin na lang sila. Nakakatutuwa kasi silang dalawa habang naghahabulan paikot sa kwarto. Halatang takot na takot si Melkor sa maliit na diyablong humahabol sa kanya. Mukhang hindi naman mapanganib ang diyablo. Ang cute ng maliit n’yang buntot kapag gumagalaw ito. "Bakit ka ba natatakot sa akin?" impit na salita ng diyablo. "Hindi kit- Ahhh! Gising na ang babaing demoness!" sigaw n’ya ng makita ako. "Gising na s'ya!" tuwang-tuwang talon naman ni Melkor. Umakyat s’ya sa kama ko at niyakap ako. "Natutuwa akong ligtas ka Melkor." saad ko habang hinihimas ang ulo ng bata. "Sorry kung hindi kita na protektahan." Mangiyak-ngaiyak na saad ni Melkor. "Pagbabayaran ko ang kapabayaan ko kapag nagharap kami ni Astaroth." parang matandang pahayag pa nito. "Ako nga pala si Greer. Isa akong Imp." sabat nang maliit na diyablo na nakatayo sa paanan ng kama ko. Hindi ko mapigilang tingnan ang magaslaw na buntot nito. Ang cute kasi. "Greer, nasaan nga pala ako? Anong lugar ito?" tanong ko sa diyablo. Hindi pamilyar sa akin ang kwarto. Kitang kita rin mula sa bintana ang mataas na tanawin na kinalalagyan ko. "Nasa teritoryo ka ngayon ni Panginoong Beelze- Ahhhh!" Mabilis kong sinundan nang tingin ang biglang paglipad ni Greer palabas ng bintana. Nag-echo rin sa labas ang sigaw n’ya. "Mabuti naman at gising ka na." Napalingon ako sa nagsalita. Si Levi. Nakatayo s’ya ngayon sa may bandang pinto. S'ya ba ang may kagagawan nun kay Greer? Anong ginagawa ni Levi rito? Tama! Bago ako mawalan nang malay ay s'ya ang huling nakita ko. Kung ganun ay iniligtas n'ya na naman ang buhay ko. "Ilang araw na akong walang malay?" tanong ko rito. "Hindi araw kundi isang linggo na. " sagot n’ya na ikinagulat ko. Isang linggo? Paano ako nakatulog ng kanun katagal? Ang kamay ko! Mabilis kong tiningnan ang kamay ko. Nakita ko ang malahalimaw na paglaki ng tatlo kong daliri at mala-ahas na balat nito. Ang binti ko! Tinanggal ko ang kumot na nagtatakip sa kalahati kong katawan at tiningnan ang parte kung saan bumaon ang punyal. "W-Walang sugat? Kahit gasgas. Paano nangyari 'yon?" puno ng pagtatakang tanong ko kay Levi. "Isa yan ang isa sa mga kakayahan mo bilang isang diyablo, kaya mong pagalingin ang kahit anong sugat mo sa katawan." paliwanag ni Levi na mas lalo kong ikinamangha. May ganun ako super powers? "Milady, babagsak na ata ang panga mo." inosenting sambit ni Melkor kaya mabilis kong isinara ang bibig ko. Ayokong maging diyablo pero pwede bang 'wag nang alisin ang kapangyarihan kong magpagaling? "Bossing!" impit na sigaw ni Greer na kakapasok lang ng kwarto at hingal na hingal. "Si Riddygore at ang mga alipores n'ya paparating na. Gusto nilang makita ang binibini." Halata sa boses ni Greer ang takot. Sino ba si Riddygore? "Ako nang haharap sa kanya." saad ni Levi bago s’ya lumabas ng kwarto. "Greer, sino si Riddygore?" curious na tanong ko sa Imp. Kitang kita rito na hindi ito mapakali. "Riddygore ang pinakamalakas na Goblin dito sa mundo ng mga diyablo. Pinuno s'ya ng mga ito. Lagi s’yang nagdadala ng gulo kahit saan man pumunta. Napakayabang kasi. Katulad ni bossing ay hawak din s'ya sa leeg ng Panginoon naming Beelzebub. Puno nang inggit sa katawan ang goblin na 'yon kay bossing dahil halatang mas pinapaboran ni Beelzebub si Leviathan." paliwanag ni Greer. "Hindi ba mapapahamak si Levi kapag hinarap n'ya si Riddygore?" tanong ko ulit kay Greer. "Huling paghaharap nila ay kalahati ng palasyo ni Beelzebub ang nasira. Siguro naman ay hindi na nila 'yon uulitin dahil nadala na sila sa parusa sa kanila ni Beelzebub." sagot ni Greer na ikinangiwi ko. Kalahati ng palasyo? Gaano ba kalakas ang dalawang 'yon? "Greer! Samahan mo ko kung nasaan sila." "Ayoko! Baka patayin ako ni bossing." "Hindi yan! Akong bahala sayo. Magtatago lang tayo." "P-Pero..." pagaalinlangan ni Greer pero sa huli ay napapayag ko rin ito. Habang binabaybay ang pasilyo papunta sa kinaroroonan ni Levi ay hindi ko mapigilang mapamangha. Kung puro gold at kumikinang na mga dyamante ang mga dekorasyon ng palasyo ni Astaroth, mga antique na rebolto at lumang paintings naman ang kay Beelzebub. Makikita ang kaibahan ng taste ng dalawang diyablo. "Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo, milady?" tanong ni Melkor habang naglalakad sa tabi ko at hawak ang kamay ko. "Oo naman. Kaya ko ngang pagalingin ang katawan ko." nakangiting sagot ko sa kanya. Sana lang din ay kaya kong gawin 'yon sa ibang tao. "Nandito na tayo." anunsyo ni Greer. "Pero hindi tayo papasok, sisilip lang tay- Ahhh!" Sigaw ni Greer nang bigla na lang may kung anong tumama na bagay sa pinto. Mabuti na lang at gawa sa matibay na metal ang malaking pintong kaharap namin ngayon. Mabilis akong sumilip sa sewang ng pinto at tiningnang ang mga nangyayari sa loob. Nakalabas sa kamay ni Levi ang malaki n’yang kawit habang ang kaharap naman n’yang matabang lalaki ay may hawak na napakalaking palakol na may dalawang talim. Mukhang nagsisimula na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD