10 - Escape

1423 Words
LEVIATHAN Mas minabuti kong bumalik na lang sa palasyo ni Beelzebub kesa hanapin ang anak ni Azazel. Wala rin naman akong obligasyon sa babaing 'yon para makialam sa pagiging kalahating diyablo n'ya. Sadyang hindi lang ako makabalik ng Demon world kaya napilitan akong manirahan sa poder ng mangkukulam na iyon. Nakapagtataka dahil nang mawala ang babaing 'yon ay gumana na ang portal na ginawa ko pabalik dito sa mundo. "Boss, maligayang pagbabalik!" bungad sa akin ni Greer. "Asan po ang demonyang si Zhola? Bakit hindi n'yo s'ya kasama? Hindi ba't inutusan s'ya ni panginoon Beelzebub na bantayan kayo?" Napahinto ako sa paglalakad at humarap kay Greer. "Anong ibig mong sabihin?" "P-Pinasunod ni Panginoon Beelzebub si Zhola sa mundo ng mga tao upang bantayan kayo." paguulit n’ya na ikinakunot ng noo ko. Kung ganon may alam si Beelzebub kung bakit ako hindi makabalik dito kaya pinasunod n'ya si Zhola sa mundo ng mga tao."Ano ang dahilan ng diyablong 'yon para pabantayan ako?" Nagkibit balikat lang si Greer pero halata sa mata n'ya ang pagkataranta. Hinawakan ko ang isa sa dalawang blade na nasa likuran at mukhang alam ni Greer ang maari kung gawin kapag hindi s'ya nagsalita. "W-Wag p-po. Hindi ko rin alam ang mga napag-usapan nila." utal na sambit ng Imp habang nakaluhod sa harap ko. Kailangan kong mahanap si Zhola. Walang maitatagong sekreto ang demoness na iyon. Habang naglalakad ako sa pasilyo ay may bigla na lang sumulpot na demoness sa harap. Hindi pamilyar sa akin ang itsura nito. Mabilis kong kinuha ang dalawa kong sandata sa likuran at itinapat ito sa kanya. "Ikaw na alipin ni Beelzebub, tumungo ka sa nagbabagang bulkan na may berding apoy at iyong makikita ang pilit mong kinaliligtaan." pahayag n’ya bago tuluyang maglaho. Hypboreya ba ang tinutukoy n'yang lugar? ...iyong makikita ang pilit mong kinaliligtaan? Si Zhola ba ang tinutukoy n'ya? Bahala na baka doon ko mahanap si Zhola. Gamit ang kakayahang kong gumawa ng portal para makapunta sa iba't ibang lugar ay agad kong natungo ang Hypboreya. Kung hindi ako nagkakamali teritoryo ni Astaroth ang lugar na 'to. Kailangan kong mahanap kaagad si Zhola bago pa ako mahuli ng bantay ng lugar na ito. Hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap. Napakalaki ng lugar na ito, pweding kong gamitin ang portal ko pero mauubos nito ang enerhiya ko. Isang malakas na pagsabog ang narinig hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Sinundan ko kung saan ito nagmula at nakita ang isang fallen angel at isang batang babae na nagtutunggali. Mabilis ang mga paggalaw ng fallen angel pero kitang-kita na nasasbayan s'ya ng bubwit. Naibaling ko sa kabilang direksyon ang atensyon ko dahil sa pamilyar na enerhiya. Mayamaya pa ay isang sigaw ng babae ang narinig ko. Ang anak ni Azazel. Mabilis kong ibinato ang dalawa kong blade papasok sa portal na agad na bumagsak sa pagitan ng anak ni Azazel at ng lalaking fallen angel. Nang makarating sa kinaroroonan ng dalawa ay nakita ko kalagayan ng Anak ni Azazel. Isang punyal ang nakabaon sa kaliwang binti nito. Bago pa s'ya mawalan ng malay ay agad ko na itong nasalo. Tsk. Pwede ko namang pabayaan na lang ang babaing 'to pero bakit hindi ko magawa. Kahit kelan talaga ay pahamak ang dala n'ya. "At sino ka naman?" tanong ng lalaki sa harap ko. "Hindi ka mapapahamak kung ibibigay mo sa akin ng walang pagtutol ang babaing yan." Ang mga Fallen Angel ay may kakaibang taglay na lakas, halimaw sila sa pakikipaglaban pero hindi ako natatakot kalabanin ito. Akmang aatake na sana ito ng bigla itong tawagin ng kasama nitong babae habang nasa himpapawid. "Cain!" Mabilis na bumukadkad ang itim na mga pakpak nito at lumipad papalayo. Mukhang hindi ko na kailangang magpagod sa pakikipag-away. "Let her go!" matapang na sigaw ng batang babae habang may bitbit na latigo. Nakita ko kung paano ito makipaglaban kanina at masasabi kong wala itong binatbat sa kakayahang taglay ko. "Bitawan mo s'ya sa-" hindi na nito natuloy ang sanang sasabihin ng mawalan ito bigla ng malay. Hindi na ko magtataka kung ubos na ang enerhiya nito dahil sa ginawa n'yang pakikipaglaban kanina. "Damn!" mahinang mura ko. *** "How is she?" tanong ng bubwit. Nakaupo ito ngayon sa kamang kinahihigaan ng anak ni Azazel habang pinagmamasdan ito. "She's just sleeping kaya 'wag kang maingay." sagot ko rito na nakatayo sa gilid ng kama. "Do you like her?" sunod na tanong nito. "No." sagot ko sa kanya. "Are you sure?" Nagsisisi na akong binitbit ko ba ang batang 'to. Dapat pala ay iniwan ko na lang s'ya sa Hypboreya. "I can hear your heartbeat." dagdag pa n’ya. "So what? Hindi ibigsabihin nun na gusto ko ang babaing yan." depensa ko. "What's your name? At sinong diyablo ang pinagsisilbihan mo?" "Ako si Melkor." saad n’ya nang hindi sinasagot ang huling tanong ko. "Nasa teritoryo ka ngayon ni Beelzebub. Kung balak mong itakas ang babaing yan at dalhin sa amo mo ay 'wag mo ng tangkain." babala ko rito bago lumabas ng silid. Paglabas ko ay agad na bumungad sa akin si Greer na mukhang hindi mapakali. "B-Boss, pinapatawag po kayo ni Beelzebub. Mukhang patungkol sa babaing iyon ang pag-uusapan n'yo." "Bantayan mo sila." bilin ko kay Greer bago ito talikuran. Agad akong lumitaw sa harapan ni Beelzebub na nakaupo sa kanyang trono. "Isang mapanganib na diyablo ang iyong dinala sa aking palasyo Leviathan!" bungad sa akin ni Beelzebub. Ganun ba talaga kalakas ang pagiging kalahating diyablo ng babaing 'yon para mangamba ka Beelzebub? Marami pa akong hindi alam sa mundong ito lalo na patungkol sa kalahating diyablong maharlika. "Sa mga oras na ito ay pinaghahanap na s'ya ni na Satanathos at Astaroth. Hindi sila mag-aalinlangan na sugurin ang palasyo ko para lang makuha ang anak ni Azazel." "Hindi ko maintindihan, anong meron sa katauhan ng babaing 'yon para pag-agawan s'ya ng dalawa sa makapangyarihang diyablo?" Siguradong may alam si Beelzebub. "Kapag naging isang fully pledge na diyablo na ang anak na Azazel ay isang napakalakas at nakakatakot na kapangyarihan ang kaya nitong gawing na pupweding sumira sa'ating mundo at mundo ng mga mortal." Paliwanag nito. "Pero isa lang s'ya kalahating diyablo." "Dahil sa matagal na pagkakahimbing ng dugo ni Azazel sa katawan ng bata ay doon din ito nakapag-ipon ng napakalakas na enerhiya. Iyon ang dahilan kung bakit mas malakas kesa sa amin ang batang iyan pagtungtong nito sa labing walo." Anong klasing kapangyarihan naman kaya ang tinutukoy nito na dala ng anak ni Azazel? ZHOLA "Nararamdaman mo ba?" nanghihinang tanong ni Elisha. "Oo." tipid kong sagot sa kanya. Ang bulkan na kinaroroonan namin ngayon ay hindi ordinaryo. Bukod sa kulay berde nitong magma ay unti-unti rin nitong hinihigop ang kapangyarihan namin ni Elisha. Kaya pala hindi tumatalab ang kapangyarihan namin dahil sa simula palang ay hinihigop na ng bulkan ang lahat ng enerhiya namin. Kapag hindi kami nakaalis kaagad rito at siguradong mamamatay kami. "Wala ka bang natutunan na salamangka sa amo mo para makalabas tayo sa lugar na ito?" tanong ko kay Elisha. Nag-isip ang familiar at kuminang naman bigla ang kanyang mata. "Wala. Suporta lang kami sa mga mangkukulam at hindi maaaring gumamit ng kahit anong salamangka. In short..." "Wala kang silbi." dugtong ko. Tinitigan n'ya lang ako ng masama. Totoo naman. Sa ganitong oras useless ang mga familiar na tulad n'ya. Ibinuka ko ang dalawa kong pakpak. Hindi ko alam kong anong ginagawa ko pero kailangan kong subukan kong gagana. "Ano bang ginagawa mo?" inis na tanong ni Elisha dahil biglang sumikip ang hawla dahil sa ginawa ko. "Dumapa ka kung ayaw mong magkalasog lasog. Mas matalas pa sa espada ang mga koko at pakpak ko." utos ko kay Elisha na agad naman nitong sinunod Kahit punit-punit ang mga pakpak ko ay may kakaibang talim naman itong taglay. Kaya nitong hatiin ang kahit na anong bagay. Mabilis kong pinaikot ang katawan ko kasabay ng pag-ikot ng pakpak ko. Binilisan ko ang pag-ikot hanggang sa ‘di nagtagal ay nasira ko na ang hawla. "Succe - Ahhhhhhh!" sigaw ni Elisha ng mahulog ito. Hindi n'ya pala pweding gamiting ang pagiibang anyo n'ya dito sa loob. Lumipad ako pababa para kunin s'ya at hindi naman ako nabigo. "Ang galing mo Zhola!" Papuri ni Elisha habang hawak ang magkabilang balikat nito at lumilipad. "Hmm. Ako pa ba? Kaya nga patay na patay sa akin si Leviathan ko." mayabang kong saad. Malapit na kami sa b****a ng bulkan ng may tatlong lalaki ang bigla na lang humarang sa daan namin. "Sebastian…" mahinang sambit ko. Magbabayad ang lalaking 'to sa pagkulang sa amin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD