TEAGAN
Hindi ko alam kung saan magsisimula. Gusto kong simulan ang paghahanap kina Elisha pero hindi ko magawa dahil sa mga nakabantay sa akin. Kasalukuyan akong nasa loob ng kwartong inihandan sa akin nina Haden at Zenon. Palakad-lakad lang ako loob habang nag-iisip ng plano nang bigla na lang bumukas ang pinto.
"Melkor." tawag ko sa cute na batang nahihiya pang pumasok. "Halika rito." Nakita ko ang pagliwanag ng mukha n’ya. Dahan-dahan n’yang isinara ang pinto bago lumapit sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na alipin s’ya ni Astaroth.
"Bakit ka nga pala napabisita?" malambing na tanong ko rito. Itinaas n’ya ang isa n’yang kamay at nag-tiptoe na parang may inaabot sa akin. Yumuko ako sa harap n’ya at takang tiningnan s’ya nang hawakan n’ya ang bandang dibdib ko.
"H-Hindi mapakali ang puso mo." aniya nito. "M-May gusto kang g-gawin at hanapin pero hindi mo magawa," dagdag pa n’ya.
Napakagat na lang ako ng ibabang labi dahil sa panginginig nito. "M-Melkor natatakot ako para sa buhay ng mga kaibigan ko. Ayoko silang madamay sa kung ano man ang problema ko ngayon." Hindi ko na mapigilang mapaluha sa harap ni Melkor. Napaupo ako sa harap n’ya at naramdaman ang maliit na kamay n’ya sa ulo ko.
"Alam mo ba kung nasaan sila?" tanong ko kay Melkor.
Nakita ko ang dahan-dahang pagtango n’ya.
"Melkor, pakiusap dalhin mo ko sa kanila." Pagmamakaawa ko rito habang hawak ang magkabilang balikat nito.
"Pero mapanganib ang lugar na 'yon para sayo. Maraming diyablo ang bantay doon ni Astaroth."
"Alam kong tutulungan mo ako. Hindi ka magiging alipin ni Astaroth kong wala kang kakayahan. Please, Melkor."
Ilang sandali akong tinitigan ni Melkor. Hindi ko mabasa ang iniisip n’ya. Tutulungan n'ya ba ako? Hinawakan ni Melkor ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa noo.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang unti-unting pagbabago sa paligid ko. Parang mga kandila na natutunaw ang mga pader sa kwarto. Kagagawan ba ito ni Melkor? Napunta kami sa lugar na napakadaming bulkan pero imbis na kulay pula ang lumalabas na magma ay kulay berde ang lumalabas dito.
"N-Nasaan tayo?"
"Nasa Hypboreya tayo. Ang lugar kung saan paulit-ulit na sinusunog ang kaluluwa ng mga pumatay at nanghalay ng mga kababaihan." paliwanag ni Melkor. "Ang pinakamataas na bulkan na iyon, nandun ang mga kaibigan mo." Sinundan ko nang tingin ang itinuro ni Melkor.
Napalunok na lang ako ng makita ang napakalaking bulkan. Nakakatakot ang pagbuga nito ng usok. Parang ano mang oras ay puputok ito. Siguradong lapnos ang balak ko kapag nadijitan ako ng green na magma nito.
"T-Tara na!" kabadong saad ko. Nakakaisang hakbang pa lang ako nang may malakas na puwersa ang bigla na lang tumama sa sikmura ko na dahilan para tumilapon ako nang ilang metro.
Biglang lumitaw sa harap ko si Melkor na seryoso habang nakatingala sa itaas kaya agad ko itong sinundan ng tingin habang nakadapa pa rin.
Dalawang nilalang na may itim na mga pakpak ang nasa ere. Isang napakagandang babae at matipunong lalaki. Kung hindi lang itim ang pakpak nila ay aakalain mong mga anghel ang mga ito.
Napatakip na lang ako ng mga mata ng nagdukot nang nakakabulag na alikabok na mula sa lupa ang malakas na pagbaba ng dalawa.
"Mel-" Hindi ko na natapos ang pagtawag ko sa kanya nang maramdaman ang malakas na kamay na sumakal sa leeg ko. Napaagat ako sa ere at napahawak sa braso ng may hawak sa akin. Nang luminaw ang kapaligiran ay nakita ko ang kaninang babae. S'ya pala ang salarin.
Hindi ako makahinga!
Isang latego ang mabilis na pumulupot sa leeg ng babae na dahilan para mabitawan ako nito. Bumalibag ang babae sa lupa gawa ng latego na hawak pala ni Melkor. Napahanga ako sa lakas ni Melkor hindi man lang s'ya kumurap sa ginawa n'ya sa babae.
Teka, nasaan ang kasama nitong lalaki?
Huli na dahil nakita ko ang iba't ibang uri ng patalim ang ngayo'y pabagsak kay Melkor.
"Melkor!" tawag ko sa pangalan n'ya. Akmang lalapitan ko na sana ang kinaroroonan ni Melkor nang mapansin ang ilan pang patalim na pabagsak sa akin. Kumaripas ako ng takbo para maiwasan ang mga patalim.
Si Melkor, hindi ko pweding iwan si Melkor.
"Wag kang lilingon, tumakbo ka lang." Si Melkor iyon paanong naririnig ko s'ya sa utak ko. Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ang boses n'ya.
"Mabuti't ligtas ka. Pinakaba mo ako Melkor." sambit ko.
Muli ay isang pag-atake mula sa gilid ko ang nagpatumba sa akin. Nagpagulong gulong ako lupa dahil sa ginawa nito. Hindi ako napadaing dahil sa ginawa nito sa akin kundi sa sakit nang dumampi ang kamay ko sa green na magma.
Imbis na malapnos ang balat ko ay nakita ko ang pagiiba ng kamay ko. Mula sa hinlalaki hanggang sa panggitnang daliri na dumikit sa magma ay naging parang balat ito ahas. Masakit ang sensasyong binibigay nito, parang pinupunit nito ang balat ko habang nasa proseso ito nang pagbabago ng balat.
"Interesting..." sambit ng babaing umatake sa akin. Akmang hahawakan na sana ako nito nang humarang sa harap n'ya si Melkor at itulak s'ya nang malakas. Ang pagtulak na iyon ay nagdukot ng ilang metrong pagtalsik ng babae.
Hindi nga ordinaryong bata itong si Melkor.
"Bwisit ka talagang bubwit ka!" asik ng babae nang makatayo ito. "Ako na ang bahala sa bubwit na 'to, Cain. Kunin mo na ang babaing 'yon." dagdag pa n'ya bago n'ya atakihin si Melkor. Para s'yang si Flash sa sobrang bilis ng paggalaw n'ya.
Nawala bigla sa harap ko si Melkor nang patalsikin s'ya ng babae pero bago pa man s'ya bumagsak sa lupa ay mabilis na pumulupot sa paa ng babae ang latego n'ya. Ibinalibag ni Melkor ang babae papunta sa bulkan pero mabilis ang kalaban dahil nakagawa ulit ito ng atake. Hindi ko na nasaksihan ang nangyari sa dalawa ng hawakan ako sa leeg ng lalaki.Cain ang pangalan n'ya kung hindi ako nagkakamali.
"Tama na ang laro. Dadalhin na kita sa diyablong iyon." pahayag n'ya.
"Ahhhh..." daing ko. Nakita ko ang kamay ko habang hawak ang braso n'ya. Ang mga kuko ko. Mabilis kong ibinaon sa braso n'ya ang matatalim kong koko dahilan para mapadaing s'ya at mabitawan ako.
Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Melkor pero wala na s'ya pati na rin ang babae sa kaninang lugar na pinaglalabanan nila.
"Matapang ka rin pala..." wika ng lalaki. Hindi na ako nakatakbo ng may bumaon na matalim na bagay na binti ko. Isang matalim na punyal.
"Ahhh!" iyak ko nang maramdaman ang matinding sakit na dulot nang ginawa ng lalaki.
Akmang hahawakan na sana n'ya ako ng may bumagsak na malaking blade sa pagitan namin dalawa.
Naramdaman ko ang unti-unti kong panghihina. Bago pa ako mawalan ng malay may mga kamay nang umalalay sa likuran ko.
Levi?