1 - The Half Demon

1171 Words
Ang daigdig ay isinilang mula sa kadiliman. Walang hanggang kadiliman. Ngunit sa kabila ng kadilimang iyon ay dumating ang banaag na liwanag. Ang daigdig ay nahati sa dalawa. Ang dilim ang naging kaharian ng mga diyablo na dating mga anghel ngunit mas piniling tumiwalag sa kanilang lumikha at ninais na maging makapangyarihan para bumuo ng isang mundo na puno ng kasamaan. Samantala, ang liwanag ay naging lupain ng mga mortal. Ang dalawang mundo ay nanatili sa haba ng panahon pero dahil sa kasakiman ng mga diyablo ay ninais nilang pag-isahin ang dalawang mundo. Si Azazel (Yellow-Eyed Demon) - isa sa apat na pinakamakapangyarihang diyablo. Siglo ang lumipas ng pananatili n'ya sa mundo ng mga tao upang maghasik nang kadiliman ngunit sa hindi inaasahan pangyayari ang diyablong si Azazel ay umibig sa isang mortal at ang pag-iibigang iyon ay nagbunga ng isang babaing sanggol. Nagpasyang manatili sa anyong tao si Azazel upang makapiling ang kanyang mag-ina ngunit dumating ang tatlo sa mga makakapangyarihang diyablo. Sina Satanathos, Beelzebub at Astorath. Sapilitang dinakip ng tatlo si Azazel at ibinalik sa kadiliman upang parusahan. Hindi rin nakaligtas sa mata ng tatlong diyablo ang plano nilang pagpatay sa mag-ina ni Azazel pero bago pa man nila makuha ang dalawa ay sinigurado na ni Azazel na hindi mapapahamak ang kanyang pamilya. Sa tulong ng kanyang tapat na kaibigan na si Magdalene, isang mangkukulam ay kinupkop at inalagaan n’ya ang mag-ina ni Azazel. "Azazel!" halos mayanig ang palasyo ng diyablo na si Astaroth dahil sa madagundong n’yang boses. Astaroth (Crowned Prince of Hell) isa sa apat na makapangyarihang diyablo na namumuno sa Demon World. "Lapastangan! Hindi ka nababagay na pamunuan ang mundong ito!" galit na galit na saad ni Astaroth. "Itinuring ka pa naman sa apat na makapangyarihang demonyo sa ating mundo pero anong ginawa mo? Mas pinili mong maging tao. Hangal!" dagdag pa ng diyablo. Tahimik lang na nakikinig at nanonood sina Satanathos at Beelzebub mula sa tronong kinauupuan nito. "Ano kaya ang pakiramdam na maging isang tao? Ano sa palagay mo Satanathos?" tanong ni Beelzebub sa katabing diyablo. Ngunit hindi binigyang pansin ni Satanathos si Beelzebub. Mula sa malalim na pag-iisip ni Satanathos ay isang pilyong ngiti ang sumilay rito."Mukhang may binabalak ka." puna ni Beelzebub. "Sa hawla ni Lucifer!" dumagundong ang boses ni Satanathos kasunod ang malakas na sigawan ng ilang mga diyablong manonood. Lahat ng diyablo ay masayang pinapanood ang pagpapahirap kay Azazel lalo na ng ikulong ito sa hawla ni Lucifer. Ang hawla ni Lucifer ang impyerno para sa mga diyablo. Isang torture chamber. Walang hanggang pagpapasakit na mas malala pa sa kamatayan ang aabutin ng demonyong ikukulong rito. *** [Sa Palasyo ni Satanatos] "Kalahating diyablo at kalahating mortal ang anak ni Azazel. Kung hindi ako nagkakamali ay lalaki na normal na tao ang bata ngunit sa pagpatak nito sa edad na labing walo ay ang dugong diyablo na nananalaytay sa kanyang katawan ang sasakop sa dugong tao nito. Hahaha. Isang kauna-unahang maharlikang diyablo." nakangising pahayag ni Satanathos. "Ngunit maaaring mabago ang kanyang hinaharap." saad ni Cryto. Si Cryto ay isang demoness na alipin ni Satanathos. May kakayahan itong makita ang hinaharap ngunit sa isang nilalang na may kaluluwa lamang. "Ako na mismo ang babago sa kanyang kapalaran." nakangising saad ni Satanathos bago inumin ang alak mula sa kopa na hawak nito. TEAGAN "Tey bangon na!" sigaw ni Elisha kaya dali-dali akong napabalikwas dahil sa malakas na pagkalabog sa pinto nang kwarto ko na kulang na lang ata ay pabagsakin ‘yon nang pinsan ko. "Oo. Ito na!" sagot ko. Ako nga pala si Teagan Diata also known as Teytey. 17 years old of age, freshman college at mayroong normal teenage life. "Good morning." bati ko kay Elisha at tita Magda pagbaba ko pa lang ng hagdan. "Nasaan si Ate Emilia?" tanong ko sa pinsan ko na abala sa paglalagay ng kung anu-anong pangkulay sa mukha. "Nauna ng pumasok ang ate Emilia mo. Oh s'ya kumain ka na." sagot ni tita Magda habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Ang swerte ko talaga sa pamilya ko. Si tita Magda ang umaruga sa akin noong sampung taong gulang pa lang ako. Matalik na kaibigan s'ya ni mama kaya nang mamatay si mama ay kay tita na ako tumira. Si Elisha at Emilia naman ang mga anak ni tita Magda. Si Elisha lang nakakasundo ko dahil mainit lagi ang dugo sa akin ni ate Emilia sa hindi ko malamang dahilan. "Bruha late na tayo!" tarantang pahayag ni Elisha ng silipin nito ang orasan. "Lagot na! Exam ko pa naman ngayon!" sigaw ko bago isubo sa bibig ko ang isang sunny side up na niluto ni tita. "Ako rin naman!" Nagsimula na kaming mag-unahang tumakbo ni Elisha palabas ng bahay pero katulad ng laging nangyayari ay wala pang ilang metro'y naghihingalo na sa pagod si Elisha. "Teagan! Hintayin mo naman ako!" hinihingal na pakiusap ni Elisha. "Humabol ka na lang!" sigaw ko pabalik kay Elisha. "What are friends for?!" Hindi ko na nilingin si Elisha at mas binilisan pa ang pagtakbo ko. May limang minuto na lang kasi ako bago mag-time. Terror pa naman ang professor ko sa first subject ko. Pero sa hindi inaasahang kamalasan ay hindi ko na nagawang makapagpreno sa pagtakbo ng bigla na lang sumulpot sa harapan ko ang isang gwapong nilalang. Yung pizza! L-Lumilipad! Wala akong pangbayad! Bago pa man mahulog ang mga pizza na dala ng lalaki ay nasalo na ito ng babae na sa tingin ko'y kasamahan ng lalaking nabangga ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang safe ang tatlong box ng pizza. Kung nagkataon na malaglag ang mga ito ay wala talaga akong mapangbabayad. Sa sobrang pagmamadali ko kasi ay nakalimutan kong humingi ng allowance kay tita. "S-sorry!" sabi ko sa lalaking nabangga ko habang pikit matang hinihintay ang sasabihin nito. "Anong ginagawa mo rito?" narinig kong tanong ng lalaki. "Hindi ka ba masaya mahal ko? Nagpaalam naman ako kay Beelzebub." sagot ng babae. Magkasintahan ba sila? "Tss." narinig kong usal ng lalaki. Hindi man lang ako pinansin. Pag-angat ko ng tingin ay bigla na lang akong kinain ng magkahalong gulat at takot sa nakita ko. "A-a-a..." biglang umurong ang dila ko ng makita ang kausap ng lalaki. May aswang sa harap ko! Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ng lalaking kaharap ko ng ilipat nito ang tingin sa akin. Mas lalo akong nanginig at natakot nang tingnan ako nung aswang. Kanina lang ay normal naman ang itsura nito. "Anong problema ng taong 'to?" mataray na tanong ng babaeng aswang. Kinusot-kusot ko ang mata ko para makasigurado sa nakikita ko pero nang tingnan ko ulit ang aswang ay naging magandang babae na ito. Grabe! Ang lakas ng imagination ko. "Teagan!" narinig kong tawag sa akin ni Elisha. "Ba’t 'di mo ako hi-" agad na naputol ang sanang sasabihin ni Elisha ng makita ang dalawa sa harap ko. Agad na sumeryoso ang mukha nito. "Late na tayo!" sabay hila sa akin ni Elisha papalayo sa dalawa. Anong nangyari kay pinsan? Naging aswang din ba sa paningin n'ya yung babae?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD