2 - Attacked

1863 Words
[Demon World] Demon World, also known as "Hell", the "Underworld", the "Netherworld", and the "Devil Kingdom", is a world parallel to the Human World. The Demon World is an extension of the original darkness that covered the universe before the coming of light. It is in the Demon World where natural demons are born and also seems to serve as a source of power for the demons born there or at least their power is reduced when they are cut off from the Demon World. LEVIATHAN "Leviathan!" Agad akong nagpakita sa harap ng trono kung saan nakaupo ang diyablo na si Beelzebub. Ito ay nasa katawang bata na naman, mukhang inosenting paslit pero ang totoo ay isang malaking halimaw ang totong anyo nito. "Panginoon." yumuko ako bilang pagbibigay galang. "Hindi ba’t isa ka mortal noon?" tanong ni Beelzebub sa akin. "Oo." sagot ko rito. Ano na naman kaya ang ipapagawa ng bakulaw na'to? At ano ang kinalaman ng pagiging mortal ko? Leviathan ang ipinangalan sa akin ni Beelzebub simula ng umapak ako sa mundo ng mga diyablo isang dekada na ang nakakaraan. Pinagsilbihan ko si Beelzebub bilang kabayaran sa pagligtas n'ya sa kaluluwa ko. "Alam mo ba ang tinatawag ng mga mortal na pizza? Nais kung pumunta ka sa mundo ng mga mortal upang ikuha ako ng bagay na iyon." "Masusunod." saad ko bago tuluyang maglaho sa harap n'ya. Pizza? Anong klasing utak ba ang meron ang diyablong iyon at naisipang kumain ng pagkain ng mga tao. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng palasyo ay bigla na lang lumitaw ang demoness na si Zhola. Heto na naman ang maingay na diyablo. Si Zhola ay diyablong babae na mayroong dalawang putol na sungay, dalawang punit na pakpak at mayroong napakahabang braso na abot hanggang paa. Itim ang kulay ng balat nito at labi na aabot hanggang tenga. "Kamusta na mahal kong Leviathan? Mukhang may lakad ka." puna nito. "Pupunta ako sa mundo ng mga tao." Bigla naman lumitaw sa tabi ko ang isang Imp na si Greer. (Imp isang mitolohikang nilalang na maiihalintulad sa fairy o goblin. Sila ay maliit, makulit at hindi kaakit-akit na nilalang.) "Sinabi mo bang mundo ng mga tao bossing?" hindi ko sinagot ang tanong nito ay nagpatuloy lang sa paglalakad. “Bossing kung pahihintulutan n'yo ako ay nais kong sumama sa inyo sa mundo ng mga tao." Nakakairita ang matinis na boses ng Imp na ito. "Mahal ko, ako ang isama mo at hindi ang pandak na ito." saad naman ni Zhola. "Bossing ako na lang ang isama mo." pagpupumilit ni Greer. "Wala akong isasama ni isa sa inyo." pinal na sabi ko sa dalawa bago buksan ang portal papunta sa mundo ng mga tao. *** Isang dekada na rin ang nakalipas simula nang umapak ako sa mundo ng mga mortal. Napakaraming nagbago pero hindi pa rin nawawala ang amoy ng kasakiman at kadiliman na dulot ng mga demonyong naghahangad na sakupin ang mundong ito. Habang binabaybay ang maingay na kalsada ay hindi ko mapigilang balikan ang mga alaala ko noong nabubuhay pa ako bilang isang tao. Isa lang ako noong simple at inosenteng sampung taong gulang na bata pero nagising na lamang ako sa katotohanan ng makita ang tunay na mundong kinagagalawan ko. Kinamumunghian ko ang mga masasamang tao na nakakayang pumatay ng mga walang kalaban-labang tao at isa na dun ang ama ko. Pinatay n'ya ang ina at kapatid ko sa mismong harapan ko. Gusto kong patayin s'ya kagaya ng ginawa n’ya sa pamilya ko pero wala akong lakas ng loob para gawin 'yon kaya naman nakipagkasundo ako kay Beelzebub. Isang kontrata ang napagkasunduan namin. Alam kong tuso ang mga demonyo at maaaring hindi n'ya tuparin ang kontrata pero pumusta ako kapalit ang kalayaan mula sa ama kong walang ginawa kundi pahirapan ako. Tinupad ni Beelzebub ang panghabang buhay na pagpapahirap sa ama ko sa impyerno ngunit kapag namatay ako ay ganoon din ang kahahantungan ko. Napagtanto ko na wala pala akong pinagkaiba sa ama ko. Kahit pa si Beelzebub mismo ang pumatay dito ay parang kagagawan ko na rin ang mga nangyari sa ama ko. Dumating ang araw ng kamatayan ko. Hindi ako nakaramdam nang takot sa maaaring sapitin ng kaluluwa ko sa impyerno pero habang papabagsak ako sa walang hanggang apoy ay bigla na lamang dumating si Beelzebub at ibinalik ang katawang lupa ko ngunit kapalit nun ay ang habang-buhay kong paglilingkod sa kanya. Isang kontrata na hindi ko matatakasan maliban na lang kung uobra ang himala sa makasalanang tulad ko. Nang mabili ang kailangan ko sa mundo ng mga tao ay nagpasya na akong bumalik pero bago ko pa man mabuksan ang portal papunta sa impyerno ay isang babae ang bigla na lang bumangga sa akin. Parang may kung anong mabigat na bagay ang bigla na lang dumagan sa dibdib ko ng maramdaman ang kakaibang presensya mula sa babae. Mabilis na lumitaw si Zhola sa harap ko at agad na nasalo ang papabagsak na mga pizza. "S-sorry!" saad ng babae. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Zhola. "Hindi ka ba masaya mahal ko? Nagpaalam naman ako kay Beelzebub." Kahit kelan talaga pasaway ang demoness na ito. "Tss." usal ko na lang. "A-a-a..." anas ng babaing kaharap ko. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi. Mabilis na kumunot ang noo ko ng mapansin ang takot na takot nitong ekspresyon habang nakatitig kay Zhola. "Anong problema ng taong 'to?" tanong ni Zhola. "Teagan!" Tawag ng taong...hindi isang familiar ang bigla na lang dumating at tumabi sa babae kaharap ko. "Ba’t 'di mo ako hi-" Napangisi na lang ako ng makita ang reaksyon ng familiar ng makita kami ni Zhola. "Late na tayo!" saka nito hinila ang kasamang babae. "Nakita mo ba ang nakita ko Leviathan? Isang Familiar." manghang saad ni Zhola. (Familiars, also known as fairies, are demons who work harmoniously with witches and do their bidding.) May kakaiba sa babaing 'yon. Nakita n'ya ang tunay na anyo ni Zhola. Hindi naman s'ya isang uri ng diyablo para makita ang tunay na anyo ng isang shapeshifter na demonyo. "Zhola, ikaw na ang bahala d'yan." sabay abot ko sa kanya ng pizza. "Umuwi ka na kung ayaw mong tustahin ni Beelzebub." "Pero gusto ko pang sumama sa’yo." pagmamatigas ni Zhola Isang masamang tingin ang ibinato ko sa kanya na dahilan para sumunod s’ya sa iniuutos ko. Mabilis s’yang naglaho na parang bula sa harap ko. TEAGAN "Class dismiss." anunsyo ng professor ko sa huling klase namin. Nang makaalis ito ay hindi ko mapigilang iunat ang mga braso ko. Natapos din sa wakas ang mga nakakabobong exam sa araw na 'to. Parang 50% nang braincells ko ang namaalam na naman dahil sa mga exam na pumatay sa kanila isa-isa. Kailangan ko na talagang mag-review sa susunod. Hindi ko na pweding pairalin ang katamaran ko. Nagpasya akong hintayin na lang si Elisha. Ayokong umuwi mag-isa at matanong ni tita Magda kung kamusta ang mga sagot ko sa exam. Nangalumbaba na ko sa mesa at nagpasyang umidlip na lang muna. Sa wakas! Kapayapaan! 'Hahahaha!' Naalimpungatan ako ng marinig ang tawa na iyon ng isang bata. Kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago libutin ng tingin ang classroom na kinalalagyan ko. Guni-guni ko lang ba 'yon? Walang ibang tao rito kundi ako lang. Nang silipin ko ang wrist watch ko ay mabilis akong napatayo ng makitang magaalas-nwebe na ng gabi. Sh*t! Siguradong nakauwi na si Elisha. Patay ako nito kay tita Magda dahil lagpas na ako sa curfew. Mabilis kong kinuha ang bag ko at akmang papalabas na ako ng silid nang bigla na lang sumara ang pintong kaharap ko. Isang hakbang na lang at muntik ng tumama ang pinto sa pagmumukha ko. Kasunod ng pagsara ng unang pinto ay bigla na lang din sumara ang pangalawa pang pinto. Jusko! Don't tell me minumulto ako! Pinilit kung buksan ang pinto pero hindi iyon kinaya ng powers ko. "Hahahahaha!" Isang kakila-kilabot na tawa na naman ng bata ang muli kong narinig. Dahil sa matinding pagpa-panic at takot na sumasakop sa buo kong sistema ay kinalampag ko ng malakas ang pinto habang pinihit ang doorknob. Nagbabakasakaling may makarinig sa akin. "M-May tao ba d’yan?!" sigaw ko. “Hahahahaha!" Langyang tawa yan! Ang creepy! "H-Hail Mary full of g-grace the lord is with you..." utal-utal na bulong ko. Unti-unti akong napalingon ng marinig ang ilang kaluskos sa likuran ko. Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko ng makita ang nagsisiliparang mga mesa at upuan papunta sa direksyon ko. Mabilis akong gumapang para iwasan ang unang atake sa akin. Hindi ako makapaniwala na ganito kaagresibo ang multong 'to. Tumayo ako at agad na iniwasan ang ilan pang upuan pero halos mamilipit ako sa sakit nang bilga akong matapilok. Napapikit na lang ako at hinintay ang pagtama sa akin ng mga upuan pero ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdamang kahit anong tumama sa katawan ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko ng wala na akong marinig na ingay. Bumungad sa harapan ko ang isang lalaki. Nakatalikod ito mula sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito. May nagyeyelong force field ang nakapalibot ngayon sa amin. Totoo ba 'tong nakikita ko? "Poltergeist. " sambit ng lalaki. Ano daw? (Poltergeist, a noisy, mischievous spirit or demon connected to a live human, usually a child that manifests by moving and influencing objects.) "Ano pang tinutunganga mo d’yan?!" inis n’yang tanong sa akin. Sorry naman. Na-amaze lang. Napansin kong nawala bigla ang force field matapos bumagsak lahat ng mga upuan at mesa sa sahig. Tapos na ba? Makakauwi na ba ko? "Hahahaha. Ate laro tayo!" Ayan na naman s’ya! Nasaan ba ang lintik na yan ng makutungan ko. "Ang bagal!" inis na sabi ng lalaki saka n’ya ako mabilis na binuhat. Parang pamilyar ang mukha ng lalaking 'to sa akin. Saan ko nga ba nakita ang pagmumukha nito? Naudlot ang pagiisip ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Teagan!" Si Elisha! Ibinaba naman kaagad ako nitong lalaki ng makarating kami sa may bandang blackboard. "Diba may suerpowers ka ? Ba’t ‘di mo na lang gawin 'yong ginawa mo kanina.. Teleportation ba 'yon?" saad ko sa lalaki. Bigla na lang s'ya nagpakita sa akin kanina kaya bakit 'di n'ya na lang ulit gawin para makaalis na kami sa haunted room na 'to. "Pinapalibutan ng masamang awra ang kwartong ito kaya hindi tayo makakalabas maliban na lang kung mahuhuli mo ang may gawa nito." seryosong pahayag nito habang may kung anong hinahanap sa classroom. "Pagkabilang ko nang tatlo nakatago na kayo..." Ano ba kasing problema ng multo na 'to? "Isa..." bilang nito. Gusto n’ya talagang makipaglaro sa akin? Bigla na lang lumutang ang bookshelf pati na rin ang ilang parte ng mga upuan na nasira. "Dalawa..." "Teagan buksan mo ang pinto!" sigaw ni Elisha mula sa labas ng room. Pupuntahan ko na sana ang pintong kinakalampag n’ya ng bigla na lang hilahin ng lalaki ang bewang ko dahilan para magdikit ang mga katawan namin. Namilog ang mga mata ko ng hawakan nito ang baba ko at… halikan ako. Y-'yong first kiss ko! Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay bigla na lang ako nakaramdam ng matinding antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD