TEAGAN
"abcnsjdwkrjwjfjsjfjejdn"hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi ni Elisha. Paggising na paggising ko kasi ay sermon na kaagad ang bumungad sa akin. Kasalanan ‘yon ng portie- prostet- ay ewan! Basta kasalanan ‘yon ng multo kagabi.
"Hoy! Nakikinig ka ba?!" bulyaw ni Elisha.
"He-he." Ang totoo ay wala akong naintindihan sa mga sinasabi n'ya. Hindi ko alam kong anong linguwahe ang ginagamit n’ya o sadyang sabog lang ako ngayon.
"Tama na yan, Elisha! Bumaba na kayo at kumain" sigaw ni tita Magda mula sa ibaba.
"Sumunod ka kaagad sa baba." seryosong utos ni Elisha.
"Yes madam!" saka ako sumaludo sa kanya na parang sundalo. Wala sa sariling napahawak ako sa labi nang maalala ang nangyari kagabi.
Goodbye first kiss! Walangya talaga! Napunta pa 'yong first kiss ko sa hindi ko kilalang lalaki.
Pagbaba ko ay agad na bumugad sa akin ang seryosong mga mukha nina tita Magda, Elisha at ate Emilia. Sanay na ako sa pagiging seryoso ni Ate Emilia pero nakakapanibago ngayon sina Elisha at tita Magda.
"Teytey, alam ko namang matalino, talented at maganda ka pero bakit pati multo ay interesado na sa’yo?" tanong ni tita.
"Pffft." pagpipigil ko ng tawa. Si tita Magda talaga, panira lagi ng mood. Sigurado na akong sa tatay namana ni Elisha at ate Emilia ang kasungitang taglay nila.
"Kambal na n'ya ang ‘kamalasan’. 'Wag ka nang magtaka pa!" At in-empathize pa talaga ni ate Emilia ang word na ‘kamalasan’.
***
"Ano bang ginagawa mo d'yan sa taas ng puno?" napapakamot ng ulong tanong ko kay Elisha. Nasa itaas kasi s’ya ngayon ng puno habang nagmamasid sa paligid ng school. Jusko! May sayad na ata 'tong pinsan ko. OA na kung makapagbantay.
"..." Hindi n'ya sinagot ang tanong ko bagkus ay pinanindigan n'ya talaga na walang nakakakita sa kanya kahit halos lahat na napapadaan na mga estudyante ay napapatingin sa ginagawa n'ya.
Pagpasok ko sa room ay nagkalat ang mga chismosa and guess what kung ano topic nila.
"Nabalitaan mo ba ang nangyari sa kabilang room?"
"Yah! Ang creepy! Sira lahat ng gamit."
"Hindi pa rin alam ng management kung ano talaga ang nagyari. Baka naman kasi minumulto na ang department natin. OH EM GEE!"
"O baka naman may terorista ng sumugod kagabi!"
Hindi ko mapigilang matawa sa mga naririnig ko. Ang OA lang nung terorista daw? Naku! Kung alam n'yo lang! Saktong pag-upo ko pa lang ay s'ya ring pagdating ng isang matandang lalaking hindi pamilyar sa amin ang mukha.
"Good Morning! I'm Jett Mapangahas. I'm your substitute teacher dahil si Madam Gambua ay pansamantalang naka-leave for 2 months." pahayag n’ya.
Sa unang tingin kay Sir Jett masasabi kong ang boring n'ya siguro magturo pero sabi nga nila 'Don't Judge the book by it's Cover'. Kasi naman paanong hindi ko mapupuna 'e ang tamlay ng boses n'ya. Ngayon pa lang ay inaantok na ako.
Habang nagtuturo ang substitute teacher namin ay napansin ko ang palagi n’yang pagtingin sa direksyon ko.
Guni-guni ko lang ba iyon?
Nang makaramdam ako ng antok ay itinayo ko ang librong gamit ko para ipangharang sa plano kong mangalumbaba sa mesa. Akmang matutulog na sana ako ng may bigla na lang humampas sa arm chair ko kaya naman dali-dali akong napaupo nang maayos at tiningnan kung sino ang may gawa 'nun. "Waaaahhhh!!" malakas na tili ko nang makita ang isang napakapangit na halimaw sa harap ko.
Isang matabang halimaw na may malaking bunganga at may mahabang dila ang ngayong nasa harap ko. Ang talim ng mga ngipin n’ya. Siguradong isang kagat lang nito ay wakwak ang balat ng mabibiktima nito.
Natumba ang kinauupuan ko dahil sa sobrang pagpa-panic. Tiningnan ko ang mga kaklase ko at halata sa mga mukha nila ang pagtataka sa ginagawa ko.
Hindi ba nila nakikita ang nakikita ko?
Kinalma ko ang sarili ko at kinusot-kusot ang mata ko. Panaginip lang ang lahat ng 'to! Nang muli kong buksan ang mga mata ko ay si Sir Jett na ang nasa harapan ko.
Patay!
Inayos ko ang sarili ko at itinayo ang upuan na natumba habang patuloy pa rin ang panginginig ng kamay ko.
"S-Sorry po Sir." kabadong saad ko.
"Go to my office!"
"N-Ngayon na po ba Sir?"
"Later!"
"Pagkatapos ng klase?" Tanong ko.
"Yes!"
"After lunch po ba?" Bago sana ako pumunta ay makakain muna ako. Kailangan ko ng lakas para handa ako sa sermon n'ya.
"After school hours!" sigaw n’ya.
Hindi kasi nililinaw 'e.
***
"Let's go Teytey! " bungad sa akin ni Elisha na nakaabang na pala sa labas ng room ko.
"Maghaharap pa kami ni Sir Jett." napabuntong hiningang saad ko.
"Ano na naman bang ginawa mo?"
Hindi ko s’ya sinagot at matamlay na binagtas ang corridor papunta sa office ni Sir Jett.
"Hintayin na lang kita rito sa labas. Bilisan mo at ayokong maabutan ng dilim sa daan." bilin ni Elisha.
Kumatok muna ako ng dalawang beses bago buksan ang office ni sir Jett. Nakasimangot ito habang nakaupo sa swivel chair n'ya at nakacrossed arms pa. Para s'yang si Patrick the starfish dahil sa malaking tiyan n’ya.
"Miss Diata..." walang ganang panimula ni Sir Jett.
"Yes Sir!"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa..masarap ka ba?" tanong n’ya habang nakangisi nang nakapangingilabot. Napalunok na lang ako at napaatras dahil sa sinabi n'ya na mukhang hindi joke.
"S-Sir. A-Anong ibig n-nyong sabihin?" kabadong tanong ko.
"Hahaha! Nabigla ba kita?"
Hindi ba halata? Nasa vibration mode na kaya ang katawan ko.
"Nagtataka lang ako kung anong lasa ng kalahating tao at kalahating diyablo. Sawa na rin kasi ako sa laman ng tao." pahayag n’ya habang nilalaro sa kamay n'ya ang isang pulang ballpen.
Kalahating tao? Kalahating diyablo?
"Ha-ha-ha." pilit na tawa ko. Ang corny ng joke. May saltik ata 'to sa utak si Sir Jett.
ELISHA
Sabi ko naman na ayokong maabutan ng dilim. Ang tagal lumabas ng bruhang 'yon. Linalamok na ang ganda ko rito. Aalis na sana ako para maglakad-lakad ng biglang bumukas ng pagkalakas-lakas ang pinto ng opisinang kinaroroonan ni Teytey. Kasabay 'nun ay ang mabilis na pagtakbo ni Teagan palabas. Hindi n’ya man lang ako napansin.
Nagulat ako sa sunod na lumabas mula sa office. Isang ghoul!
"Ahhhhhhh!" narinig kong sigaw ni Teagan.
(A Ghoul can shape shift from human to animal form, whatever it needs to be, especially a hyena. A Ghoul will lure the living somewhere secluded, kill, and eat them.)
Paanong nagkaroon ng Ghoul dito? Tumakbo na rin ako para sundan si Teagan. Nag-anyong uwak ako para mapabilis ang paghabol ko sa kanila.
Isa akong Familiar kaya naman kaya kong mag-shapeshifter sa kahit anong anyo na gusto ko. Wala sa background ng pagkadiyablo ko ang makipaglaban dahil isa lang akong tagasunod at tagapagbantay.
Nakita ko ang pagiibang anyo ng ghoul. Naging isang malaki at mabangis na itim na lobo ito. Jusko! Patay ako nito sa amo ko kapag may mangyari na namang masama kay Teagan!
TEAGAN
Nang lingunin kong muli ang halimaw na humahabol sa akin ay bigla na lang itong nag-anyong lobo. Ano bang ginawa kong kasalanan para atakihin ako ng kung anu-anong uri ng aswang?!
Nang makitang dead end na ang daang tinatahak ko ay lakas-loob kong hinarap ang malaking aso. Ramdam ko ang panginginig ng mga binti ko dahil sa takot at pagod. Mabilis kong kinuha ang katabi kong mop at pinangdepensa ang handle nito dahil sa mabilis na pagsakmal ng halimaw.
"Grrrrrrrrr." pag-ungol nito. Gusto kong masuka dahil sa malagkit na laway na tumutulo sa katawan ko.
Bago pa maputol ang handle ng mop ay sinipa ko paitaas ang aso. Nagmadali ulit akong tumakbo pabalik sa pasilyong dinaanan ko. Napapagod na ako! Kunting-kunti na lang ay bibigay na ang mga tuhod ko. Nang makita ang isang fire exit ay mabilis akong nagtatakbo pababa pero agad na tumalon sa harap ko ang aso at nag-ibang anyo na naman. Naging scary version na ito ngayon ni Shreck.
"Jusko lord." anas ko.
Totoo bang nangyayari ito ngayon sa akin? Baka naman binabangungot lang ako. Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang paatras pero nang maramdaman ang nagbabadyang pag-atake ng halimaw ay nagpasya na akong kumaripas ulit ng takbo pero napadaing ako sa sakit ng tumama ang ulo ko sa isang pader.
Pader? At kailan pa nagkapader sa gitna ng hagdan? Putragis naman oh!
Pag-angat ko ng tingin ay isang pamilyar na pigura ng lalaki ang nakita ko. S'ya 'yong gwapo lalaki na may lahing magician na nagnakaw ng first kiss ko!
"Tabi!" utos n’ya. Agad naman akong umalis sa harap n’ya at tumabi. Hinampas n’ya sa hangin ang kamay n’ya at doon may lumitaw na isang malaking kawit. S'ya ba ang modern version ni kamatayan?
Wala sa sariling napapalakpak ako dahil sa ginawa n'yang iyon pero agad rin akong napatigil nang tingnan n’ya ako nang masama.
Sungit!
Nagulat ako at nagsisigaw ng may kung anong humawak sa magkabila kong braso at inilipad ako papalayo. Pagtingin ko sa itaas ay isang manananggal ang kumuha sa akin. "Ahhhhhh!" sigaw ko habang nagpupumiglas.
"Itikom mo yang bibig mo kong ayaw mong magkabali-bali yang buto mo." banta ng manananggal kaya nanahimik na lang ako habang nangingilid ang mga luha ko.
Nang makarating kami sa soccer field ay doon n'ya lang ako ibinababa.
"I-Ikaw?" saad ko. Hindi pala gawa ng imahenasyon ko ang nakita ko ng araw na 'yon. May pagka-aswang pala talaga ang babaing 'to.
"Tss. Whatever." pagtataray n’ya bago s’ya nag-anyong tao.
Mabilis akong patakip ng bibig ng ma-realize na kasama ko pala kanina si Elisha. Sh*t! Nakalimutan ko ang pinsan ko!
"Ano na namang problema mo?!" taas kilay na tanong ni ateng aswang.
"S-Si Elisha. Huhuhu." naiiyak na sabi ko. Paano ko nagawang kalimutan ang pinsan ko?
"Teagan!"
Agad akong napalingon nang makita si Elisha na tumatakbo papunta sa direksyon ko.
"Wahhhhh! Akala ko linamon ka na ni Shreck. Huhuhu." umiiyak na ngawa ko sabay yakap nangg mahigpit dito.
"As if namang magpapakain ako sa mababang uring diyablo na 'yon." mayabang na saad nito. "Demoness." taas kilay na saad ng pinsan ko nang makita ang babaing kasama ko.
"Familiar. " mataray ding sambit ni ateng aswang saka pinag-cross ang mga braso n’ya sa dibdib.
Pinagitnaan ko agad silang dalawa nang maramdaman ang kuryente sa pagitan ng mga mata nila. "Teka lang! Miss, hindi mo ba tutulungan 'yong kasa-" hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Zhola!"
May lahing kabute talaga 'tong lalaki to. Kung saan-saan lumilitaw bigla.
"Leviathan ko!" malandi ang tono na saad ng babaing aswang saka pumulupot sa braso ng lalaki na parang ahas.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't pinauwi na kita." seryosong pahayag ng lalaki.
"Mahal ko, wala ka nang magagawa dahil mismong si Beelzebub na ang nagpadala sa akin dito." kumunot naman ang noo ng lalaking nagngangalang Leviathan dahil sa sinabi ng babae.
Iniwas ko kaagad ang tingin ko ng ibaling ng lalaki ang tingin n'ya sa akin.
"Umuwi na tayo Elisha. Baka may magpakita na namang aswang. Nakakapagod makipaghabulan sa kanila." paghila ko sa pinsan ko saka kumapit sa braso n’ya.
"Sige." natatawang saad ni Elisha. Bumaling naman si Elisha sa dalawa naming kasama. "Sumama na rin kayo."
"B-Bakit?" pabulong kong tanong kay Elisha.
"Hayaan mo na. 'Wag ng maraming tanong." seryosong sagot ni Elisha kaya wala na akong nagawa.