38 - Secret Mission

1546 Words

"Byeee!" paalam ko kay Fang at Fentris saka mabilis na tumakbo para puntahan ang bahay na matagal ko nang hindi nakikita. Ilang araw lang ako namalagi sa demon world pero buwan na ang lumipas dito sa mundo ng mga mortal. Nakita kong natapos na ang tindahang ipinagawa ni Aling Dona at ang bagong parlor sa tabi ng bahay. Makikita rin ang mga naka-display na mga parol sa bawat post, hudyat na papalapit na ang pasko. Kaagad kong itinulak ang pinto saka mabilis na pumasok sa loob. Nang ilibot ko ang tingin sa salas at kusina ay nakita kong normal naman iyon pero pagakyat ko ay doon ko na nakita ang wasak na kwarto ni Teagan. Nanghihinang napaupo na lang ako sa sahig ng makita ang malamig at duguang katawan ni Magda. Hindi ko mapigilang mapaiyak nang malakas dahil sa nakikita ko ngayon. Kumpir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD