"So what's your name?" tanong ni Claw kaya naman nahugot ko ang sarili ko mula sa malalim na pag-iisip dahil sa pangiistorbo n'ya. "Elisha." sagot ko. "Hmmm. Sayang ka Elisha. Okay ka sanang kausap pero hindi kita pweding paalisin ng buhay dito dahil sinabi ko na ang mga impormasyong kailangan mo." pahayag ng halimaw sa harap ko habang sinasakop ng dilim ang buong pasilyo na kinaroroonan ko. Para bang kinakain ng buo n'yang katawan ang buong lugar. Napaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likuran ko. Sino ba naman kasing tanga ang magkukwento sa kalaban n'ya ng plano ng boss n'ya? Si Claw lang naman. Ang bobo n'ya! "May tanong ka pa ba bago kita kainin?" tanong n'ya habang ilang pulgada na lang ang lapit nang matutulis n'yang ngipin sa mukha ko. Dahil sa takot

