bc

Will You Accept Me?

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
second chance
drama
ambitious
male lead
realistic earth
gay
like
intro-logo
Blurb

Gino a 28 year-old young man runs his mom's small café after she died due to illness. A young man named Haeron decided to work for him because he's interested in him for a long time. Then they finally get to know each other and became close but will Haeron have any hope that Gino will like him too?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: INTRODUCTION
"Gin" "Gin" "Gino!" "Tandaan mo, sa'kin ka lang" "Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakukuha muli" "Gin, I love you." Hindi ako makagalaw, tila ba mayroong taong nakayapos sa akin, pinipigilan ako nitong makalayo at lalo pang hinihigpitan ang pagkakayakap na parang wala na akong kawala. Natatakot ako, 'yon ang alam ko, pero bakit nakakaramdam ako ng lungkot sa loob ko at parang may mga luhang gustong puma-kawala at nagpupumilit na tuluyang tumulo mula sa aking mga mata? Masikip at mabigat sa aking dibdib, sino ka? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Bigla akong nagising dahil kay Churos na pumatong sa dibdib ko habang dini-dilaan ang mukha ko. Hindi ko namalayan na may mga luha na palang tumulo mula sa mga mata ko at ang iba ay natuyo na sa aking mga pisngi. Bumangon na ako at nakaramdam ako ng sakit sa aking katawan at parang pagod na pagod pa ako mula kahapon. Hindi kasi ako agad nakauwi dahil inayos ko pa ang mga cake at cupcakes na gagamitin ngayon. Umunat- unat na muna ako at saka bumaba na sa sala. Naalala kong Monday pala ngayon at maraming customers sa ganitong araw lalo na kapag umaga kaya dapat ay agahan ko ang pagbukas sa maliit na Café namin ni Mom. Naka-pangalan ang Café na ito sa apelyido ni Mom, na Reign's Café. Hindi namin gugustuhing gamitin ang apelyido ni Dad dahil matagal na siyang walang halaga sa amin simula nang lokohin niya si Mom at iwanan kami dahil may iba na siyang kinakasama. Hindi ko siya mapapatawad kahit mamatay man siya dahil kasalanan niya din kung bakit nawala si Mom. At ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol sa lalaking 'yon. Ako na lang ang mag-isang nagpapatakbo sa Café pagkatapos kong maka-graduate ng college sa kursong Baking and Pastry Arts. Bata pa lang kasi ako, gusto ko na magkaroon ng maliit na business kung saan ibebenta ko ang mga gawa kong cakes at cupcakes. Tuwing birthday ko kasi, si Mom mismo ang nagbe-bake ng cake ko at gustong-gusto ko ang mga cake niyang 'yon, hanggang sa hinangaan ko na siya at nagsimulang mag- aral sa pagbe-bake. Nakaka-miss ang mga araw na iyon, noong mga panahong nabubuhay pa si Mom at kasama ko siya sa Café. Namatay siya 2 years ago dahil sa lung cancer, 'di ko alam kung bakit di niya sinabi sa 'kin ang tungkol sa sakit niya. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko kung bakit siya nawala. Hanggang ngayon mahapdi pa rin ang sugat na nararamdaman ko sa puso ko nang mawala si Mom. Nag-shower na ko agad pagtapos kong ligpitin ang higaan, saka ay nagsuot na ako ng shorts at stripes na long sleeves. Pinakain ko na rin ng dog food si Churos, siya na lang din ang kasama ko sa buhay at masaya ako na nandiyan siya lagi sa tabi ko. Bawal kasi ang aso sa loob ng café at kawawa naman kung sa labas lang siya kaya iniiwan ko siya dito sa bahay, sinasama ko lang siya kapag maglalakad sa labas. Inayos ko na rin ang buhok ko at nagpabango na, paborito ko pala ang peach kaya 'yon lang lagi ang ginagamit ko. Pati nga shampoo ko peach scented din, favorite flavor ko din 'yon sa cake. Di ko alam basta gano'n lang talaga ako. Karamihan sa mga gamit ko ay may brand ng peach. Naalala ko noong highschool pa ko, akala ng lahat babae ako na maikli lang ang buhok. Ang katawan ko kasi ay parang sa babae, sabi nila malambot at makinis daw ang balat ko at maliit din ang mukha ko. Nahihiya din ako noon dahil madalas akong inaasar ng mga kalalakihan dahil sa mga gamit ko na halos lahat ay peach flavor, color, scented o kaya naman sa design, pambabae raw kasi ang mga iyon. Pero wala naman akong pake kung gusto nila akong tuksuhin, kahit papaano lumalaban din ako kapag talagang naa-agrabyado na nila ako pero hangga't maaari ay ayokong gumawa ng eksenang makakasira ng pangarap ko kaya hindi ko na lang sila pinapansin. Hindi ko namalayan na tatanghaliin na pala ako. Malapit lang naman sa bahay ang Café namin, pinagpasyahan namin ni Mom na sa malapit lang ipatayo iyon. Binilisan ko na ang lakad ko at baka maunahan pa ako ng mga customer ko doon. Nagulat ako dahil may nakatayo na isang lalaki sa tapat ng Café at nag-aantay. Nakakahiya kapag pinag-antay ko pa siya lalo. Hmm, isang lalaki at matangkad na mga hanggang balikat niya lang ata ako. Pinangarap ko din ang gan'yang height noon pero wala eh medyo kinapos, mas matangkad naman ako ng slight kumpara sa mga karaniwang height ng mga babae kaya ok na din naman. Nilapitan ko na siya at kinamusta baka kase mamaya ay magreklamo na. Pagkakita ko sa mukha niya... Gwapo siya at mukhang laging tahimik ang itsura, medyo may pagka-singkit ito at may manipis at may kaputlaan ang labi. May kakapalan din ang kilay nito at matangos ang ilong. Masasabi kong type ko siya. Pero teka, namumula ang mga tainga niya at lalo pang namumula, nahihiya ba siya? Sabagay cute din naman siya. " Uhm sorry pero kanina ka pa kasi nakatingin sa mukha ko, " sabi niya na may pagka-suplado. "Ay nako sorry, 'di ko din napansin ahaha," sabi ko nang pabiro. Ano ka ba naman kasi Gino, umayos ka nga! Sobrang nakakahiya 'yon kung tutuusin, inaya ko na lang siya sa loob para di na kami maging awkward pa. "Uhm kanina ka pa ba nag aantay sa labas? Pasensya na mukhang na late ako, ano pa lang order mo?" tinanong ko na siya agad baka kasi naiinip na. "Isang Americano at waffle bread with chocolate filling," cold niyang sabi. "Oh sige, pakiantay na lang," sabi ko naman at nagmadali na. "Excuse me, hindi talaga 'yon ang pinunta ko dito, meron akong gustong itanong," bigla niyang sabi at napahinto naman ako. "Ah ganon ba, sige ano yon?" tanong ko. "Gusto kong mag apply pansamantala dito, hiring ba ang café niyo?" bigla niyang tanong. "Walang problema kung magkano ang sasahurin basta makapagtrabaho lang ako dito," dagdag niya pa. Medyo nakakairita kung makapagsalita ang lalaking ito, minamaliit niya ba ako? Tch! "Anong name, age at reason mo kung bakit gusto mong mag apply dito?" tinanong ko na siya agad para wala ng gulo. "Haeron Mallionés, 27, I have particular reason and that's private kaya hindi ko pwedeng sabihin," sagot niya. Hindi na ako nakapagtimpi pa, para na akong sasabog sa inis. Gano'n ba talaga dapat magsalita? Eh siya na nga 'tong nakikiusap, baka akala niya gano'n lang ako magpaapi. Hindi ko na napigilang mainis talaga kaya naman tinarayan ko na. "Pag-iisipan ko pa, saka nandito na pala 'yong order mo. Enjoy!" sabi ko na medyo pasigaw. "Huh? What about my request?" naiirita niyang tanong. "Sinabi ko na, pag-iisipan ko pa, " napabuntong- hininga na lang ako no'ng sabihin ko 'yon. "But I need your answer now, hindi ba pwedeng sabihin mo na ngayon para di nako mag aantay?" pagpupumilit niya. "Excuse me? So ikaw pa naaabala? If you want my answer then NO, di ko kailangan ng katulong dito kung ikaw lang din naman ang taong 'yon!" pasigaw kong sabi. "What? Ah no, I mean sorry pero can you give me another chance? I will do everything so please think about it again," pagmamakaawa niya. Nakakainis! ano bang problema nitong lalaki na 'to at di man lang nirespeto 'yong desisyon ko? Saka kasalanan niya rin 'yon dahil siya 'tong bastos kung makapagsalita. Kung titingnan mo naman siya hindi naman siya mukhang nangangailangan. Kung tutuusin, nahihirapan na din ako dito mag-isa at saka hindi din mabenta ang kape dito dahil di naman ako ganoon kagaling magtimpla, hindi ko naman kasi 'yon pinag-aralan at si Mom ang magaling do'n. Kaya mabuti pang tanggapin ko na lang ang lalaki na 'to para di na ako mahirapan lalo. "Ok, tinatanggap na kita," sabi ko. "Huh? Really? That's great, thanks. Should I start today?" masaya niyang tanong. "Teka, kaya mo bang ikaw na sa paghahanda ng mga kape?" tanong ko. "Ok, I'm good at preparing coffee, I can do it," pagmamayabang niya. "Oh? Ok that's good, you can start now," saad ko. "Wait," bigla niyang sabi. Lumapit siya sa 'kin at bumulong sa tainga ko. "The coffee you made for me earlier doesn't taste good," pang aasar niya. "Heh? Oh ano naman? Kaya nga pumayag na ko na tanggapin ka para gawin mo 'yan ng tama, saka di naman kasi 'yan ang specialty ko noh. Tch," nauutal kong paliwanag. "I'm just kidding," pabiro niyang sabi at saka ngumisi. Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na sa kitchen area nang bigla ulit siyang nagsalita. "Uhm your name?" mahina niyang sabi. "Sorry?" tinanong ko ulit. "What's your name?" sabi niya na medyo nahihiya pa. "Gin, Gino Reign," sagot ko naman agad dahil nagmamadali na ako. Haeron's POV Kahit saan man ako magpunta, hindi ko malilimutan ang amoy ng perfume niya at hanggang ngayon alam ko parin ang amoy na 'yon. It felt comfortable for me back then, when he accidentally bumped on me. He smells nice and comforting, I felt like I want to treasure him and be mine. But I don't even get a chance to know his name and I also forgot what he looks like. Nakaramdam ako ng gutom sa kaiisip sa kaniya, so I decided to go to the small Café near this place. Ang alam ko banda dito sa lugar na 'to ang Café na 'yon at natatandaan ko na Reign's Café ang name kaso hindi ko lang matandaan kung saan. Maya-maya pa ay nakita ko na ito pero wala pang tao. Siguro sarado pa kase maaga pa naman. Sa pagkakatanda ko, around 6 am ito nagbubukas at dahil 10 minutes na lang before 6 ay nag-antay na lang ako sa tapat. Masarap kasi ang kape nila dito at sakto lang sa panlasa ko kaya naman gusto ko ulit pumasyal. Maya-maya pa ay may isang lalaking sumalubong sa akin, siya na ata ang owner. Whoa, He's so pretty and cute, he looks younger than me and wait that smell. I'm shocked and I freeze at that moment. I know this smell, it's him back then. I remember it clearly, I feel calm and more relaxed. I'm sure it's him, it's probably him. This time, I finally meet you and I'll make sure I will get to know you more. He's staring at me deeply and I can't stop myself to feel shy because he's so cute. "Uhm sorry pero kanina ka pa kasi nakatingin sa mukha ko," "Ay nako sorry, di ko din napansin ahaha," He suddenly felt shy and embarrassed, and his laugh is adorable. Sinadya kong maging cold sa kaniya para hindi niya mahalata na kanina pa ako nahihiya at para 'di din maging awkward. But I need to know his name and I want to be friends with him. "Pag-iisipan ko pa, saka nandito na pala 'yong order mo. Enjoy!" "Huh? What about my request?" "Sinabi ko na, pag-iisipan ko pa," "But I need your answer now, hindi ba pwedeng sabihin mo na ngayon para di nako mag aantay?" "Excuse me? So ikaw pa naaabala? If you want my answer then NO, 'di ko kailangan ng katulong dito kung ikaw lang din naman ang taong 'yon!" I sounded a bit rude but that's how it is, I managed to have a conversation with him and I'm glad that I am meeting him now. In the end, napapayag ko din siya na magtrabaho ako sa kaniya. I wonder what happened to this Café, I remember back then that it was lively and the coffee was delicious before. But that's not the point now, I asked him his name and he said it's Gino Reign, what a cute name. So that's why the name of the Café is Reign's Café because that's their surname. Now I know, so you're her son huh. I am happy because we are destined to see and get to know each other.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
424.6K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
182.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.8K
bc

NINONG II

read
652.4K
bc

NINONG

read
394.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook