Alyssa POV
One month later
"Alyssa," Tawag sa akin ni odie habang paparating sakay ng Speed boat nito.
Sinalubong ko siya, Mula ng umagang may nangyari sa amin ni odie sa taas ng bundok.
Naging maayos ang aming pagsasama, Pinili kong kalimutan ang lahat ng nakita ko at maging masaya nalang kami ng magkasama.
Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa sarili ko. Alam ko habang tumatagal lalong nahuhulog ang loob ko sa lalaking hindi ko alam, Kung totoo ang pinapakita sa akin.
"Wife, Look oh." Sabi nito sa akin at abot ng isang paper bag. .
"Ano to?" Tanong ko.
"Basta bukasan mo nalang," Masayang sabi nito sa akin.
Pagkabukas ko may isang maliit akong kahon na nakita sa loob nito.
Kinuha ko iyon at binuksan ito.
"A mini Wooden kalimba? wow! ang cuuuuttte! salamat Odie anong meron?" Masayang sabi ko sa kanya at lumapit ito sa akin.
"Happy first wedding month Wife!" Sabi nito sa akin.
"Augghhhh! talagang nag abala ka talaga ha?" Sabi ko sa kanya at hinawakan ang mukha nito.
Araw araw kong pinanggigigilan ang mukha nito hanggang sa magmuka itong kamatis sa pula.
"Awww." sigaw nito dahil sa sobrang sakit ng pagkakapisil ko dito.
"Wife, Bakit lagi ka nanggigigil sakin? Pwede ako naman mangigil sayo?" Pilyong sabi nito sa akin at sabay akap nito sa aking balakang.
"Nope! Di pwede hanggang sa mapapayag kitang kantahan ako." Sagot ko dito at pumunta na ako sa kusina upang magluto ng makakain namin.
"Wife, i have something to tell you," Sabi nito na nakasunod lamang sa akin hanggang sa kusina.
"Ano yon?" Maikling sagot ko habang nag hihiwa ng mga sangkap.
"Bukas babalik na tayo sa manila, And we live as husband and wife in a real world," Mahinang sabi nito.
"Talaga?" Masayang sabi ko sa kanya.
"Yup, Happy ka?" Sagot nito sa akin.
"Oo naman, Pero, Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi, Natatakot ako." Sagot nito sa akin at biglang napayuko habang nagsasalita.
Nilapitan ko siya sabay angat ko ng kanyang ulo paharap sa akin.
"Anong kinatatakutan mo?" tanong ko sa kanya.
"Natatakot ako baka, Isang araw iwan mo ako at sumama ka nalang sa iba," Sagot nito.
"Bakit ko naman gagawin yon? okay na ako sa kung anong meron ako kasama ka, Tanggap ko na din na kasal na ako." Pagkasabi ko noon ay mas lalo itong naging malungkot at para bang hindi ko malaman ang kanyang gustong sabihin sa akin.
Patagal ng patagal palambing siya ng palambing at pamoody ng pamoody.
" Wife, Doon muna ako sa kwarto ha? May kaylangan lang akong gawin,"Paalam nito sa akin.
Sa loob ng isang bwan na mag asawa, Pakiramdam ko taon na ang lumilipas dahil sa dami ng problemang dumaan sa aming dalawa.
Halos araw araw, Wala ring palya ang aming pag memake love, Lagi siyang pagod ngunit lagi siyang hindi pumapalya sa labing labing naming mag asawa.
Odie POV
"Babe! Ano ng balita sayo? Bakit hindi mo ako pinupuntahan dito sa bahay? Isang bwan na kayong magkasama! Hindi mo pa ba sasabihin ang totoo?" Sunod sunod na tanong ni Patricia sa cellphone,
Halos araw-araw niya akong tinatawag upang alamin ang mga ginagawa kong hakbang.
Sa totoo lang wala na akong masabi sa kanya, Dahil sa wala na akong balak pang iwan si Alyssa.
"Pwede ba pat! Wag mo ngang guluhin ang isip ko, Ako na bahala dito, Pupuntahan kita pag gusto ko," Sigaw ko sa kanya.
Ito ang kauna unahang nasigawan ko siya sa tawag niya.
Fiance ko si Patricia ng nasa UK pa ako nakatira. Nakilala ko ang parents niya ng magkaybigan palang kami, Hindi ko akalain na sa pagpunta ko sa bahay nila,
Yon na ang simula ng pagkakasakal ko sa babaeng akala ko kaybigan lang ang turing.
Tumanggi ako sa kagustuhan ng ama nito, Ngunit dahil sa magkakilala ang magulang naming dalawa.
Pumayag rin ang magulang ko sa kagustuhan nito na maikasal kaming dalawa.
Dahil sa negosyo nila, Hindi malabong tanggihan ng magulang ko ang alok ng mga ito.
"Why are you shouting! Babe! tayong dalawa ang magkakampi dito! i need you, Let's get marry. i can't wait for so long," Sabi nito sa akin.
Agad akong kinabahan, Kung kaya ay hindi ako nakasagot agad sa kanya.
"Babe?Ano sa tingin mo?" Tanong nito sa akin.
"H-ha?" Utal kong sabi sa tanong nito.
"Pat, We can't marry now," Sagot ko sa kanya.
"Why not? We all know that your marriage are fake," Sabi nito sa akin.
Mas lalo akong kinabahan sa kanyang nalalaman sa mga plano ko.
"Wait, Paano mo nalaman yan?" Sabi ko sa kanya.
"Babe, Si Alyssa maloloko mo, Ako hindi... Kaya nga bagay tayong dalawa diba?" Sarkastikong sabi nito sa akin.
"Mula umpisa alam ko, Ako pa ba?" muling sabi nito.
"Gusto mo ba tulungan kitang sabihin sa kanya? para naman mas masaktan sya." Sambit nito na natatawa pa sa kabilang linya.
"No, Just... Let me to do it." Tanging salitang nasabi ko sa kanya.
"Okay babe, I give you a time to finished that, Okay? But if that time comes at hindi mo parin kayang sabihin sa kanya ako na mismo ang gagawa ng paraan para magsabi sa kanya." Pagbababala nitong sabi sa akin at pinatay na ang tawag nito.
"Hindi, Hindi pwedeng malaman ni alyssa ang tungkol sa nakaraang plano ko sa kanya, Bakit ngayon pa! bakit hindi ko tinapos ang lahat sa amin bago ko gawin ang plano ko." Pagsisising sabi ko sa sarili ko.
Alyssa POV
Kinabukasan, Maaga kaming umalis ni odie dala ang lahat ng mga gamit naming dalawa.
Sabi sa akin ni odie, Dadalhin na niya ako sa manila kung saan naroon ang totong bahay naming dalawa.
Pagkarating namin sa daungan ng bangka sa batanggas.
May nakaabang na sasakyan sa amin, Saglit akong napahinto, Dahil sa namumukaan ko ang itim na sasakyang iyon.
Hindi ko lamang matandaan kung saan ko ba ito nakita, Basta ang alam ko nakita ko na ito ng madaming beses.
"Ahmmm, Love? Sayong sasakyan to?" Tanong ko sa kanya pagkasakay namin sa sasakyang iyon.
Hindi ito agad nakasagot sa akin, Kung kaya ay inulit kong muli ang tanong ko sa kanya.
"Nope, Kay Kevin ito hiniram ko lang sa kanya," Sagot nito sa akin habang seryosong nakatingin sa daan.
" Ahh," Tanging nasagot ko sa sinabi nito.
"Why? May... May problema ba?" Sabi nito sa akin.
"Wala naman, Familiar lang kasi sakin itong sasakyan na ito." Sagot ko sa kanya.
Bigla siyang naubo pagkasabi ko sa kanya, Inabutan ko siya ng tubig at hinimas ko ang likod niya upang guminhawa ang kanyang pag hinga.
"O-okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako, Dahilan upang mag init ang aking mukha, Agad kong inalis ang aking kamay ngunit.
Nang aalisin ko na iyon ay mabilis niyang kinuha muli ang aking kamay at nilagay iyon sa kanyang dibdib.
Mabilis na tumibok ang puso ko sa kanyang ginawa. Nakita kong napangiti iyon at napatingin sa akin.
"Wife, I heard that you called me"Love" Is it real? " Malambing nitong sabi sa akin.
Nanigas ako sa aking kinauupuan na para bang unti unting nagliliparan ang mga paro paro sa loob ng aking katawan.
Hindi ko maipaliwanag dahil sa, Sa simpleng salita nito sa akin ay talagang kinikilig na ako dito.
" H-ha? Si-sinabi k-ko ba yon?" Utal kong sagot sa kanya.
"Love? Sabagay maganda na ring pakinggan and we loved each other so i agreed to that love" Saby ngiti nito sa akin na para bang mababaliw na ako sa kanyang mga tingin sa akin.
Habang binabay bay namin ang kahabaan ng kalsada papuntang maynila.
Nakaramdam ako ng gutom kung kaya ay biglang kumulo ang akin tiyan.
"Okay, I know that, let's eat on the next stop," Sabi nito habang seryosong nakatingin sa kalsada.
"Shaks! nakakahiya! Ano ka ba alyssa, Hindi mo ba mapigilan yang tyan mo na wag mag ingay?" Usap ko sa aking sarili.
Habang nag hihintay papunta sa susunod naming hihintuan ay nakasandal lamang ako sa bintana habang nagnanakaw ng tingin sa aking katabi.
Hindi ko alam kung bakit noong panahong kakakilala ko palang sa kanya ay hindi ko agad na pansin ang napakagwapong mukha nito.
Mabait na mapagmahal at higit sa lahat malaki!
Oh wag masama ang isip, Bonus lang yun, Malaki ang katawan syempre.
"Mukhang Kanin nalang ang bibilhin ko," Biglang sagot ni odie sa akin.
"Ha-haa?" Gulat na sabi ko sa kanya.
"Bakit?" muling tanong ko sa kanya.
"Yung mga tingin mo kasi sakin, Parang gusto mo na akong ulamin," Birong sabi nito at nag init nanaman ang aking mukha sa kanyang sinabi.
Tumalikod ako sa kanya upang hindi niya makita ang pamumula ng aking mukha sa kanyang sinasabi.
Pagtalikod ko sa kanya ay hindi ito tumigil sa kakatawa dahil sa nahuli niya akong tumitingin sa kanya.
"Okay where here! Finally makakain mo na ako," Biro niya sa akin.
"Bastos!" Sagot ko sa kanya at sabay baba ko sa sasakyan.
Agad kong tinungo ang isang seafood restaurant, Agad namang sumunod sa akin si odie at pinagbuksan ako ng pintuan nito.