"Asawa ko anong gusto mo dito?" Tanong niya sa akin.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko na para bang gusto na nitong kumawala at mauna sa finish line.
Napatalikod ako dahil sa hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapangiti.
"Alyssa ano ka ba! Umayos ka nga, Nababaliw ka nanaman sa asawa mong hilaw!" Sambit ko sa aking sarili.
Ilang saglit pa at lumingon ulit ako sa kanya.
"Ahmm, Gusto ko ng Pakbet at sinigang" Sagot ko sa kanya habang nakangiti sa kanya.
Pagtapos kong sagutin ang tanong niya ay minabuti ko ng humanap ng mauupuan.
Dahil sa madaming tao ng araw na iyon, Pahirapan na makakuha ng mauupuan.
Ilang saglit pa ay may natapos ng kumain, Kung kaya ay inabangan ko ang pwestong iyon.
Nang makaupo na ay bigla akong napatingin sa kinaroroonan ni odie.
Nakita ko nalang na nagkukumpulan na ang mga babaeng kahera sa harap ng asawa ko.
Nakita kong napatingin sa akin si odie at agad ko iyong sinamaan ng tingin at kasabay ng pag ikot ko ng aking mga mata.
Ng mapansin kong papalapit na siya sa akin ay iniwas ko agad ang aking tingin.
"Sorry love, Pinainit ko pa kasi tong sinigang" Sabi nito habang inaabot sa akin ang pagkain.
"Okay lang, Nag eenjoy ka naman sa mga babae sa harap mo." Mataray kong sabi sa kanya, At nagsimula na akong kumain.
Habang kumakain ay nakita ko ang inorder nito.
"Dinuguan at puto lang kakainin mo?" takang tanong ko sa kanya.
"Yup, Why?" Sagot nito sa akin sabay balik ng tanong sa akin.
"Hindi pa tayo nag breakfast at lunch tapos ikaw yan lang kakainin mo?" Panenermon ko sa kanya.
"Okay lang, Namiss ko na kasi ito, Mas masarap parin ang luto ni nanay Emily." Sabi nito sa akin habang umiiling iling pa.
Bigla naman akong nalungkot dahil sa sinabi niyang iyon.
"Pag punta natin sa bahay, Ipag luluto kita ng ganyan, Unli pa." Sabi ko sa kanya at sabay kinindatan ito.
Nakita kong napangiti siya kung kaya ay napangiti na rin ako sa kanya.
"Heto, Tikman mo ito share na tayo." Sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang saya sa mga mata nito, Nagulat nalang ako dahil sa bigla siyang lumapit sa akin.
"Talaga? Subuan mo na din ako para full package, Aaaahhh" Sabi nito sabay nganga na halos makita ko na ang buong bunganga nito.
"Kapal mo ha! Subuan mo sarili mo, Oh!" Biro kong sabi sa kanya, Habang sa loob loob ko ay parang nagwawala na ang laman loob ko sa sobrang kilig sa binatang kaharap ko.
Nakita ko nalang siyang nalunglot bigla, Kung kaya ay pinagbigyan ko nalang ang kagustuhan nito.
Nang matapos kaming kumain ay bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan, Kung kaya ay nag paalam na muna ako sa kanya.
"Hintayin nalang kita dito asawa ko," Sabi nito sa akin.
Tumango ako at nagmadali ng pumasok sa banyo ng lugar na iyon.
Habang nasa loob ako ng cubicle sa bandang dulo, May narinig na lamang ako ng boses ng isang babae na may kausap sa cellphone nito.
Hindi ko naririnig ang sinasabi ng kausap niya kung kaya ay ang kanyang sinasabi lamang ang aking naririnig.
"Babe, How are you?" Sabi nito.
"Mabuti naman, Can we meet again later?" Malambing na sabi nito sa kausap niya.
"Asan ka ba ngayon?" Sabi ng babae.
"Talaga? Andito rin ako, Asan ka? puntahan kita after ko mag CR." masayang sabi nito.
"Teka! wag mo muna akong bababaan ng phone may itatanong pa ako," Sabi nito.
"Nasabi mo na ba ang totoo kay..." Putol na sabi nito.
"Okay sorry, I understand, Okay let me know nalang kung tuloy tayo mamaya okay? Kasi gusto ka din kausapin ni dad," mahinang sabi nito sa kabilang linya.
"Okay see you later, I love you babe." Malambing na sabi nito at mukhang tapos na silang mag usap.
"Letcheng babae yan! Bakit kasi nagloko pa noon! Edie sana hindi na siya kaylangan gantihan ng mahal ko!" Malakas at inis na sabi nito.
Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila pero parang bigla akong kinabahan.
Lalabas na sana ako ngunit bigla akong nahiya sa taong nasa labas, Na akala niya ay walang tao roon.
Kaya hinintay ko nalamang siyang makalabas bago ako sumunod na lumabas.
Nang makalabas na ako, Hinanap ko si odie, Ngunit hindi ko siya makita kahit saan.
Sinubukan kong tawagan siya ngunit hindi siya sumasagot sa tawag ko.
Naghintay nalang ako kung saan niya sinabing maghihintay siya sa akin.
"Nakakainis kasi yung babae na yun, Nainip na siguro si odie kakahintay sakin," bulong ko sa aking sarili.
"Love," Sigaw ni odie na naglalakad papalapit sa akin.
"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh, Naglakad-lakad lang, Hindi ko naman kasi alam na magtatagal ka sa loob," Sabi nito sa akin.
"Ehh kasi yung bab.." Hindi na nito pinatuloy pa ang aking sasabihin at hinawakan na niya ang kamay ko papunta sa sasakyan.
"Are you ready?" Masayang sabi nito sa akin.
Agad naman akong tumango bilang pagsang ayon sa tanong nito.
Habang binabay-bay namin ang kahabaan ng express way papuntang manila.
Hawak lamang ni odie ang aking kamay habang ako ay nag eenjoy lamang sa pag tingin ng magandang tanawin sa labas ng bintana.
Pagpasok namin sa isang private subdivision, Hindi maipagkakaila na mayayamang tao lamang ang nakatira rito.
Dahil sa mga naglalakihang istraktura ng bahay dito na animo ay isang mala palasyo ang laki.
Dagdag pa dito ay ang mga mahihigpit na mga bantay sa entrance gate ng subdivision.
Dere-deretso lang kami sa pagpasok, Sa hindi kalayuan mula sa main entrance ay biglang bumusina si odie sa labas ng isang malaking bahay.
Napatingin ako sa kanya, Dala ng pagtataka ay hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya.
"Don't stare at me like that, Inaakit mo nanaman ako eh," Sabi nito sa akin.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at tinuon ang tingin sa malaking gate sa harapan namin.
"Kapal," Sabi ko sa kanya.
Nagulat ako lalo ng biglang bumukas ang malaking gate ng dahan dahan.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kabuuan ng malaking mansyon na ito.
"Wahhhh," Manghang reaksyon ko dito.
Nakita kong napangiti si odie, Habang papasok sa loob ng gate ng bahay.
"Okay here we go, Misis De Chavez. " Seryosong sabi ni odie sa akin habang nakatingin sa akin.
Naunang bumaba ng sasakyan si odie at nakita kong umikot siya papunta sa dereksyon ko.
Binuksan niya ang puntuan ng sasakyan at inalalayan akong makababa dito.
" Welcome Home asawa ko, " Muling sabi niya sa akin at sabay halik nito sa aking noo.
"Ba-Bahay na-natin t-to?" Utal kong sabi sa kanya.
"Hindi makikitulog lang tayo, Baka kasi pagod ka na," Pabirong sabi nito sa akin.
"Naman eh, Nagsisimula ka nanaman eh." inis na sabi ko sa kanya.
"Syempre naman saatin to, Binuo ko itong bahay na ito para sa atin," Sagot nito sa akin.
"Odie? ikaw ba yan?" Sabi ng isang matandang babae papalapit sa kinaroroonan naming dalaw.
Agad nitong niyakap si odie na parang matagal silang hindi nagkikita.
Nang matapos nilang magyakapan ay kinuha ko ang kamay ng matandang babae at nagmano ako dito.
" Mano po lola, " Sabi ko dito.
"Ay nako iha, Napakagalang naman nito odie, Ay sino ba itong magandang babaeng ito?" Tanong nito kay odie na natatawa tawa sa ginawa ko dito.
"Am, manang siya si Alyssa, Asawa ko," Sabi nito sa matanda.
"Magbigay galang ka nga sa lola mo! Gumamit ka ng "Po" " Panunuway ko dito.
Napatingin ako ng masama sa kanya dahil sa pag hagalpak nito ng tawa na para bang may mali sa sinabi ko sa kanya.
"Nako Ma'am alyssa , Hindi niya po ako lola, Kasambahay niyo lang po ako dito." At napangiti siya sa akin ng pagkatamis sa akin.
"Awwww! Love naman ang bigat ng kamay mo!" Napahawak siya ng kanyang braso ng bigla ko siyang paluin dito upang matigil sa pagtawa.
"Ah basta matuto kang gimalang sa matanda, Lola mo man o hindi." Panenermon ko sa kanya.
"Yes, Asawa ko," Sabay hawak nito sa aking kamay upang halikan.
"Ahamm, Iho, Iha, Pasok na kayo sa loob para makapagpahinga, Mukhang malayo ang pinanggalingan ninyong dalawa, Ako ng bahala dito sa mga gamit nyo papaakyat ko nalang kay dondon," Sabi niya sa amin.
"Sige po manang, Maraming salamat po," Sabi ko sa kanya.
"Tara na alyssa, Akyat tayo sa taas at makapagpahinga," pag aaya sakin ni odie.
"Kwarto agad? Di bapwede mag ikot muna ako sa buong bahay?" Inis na sabi ko sa kanya.
"You may do that later or tomorrow, let's take a rest first," Paglalambing nito sa akin.
Pagpasok namin sa loob, Napanganga nalang ako sa ganda at laki ng loob ng bahay na ito.
May kombinsayon itong kulay grey at white na kulay, May malalaking sofa sa salas, Meron ding chandelier sa gitna ng sealing na parang mga diamonds sa sobrang kinang sa paningin.
At may tatlong pintuan dito sa baba na hindi ko alam kung para saan.
Pag akyat namin sa pangalawang palapag, May tatlong pintuan nanaman,
Pumasok kami sa isang pintuan na halatang kwarto iyon ni odie dahil sa desenyo nitong parang ginawa para sa isang lalake.
Pagpasok namin, Dahan dahan niya akong niyakap mula sa aking likuran.
"Salamat love," mahinang bulong nito sa akin.
"Ha? Salamat saan?" Tanong ko sa kanya.
"Salamat kasi, Pinagbigyan mo akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal," Malambing na sabi niya.
"Ako nga dapat magpasalamat sayo kasi, Tinulungan mo akong mapagamot si nanay, Tapos ngayon inuwi mo pa ako dito sa malaking bahay na ito," Sabi ko sa kanya.
"You deserves everything love, Your kindness, Your sacrifices for your family, Your being understandable for me, All of that tells you deserves everything," Seryosong sabi niya sa akin.
Hindi ko napansin na sa sobrang saya sa pakiramdam ng kanyang sinabi para sa akin, Unti-unting tumutulo ang aking luha.
"Are you crying?" Pag aalalang sabi nito, Lumipar siya sa harapan ko at pinagpantay ang mukha naming dalawa at sabay hawak sa mukha ko.
"Ahm sorry, Tears of joy lang, Kasi meron parin palang nakaka appreciate ng efforts ko, Salamat love," Sabi ko sa kanya sabay halik ko sa kanya.
"I love you so much love," Sabi nito sa akin.
"Ang sweet naman ng love ko, I love you too" sagot ko sa kanya.
"Talaga? Love mo na ako?" Masayang sabi niya sa akin.
"Yes?" sagot ko na para bang hindi sigurado sa aking sinasabi.
"Whohoo!" Sigaw niya at sabay akap sa akin.
"Pangako love, Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na mahalin mo din." Sabi niya at niyakap lamang ako ng napakahigpit.