De'Chavez 28

1213 Words
"Love?" Tawag nito sa akin. "Bakit?"sagot ko, Sabay lingon ko sa kanya habang hinihimas nito ang aking ulo na nakahiga sa hanyang malapad na braso. "Im going for business trip tomorrow," Mahinang sabi nito. "Gaano katagal ka mawawala?" "Two weeks?" Sabi nito ng hindi sigurado sa kanyang sagot. "Ahh two weeks lang naman pala eh," Pabiro kong sabi sa kanya. Kahit na sa loob loob ko matagal ang two weeks na hindi ko siya makikita. "Mamimiss mo ba ako?" Tanong nito. "Hindi bakit naman kita mamimiss." Matapang kong sabi sa kanya. Pagkasabi ko non ay lumungkot ang mukha nito na parang batang hindi pinagbigyan sa laruang gustong ipabili sa magulang. "Oh, Bakit nakasibangot ka diyan?" Tanong ko sa kanya ng walang ekspresyon na nakatingin sa kanya. "Hindi mo ako mamimiss eh, Samantalang ako iniisip ko palang na malalayo ka sakin kinakabahan na ako." Malungkot na sabi nito at nagbuntong hininga pa ito. "Sobrang lungkot naman nito! Ano ka ba syempre mamimiss kita! wala naman akong magagawa kundi suportahan ka." Masiglang sabi ko sa kanya upang mawala ang lungkot sa kanyang mukha. "Talaga? mamimiss mo ako?" Nakangiting sabi nito. "Para ka namang bata dyan, Bangon na tayo." Sabi ko sa kanya. Sabay ikot nito dahilan upang mapunta ako sa ilalim nito. "Hoy! ano ka ba! sayang ang oras mag bonding tayo habang hindi ka pa nakakaalis." pagpigil ko dito. "Mamimiss ko din ito, Isa pa tayo," Pilyong sabi ni odie sa akin sabay karga nito sa akin at dahan-dahan niya akong pinahiga sa malaking kama nito. Hapon na ng magising ako sa pagkakatulog matapos kami mag make love ni odie. Nagising ako ng wala nanaman si odie sa tabi ko, Agad akong bumangon at sinuot ang damit ni odie na nasa ibaba ng kama nito. Nang makalabas ako ng kwarto ay natanaw ko si odie sa labas ng bahay na may kausap na babae. Ipinagwalang bahala ko nalamang iyon at inisip na katrabaho niya lamang ito. "Haaaaa!" Sigaw ko ng biglang humatak sakin. Pagkalingon ko sa aking likuran ay nakita ko si Kevin na tawa ng tawa dahil sa naging reaksyon ko. "Hahaha! Ate alyssa magugulatin ka pala? Hahaha!" Malakas at malaking boses ng binata ang aking naririnig habang ito ay nagsasalita. "Ano ka ba naman Kevin, Bakit mo ba ako ginugulat dyan?" Sabi ko sa kanya sabay hawi ko sa aking mahabang buhok paharap, Upang matakpan ang aking hinaharap na halata sa suot kong damit ni odie. "E kasi naman napaka seryoso mong nakadungaw dyan sa bintana, Kaya hindi mo ako napansing umakyat dito." Sabi nito sa akin habang ipinapaypay ang kanyang kamay sa kanyang mukha. "Ahm... Kevin kilala mo ba yung babaeng kausap ng kuya mo sa garden?" Naiilang kong tanong dito, Dahil sa nahihiya ako baka pag isipan akong nagseselos nito sa kausap ng kuya nito. "Ikaw naman! Wala yan, Sekretarya nya lang yan, May nirereport lang sa kanya about sa business, Aalis din yan," Sabi nito sa akin. Namilog ang mga mata ko dahil sa malaking bosses kong narinig mula sa ibaba ng hagdanan habang papunta sa kinaroroonan namin. " Ehem! Ako ba ang pinag uusapan nyong dalawa dyan? " Sabi nito. "Yes Bro. Itong si ate alyssa kasi..." Agad kong tinakpan ang bibig nito kung kaya ay hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin sa kapatid nito. "Ahm..Love wala naman kaming pinag uusapan dito, Ito kasi si kevin bigla biglang sumusulpot kaya nagulat ako diba kevin?" Pagpapalusot ko dahil alam ko hindi ako titigilan ni odie hanggang hindi nito malaman ang totoo. Pinanlakihan ko ng mata si kevin upang sumang ayon siya sa aking pagpapalusot sa kapatid nito. " Ah oo kuya tama sya, " Sabi nito sa kapatid at ngumiti na lamang ito sa kuya niya. "Tara kain na tayo nagpahain ako ng makakain." Aya ni odie sa aming dalawa. "Grabe ka! nakakatakot yang mata mo kung makapandilat!" Bulong nito sa akin mula sa aking likuran, Habang pababa ng hagdan. Nang makaupo na sa lamesa, Hindi pa sana ako kakain dahil sa hindi pa ako nakakaramdam ng gutom, Ngunit ng makita ko ang pagkain ay nakaramdam ako ng gutom at bigla kong namiss ang nanay ko. "Kuya, Balita ko aalis ka ng bansa," Sabi ni kevin sa kanya habang abala sa kanyang kinakain. Napatingin sa kanya si odie na para bang gusto nitong hilain palabas ang kapatid. Napatingin naman sa akin si kevin na parang may gustong sabihin sakin patungkol sa pag alis ng kuya nito. Bigla akong kinabahan kung kaya ay napatingin ako pabalik sa kinauupuan ni odie. "Alyssa knows na aalis ako bukas." Sabi nito sa kapatid at pinagpatuloy ang kanyang kinakain. Habang ako nagtataka sa kung ano ba ang nangyayari sa dalawa. Para bang may dapat akong malaman na hindi masabi ni kevin sa akin. "Kuya," Tanging salitang binaggit ni kevin habang nakatitig sa kanyang kapatid. "May dapat ba akong malaman kevin?" hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil sa kaba sa titigan ng dalawang magkapatid. Bigla nanamang huminto si odie at lumabas ito ng bahay, Agad na sumunod ni kevin sa kapatid nito. "Odie! Kevin! Ano ba nangyayari." Sigaw ko ngunit hindi sila nagpapigil sa akin. Sumunod ako sa dalawang magkapatid ngunit hindi ko sila nahanap sa loob ng bahay namin ni odie. Bigla akong napaisip na pumunta sa likod ng bahay, Upang magtago sa kanilang dalawa, At upang doon ko ibuhos ang inis ko dahil sa hindi nila masagot na iniwan nilang katanungan sa isip ko. Ngunit imbis na magingay doon ay bigla akong natahimik ng mapaupo ako sa isang sulok ng likod ng bahay, Dahil sa may naririnig akong malaking boses at tila galit na nanggagaling sa ibabang parte ng aming bahay. Itinapat ko ang tenga ko sa pader na iyon kung saan ko narinig ang ingay, At hindi ako nagkamali, Silang dalawang magkapatid nga iyon. Ngunit kinakataka ko, Saan ang daan papunta doon sa kinaroroonan nilang dalawa. "Kuya! kaylangan malaman ni Alyssa ang pakay mo kung bakit ka pupunta sa ibang bansa!" Galit na sabi nito. "No!" sabi ni odie sa kanya. "Kuya..." Sabi nito. "If i said NO! NO!" galit na sigaw nito kay kevin. "Pag sinabi mo yan kay alyssa! kalimutan mo ng magkapatid tayo!" Sabi nito. "Bakit ba ayaw mong ipaalam sa kanya! Magulang nya yon!" Sabi ni kevin, Bigla akong kinabahan dahil sa narinig ko. "Sa magulang ko?" Takang sabi ko sa sarili ko. "Anong nangyari sa magulang ko? Bakit ayaw niyang sabihin sabin?" Takang tanong ko sa sarili ko habang nakikinig sa dalawang magkapatid. "Kevin please! Para nalang sakin. Wag mong sasabihin kay alyssa Mahal ko sya," pangungumbinsi ni odie sa kanyang kapatid. "Kuya naman! Wag kang maging makasarili dito." Pangungunsensya nito sa kapatid. "Pag nalaman niya ang totoo, Iiwan na niya ako ulit at wala na akong magiging dahilan para mahalin niya akong muli." Tanging nasabi ni odie sa kanya. "Bakit? bakit hindi ko na siya mamahalin pag nalaman ko ang totoo? Ano ang totoo? ano ang tungkol sa magulang ko?" Naguguluhang sabi ko sa sarili ko. Punong puno ng katanungan ang isip ko ng mga sandaling iyon. Kinakabahan at nasasaktan ako sa mga naririnig ko. Pakiramdam ko sa pagkakataong ito ay pinaglilihiman ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. " Odie please! Sabihin mo na!" Sabi ko sa sarili ko habang nakayuko at umiiyak sa tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD