"Alam ko nasaisip mo, Huwag ka ng mahiya, Tayong dalawa lang nandito," Sabi ni Oliver sa kanya, Sa takot nito na baka umatras ang dalaga dahil sa tanong nito, Kung kaya ay sinabi na lamang nito sa mabuting paraan.
"Okay sige, Alam ko na iniisip mo na baka mas lalo kang hindi matanggap dahil sa halagang gusto mo diba? Huwag kang mag alala maraming empleyadong katulad mong nangangailangan, Tutal maganda naman ang iyong performance sa dating kumpanyang iyong pinasukan, Malay mo mapagbigyan ka sa gusto mo, Kung hindi naman ay kalahati ng gusto mo, Kaya kung ako sayo sasabihin ko na para matapos na ang usapang ito. " Sambit ni oliver sa dalaga at inabot ang papel na naglalaman ng contract of employment, Ngunit may isang blanko dito na walang laman na sulat.
Nakita ni oliver ang pagtataka ni alyssa sa contract na ito, Kung kaya ay hindi na nito hinintay pang magtanong ang dalaga, Agad niya iyong sinabi kung para saan ba iyon.
"Dyang nga pala sa isang buong papel, Isulat mo dyan ang dahilan, At kung magkano ang amount na gusto mong matanggap sa iyong pagpasok rito." Paliwanag nito at agad namang naintindihan iyon ng dalaga.
"Kasi sir Oliver sobrang laki po kasi," nahihiyang sabi ni alyssa dito.
"Then isulat mo, I leave you here alone for a bit, Babalikan kita after 30 minutes, May ka meeting lang ako," Paalam nito sa dalaga na nahihirapang magdesisyon sa kanyang isusulat sa pirasong papel na ibinigay sa kanya.
"Bahala na! Alyssa kaya mo yan, Kaylangan mong kapalan ang pisngi mo para sa nanay mo, Okay?" lakas loob na sabi ni alyssa sa kanyang sarili, Nagponitale ito ng buhok upang marelax ang kanyang isipan.
Huminga ng napakalalim ni alyssa at sinimulan na nitong simulan ang kanyang isusulat.
Napakalamig sa opisinang iyon ngunit sobrang pawis nito.
Natapos ni alyssa ang lahat ng dapat niyang gawin, Ngunit trenta munitos na ang nakakalipas ngunit hindi parin nakakabalik sa oliver sa kanyang opisina.
"Nako! Nakalimutan na ata ni Sir. Oliver na andito pa ako," Sambit nito sa sarili at muling inilugay ang kanyang buhok kasabay ang paghawi nito paharap.
"Miss Reyes, Are you done?" tanong nito, habang papalapit sa table nito.
"Ah yes sir, Actually kanina pa nga kaso ang tagal nyo," Sarcastikong sagot nito, Ngunit imbis na mainis nito ang binata siya pa ang nainis sa isinagot nito sa kanya.
"Very Good Miss Reyes, Akala ko bukas ka pa matatapos, Muntik na akong makatulog, Sa kakahintay sa iyo," Seryosong sabi nito at tinignan ang kanyang isinulat.
Napataas ng kilay si oliver ng mabasa niya ang isinulat nitong halaga at dahilan ng dalaga, Kung kaya ay tinapat na siya ng binata.
"Okay, Sa totoo lang tatapatin na kita alyssa, Your reason is acceptable, But the amount that you need is too big, Ano ang kaya mong gawin para mabayaran ang limang milyong iyong makukuha?" deretsong tanong nito sa dalaga, Na ngayon ay naghihintay sa isasagot nito sa kanya.
"I can do all my best and shared all my knowledge for this company Even...." Putol na sabi ni alyssa at tila ba nagiisip kung itutuloy pa ba nito ang kanyang sasabihin dito, Habang si Oliver naman ay nakatingin lamang at naghihintay sa sasavihin nito.
"Even what? Go ahead tuloy mo," Atat na sagot ni oliver dito.
"Even i work without salary until i pay all of it," Pikit matang sabi nito sa binatang kaharap.
"Talaga? You mean pumapayag ka na kahit walang salary? Paano ka mabubuhay Miss Reyes if you didn't earn money on your daily basis," Sabi ni oliver kay alyssa at natatawa pa ito.
"Grabe, Matatakot ba ako sa taong ito oh maiinis, Pagtawanan daw ba naman ako? Batukan ko kaya to at ihagis sa punong duryan." Nakatitig lamang si Alyssa habang bumubulong sa kanyang sarili.
"Okay, Miss reyes, I think this is not the right company for you, But the good thing is, Your hired but not in this company, I referred you to the most highest company that i know, I'm sure that company needs yoy the most," sambit nito, Na may kasiguraduhang matatanggap ang dalaga.
"Talaga sir? tanggap na ako?" Masayang sabi ni alyssa sa binata.
"Well yes, At yang sinabi mo ay nakasulat dyan sa papel na pinirmahan mo, I may transfer you on this Company, Tell to the front desk that i send you to this company and you have direct final interview today with the CEO of the company, Nice meeting you Ms, Reyes, And see you again soon. " Pag uutos nito sa dalaga.
Nagtaka naman si Alyssa sa sinabi nitong "See you soon" Kung kaya ay napatingin muli ito sa binatang kausap niya.
"Sige sir, Maraming salamat, Sana magkita ulit tayo," Masayang paalam nito kay oliver.
Pagkasara nito ng pintuan, Ay kasabay ng pagkakahinga niya ng maluwag, Hindi na siya nag aksaya pa ng oras kung kaya ay nagpunta na siya sa kumpanyang pinapuntahan sa kanya upang maging isa na siyang ganap na empleyado.
Pagkarating niya sa kumpanyang iyon, Napansin niyang mas mahigpit rito kesa sa naunang kumpanyang kanyang pinuntahan.
Madaming tinanong sa kanya at lahat ng gamit nito ay tinignan bago makapasok.
Nang marating niya ang front desk ay hindi naman siya nahirapan dahil sa ipinakita nito ang transfer letter ni oliver sa kanya.
Pagkaabot nito ng mga documents na hinanap sa kanya ay may tinawagan muna ito, Narinig na lamang niya ang pagbigay galang nito sa taong kanyang kausap at binanggit ang kanyang buong pangalan.
Kasabay ng pag banggit nito, Ay napangiti na lamang ang babae sabay baba ng telepono.
"Okay na po Ms, Reyes, You may go now to the presidential office, Mr, De'Chavez is waiting for you there," muling sabi ng babae sa kanya at guinide siya papuntang elevator.
"Maraming salamat," Sabi ni alyssa dito pagkasakay niya sa elevator.
Tanging tango lamang ang kanyang nakita sa babae bilang paggalang dito.
Pagkarating niya sa floor na kanyang pupuntahan, Agad na bumungad sa kanya ang amoy rosas, Napansin din niya ang mga fish bowls na may lamang rose petals na nakalagay sa bawat pinto ng floor na iyon.
"Woooowww. The scent is so fresh, Grabe ang bango dito para akong nasa garden, Namiss ko tuloy ang lagi kong ginagawa," sabi nito sa kanyang sarili.
Bigla lamang siyang natigilan sa pag silip sa mga halamang narito ng bigla siyang tawagin ng isang magandang babaeng sa tingin nito ay ang secretary ng CEO ng kumpanya.
"Hindi kaya mas madaming gwapo dito kesa kanina? Mabait din kaya ang President dito? Hayy! Bahala na nga basta lakasan mo ang loob mo,, Hoooo." Sahinang sambit ni alyssa sa sarili at ibinuga ang hinigang kanina pang gustong kumawala sa kanyang dibdib.
"Ms, Reyes? Pinapapasok na po kayo ni Sir," Mahinang sabi nito ng may maaliwalas na tingin.
"Ahh thank you Miss," sabi ni alyssa dito sabay ayos niya ng kanyang sarili.
"This way po," Sabi nito. Pagkabukas nito ng pintuan, Rinig niya ang isang galit na bosses na nanggagaling sa opisinang iyon.
"Good luck Ms.Reyes," pag cheer up ng secretarya nito.
Agad namang kinabahan si Alyssa sa sinabi nito, Kung kaya ay nabingi siya sa sobrang ingay ng puso niya sa sobrang kaba.
Kumatok muna si Alyssa sa pintuan bago magpatuloy lumakad papunta sa mga ito.
" Okay you may Go! let's talk about that tomorrow, This is your last chance, If you failed again then i don't want te see your face ever again," Muling sabi ng lalaking nakatayo sa harapan ng lalaking sinesermonan nito.
Hindi makita ni alyssa ang lalaking iyon dahil sa katangkaran nito at dahil sa nakatalokod ito sa kinaroroonan niya.
Bago lumabas ang lalake ay nagpaalam na muna siya sa boss niya, Pagkatapos non ay tumapat ito sa kanyang harapan at ngumiti sa kanya na parang hindi pinagalitan ng kanyang boss.
Pagkalabas ng lalake ay mas lalo siyang kinabahan, Lalo na ngayon ay sila na lamang dalawa ang naiwan sa loob na iyon.
Sinubukang umatras ni alyssa dahil sa takot sa taong iyon, Ngunit nakakaisang hakbang pa lamang siya ng biglang nagsalita ang binata.
"Where are you going? i thought you need this job. Mr, Oliver send you here, Nakakahiya naman sa nag send sayo sakin kung aalisan mo nalang, Sayang naman ang pag please ng tao na payagan kang makapasok dito." Pagmamanipula ng binata sa dalaga.
Napapikit si Alyssa ng marinig ang mga sinabi nito. Kung kaya ay nilakasan na lamang niya ang kanyang loob at humarap muli sa binata.
Nakita nitong binabasa ng binata ang kanyang contrata, Nakita nitong pinirmahan agad iyon ng binata sa kanyang harapan.
"So, Nakalagay dito na handa kang gawin ang lahat ng ipag uutos ko kapalit ng hinihiling mong halaga, Kahit pa wala kang sagurin sa hanggang sa mabayaran mo ang lahat ng ito." Muling sabi ng binata habang sinasarado ang folder na inabot puro documento ng dalaga.
" Yes sir, That was i said to mr. Oliver, " Pagsang ayon nito sa sinabi ng binata.
" Then good, Pinirmahan ko na ang laman ng contract na ito, Kaya wala ng atrasan pa, May ginawa akong iba pang kasunduan dito at kaylangan mong pirmahan ito upang maibigay ko na ang halagang kaylangan mo ngayon din." Pagkasabi ng binata kay alyssa, Ay inabot nito kay alyssa ang pirasong papel na may kalakip na mga kondisyon.
Pagkaharap ng binata sa kanya ay nanlaki ang mga mata ni alyssa sa kanyang kaharap.
"O-o-Od-ie? Odie ikaw ba talaga yan? Wag mong sabihin na ikaw ang..." Sabi nito ng hindi makapaniwala sa binatang kaharap nito.
Yayakapin sana ni alyssa ang binata ng bigla itong humakbang papalayo.
"Miss. Alyssa sorry but i need you to read the contract bago ko ibigay sayo ang gusto mong makuha, Pag may gusto kang itanong sabihin mo lang sakin andito lang ako, You may sit on the couch, And take your time to read," Seryosong sabi nito at naupo na sa kanyang table.
Habang binabasa ni alyssa ang mga nakasulat ay lalong palabo ng palabo ang timpla ng awra ng dalaga sa kanyang nakikita.
"Teka! Ano to? Bakit ganito?" Malakas at Sunod sunod na tanong ni alyssa patungkol sa nakasulat dito.
"Bakit Miss alyssa, May problema ba?" Seryosong tanong ng binata ng hindi tumitingin sa dalaga.
"Ano to? Papakasalan kita kapalit ng hihiramin ko?" sagot nito ng may magkasalubong na kilay ng dalaga.
"Bakit anong problema doon? Malaking pera ang hinihingi mo bilang negosyante, Hindi ako papayag ng walang kapantay na kapalit ang halagang iyon," Sagot nito sa dalaga habang nakasandal sa swivel niyo at inaatras abante ito.
"Meron, Hindi ko naman hinihingi sayo to, Rights naman ito ng mga empleyado nyo diba, Limang milyon kapalit ng kalayaan ko? Odie ang pera nababayaran nababalik, Pag pinirmahan ko to taon ng buhay ko ang sasayangin mo, at yung mga panahong yon hinding hindi mo na mababalik pa sakin, " Sabi ni alyssa sa binatang parang wala ng pakiramdam sa lahat ng kanyang sinasabi.
"I don't care about the years na mawawala sayo, And i don't even care about you. I told you business is business, I never trust to anyone unless merong kapantay na kapalit," Malakas at mariing sabi ni odie sa dalagang kaharap nito.
"You don't care because its not you, Wala kang pakealam kung makakasakit ka ng tao basta lang may maipalit sa lahat ng bagay na hihiramin sayo dahil hindi naman ikaw ang mawawalan hindi ikaw ang masasayangan, Eat your pride odie, And i never agreed to this stupid contract mo."
Pagkasabi ni alyssa noon ay pinunasan niya ang kanyang luha, Gamit ang contratang hawak nito at ibinato sa harapan ng binata.
Patalikod na si Alyssa ng muling magsalita ang binata kung kaya ay napahinto siyang muli.
" Akala ko ba kaylangan ng nanay mo ang perang ito, Tapos ngayong hawak mo na, Ipagkakait mo sa nanay mo ang pagkakataong makakapagpahaba ng buhay niya? Your too selfish alyssa," Pangongonsensya ng binata sa naging desisyon ng dalaga.
"Handa kong gawin ang lahat, Para sa kanya, Pero alam ko mas ikasasama ng loob nila ang malamang ibinenta ko ang buhay ko sa taong hindi ko naman gusto." sagot nito at nag ayos na upang lumabas.
"Is this what you really want? fine, But if you change your mind the contact is always open for you," Pagkasabi ni odie ng salitang iyon ay narinig nito ang pagsarado ng pinto ng kanyang opisina.
Nagkagulo ang mga papeles sa loob ng office ni odie dahil sa hindi napapayag ang dalaga sa gusto nitong mangyari.
Habang si Alyssa ay tulala habang naglalakad sa malawak na kalsada.
Hindi nito alintana ang panganib na mangyayari sa kanya sa lalim ng kanyang iniisip.
"Bakit mo ako ginaganito odie, Nagbalik ka para bilhin ang buong pagkatao at kaligayahan ko, Bakit nagpalamon ka sa salaping nalikom mo at ginagamit mo ngayon sa pangsariling kagustuhan mo, Hindi mo na ba naaalala ang panahong walang wala tayo kasama ka, Lahat nagagawa natin ng magkasama, Lahat natatapos natin ng masaya, Bakit ngayong nalaman kong gusto kita ngayon mo pa ako pinaparusahan at nilalayo sa loob mo. Odie miss na kita, "
Sabi ni alyssa sa kanyang sarili habang iniisip ang nakaraang pinagsamahan nilang dalawa.
Umiiyak lamang si Alyssa habang nakaupo sa isang tabi, Wala itong pakialam kahit na siya ay pinagtitinginan ng mga taong dumadaan.
" Miss? Panyo gusto mo? " sabi ng isang pamilyar na baritonong boses sa kanyang harapan.
Ng tumingala ang dalaga ay hindi nito agad makilala ang binata dahil sa nasisilaw ito sa sinag ng araw na nakatapat sa kanya.
"Oh? ikaw nanaman?" tanong ng lalake sa dalaga.
"Sino ka ba? Salamat sa panyo." kinuha ni alyssa ang inabot na panyo ng binata at pinunasan ang luha nito at sabay sinighaan pa iyon.
Nang matapod nito umiyak ay isinaoli niya ang panyong ipinahiram sa kanya nito.
"Wag na itapon mo nalang," Sabi nito.
"Teka sayang naman kung itatapo, Hayaan mo lalabhan ko nalang tapos isasauli ko ulit sayo," mapaos paos na sabi ng dalaga sa kanya kasabay ang matatamis nitong ngiti.
Ng magpantay ang paningin nilang dalawa ay doon lamang namukhaan ng dalaga ang kaharap nito.
" Teka ikaw yung tumulong sakin kanina sa ODC ahh buti ka pa ang bait mo sakin, Yung dalawang kausap ko kanina, Yung isa baliw tawa ng tawa, Yung isa naman kala mo pinagsakluban ng langit at lupa sa sama ng ugali. "inis na Sambit ni alyssa rito.
"Hindi naman siguro, Nakita lang kita na nagmamakaawa kaya sinabay nalang kita, tutal naman doon din ang punta ko," sagot nito habang nakatingala sa langit.
"Nako! Mukhang uulan bukas, So pano mauna na ako, Wag ka ng umiyak dyan baka isipin nila nababaliw ka na damputin ka nalang bigla lumaki pa ang problema mo," Sabi nito at naglakad na papalayo.
"Sige thank you," Sabi ni alyssa, Ngunit naalala nitong alamin ang pangalan ng binata, Ng hanapin niya ito ay bigla na lamang siyang naglaho at hindi na niya mahanap kung saan ba ito papunta.
"Sayang, Pero sana lahat ng makikilala mo kagaya nya, Mas magiging masaya pa siguro ako masayahin na, Mabait at gwapo pa, Di tulad ng isa kanina kala mo anak ni satanas sa pagiging tuso sa negosyo!" Inayos na ni alyssa ang kanyang sarili upang makauwi at makapagpahinga.
Pagkarating niya sa condo ay may tumawag sa kanya mula sa hospital kung saan naroon ang kanyang ina.
Pagkasagot ni alyssa ng tawag ay hindi na nito nagawa pang makapag ayos ng kanyang sarili.
Dali - dali siyang tumakbo papuntang hospital upang mabilis na makarating dito.
"Please wag naman po ninyo kunin agad ang nanay ko, Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya." sabi nito ng paulit ulit habang siya ay tumatakbo.
Nakita naman siya ni odie na nagmamadali at hindi nito alam kung saan ito pupunta, Kung kaya ay sinundan niya ang dalaga dahil sa pag aalala nito na baka may mangyaring hindi maganda sa dalaga.