De'Chavez 16

1567 Words
"Saan ka ba pupunta ng ganitong oras, Magdidilim na" Sabi ni odie habang nakasunod sa dalaga. Narating ni alyssa ang hospital at nagpunta agad ito sa Emergency room kung saan nandoon ang kanyang ina. Pagkarating niya ay agad na nakita niya ang kuya nito at ang kanyang ama. "Alyssa mabuti at andito ka, Samahan mo si tatay rito ha, Huwag mo silang papabayaan, Mamayang gabi na ang flight ko papuntang canada, Doon ako nilipat at mas malaki ang kikitain ko doon, Kaya pag sinuwerte ako, Manghihiram ako ng pera sa mga katrabaho ko hanggang sa mabuo ko ang perang kaylangan ni nanay. " pagmamadaling sabi ni mike sa kapatid. Mas lalong naiyak si Alyssa dahil sa aalis na muli ang kanyang kapatid. " Kuya si nanay, Pa-pano si nanay pag nagising siya at hanapin ka nya sakin. " pautal na tanong ng dalaga sa kapatid nito. " Ikaw na muna ang bahala dito ha? Pakatatag ka, kahit anong mangyari tatandaan mo lagi na mahal na mahal ko kayong lahat, Pagkarating ko doon tatawag agad ako sa inyo maliwanag ba? " sabi nito at muling nagpaalam na sa mga ito. "Kuya mag iingat ka palagi ha?" Paalala nito sa kapatid. "Anak mag iingat ka, Gusto ko pagkagaling ng mama mo buo tayong apat maliwanag ba? huwag kang gagawa ng hindi maganda doon ha? lalo pat malayo tayo sa isat isa," Naiiyak na sabi ng isang ama sa kanyang anak. "Opo tay, Huwag po kayong mag alala sakin ang mahalaga, Mapagamot natin si nanay sa lalong madaling panahon," sabi ni mike sa ama nitong umiiyak sa mga nangyayari. Umalis na si mike dala ang kanyang mga gamit ay agad na nitong pina andar ang kanyang sasakyan. "Kuya maraming salamat po kasi kahit na, Naibenta ko na sa inyo itong sasakyan ko, Pumayag parin po kayong maihatid ako sa Airport," Pasasalamat nito sa pinagbentahan ng kanyang sasakyan, Upang maipang dagdag sa gastusin sa hospital ng kanyang ina. Ilang saglit pa ay lumabas ang doctor na nag asikaso sa kanyang ina. "Sir Reyes, Ginawa na po namin ang lahat but the patient is of now she is temporary okay, but... Sad to say... She is in Comatose condition." paputo-putol na sabi ng doctor dahil sa awa nito sa pamilya ni alyssa. "Doc, Paano po nangyari iyon? Malakas pa po si nanay kanina, Kausap lang po namin siya." hindi makapaniwala si Alyssa kung kaya ay hiningian niya ito ng explanation, Patungkol sa kalagayan ng kanyang ina. "Dahil sa hindi na kinaya ng kanyang katawan ang mga gamot para sa sakit niya, Bumigay na rin ang ilang parte ng kanyang organ," Paliwanag nito. "At dahil sa sobrang taas na ng mga gramo ng kanyang gamot, Hindi na gumagana sa kanya ang ilang mga gamot na ibinibigay naming pain reliever niya." Muling sabi nito. Hindi matapos ng doctor ang kanyang paliwanag dahil sa lakas na ng iyak ng mag amang kanyang kausap. "At dahil doon ay Inoperahan na namin ang ibang mga parte ng kanyang organ na may pusibilidad na mahawa." Pagdugtong muli nito. "Ngunit habang nag uundergo na kami sa operation ay doo na siya bumigay, Bumaba ang Blood pressure niya, Bumagsak din ang palse rate ni Mrs, Reyes, Kung kaya ay hindi na niya nakayanan ang isinagawa naming first attempt surgery sa sakit niya." paliwanag ng doctor sa kanila, Agad na napayakap si Alyssa sa kanyang ama upang umiyak sa kanyang nabalitaan. " At dahil doon, Hindi na namin matuloy ang operation, Dahil sa pangambang malagay pa sa piligro ang buhay ng iyong ina, " dagdag pa nito. " Alyssa, Kinakaylangan na nating maitransfer ang nanay mo, Kung mayroon lamang akong gaanoong kalaking halaga, Hindi ko na palalagpasin pa ito, Malaki ang utang na loob ko kay Hazel, Kaya hindi ko kayo mapabayaan kaya lahat talaga ng makakaya ko ginagawa ko para sa inyo." Paalalang muli ng doctor kina alyssa. "Maraming salamat doc, Hayaan nyo makakabawi rin kami sa kabutihan mo," Sagot ni alyssa dito. "Hindi na kaylangan, Ang mahalaga maging maayos si nanay Emily, Malaking karangalan na saakin na gumaling ang isa sa mg nagiging pasyente ko."Mahinahong sabi ng doctor at bilang pagpapagaan ng loob nito sa pamilya ni alyssa. "Doc, Pwede ba namin makita si nanay?" Tanong ni alyssa sa doctor habang umiiyak iyak ito. "yes po, but we need to follow the protocol about visiting the patients under Comatose okay? Punta lang kayo sa loob then meron namang mag gaguide sa inyo, So maiwan ko na muna kayo madami pang pasyenteng naghihintay sakin" pagkasabi iyon ng doctor ay agad nilang pinuntahan ang kanyang ina. "Maraming salamat po doc," Masayang sabi nito sa doctor. Napaluhod si Alyssa ng makita niya ang kalagayan ng kanyang ina sa isang masikip na kwartong pinaglagyan sa kanya. Mas lalong nanlambot ito ng makita niya ang tubong nakasaksak sa bunganga ng kanyang ina. Dagdag pa noon ay ang luhang pumatak mula sa mga mata ng kanyang ina, Tanda ng hirap at sakit na kanyang nadarama. "Nay hu-huwag po kayong ma-mag alala, Bu-bukas na bukas mapapagamot na po na-namin kayo. Ka-kahit kap-kapalit pa nito ang kaligayahan khoo, Basta lu-lumaban p-po kayo, Huwag nyo po ka-kaming iiwan nanay, Hi-hindi p-pa po kami ha-handhhaa, Lahat gagawin namin para sa inyo gumaling lang ho kayo," Putol putol na sabi ni alyssa dahil sa walang humpay nitong pagiyak. Pagkasabing iyon ni alyssa ay nagpaalam na siya sa kanyang ama, Na may pupuntahan lamang siya. Habang si odie naman ay naghihintay lamang sa labas ng kanyang sasakyan. Dala nito ang limang milyon para sa pagpapagamot sa nanay ng dalaga, Dahil sa humanga lalo ang binata sa paninindigan nito ay palalabasin na lamang niyang may nag donate nito para sa kanyang ina. Napatingin siya sa entrance ng hospital, Ng bigla nitong nakitang lumabas ang dalaga na may hinahanap sa bag nito habang ito ay umiiyak, Nakatingin lamang ito sa kanyang bag at patuloy na may hinahahanap sa mga papeles na ibinigay nito sa kanya. Nakuha ni alyssa ang papel na galing sa kumpanyang pinuntahan niya, Nakita niya roon ang numero ng kumpanya at agad niyang tinawagan ang nakasulat roon. Ng magring ito ay nag ayos siya ng kanyang sarili para sa kalalabasan ng kanyang magiging desisyon. "Hello? welcome to CDC company may i help you?" tanong ng sumagot sa tawag nito. Nagtataka naman si odie kung sino ang tinatawagan ng dalaga. "Ano na kayang nangyari kay nanay Emily, Bakit siya umiiyak, Ibigay ko na kaya ito tapos saka ko nalang sa kanya pabayaran pag magaling na si nanay Emily," Kausap nito sa kanyang sarili. Ngunit ng bababa na sana ito upang lapitan ang dalaga bigla namang tumunog ang cellphone nito. "Hello? Bakit napatawag ka?" tanong nito sa kanyang secretarya. "Sir. Ms Reyes is in line, Gusto nya daw po kayong makausap about sa contract?" sagot nito sa kanya, Ng marinig niya iyon ay napatingin siya bigla sa kinaroroonan ng dalaga. Naawa siya sa kalagayan ng dalaga. Habang kinakausap niya ang kanyang sekretarya ay nakikita niyang umiiyak si Alyssa habang paupo na ito sa sahig at nakayakap lamang sa isang plastic na upuan sa labas ng hospital. Pulang pula na ang mukha ng dalaga sa kakapunas nito sa mga luhang umaagos mula sa kanyang mga mata. "Sir? Ano pong sasabihin ko?" Tanong ng sekretarya nito. "Okay pass to me her call thank you," Mahinang sabi nito. "Right away sir, Your welcome," Magalang na sagot ng secretarya nito. "He-hello? Mr, O-od-die De'Cha-vheez?" Pautal utal na sabi ni alyssa sa pangalan ng binata. "Speak, What do you want?" seryosong tanong nito ng may pag aalala. "Pu-pum-mapayag na ako, Pwede na ba natin simulan ngayong gabi?" Pautal na sabi ni alyssa. Pagkatapos non ay narinig muli ni odie ang ilang pag hagulgol ng dalaga sa kabilang linya. "A-are you sure?" Paninigurado ni odie rito. "Sigurado na ako, Gagawin ko na ang lahat ng gusto mo kahit na mahirap, Gusto ko pang mabuhay ang nanay ko please," Buong loob na sabi ni alyssa dito. "Okay let's meet sa ibibigay kong address sayo ngayon, Mag taxi ka na ako na ang magbabayad," mahinahong sabi ni odie at ibinaba na nito ang tawag nito. "Ganyan mo talaga kamahal ang pamilya mo? Handa kang ibigay ang sarili mo sa kahit na sino para sa kanila?" Hangang sabi nito habang nakatitig sa dalaga na hindi parin tumatayo sa kanyang pagkakaupo. "Sayang nagkamali ako sa pagkakakilala ko sayo, Akala ko pa naman kanina handa kang isuko ang lahat huwag lang mawala ang sariling kaligayahan tapos ngayo isusuko mo rin pala ang laban, Akala ko hindi ka ganoong babae." Sambit nito sa sarili. "Sayang ang pagod ko na dalhin ito sayo ng kusang loob, But you gave me an opportunity to continue the plan that i wanted you to feel." sambit nito ng may hinanakit sa dalaga. "Alam ko walang makakaintindi sakin sa mga gagawin ko pero, Pag nangyari sa kanila ang naranasan ko sa mga ginawa mo na paasahin at biguin, Paghintayin at iba ang pipiliin? Baka hindi lang ito ang gawin nila, Maswerte ka alyssa at mahal parin kita, Dahil kung hindi, Hindi na ako gagawa ng paraan para mapangasawa ang isang tulad mo lang. " Sabi na nito, Sabay patakbo ng mabilis ng sasakyan nito. "See you soon, My slut and beautiful Future wife, Welcome to my Sweetly romantic Revenge," Pagkasabi nito kasabay ang mapanlokong ngisi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD