De'Chavez 17

2115 Words
Agad na sumakay ng taxi si Alyssa, Papunta siya sa address na ibinigay sa kanya ni odie. Hindi malaman ni alyssa kung saan niya ba narinig o napuntahan na ba niya ang lugar na ito, Hindi niya maalala ngunit sa kanyang pagkakaalam ay pamilyar sa kanya ang nasabing lugar. "Paradise De L'Amour? Alam ko talaga to di ko lang maalala kung kaylan ako nakapunta dito." mahinang sabi nito sa sarili, Habang inaalala nito kung saan niya nakita ang nakalagay na pangalan ng lugar. Ilang sandali pa at nakatulog si Alyssa sa pagod nito kakaiyak, At sa tagal narin ng binyahe nito makarating lamang sa lugar. "Miss? Andito na po tayo." Agad namang nagising si Alyssa ng gising ito ng driver. "Maraming salamat kuya ito na..." Muling hindi nanaman natapos ni alyssa ang kanyang sasabihin ng biglang binuksan ni odie ang pintuan ng taxi, Sabay abot nito ng bayad sa driver. "Sir, Wala po akong panukli dito." Pag aalala ng driver ng taxi. "So keep the change," Masungit na sabi ni odie sa driver na nag hatid kay alyssa. "Odie ano ka ba hindi ka dapat ganyan magsalita sa kanila," pangangaral nito sa binata. "Manong pasensya na po, Mang iingat po kayo pabalik," Mapagpakumbabang sabi ni alyssa dito,Nginitian naman siya ng driver at umalis na ito. "Lahat nalang ba ng lalakeng makakasalamuha mo, Lalambingin mo?" Masungit at madilim na mukha ang sinalubong sa kanya ng binata. "Ano ka ba odie, Hindi naman ako naglalambing ahh, Nagpapakumbaba lang ako, Hindi kasi pwedeng lahat ng tao eh mag aadjust dyan sa ugali mo," Muling sabi nito at hindi naman na nagsalita ang binata. Inabot ni odie ang dalawang pirasong papel, Ang isa ay ang kontrata at ang isa pa ay ang naglalaman ng sulat na nagsasaad na pumapayag ang dalaga sa mga nakapaloob sa contratang kanyang binasa. "Pirmahan mo na, Madami pa tayong dapat gawin." Sambit nito sa dalaga. "Bakit naging dalawa?" Tanong nito sa binata. "Para mas matibay, At siguradong hindi ka na makakatakas pa," Sabi nito habang napangisi sa kanyang sinabi. Pumirma na si Alyssa bilang pagsang ayon sa sinabi ni odie sa kanya, Kapalit ay ang perang pampagamot nito para sa kanyang ina. "Salamat, Huwag kang mag alala, Pagkatapos nating magpakasal, Ako na ang bahala sa pagpapagamot sa nanay mo, Sisiguraduhin kong makakasurvive siya sa sakit niya." Paninigurado ni odie sa kanilang napag usapan. Matapos ang kanilang pirmahan. Agad ng hinatak ni odie si Alyssa sa isang silid kung saan narito ang ilang mga desenyo ng damit pangkasal. Napanganga si Alyssa sa dami ng nakapalibot na dress pang kasal at sapatos na talagang mamahalin. "Odie, Ang dami naman nito, Lahat ba ito isusuot ko sa isang araw ng event?" Pagbibiro nito sa binata, Upang mawala kahit papaano ang kaba na kanina pa niya nadarama. "Hindi ko alam ang sukat ng katawan mo, At hindi ko alam kung ano ang gusto mo, Ikaw na ang bahalang mamili ng gusto mong sootin sa mga yan. Pagkatapos mo mag ayos bumaba ka na at sisimulan na ngayon ang kasal." Pagkasbi non ni odie ay namilog ang mga mata ni alyssa. Napasabunot na lamang siya sa kanyang sarili, Dahil sa inaakala nitong matatagalan pa bago sila magpakasal, Ang hindi nito naisip ay kayang magpakasal ng mabilisan ng taong katulad ni odie na bilyonaryo. Umiiyak habang nagbibihis si Alyssa ng damit pangkasal nito. Napili niyang suotin ay ang, Simpleng dress na puti na tube type at backless na nakapagpakita ng makinis na likuran ng dalaga, At may desenyong sinadyang nakalaglag ang sleeves nito hanggang sa may pagitan ng siko at balikat nito na may habang hindi lalagpas sa may paanan nito, Kaya naman ay kita rin ang simple ngunit magarbong stilettong puting sapatos nito na bumagay sa kanyang mapuputi at makinis na mga paa. Habang nakatingin ito sa isang vanity mirror na nasa kanyang harapan, Hindi nito maiwasang maluha dahil sa nangyayari sa kanya. "Ano ba to? Pangarap ko ang maikasal, Ngunit hindi sa ganitong paraan, Deserved ko naman siguro ang makatanggap ng proposal bago ikasal diba? Deserves ko naman na maikasal sa gusto kong lugar, At deserves ko naman siguro na maikasal ng ikasal ng nasatabi ang ko ang mga taong mahal ko, hindi yung ganito, This is force marriage. " Sabi nito sa kanyang sarili habang nakikita ang kanyang sarili sa harapan ng salamin. "Ano bang malaking naging kasalanan ko, Bakit abot langit ang parusang natatanggap ko," Sambit muli nito sa kanyang sarili. "Hindi ko manlang na enjoy ang pagkadalaga ko, Nag ka boyfriend nga ako, Pero saglit lang, Muntikan pa akong magahasa! Lintik na yan, Pag yun nakita ko ulit, Puputulan ko na siya ng kaligayahan," Kaninang malungkot ngayon napalitan ng galit, Sa kanyang nakaraan. Pinunasan niya ang kanyang luha, At nagpatuloy na siyang muli sa kanyang pag aayos. " Okay na yan, Push na ito ng matapos na, Ang magalaga gagaling na si nanay at hindi na kaylangan pang magpakahirap ni kuya sa ibang bansa." muling sabi nito sa kanyang sarili. Hindi na siya naglagay ng sobrang make up, Nag powder na lamang siya ng kanyang mukha at nag lipstick, Dahil sa iyon lamang talaga ang kaya nitong gawin. Kadalasan kasi pagnagkakaroon ng mga event, Tanging si Hazel ang nag lalagay ng make up nito. "Asaan na kaya yung bruha na yon, Hindi manlang ako kinausap bago siya magpaalam? Sasabunutan ko talaga yung babae na yon pagnakita ko sya.. Sobrang miss ko na sya.." Muling sabi ni alyssa habang inaayos naman nito ang kanyang buhok. "Mabuti nalang at tinuruan ako ni hazel mag ayos ng buhok noong college kami, Nagmukha naman akong tao sa ginawa ko kahit papaano," sabi nito ng matapos niya ang pag aayos. Ngayon ay handa na siyang bumaba at. magpakita sa kung sino man ang naghihintay sa kany sa kanyang pagbaba. Pagkababa nito, May ilang mga trabahador doon ang umalalay sa kanyang pagbaba. " Nako ma'am, Ang ganda ganda nyo po, Para po kayong isang diwata, Bagay na bagay po sa inyo ang dress na iyan," Pag puna ng isang staff sa kanya. "Salamat," Maikling sabi nito. "Tara po Ma'am kanina pa po kayo hinihintay ni sir," Sabi nito, At inalalayan na siya papunta sa garden ng isang malaking restaurant na ito. Pagkarating niya ay nakita niya agad ang maliwanag na paligid, At nag gagandahang mga bulaklak sa kanyang daraanan papalapit sa binatang kanina pa naghihintay sa kanyang pagdating. Nakita niya ang reaksyon ni odie habang siya ay naglalakad papalapit sa binata, Habang nakatingin siya sa binata ay biglang pumasok sa kanyang alaala ang pangalan ng lugar na iyon. "Tama! Nakapunta na nga ako dito, At ito ang lugar kung saan unang nakasama ko si odie, At dito niya unang sinabi sakin ang lahat ng sama ng loob niya," Sambit nito sa kanyang sarili ng biglang kumulo ang kanyang sikmura. Napatigil ito at biglang napahawak sa kanyang tiyan. Pupuntahan na sana siya ni odie ngunit, Sinabi niyang okay lang ito. Mas binilisaan pa niya ang kaniyang paglalakad upang mas mabilis makarating sa tabi ng binata. "Okay ka lang ba?" Tanong nito sa kanya. "Oo okay lang ako, Bigla ko kasi naalala ang lugar na ito, Nakaramdam ako ng gustom." Sabi nito, Nakita niyang napangiti si odie sa sinabi niyang iyon, Kung kaya ay napagaya na rin siya dito. Nagsimula ang kanilang kasal ng silang dalawa lamang ang narito, Bukod sa isang judge na nagkasal sa kanilang dalawa at sa tatlo nitong kapatid na sina Oliver, Kevin, At Lizel bilang maging witnesses sa naganap na kasalan ng dalawa. Nagkapirmahan na sila at nagsumpaan sa isat-isa, "Now i pronounce you, Husband and wife, You may kiss your bride," Pagkasabi ng judge na yon. Ay biglang nagkalansigan ang mga baso ng mga ito. Senyales na kaylangan nilang mag kiss bilang isang tunay na mag asawa. Ngunit dahil sa alam naman nilang pareho na iyon ay napagkasunduan lamang, Iginalang ni odie ang desisyon ng dalaga, Kung kaya ay, Hinalikan lamang siya nito sa pisngi nito. Matapos ang seremonyas ay, Nagpunta na ang mga ito sa reception na ginanap doon lang din sa lugar na iyon. Nagkatawanan, Nag inuman, Nagkantahan, At kung ano-ano pang kakulitan ang kanilang ginawa ng gabing iyon. "Bro, Now your finally lawfully wedded man, I wish to both of you na magtagal at magpakarami kayo ng ating lahi cheers!" Bati ni oliver para sa kanilang dalawa. Napansin ni alyssa ang binatang papunta sa harapan, Kung kaya ay hindi na nito pinalampas pa ang pagkakataon, Upang alamin ang pangalan ng binatang laging tumutulong sa kanya, Sa hindi inaasahang mga pagkakataon. "Oh? Siya nanaman?" sabi nito kay odie. "Bakit? Nagkakilala na ba kayo?" Tanong nito sa katabi nitong halatang lasing na, Dahil sa hindi sanay ang dalaga sa pag inom ng alak, Agad na nalasing ito kung kaya naman ay nagiging makulit na ito at hindi na alam ang kanyang ginagawa sa kanyang paligid. Pinipigilan naman siya ni odie upang hindi makagawa ng ikapapahiya nito sa harapan ng kanyang mga kapatid. "Hoy! Ikaw nga yorn? Oh? Yung panyo mo di ko pa ata nalalabhan, "Sigaw nito kay Kevin. "Teka? Nalabhan ko na ba?"Tanong nito kay odie na nakahawak lamang sa kanya. "Shhh.. Alyssa ano ka ba nakakahiya," Pagpigil ni odie kay alyssa. "No kuya it's okay, Tayong lima lang naman nandito, Kaya kahit anong gawin nyang asawa mo di naman makakalabas yan, at isa pa magkakapatid naman tayo dito" Sabi ni oliver at sinang ayunan naman ni ng dalawa pa nitong kapatid na halatang lasing narin ang mga ito. Binitawan ni odie si Alyssa kung kaya ay nakalapit iyon sa kapatid nitong si kevin. "Ano bhang pangalam moh? Kasi lagi mo ako natulungan perho di ka nagfapakilara shakin," Lasing na salitang sabi ni alyssa dito. "Ate Alyssa, Ako si Kevin, Okay na ho ba?" Sagot nito at pinaupo na ulit sa tabi ng kuya nito. "Ahahaha ikaw yhung Bhoss nah palang baliw? Natatawa lang lagi pag khaushap? hahaha Odie, Yang kapatid mo phala mashayahin lagi, Thaposh ikaw laging ghalet!" sabi nito at nagtawanan lang ang lahat. Samantalang si odie ay namumula sa kakasampal ni alyssa at hindi sa dami ng kanyang naiinom. "Naaalala ko na tong lugar na to, Tara sayaw tayo dali." Masayang sabi ni alyssa kay odie, Agad namang tinugunan iyon ni odie kung kaya ay nagpunta sila sa gitna kasabay ng pagkakaplay ng isang sweet dance na tugma sa dalawa. "Dito sa lugar nato nalaman ko na, Hindi tayo bagay para sa isa't-isa, Pero heto ako nasa harapan mo, Kasayaw mo at Bukas pag gising ko, Asawa mo," Mabagal na pagkakasabi ni alyssa sa kasayaw nito. Habang si odie na nakayakap lamang sa kanya, Habang nakikinig sa mga sinasabi ng asawa nito. "Nung panahong iniwasan mo ako, Yun yung panahon na nagkakagusto na ako sayo, Napilitan akong sagutin si jasper dahil sa pag aakala ko na.... Ipaglalaban mo ako..." Sabi nito at tumingala upang magtama ang paningin nilang dalawa. "Pero hindi...." Pagkatapos ni alyssa na sabihin ang mga salitang iyon, Kasabay ang pagpatak ng luha nito, Sa kanyang mga mata na para bang nais iparating nito kung gaano siya nasaktan. "Lumayo ka, Habang ako umaasang babalik ka, Lumipas ang mahabang taon, Wala ka," Muling yumuko si Alyssa at isinandal ang kanyang noo sa dibdib ni odie. Nagsisimula ng bumigay ni odie sa dalaga ngunit pinipigalan nito ang sarili, Dahil sa nagsisimula pa lamang siya mahuhulog na agad siya sa dalaga. "Nabuo na sa loob ko, Sa mahabang taong iyon. Gusto ko nalang sanang mahalin ang sarili ko, At kalimutan ka, Tapos ngayon nasa harapan kita, At para saktan ako ulit." Sabi nito sa kanya. Namilog ang mga mata ni odie dahil sa sinabi ng dalaga sa kanya, Hindi tuloy nito malaman kung lasing ba talaga ang kausap nito o nagpapanggap lamang upang alamin ang tunay napakay nito sa kanya. "Odie Sana hanggang ngayon, Mah..."Natigil ang dalawa sa pagsasayaw ng biglang bumagsak si Alyssa sa pagkaka yakap sa kanya ni odie. Agad na nagpatulong si odie sa mga kapatid nitong maihatid sila sa sasakyan nito upang makapunta na sa lugar ng kanilang pag hahoney moonan nilang dalawa. Kinaya ni odie na magmaneho ng silang dalawa lang ni alyssa. Dahil sa alam naman nito sa kanyang sarili kung kaya niya at sa hindi. "Ghad alyssa! Bakit ka ba nagpakalasing! Dahil ba nagpakasal ka sakin? Pagkatapos mo magsalita sakin tutulugan mo nalang ako ng walang bawi?" Kausap nito sa mahimbing na natutulog na si Alyssa. "Hindi ko alam, Kung dapat pa ba kitang mahalin, Ang tanging alam ko lang, Ikaw ang tipong babaeng dapat paasahin," Sabi nito sa dalagang tulog na tulog. Natahimik na lang si odie ng biglang tumulo ang luha ng dalaga habang nakapakit ang nag gagandahan nitong mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD