De'Chavez 18

1286 Words
"Alyssa, Gumising ka na dyan, Andito na tayo," Sabi ni odie sa dalaga, Nakita nitong umayos ito sa kanyang pagkakaupo at nagkusot ng kanyang mata ng parang bata. Napahinto si Alyssa ng sa kanyang harapan ay natatanaw niya ang mapayapang tubig ng dagat. "O-ood-ie?" Tawag nito sa binata. "Bakit?" Sagot nito at napatingin sa dalaga na nakatitig lamang sa kanyang harapan. "Asan tayo?" Sambit nito ng hindi parin lumilingon kay odie. "Andito tayo sa batangas," Sabi nito sa dalaga at ipinagpatuloy na muli ang pag buhat ng mga gamit nilang dalawa. "Batanggas? P-pa-Paanong? Kagabi lang nasa antipolo tayo diba? Bakit ngayon andito na tayo?" tanong nito ng hindi manlang muna nakakapag isip ng maayos. "Kasi marunong ako mag drive? Kaya andito na tayo ngayon?" Walang reaksyong sabi nito kay alyssa. Pagkasabi niya noon ay napatingin sa kanya ang dalaga dala ang kanyang pagtataka sa sinabi nito. "Alam ko marunong ka magdrive, Ang tinatanong ko bakit tayo nandito," Mataray na tanong nito sa binata. "Ayusin mo kasi ang tanong mo, Walang makakaintindi sayo kung ganyan ang tanong mo, Parang buhok mo..." Bitin na sabi ni odie kasabay ng pagtingin nito sa dalaga. "Magulo" Dugtong nito sa kanyang pagkakasabi. Napakamot nalamang ng ulo si Alyssa, Gayun pa man kahit na pinansin na ng binata ang magulong buhok nito, Hindi parin niyang nagawang ayusin dahil sa paghahanap niya ng kanyang cellphone. "Odie? Nakita mo ba yung cellphone ko?" Tanong nito kay odie. "Tinapon ko may problema ba?" Masungit na sabi nito sa dalaga habang nakatitig na ngayon sa kanya. "Bakit mo ginawa yon?" inis na sabi ni alyssa dito. Bakit? May mahalagang tao ka bang hinihintay na tatawag sayo!?" Masungit at malakas na sabi nito. "Wag ka sumigaw, Baka may makarinig sayo," Mariing sabi ni alyssa dito na halatang napaka iksi lamang ng pasensya ng binata. Agad namang huminahon si odie, Dahil sa maiiyak nanaman ang dalaga habang pinipigilan ito. "Okay, Mabuti pa pumasok ka na sa loob, Hindi yung puro ka tanong." Sabay turo nito sa malaking bahay sa kanilang harapan at bumaba na ito sa sasakyan ni odie. "ARaayy!" Pagpipigil na sigaw nito ng makababa dito. Dahil sa mataas ang kanyang binabaan, Napahawak si Alyssa sa sakit ng kanyang talampakan. At dahil sa inakala nitong buhangin ang kanyang bababaan ay nagtanggal pa ito ng kanyang sapatos upang hindi siya mahirapan sa kanyang paglalakad. Ng makababa ito ay natapakan niya ang matutulis na mga bato kasabay pa nito ang pagbigay nito ng kanyang bigat sa kanyang pagkakalapag rito. Naging dahilan iyon upang magkasugat sugat ang kanyang mga paa. "Odie wag na mabig.." Hindi na naituloy ni alyssa ang kanyang nais sabihin dahil sa mabilis na pagkakabuhat sa kanya ng binata, Pabalik sa upuan ng kanyang sasakyan. "Damn it Alyssa! Bakit hindi mo muna tinignan ang bababaan mo bago ka maghubad ng sapatos!" Bulyaw nito sa dalaga. "Sorry, Akala ko kasi buhangin ang bababaan ko kaya naghubad ako ng sapatos." Sabi ng dalaga sa kanya. "Ang O.A naman nitong mag react! Nako! Pasalamat ka gwapo ka kung hindi pinagulpi na kita sa mga tambay sa kanto!" Bulong nito sa sarili habang tinitignan ni odie ang mga paa nitong nagkasugat suagt. "Wag mo akong titigan dyan, Kunin mo yung first aid kit dyan sa harapan mo." Sabi ng binata sa kanya, Bigla namang namula si Alyssa dahil sa nahuli siyang nakatingin sa binata. "Ha? Paano mo naman nasabing nakatingin sayo, Ang kapal mo naman!" Depensa nito sa sarili. "I saw you on my peripheral vision, Kala ko ba matalino ka?" Masungit na sabi nito. Nakita nito ang pamumula ng mga pisngi ng dalaga sa sinabi niya. Biglang naghubad si odie ng kanyang sandong soot, At inilagay sa mga paa ng dalaga. Samantalang si Alyssa ay napatingin sa katawan ng binata na walang suot na saplot pang itaas. "Ano ba naman tong lalakeng to dito pa naghubad, Inferness ang ganda at ang laki ng katawan nya... May mga pandecoco pa! hmm sherap naman nya!" Sabi nito habang napapapikit pa sa kanyang nakikita. "Nagustuhan mo ba ang view? mukhang nag eenjoy ka na dyan ahhh." Biro ni odie sa kanya sabay titig nito sa dalaga. Pagkasabi non ni odie ay biglang nabaling ang paningin ng dalaga sa kabilang banda ng kinaroroonan nila. Pagkalingon nito ay nagkaroon na ng pagkakataon ang binata na maibuhos sa paa nito ang nais niyang ibuhos dito. "Shaks! Nakakahiyaaaaa! Awww, Awww, awww! whooo! whooo! Ano ka ba!" Sigaw ni alyssa habang iniihipan ang kanyang mga sugat Binuhusan ni odie ang paa nito ng madaming alcohol ng mawala ang attention ni alyssa sa sakit ng kanyang sugat. Nang matapos maibuhos iyon ni odie ay agad niyang ipinangpunas sa paa nito ang kanyaang damit. "Yeah, Its done! Tama nga sila! Ang katulad mong mahirap gamutin ang sugat, Distraction ang katapat!" Sabay ngiti nito sa dalaga. "Fa*k! Whooo! whoo! Arraaayyyy!" Walang humpay na pagihip nito sa mga paa nitong nabuhusan ng binata. Halos sumakit ang tiyan ni odie sa kakatawa sa sobrang pamumula ni alyssa sa ginawa nito sa kanya. Narinig ni alyssa ang kanyang sinabi kung kaya ay itinapat nito ang mukha niya malapir sa mukha ng dalaga. Palakad na papalayo si odie kay alyssa ng makita nitong, Tinitiis ang sakit habang nagsusuot ng kanyang sapatos. "s**t! i Forgot!" Sabi nito at agad na binalikan si Alyssa upang buhatin papasok sa nirentahan nitong rest house sa batanggas. "Haaaa!" Sigaw ni alyssa ng bigla siyang buhatin nito. "Ano ka ba! bigla bigla mo nalang akong binubuhat ng wala manlang pasabi!" Sabi nito sa binata Habang hawak ang isang pares ng sapatos nito. "Para mas intense," Sabi nito malapit sa tenga ni alyssa. "aaaahhaaahaha! Ano ba! nakakakiliti!" Sabi ng dalaga. Pagpasok nila sa loob ay inilapag siya ni odie sa may malambot at malaking kama na para sa lanilang dalawa. "Pansamantala dito muna tayo, Habang inaayos ko pa ang mga dapat gawin sa paglilipatan ko sayo sa maynila." Paliwanag nito sa dalaga. "Odie bakit parang wala tayong kasama dito?" tanong ng dalaga kay odie. "Nasa isang isla tayo na tayong dalawa lang at wala ng iba." Sagot nito kay alyssa habang sinusuotan ito ng tsinelas pambahay. "Magpahinga ka na, May pupuntahan tayo pagkagising mo," Sabi nito at tumalikod na palabas. "Odie!" Tawag nito. Napatigil naman ang binata sa kanyang paghakbang. "Saan ka pupunta?" Tanong muli nito. "Sa kabilang kwarto, Doon ako para makapagpahinga ka ng maayos." Sabi nito. "Wag mo akong iiwan mag isa dito ha?" Pagsusumamo ng dalaga sa kanya. "Wag ka mag alala sumigaw ka lang pag may masamang nagyari sayo tatakbo ako palapit sa tabi mo," Sabi nito ng nakangiti rito. "Teka Odie!" Sabi muli nito. "Ano ba talaga? Gusto mo ba tabi pa tayo? Inaantok na rin ako." Inis na sabi nito sa dalagang halos ayaw na siyang paalisin sa tabi nito. "Natatakot ako mag isa," Sabi nito sabay yuko. "Sige na babantayan kita, Magpahinga ka na," sabay sara nito ng pintuan. Naiwan siyang mag isa sa isang malaking kwarto ng bahay na iyon. Ngunit imbis na magpahinga na ito ay nagawa pa nitong buksan ang kanyang bintana at panoorin ang bukangliwayway ng araw. " Napaka ganda mo! Sana makita ka rin nila nanay, Kamusta na kaya sila," Sambit nito sa sarili habang patuloy na tinitignan ang pag angat ng araw sa gitna ng mapayapang karagatan. Kasabay noon ay ang walang humpay na pagagos ng luha sa kanyang mga mata. Habang si odie na nasa baba lamang ng bintana ng dalaga habang naririnig ang hinaing ng dalaga para sa kanyang pamilya. Habang pinapanood rin ng binata ang ganda ng pag angat ng araw pinapanood din nito ang pag patak ng mga luha sa makikinis na pisngi ng dalaga pababa sa mapupulang labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD