De'Chavez 19

2038 Words
Alyssa'POV Nagising ako ng magtatanghali na, Dahil sa pagod at sakit ng ulo na dulot ng alak na aking nainom kagabi sa aming biglaang kasal namin ni odie. Mag uumaga na ng magising ako mula sa aming byahe papunta dito sa lugar na pinagdalhan sakin ni odie. Agad akong naligo upang mapreskuhan ang aking katawan. Nagdahan dahan ako sa aking paglalakad ng maalala ko ang nangyari sa aking mga paa. Ng matapos akong maligo ay bigla ko nalang naalala na wala akong ibang dalang kahit anong gamit ng magpunta ako sa lugar na sinabi ni odie sa akin. Napasandal na lamang ako dahil sa hindi ko na alam ang aking gagawin. "Nagugutom na ako" Bulong ko sa aking sarili ng marinig ko ang pagkulo ng aking sikmura. Kung kaya ay nagisip ako ng paraan para makalabas at makapasok sa kwarto ni odie, Upang makakuha ng damit nito pansamantala habang hindi pa tuyo ang damit ko na kalalaba ko palang. Dahil sa mabilisan lamang ang lahat ng mga pangyayari ay hindi nito napag hanadaan ang mga susunod na hakbang ng binata. Dahil sa hindi planadong pagpapakasal at pagsama dito ay hindi rin ito nagkaroon ng pagkakataong makapagdala ng ilang mga personal na mga gamit tulad ng damit, at maging ang mga underwear na pang araw araw na susuotin nito. "Pano ba to!" Sambit nito sa sarili habang nag iisip ng dapat niyang gawin. Nagpunta ako ng dahan-dahan sa kwarto ni odie. Napansin kong walang tao sa buong bahay at wala rin siya sa kwarto niya. Kaya pumasok na ako ng mabilis, Pagpasok ko nakita ko ang walking closet nito na napakaraming gamit. "Madaya tong taong to ah! Siya handa tapos ako ito hirap sa paghanap sa pag iisip kung paano magbibihis!" Galit na nakatingin sa damitan ni odie. Kumuha ako ng isang damit ni odie na sa tingin ko ay presko sa balat, Nakita ko ang isang t-shirt na kulay powder blue. Nagmadali akong isoot iyon sa takot kong mahuli ako ni odie na nasa loob ako ng kwarto nito. "Okay na to! Hiram lang naman eh. tsaka kasalanan naman niya kung bakit ko to ginagawa! Ikaw ba naman pakasalan ka ng mabilisan tapos dalhin ka sa lugar na hindi mo alam!" Inis na sabi nito habang sinosoot ang t-shirt ni odie na nagmukhang dress para sa kanya. Pagkatapos kong magbihis nagmadali akong lumabas, Dahan-dahan kong isinara ang pintuan ng kwarto. Pero sa paglabas ko, Nakita ako ni odie. " Gising ka na pala?" Tanong nito sakin. Nagulat ako sa pagsalita ni odie saakin, Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. "Ahh.. Wala akong ginalaw sa mga ibang gamit mo ha,Kumuha lang ako ng damit mo, Magpapaalam sana ako sayo pero wala ka kaya pumasok na ako," Paliwanag ko sa kanya. "Halika dito tignan mo tong mga pinamili ko" Tawga nito sakin. Nakita kong parang wala lang sa kanya ang pagsoot ko ng damit nito kung kaya ay sumunod ako sa kanya sa kusina ng marinig kong pinapapunta niya ako roon. Napansin ko ang dala nitong mga naglalakihang mga isda na halatang mga sariwa pa. Dahil sa mga buhay pa ang iba dito. Nagulat si odie ng biglang pumalag palag ang isang isdang nasa isang baldeng dala nito. "Holy S**t!" Sabi nito sabay tago sa bandang likuran ko. "Buhay pa! Patayin mo dali.!" Utos nito sakin. "Edi patayin!" Ng akmang hahawak na ako ng kutsilyo ay bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko upang mapigilan ang binabalak ko. "Anong gagawin mo?" Tanong nito sakin. "Ano bang inutos mo?" Sagot ko at inalis ko ang kamay nitong nakahawak sakin. "No! i change my mind! Lets!.. let them go and free to swim in the ocean." Sabi nito sakin. Hindi ko napigilan ang matawa sa sinabing iyon ni odie sakin, Kung kaya ay napahawak ako sa aking tiyan dahil sa sobrang tawa ko sa lanyang reaksyon. "Bakit ka natatawa!" Sabi nito sakin. "Para ka kasing batang nagsasalita." Sabi ko sa kanya. Nagbago bigla ang timpla ng kanyang mukha at tumalikod na sakin papunta sa kwarto nito. "Okay fine! You may do what you want to do. But not in my sight," muling sabi nito na ikinatawa kong muli. Habang nililinisan ko ang mga pinamili nito, Biglang lumapit sakin si odie dala ang isang malaping paper bag. Inabot niya iyon sa akin kung kaya ay nagmadali akong hugasan ang aking mga kamay. "Did you killed them already?" Tanong nito sakin, Habang sinisilip silip ang mga iyon. "Oo naman ang dali lang naman nyan, Saglit lang ha nagluto na ako ng ulam natin," Sabi ko sa kanya at napatingin ito saakin. "Anong niluluto mo?" Sagot nito sakin. "Sinigang na bangus," sagot ko sa kanya. Dahil sa iyon ang madaming nauwi nito ay iyon ang una kong iniluto para aming tanghalian. Pagkasagot ko sa kanyang tanong ay nagulat ako ng bigla nitong pinulupot ang mga braso nito sa balakang ko. "Thank you for preparing our lunch asawa ko" Sabi nito sabay patong ng ulo nito sa kanyang balikat. "Ahhmm..Pasensya nga pala sa pagpasok ko sa kwarto mo ng walang paalam kanina," sabi ko sa kanya. "It's okay, Open ang mga damit ko para matakpan ang katawan mo." bulong nito sakin. Ramdam ko ang pamumula ng magkabilaang pisngi ko sa sandaling iyon, Dahil sa naririnig ko mula sa lalaking kasama ko sa mga oras na iyon. "Odie, Ahmm nakikiliti ako," Sabi ko sa kanya upang kumalas ito sa pagkakayakap nito sa akin. Nang maalis ni odie ang kanyang mga braso sa akin. Ramdam ko parin ang yakap nito saakin. Habang nagliligpit ako ng mga ginamit ko sa paglilinis ng isda at sa pagluluto nakikita kong nakatayo lamang si odie at sinusundan lamang ako ng mga tingin nito. "Ano ka ba! Bakit kanina mo pa ako sinusundan ng tingin. May problema ba.?" Tanong ko sa kanya. "Wala lang, Natutuwa lang ako kasi ngayon ko lang naranasan ang pagsilbihan ng asawa ko." Sabi nito. "Ano? Diba napagsilbihan na kita sa bahay namin? ano ngayon lang!" Sabi ko ng bigla kong naisip na kagabi lang pala kami naging mag asawa nito. "Ahmm, Sorry namali ako, Ibig kong sabihin kasi matagal na kitang nalutuan noong magkaibigan palang tayo," Sabi ko sa kanya at bumalik na ako sa pag lilinis ko sa kusinina. "Teka saan mo nga pala nabili itong mga sariwang isda?" pagiba ko sa pinag uusapan namin kanina. "Well.. Habang pauwi ako galing sa bayan para mamili ng makakain natin at masosoot mo...." Sabay tigil nito sa kanyang sinasabi ng makita nitong soot ko nga pala ang kanyang damit. Napapangiti ito ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Maybe you don't need clothes that i buy for you. Mas bagay sayo na soot mo ang damit ko," Sabi nito sabay tawa nito sa akin na kanina pa nagtataka sa mga tingin nito sa akin. "Ang sama mo, Akina yung mga damit, Magpapalit na ako," Sabi ko sa kanya, Ngunit hindi niya iyon binigay agad sakin. "Kain muna tayo please?" Pakiusap nito saakin. Inihain ko na sa lamesa ang aming pagkain at sabay naming pinagsaluhan ang mainit na aking niluto para sa kanya. "Tuloy mo yung kwento mo kanina," Sabi ko sa kanya. "So ayun nga, Habang papauwi ako dito. May mga bangkero akong nakita sa gitna ng dagat. Nakita ko yung mga nahuli nila, Dahil sa na curious ako sa kung paano nila ginagawa yon. Tinulungan ko sila, Tapos lahat ng nahuli namin binili ko nalang lahat sa kanila. kaya medyo natagalan akong makabalik dito, Pasensya na" Sabi nito sakin. "Talaga? huli mo lahat ito?" Takang tanong ko dito. "Yup? At ang mura lang nilang ibinigay lahat yan saakin." Pagmamayabang pa nitong sa akin. "Im done!" Sabi nito. Ang dami parin nitong kumain tulad ng unang araw ko siyang nakasabay kumain. "Saan kaya niya nilalagay ang mga nakakain niya, Hindi naman siya tumataba,* Sabi ko sa isip ko habang pinapanood lamang siya sa pag himay ng isada. "Akala ko ba tapos ka na? bakit naghihimay ka pa dyan?" Masungit kong tanong ko sa kanya at inihinto na nito ang kanyang ginagawa. "Wala lang Ang sarap kasi ng luto mo, Ang galing pwede ka na mag asawa." Sabi nito sakin. "Nambola ka pa!" sagot ko sa kanya. "Hindi kita binobola ha? Totoo lahat ng sinabi ko" Sabi nito saakin. "Paano ako mag aasawa! Asawa pa kita!" Biro kong sabi sa kanya. Ngunit hindi ko napansin na sa simpleng biro ko na iyon ay makakaapekto sa masaya dapat na maghapon naming dalawa. "Ayaw mo ba talaga sakin?" seryosong tanong nito sakin ng hindi tumitingin. "Ahmm,Odie hindi naman sa ganoon, Pero para sakin kasi, Ang isang kaybigan hanggang magkaibigan lang," Sabi kong muli sa kanya. Dahil sa ayaw kong paasahin ang sarili ko na seseryosohin talaga ako ng katulad ni odie na wala ka ng hahanapin pa. Aaminin ko nasaktan ako sa ginawa niya noon sakin, Ngunit sa aking mga sinabi ay mas lalong nasaktan ko rin ang sarili ko. Pagkatapos naming kumain, Ay inayos ko na ang lahat ng pinagkainan. Nang matapos ko ang lahat. Agad akong umakyat sa kwarto upang makapagpahinga. Bago pa man ako makapasok sa pintuan ay nakita ko ang malaking paper bag na binili ni odie na nasa tapat ng pintuan ko. Agad ko iyong kinuha at pumasok na sa loob. Pagbuhos ko ng laman ng paper bag sa kama ko, Nanlaki ang mga mata ko sa mga pinamili para sakin ni odie. Wala akong ibang makitang damit sa loob nito. Kundi puro two piece para sa pang swimming, At yung iba ay pang daring nighties na, Yung tipong maeenjoy lamang ng tunay na mag asawa at tunanay nanagmamahalan. "Eh kami, nagpakasal lang dahil sa pansarili lamang naming kagustuhan. Ako para mapagamot si nanay, At si odie para masabi niyang panalo siya sa pustahan," Sabi ko habang pinag papares pares ko ang mga iyon. Meron namang mga dress na dala si odie para sakin, Ngunit ang mga ito ay see-through na hindi kayang takpan ang aking hubad na katawan. "Ano tong mga to? Damit ba to? naiinis na ako ha! Gusto nya bang nakahubad lang ako sa harapan niya? ito ba talaga ang gusto niyang ipasoot sakin?" Galit na sabi nito. Agad kong tinungo ang kwarto kung saan naroon si odie, Upang comprontahin ito sa kanyang mga pinamiling damit para sa kanya. "Odie!" Sigaw ko na halos marinig na sa buong islang iyon. Pagbukas ko ng pintuan niya ay nakita kong nakatapis lamang ito ng twalya at parang kakatapos lamang maligo. "Yes my wife?" pilyong sagot nito sa sakin na parang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko habang kumakain. "Wag mo akong matawag tawag na wife! Ano tong binili mo! Bakit puro pang swimming at walang damit na matino!" sagaw muli nito, Napangiwi si odie sa sobrang lakas ng sigaw nito kung kaya ay napahawak ito sa kanyang tenga. "Bakit? hindi mo ba nagustuhan? Tama lang yan tutal nasa dagat naman tayo diba? Kesa naman wala kang suot kahit ano inisip lang kita" biro nito kay alyssa na kanina pa nagagalit sa kanyang mga sinasabi. "Bastos!" Sigaw nito at bumalik na ako sa sarili kong kwarto. Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito si odie na nakabihis at humahalimuyak ang bango na nangagaling sa kanya. "Odie! ano ginagawa mo dito! Hindi ka ba marunong kumatok?" Masungit kong tanong sa kanya na may pagtataka sa biglang pagpasok nito. "Nagugutom na ako matagal ka pa ba?" Galit na sabi nito sakin. "Nagugutom? Tulog ka ba habang kumakain kanina? Kakakain lang natin diba? Naligo ka lang nagutom ka nanaman?" Sunod sunod kong tanong sa kanya na nakatingin lamang sakin. Hinawakan nito ang isang hita ko, Habang nakatingin sa mga mata ko. "Okay sige na magluluto na ako lumabas ka na doon at maghintay. Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya upang lumabas na. Ngunit imbis na lumabas, Mas lalo pa itong umusog papalapit sa harapan ko. "I want you now Alyssa," Mahinang sabi nito habang nakatingin sa dalaga. "I want to claim this moment with you Misis Alyssa Marie De'Chavez," Sabi nito habang magkadikit ang noo namin sa isat-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD