Chapter 7
Magnus’Pov
‘’Kailangan ko pa lang pumunta ng pharmacy ngayon may bibilhin pala ako.’’ Sambit ko habang kumakain ng egg sandwich.
Pagkatapos kong kumain kumuha muna ako ng walis at dustpan para magwalis ako saglit sa loob ng kwarto ko. Pumasok na ako sa kwarto ko bitbit na ang walis sinimulan ko ng pulutin mga damit ko na nasa sahig at nilagay ko sa laundry basket para doon ilagay mga labahan ko.
Sinimulan ko ng magwalis sa loob ng kwarto ko. Grabe ang kapal ng alikabok sa sahig dahil hindi ko na linisan.
‘’Sa busy ko hindi na ako nakaka paglinis ng kwarto. Kung hindi pupunta si Laine hindi ako maglinis talaga.’’ Sambit ko habang nagwawalis sa loob kwarto.
“Nalinisan ko konti ang kwarto ko kahit papaano na walisan ko na din. Anong oras na ba kailangan ko ng maligo saka dadaan pa ako ng pharmacy pagkatapos kong maligo.” Sambit ko habang hawak pa rin ang walis tambo.
Isinauli ko na ito sa lalagyan saka bumalik ng kwarto para kumuha ng tuwalya na gagamitin para maligo.
Pumasok na ako sa banyo para maligo na din ako. Pagkatapos kong maligo agad akong lumabas sa banyo at pumasok sa kwarto para maghanap ng isusuot.
Kumuha ako ng t-shirt na black at maong na dark blue para masuot ko na.
Nang natapos na akong magbihis inayos ko muna porma ko yung saktong porma lang sa ka mag sapatos ng Adidas na white. Kinuha ko ang aking pabango at nag spray na ako sa aking damit. Nang natapos na ako kinuha ko na ang susi saka lumabas na ako ng bahay at sumakay agad sa kotse.Pina adar ko muna ang sasakyan saka umalis agad na.
Binaybay ko na ang daan saktong may madadaanan pa akong pharmacy sa kanan kaya doon na lang ako bibili.
Ilang saglit dahan-dahan na akong lumiko para maka park sa harapan ng Pharmacy.
Bumaba ako agad sa kotse saka pumasok sa loob.
Pumunta ako agad sa counter sa doon ako nag tanong sa sales lady sa harapan.
“Miss.” Sambit ko sa babae.
“Yes sir, good evening ano po yun?” Tanong niya sa akin.
“Ah pwedeng magtanong diba may mga condom kayong binebenta dito?” Tanong ko sa babae naka pangalan sa name plate niya ay Yanna.
“ Yes sir Meron.” Sagot naman ni Yanna.
“ Ano po ang laging binibili ng mga customer ninyo dito miss Yanna?” Tanong ko sa kanya.
“ Trust at Durex po sir.” Sagot naman ni Yanna.
“Anong mas maganda doon sa dalawa na brand?” Tanong ko sa kanya.
“Sorry sir hindi kita masasagot na yan po.” Sagot ni Yanna.
“May mga sizes ba yan miss para matignan ko sana.”Wika ko sa kanya
“ Sir bibili po ba kayo andami kaya nakapila sa likod ninyo. Puro lang kasi kayo tanong sa akin. Magsabi kayo kung bibili kayo o hindi marami pa kasing nakapila.” Masungit na sagot ni Yanna na parang napipikon na din.
“ Ang sungit mo naman miss nagtatanong lang ako dahil ngayon ko lang I try gamitin miss. Tapos tatarayan mo ako customer kaya ako dito dapat sumagot ka ng maayos.” Mataas na boses ko
“Sir malaswa na kasi mga tanong mo. Glow in the dark na lang kaya piliin mo para kitang yang alaga mo sa dilim bastos ka kasi eh sir.” Masungit na sagot ni Yanna sa akin.
“Aba nagsusungit ka miss? Hindi ba pwedeng nagtanong lang ako dahil dito naman bilihin talaga at anong pwedeng recommend mo sa akin bastos ba yun?” Matalim na boses ko.
Umalis ang babae nasa harapan ko habang nagmamaktol ako. Maya bumalik may dala-dala na siyang condom.
“Ito sir ma recommend ko na sayo Glow in the Dark na condom. Pag yan gagamitin mo mapapa tirik ang babae sa kalibugan mo.” Malumanay niyang sabi sa akin.
“Ayan ganyan sana pag entertain mo sa customer.” Sabi ko sa kanya.
Masungit niya akong tinitignan habang nasa counter siya sa harapan ko.
“Ito bayad ko miss masungit. Sayang ang ganda mo pa naman sana pero ang taray mong babae sayang kagandahan mo.” Wika ko sa kanya habang tumititig ako sa mukha niya.
“Wala kang paki sir kung masungit ako sir.” Masungit niyang sagot sa akin.
“Ito na po yung condom mo Mr. Malibog.” Wika niya sabay abot sa akin ang binili ko kong condom.
“Salamat miss sungit sana magkita pa tayo.” Wika ko sabay kindat habang paalis na ako sa counter.
“Napa antipatiko, manyakol na lalaki ako pa talaga tatanungin kung may mga size ba at kung anong mas magandang gamitin ipal na customer.”Wika niya habang tiningnan ng masama.
“Hoy, anong nangyari doon?” Tanong ni Flor kay Yanna.
“Ipal na customer bibili ng condom dami pa pinapa request kung may sukat daw at anong maganda nakakainis. Sinungitan ko talaga namamanyakan na ako sa mga tanong niya sa akin.” Wika ni Yanna kay Flor.
“ Naku naka timing ka talaga ng ganyan na customer mga antipatikong tanong talaga. Yung tipong mangangasar lang walang isip walang paki sa iba. Buti lahat ma explain natin lahat binebenta dito sa pharmacy na trip lang yun walang magawa sa buhay. Huwag mo na yun isipin Yanna dagdag pa sa pasakit sayo ginawa niya. Wika ni Flor kay Yanna na nagmamalasakit.
“Nagtatanong lang naman kung anong mas magandang gamitin. Masama bang mag inquire? Ang sungit naman ng babae na yun. Tatandaan ko talaga pangalan niya. Sayang maganda pa naman pero napaka sungit lang.” Sambit ko habang naglalakad ako papunta sa sasakyan ko.
Pinaandar ko na ang sasakyan saka umalis na ako agad . Nakakunot noo na lang ako habang nag drive papuntang Makati para sunduin si Laine.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan at dumaan sa edsa. Hindi masyadong traffic dahil Sabado naman ngayon. Napuntahan ko agad siya sa Urdaneta na walang kahirap ang byahe.
Kinuha ko agad ang phone saka tinawagan ko siya agad.
‘’Saan ka na? Nandito na ako sa corner ng Urdaneta Avenue.’’ Text ko sa kanya
‘’Okay lalabas babes.’’ Reply niya sa akin.
Iginilid ko ang aking sasakyan habang hinihintay ko si Laine. Nakita ko siya naglalakad at binusenahan ko agad ito. Binuksan niya ang pinto saka sumakay siya agad sa front seat.
“Wow! Ang pogi naman ng boyfriend ko.” Pangiting sabi niya sa akin.
“ Ano bang ginagawa mo dito sa Manila?” Tanong ko sa kanya
“May inaasikaso lang ako dito sa Makati. Pero uuwi na din ako bukas.” Sagot niya sa akin.
“ Ganun ba!” Aniya ko.
“Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya.
“ Hindi pa gusto ko kasi sabay tayong kumain. Minsan na lang kasi tayong magkita kaya susulitin ko hanggang bukas kasama kita babes.” Wika niya sa akin.
Hindi ako naka imik sa kanya nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho ng sasakyan.
“Kain muna tayo bago uwi sa apartment wala kasi akong pag kain doon.” Wika ko sa kanya habang nagmamaneho ako.
“Sige babes .” Sagot niya sa akin.
Naghahanap ako ng restaurant na madadaanan namin na malapit para doon na lang kami mag dinner dalawa. Nakahanap na ako ng restaurant at doon inihinto ko sasakyan para bumaba kaming dalawa.
“Dito na ba tayo kakain babes.” Tanong niya sa akin.
“ Oo dito na tayo kakain tara baba na tayo.” Aya ko sa kanya.
Bumaba kaming dalawa saka pumasok na kami sa loob ng restaurant.
“Good evening sir/ma'am.” Wika ng waiter sa amin ng pumasok kami sa loob.
Nag hanap kami ng pwesto para doon na kami umupo. Nang naka hanap kami ay binigyan kami Menu order.
“Order ka na Liane anong gusto mo?” Tanong ko sa kanya
“ Chicken with pasta italiano.” Pangiting sabi ni Liane sa akin.
“ Sayo ba babes ano ba gusto mo?” Tanong niya sa akin.
“ Italian Steak.” Sagot ko
“Parang ang laki ng pinagbago mo na simula nandito ka sa Manila.” Wika niya sa akin.
“Ganun talaga lagi kasing may gig kailangan kumita para sa pag aaral ng kapatid ko.” Sagot ko sa kanya.
Ni serve na ang order namin saka kumain na kaming dalawa.
“Kailan ka uuwi ng Zambales babes? Hindi mo na bisitahin sila tita?” Tanong niya sa akin.
“Hindi ko pa alam may mga gig pa kaming pupuntahan sayang din yun.”Sagot ko sa kanya.
“Ikaw kamusta na pag aaral mo doon?” Tanong ko sa kanya.
“Okay lang naman actually ito nga pinunta ko sa Manila dahil inaasikaso namin ni ninang papel ko para mag ibang bansa na daw ako.” Wika niya sa akin.
“Ano? Mag iibang bansa ka na?” Gulat na tanong ko sa kanya
“Yup tama narinig mo gusto na nila papa pumunta ako sa ibang bansa para daw doon na ako mag aral.” Sagot niya sa akin.
“Ganun ba yun na yan na ba desisyon mo Laine?” Tanong ko sa kanya.
“Yun kasi pangarap ko makapag aral sa states babes pag aaralin kasi ako ng tita ko doon. Sayang naman ang opportunity kung aayawan ko pa babes.” Sagot niya sa akin habang kumain kaming dalawa.
Hindi na ako umimik sa sinabi niya sa akin.
“Babes wag ka naman magalit sa akin please para sa kinabukasan ko naman ito.” Pakiusap niya sa akin.
“May magagawa ba ako kung yun talaga gusto ng magulang mo? Wala diba? Sundin mo na lang ang nararapat para makapag tapos ka.” Wika ko sa kanya.
“Babes sorry na magulang ko na ng desisyon wala na talaga akong magawa.” Sagot niya sa akin.
“Mag aral ka ng mabuti doon pagdating mo sa States.” Bilin ko sa kanya.
“Oo naman mag aaral talaga ako babes promise. Kung pwede naman akong mag bakasyon pupuntahan naman kita babes.” Wika niya sa akin.
Natapos na kaming kumain dalawa tinawag ko ang waiter saka nag bayad sa kinain naming dalawa. Lumabas na kami at nagtungo na din sa kami sa sasakyan.
Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Nasa kalsada ako nakatingin busy sa pag drive ng manibela.
“Babes galit ka ba sa akin o nagtatampo?” Tanong niya sa akin.
“Bakit ako magagalit sayo? Pangarap mo yan kaya sundin mo gusto mo.” Wika ko sa kanya habang nag drive ako.
“Kala ko magagalit ka sa akin. Thank you babes.” Lambing niyang sabi sa akin.
“Malayo pa ba tayo sa apartment mo babes.” Tanong niya sa akin
“Malapit na dito na din tayo sa Kapitolyo pa way na tayo sa village namin.” Sagot ko sa kanya.
Nakapasok na kami sa village saka dumaan kami sa guard na pagpasok namin.
“ Maganda pala lugar nyo dito sa village ninyo babes. Hindi masyadong maingay.” Wika ni Laine sa akin
“Oo kaya mas gusto ko din dito tumira.” Wika ko sa kanya.
“Dito na ako tayo park lang natin ang sasakyan.” Wika ko sa kanya.
Niliko ko ang sasakyan saka park sa gilid ng apartment ko. Pinatay ko na ang makina saka binuksan ko pintuan sa kotse.
Umuna na ako bumaba saka binuksan ko pinto ng apartment ko.
“Halika na pasok ka na sa loob.” Aya ko sa kanya.
Pumasok na siya sa loob saka pumasok na din ako.
“Pasensya ka na madumi loob ng bahay hindi talaga ako masyado naglilinis ng bahay. Sobrang busy ako tapos nasa bahay matutulog lang agad.” Paliwanag ko sa kanya
“Okay lang naman lalaki ka ganun talaga.” Wika niya sa akin.
“Upo ka muna gusto mo bang uminom ng tubig?” Tanong ko sa kanya.
“Sige nauuhaw nga ako hindi ako masyadong naka inom kanina .” Sagot niya sa akin.
“ Wait kuha lang ako ng tubig na maiinom.” Ani ko.
Pumunta ako ng kusina saka kumuha ng maiinom sa refrigerator.
“ Ito Laine tubig .” Alok ko sa kanya.
“Salamat.” Sagot niya sa akin
Hinubad ko muna t-shirt sa sobrang naiinitan ako.
“ Gusto mo bang manood tv?” Tanong ko sa kanya
“Wag kang mahiya mag open ka lang tv dyan. Mag shower lang ako saglit o gusto mo mag join sa akin mag shower.” Alok ko sa kanya.
“Ha? Maya na lang pagkatapos mo babes.” Wika niya sa akin.
“Okay babes.” Sagot ko sa kanya.
Pumasok na ako sa banyo saka nag shower na agad.