Chapter 6

1944 Words
Chapter 6 Yanna's Pov Natapos na akong kumain ay tumayo na ako para mauna maligo. ‘’Mauna na ako sayo maligo Vince kumakain ka pa kasi kaya ako muna mauuna sayo.’’ Wika ko sa kanya ‘’Ang daya mo naman ate patapos na ako kumain.’’ Maktol niya sa akin. Nakipag unahan na ako sa kanya pumasok sa banyo para maligo na ako. Hindi ko na siya pinansin habang nasa loob na ako. “Ate Yanna paki bilis naman maligo na cr na ako.”Sigaw ni Vince sa akin. “Hintay ka lang kakapasok ko pa lang kaya umupo ka muna saglit.” Sigaw ko din sa kanya habang nasa loob ako ng banyo. Naglagay na ako ng shampoo at sa nag sabon na din ako ng katawan ko. “Ate Yanna bilis na babanyo na talaga ako. Sabi ko nga sayo ako muna kasi kanina inunahan mo talaga ako.” Napangiwi habang kinakalampag niya ang pinto. “Malapit na ako Vince saglit na lang tiisin mo konti mag babanlaw na lang ako.” Madaliang sagot sa kanya. “Oh Vince anong nangyari sayo parang hindi ka na mapakali dyan. Hindi na ma pinta pagmumukha mo.” Wika ni inay sa kanya. “Si ate kasi inunahan na ako sa loob ng banyo na babanyo na talaga ako nay.” Inis na sagot niya. “Hintayin mo na lang ate mo matatapos na din yun.” Mahinhin na sabi ni inay sa kanya. “Si Inay kinampihan pa talaga si ate Yanna. Ako na nga natatae si ate pa talaga intindihin.” Selos na sagot ni Vince kay inay. “Ate bilisan mo na lalabas na talaga ano ba? Kanina ka pa kaya dyan sa loob. Paki bilisan naman at ako'y nabanyo na din.” Pakiusap ni Vince sa akin “Oo na palabas na ako. Saglit na limang minuto.” Sigaw ko sa kanya. “Ano ba yan ate kanina pa talaga yan. Sinabi ko na nga na banyo na ako ang hirap mo din pakiusapan.”. Inis na sagot ni Vince sa akin. Binuksan ko na ang pintuan saka lumabas na ako galing sa loob ng banyo. “Alis, alis lalabas na talaga.” Aligagang pumasok sa loob si Vince sa banyo. “Tignan mo natatae na pala kapatid kaya nagmamadali.” Wika ni inay sa akin. “Okay yun natiis naman din niya inay at saka mas nauna akong tumayo para mag banyo.” Wika ko kay inay. Pumasok na ako agad sa loob ng kwarto para magbihis ng uniform pang trabaho. Mag alas nuwebe na pala kailangan kong magmadali baka ma traffic na naman ako dyan bandang paglabas ng kanto. Nag ayos muna ako saglit sa aking mukha naglagay lang ako sunscreen , lip tint , at foundation. Inayos ko na din ang kilay ko at naglagay ako ng maskara sa mata. Nang natapos na ako kinuha ko ang favorite perfume kong Vanilla Scent. “ Nay, alis na po ako.” Magalang na pagkasabi ko. “ Hindi mo ba isasabay kapatid mo?” Tanong ni inay sa akin. “Hindi na inay baka ma late na ako pag hihintayin ko pa si Vince.” Paliwanag ko kay inay. “Sige ingat ka anak.” Wika ni inay sa akin. “ Alis na ako.” Paalam ko. Lumabas na ako sa bahay saka naglakad palabas ng kanto. Mabilis na ako nag lakad ng may nakita akong jeep na huminto. Kumaway ako na sumenyas para hindi umalis at hintayin ako makasakay. Dali-dali na akong sumakay agad sa jeep. “Ma, bayad po.”Wika ko nag pagsuyo sa pamasahe ko. “Na! Lagot sobrang traffic ang daan.” Sambit ko. “Buti na lang nakasakay na ako jusko grabe traffic pala.”Mahina kong boses . Tumingin ako sa relo ko mag alas diyes na ng umaga nasa bagong ilog pa lang ako nito. Grabe ang traffic na talaga nito. Kailangan mga alas onse nasa Pioneer na ako. Dahan-dahan ng umusad ang jeep papuntang Pineda. Buti na lang lumuwag na ang daan saka nagpatuloy ang byahe ng jeep. Konting tiis na lang makakarating na din ako sa bandang caltex para doon na ako bumaba. “ Para po.” Wika ko sa mamang jeep. Ihinto din ng driver saka bumaba ako. Saktong papatawid sa kabilang daan at doon maglakad na ako papuntang Pioneer. “Grabe sobrang init nakalimutan ko payong ko.” Sambit ko habang naglalakad sa tirik na init. Nagmamadali na akong nag lakad para doon sa gilid dadaan. Naalala ko pag dumadaan dito lagi akong pinapayungan ni Joshua dito. Pero ngayon wala ng papayong sa akin dahil sa iba na siya masaya. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko ng naalala ko. Kailangan ko maging matatag sa sarili ko simula ngayon. Ayoko ng isipin na manloloko na yun. Nang malapit na ako dali-dali na naman akong tumawid para sa kabilang daan na naman ako. “Yanna!” Tawag sa akin na nasa malayo. “Kamusta ka na kagabi? Sorry dinala pa kita doon nakita mo sila.” Wika niya na humihingi ng pasensya sa akin. “ Hindi mo kasalanan Flor. Buti nga dinala mo ako doon kung hindi baka nag mukha lang akong tanga na walang ka alam na niloloko na pala ako.” Sagot ko kay Flor. “Dapat ganung tao hiniwalayan ay binabaon sa limot. Kailangan mong mag move on Yanna.” Advice niya sa akin. “ Oo Flor kakalimutan ko talaga karmahin yun sa akin.” Sagot ko sa kanya. “Hayaan mo na yun atleast nalaman mo agad na niloko ka pala ng boyfriend mo.” Wika ni Flor sa akin. “ Kaya nga hahayaan ko na lang siya sa mga gusto niya sa buhay.” Wika ko “Malay mo mahanap ka pa ng mas hihigit pa sa kanya. Darating din ang para sayo.” Wika ni Flor sa akin. “Okay lang kahit huwag na muna kailangan kong mag focus mag trabaho na lang para sa pamilya ko Flor.” Seryusong sabi sa kanya. “Mas mabuti pa nga mag focus ka na lang muna sa sa sarili mo.” Wika niya sa akin. “ Nandito na tayo Flor mag log in na tayo baka.” Mahinang sabi ko . Kinuha ko ang id saka ni log in ko agad at pumasok sa pharmacy. Inayos ko muna ang buhok pinusod ko ito para hindi maka sagabal sa pagtrabaho. Nag retouched ako sa make up ko at lipstick ko para magandang tingnan sa customer. Inayos ko din ang uniform ko at ang sapatos ko. Dala ko ang maliit na basket saka kumuha ng mga nakasulat sa resita ng customer. Umikot-ikot ako para hanapin ang mga gamot. Dumami ang namimili ng gamot naka pila n sila habang busy kami naghahanap ng mga gamot. Sobrang busy namin lahat maraming customers nakapila. Ilang oras din ang nakalipas naka pahinga ako saglit para sa break time. Mag alas singko na pala ang bilis ng oras. Tumayo na ako sa bumalik na sa trabaho. Habang naka yuko ako naghahanap ako ng gamot may biglang tumayo sa gilid ko. Napatingin ako agad na nasa gilid ko. “Bakit ka nandito?” Tanong ko sa kanya. “Huwag ka ng magpakita dito at wala na tayo.” Inis kong sabi sa kanya. “Yanna, I'm sorry hindi ko sadyang masaktan ka Yanna.” Paliwanag niya sa akin. “Okay lang huwag ka ng magpaliwanag hindi kita kailangan umalis ka na dito ayaw na kitang makita pa.” Inis ko pa rin sabi sa kanya. “Yanna kailangan kong magpaliwanag sayo please pakinggan mo muna ako.” Paawa niyang sabi sa akin. “ Huwag ka ng magpaliwanag dahil wala na tayo ngayon kalimutan mo na ako. Kakalimutan na din kita maliwanag ba sayo kaya umalis ka na nakakasagabal ka lang sa pagtrabaho ko.” Wika ko sa kanya. “Ayaw ko na siyang kausapin pa. Manloloko talaga tapos mag paawa effect pang nalalaman. Huwag na siyang magpakita sa akin dahil wala ng puwang siya sa puso ko.” Sambit ko sa sarili “Yanna nakita ko yun pinuntahan ka talaga dito.” Wika ni Flor sa akin “ Oo humihingi ng kapatawaran pero hindi ko talaga siya patawarin kahit kailan.” Wika ko kay Flor. “Hinding hindi ko makakalimutan ginawa niya sa akin. Hayop siya napaka walang kwenta niyang tao.” Inis ko habang sinasabi ko kay Flor. "Hayaan mo na lang si Joshua magdusa siya sa ginawa niya sayo. Tara na nga mag trabaho na nga tayo Yanna." Aya ni Flor sa akin. Magnus' Pov. (Rinnnng)Phone. Kinapa ko ang aking phone habang nag ring ito. Agad ko pinindot saka sinagot ang tawag kahit hindi ko nakita sino tumatawag sa akin. "Hello." Bigkas ko habang tinapat ko cellphone ko sa tenga. "Magnus kamusta buti naman sinagot mo tawag ko." Malanding boses ng babae sa phone. "Sino ito?" Mahinang boses kong sumagot. "Laine ito pwede ba tayong magkita mayang gabi?" Paakit niya sabi sa akin. "Laine? Sinong Laine?" Tanong ko biglang napa mulat ako sa pagka pikit habang nakahiga sa kama. "Si Laine Mendoza girlfriend mo." Wika niya sa akin "Saan ka ba ngayon?" Tanong ko sa kanya "Nandito sa Manila. Miss na kasi kita kaya pinuntahan na kita dito." Pabebeng sagot niya sa akin. "Saan ka banda ngayon sa Manila Laine?" Tanong ko ulit sa kanya. "Nasa Makati ako ngayon puntahan mo naman ako dito babes please." Lambing na sabi niya sa akin. "Sige maya puntahan kita tawag lang ako sayo." Wika ko sa kanya "Saan ka ba ngayon babes?"Tanong niya sa akin. "Nasa apartment ako ngayon gising ko lang pagtawag mo." Sagot ko sa kanya. "Edi sundo mo na lang ako tapos dyan muna ako makituloy kasama mo babes." Sabi niya sa akin "Tignan ko maya babes hindi pa kasi ako naka linis dito sa apartment ka gagaling lang namin tumugtog kagabi." Wika ko sa kanya. " Kahit ako na lang maglinis dyan na lang muna ako babes please." Pakiusap niya sa akin. " Sige maya sundo kita. Kailan ka ba balik sa Zambales?" Tanong ko sa kanya "Sa next week pa babes ako babalik." Sagot niya sa akin. "Sige maya puntahan kita dyan bigay mo saktong address para puntahan kita dyan." Wika ko sa kanya "Sige. babes hintay lang ako sayo. Love you babes." Malanding pagka sabi sa akin. Pinatay ko na ang phone at tumihaya ako sa pag higa. Napatingin ako sa kisame. "Napasubo ata ako. Napa oo tuloy ako sa kanya makipagkita."Sambit ko. Tinignan ko ang oras mag ala sais na pala ng gabi. Hindi ko na napansin ang oras na mag gagabi na naman pala. Bumangon ako saka dumeritso sa banyo para umihi. Binaba ko ang boxer ko saka inilabas ako ang aking sandata para umihi. Pahikab-hikab pa ako umihi sa cr dahil inaantok pa ako. Pagkatapos kong nag banyo dumeritso na ako sa kusina para uminom ng tubig. Tinignan ko kong anong nasa loob ng refrigerator na pagkain pero hindi pa pala ako naka grocery dahil tinatamad ako. Kumuha na lang ako ng itlog saka nag prito ako para gumawa ng egg sandwich na version ko. Kumuha ako ng slice bread saka ininit sa bread toaster. Pagkatapos kong nag prito ng itlog ay inilagay ko muna sa plato. Kinuha ko ang pina toasted kong tinapay sa nilagay ko ang pritong itlog sa bread. Binitbit ko ang plato saka pumunta sa harapan ng tv.Umupo ako sa sofa saka binuksan ang tv at saka nanood muna ako saglit habang kumakain ng bread. Napa isip ako kung dadalhin ko ba si Laine dito sa apartment. No choice na ako kundi dahil na lang muna siya dito sa apartment ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD