Chapter 5
Magnus'Pov.
Dumating kami mga alas tres ng madaling araw. Pinasok na namin lahat ang mga gamit sa pag banda sa quarter na inupahan ni Sandro. Pina bili ko na si Mikoy ng inumin at pulutan para pagkatapos namin mag ayos ay saktong mag iinuman kaming grupo.
“Huh! Kapagod mag pasok ng mga gamit pero sulit din.” Wika ko habang pinupunasan ko ang pawis ko sa noo.
“ Hayaan mo na Magnus mapapawi din yan pag maka inom na tayo ng malamig na san mig.” Pangiting sagot ni Bitoy sa akin.
“ Kaya nga eh, sarap na kayang uminom.Uhaw na din ako. Tapusin lang natin ito para makapahinga na din tayo habang tumatagay.” Wika ko haba inaayos ang mga wire.
Ilang saglit natapos na naming inayos lahat saktong dumating din si Mikoy galing bumili ng alak at pulutan.
“Ito na ang malamig na San Mig Light natin inumin at saka pulutan.” Wika ni Mikoy sa aming lahat.
“ Hay salamat dumating na din. Tara inuman na tayo nauuhaw na ako Mikoy.” Sabi ko sa kanya.
Ipinatong na nita sa ibabaw ng lamesa at saka pinagbubuksan niya ng abridor.
Kinuha din ni Sandro ang pulutan sa ka nilagay sa plato ang lechon manok.
“ Inuman na inuman na.” Kanta ko naman.
Tag isa-isa kaming kumuha ng san mig saka itinaas.
“ Para sa ating banda toast.” Wika ko sa kanila
“Toast.” Sambit nila ng sabay-sabay.
“Huh, Sarap nakakawala ng pagod pag ganito.” Wika ni bitoy ng kakatapos tunggain ang bote ng san mig.
“Diba Magnus taga Zambales ka?” Tanong ni Sandro sa akin.
“Oo bakit naman. May kamag anak ka doon Sandro?” Tanong ko sa kanya.
“ Taga doon kasi girlfriend ko Zambales gusto ko sanang pumunta doon.” Wika ni Sandro habang kumukuha ng pulutan.
“Diba maganda doon? Malapit lang ba kayo sa dagat Magnus?” Tanong ni Mikoy sa akin.
“ Oo malapit lang kami sa dagat pero hindi as in na malapit pwedeng lakarin siya papunta doon.” Sagot ko kay Mikoy habang hawak-hawak ang bote ng san mig.
“ Pag wala tayo masyadong gig punta tayo doon para mag relax.” Sabi ko sa kanila
“ Sige punta tayo doon para makakita naman ako ng dagat.” Wika ni Marco.
“Bakit Marco hindi ka pa nakakakita ng dagat Marco?” Tanong ni Bitoy sa kanya.
“Oo hindi pa talaga laking Maynila kasi ako kaya hanggang dito lang ako gumagala.” Sagot ni Marco.
.
‘’Kaya pala hindi pala nakakita ng sirena si Marco.’’ Pabiro ni Mikoy sabay tawa namin lahat.
‘’Sige pupunta tayo doon at pwede kayo sa bahay mag stay or di kaya magtayo tayo ng mga tent malapit sa dalampasigan.’’ Wika ko sa kanila
“”Ayon pwede pala tayo doon sa bahay ni Magnus. Kailan kaya yun para makapag handa na din?’’ Tanong ni Bitoy na pangiti-ngiti.
‘’Basta magsasabi ako kung matutuloy tayo. Magpapaalam din ako sa mama ko para sure din tayo doon.’’ Wika ko sa kanila.
‘’Mag inuman na nga tayo para matapos na inaantok na talaga ako.’’ Wika ni Sandro sa amin.
‘’Mag alas singko na pala kailangan ko na ding umuwi nito. Tapusin lang natin itong inuman tapos uwi na tayong lahat.’’ Wika ko sa kanila.
Nang naubos na inumin ay nagsi uwian na kaming lima. Naki sabay si Bitoy sa akin dahil banadang Pasig lang din siya sa bandang Ortigas. Nauna na kaming umuwi ni Bitoy dahil gusto ko na din magpahinga.
‘’Paano na yan mauuna na kami ni Bitoy umuwi. Ingat din kayo sa pag uwi at kami aalis na din.’’ Paalam namin sa kanila.
‘’Ingat din kayo sa pag byahe Magnus..’’ Wika ni Sandro sa akin.
Pinaandar ko na ang manibela sa pinaharurot pag takbo ng sasakyan.
‘’Bitoy saan kita banda ibaba sa Ortigas?’’ Tanong ko sa kanya habang nag drive ng sasakyan ko.
‘’Dyan na ako sa crossing baba para hindi ka na mahirapan umikot.’’ Wika ni Bitoy sa akin.
‘’San ka ba banda sa Ortigas Bitoy para ihatid na lang kita doon.’’ Tanong ko sa kanya habang palingon ako sa daanan.
‘’Sa San Miguel lang ako Magnus.’’ Sagot niya sa akin.
‘’ Sgie hatid na kita doon turo mo lang saan banda para hindi ka na mahirapan mag commute Bitoy.’’ Aniya ko sa kanya.
‘’Baka matagal ka pa makauwi pwede lang naman ako sa bungad ng Ortigas Magnus.’’ Wika niya sa akin.
‘’Kaya yan madali lang yan sa akin Bitoy saglit lang naman yan.’’Wika ko habang nagmamaneho sa manibela palingon-lingon sa daan.
‘’Edasa na tayo walang traffic diretso na ang takbo natin dito.’’ Aniya ko.
‘’Ortigas na pala dito. Dyan lang na kanto Magnus papasok dyan na kalye.’’ Wika ni Bitoy sa akin.
‘’Sige liko na tayo dito banda saglit.’’ Sagot ko sa kanya habang iniikot ang manibela at dumiretso ang pagtakbo.
‘’ Dito na lang Magnus lalakarin ko na dito makipot na sa unahan baka maipit pa sasakyan mo.’’ Wika ni Bitoy sa akin.
Ihihinto ko agad ang sasakyan sa gilid para makababa na din si Bitoy.
‘’Magnus maraming salamat sa paghatid mo dito sa akin.’’ Wika ni Bitoy
‘’Walang anuman Bitoy dito ka na lang talaga?’’ Tanong ko sa kanya.
‘’Oo dito na lang baba na ako ingat ka sa pag uwi mo Magnus salamat.’’ Wika niya sa akin habang bumaba ng sasakyan.
‘’Salamat Bitoy paano na yan alis na ako Bitoy.’’ Aniya ko.
Iniliko ko na agad ang sasakyan saka umalis at nagpatuloy sa pagmamaneho pauwi sa Kapitolyo sa apartment ko. Mag ala sais na ng umaaga antok na antok na mga mata ko. Binilisan ko na ang pag drive ng sasakyan para makauwi na ako agad. Saglit na lang ay makakarating na din ako sa apartment at magpahinga na din ako. Ilang sandali nakarating na din ako sa apartment saka ginarahe ko na agad ang aking sasakyan. Bumaba na ako agad saka dumeritso na sa bahay para buksan ito. Isinarado ko na agad ang pintuan ng pagpasok ko saka dumeritso sa kwarto para mag tanggal ng damit para matulog na din ako. Bigla akong na uhaw kumuha muna ako ng tubig sa kusina sa ka pumasok ulit ng kwarto para matulog.
Yanna's Pov.
Umaga na pala napa tingin ako sa phone ko kong anong oras na mag alas siete na pala ng umaga kailangan ko ng bumangon para maglinis muna ng kwarto ko bago pumasok sa trabaho mayang tanghali.
Itinupi ko na ang kumot ko at inayos ang aking unan sa kama. Lumabas muna ako sa kwarto saka kinuha ang walis at dustpan para maglinis ng kwarto.
Paglabas ko na datnan ko si inay sa labas ng kwarto nag luluto.
“ Magandang umaga inay.” Wika ko sa kanya.
“ Gising ka na pala Yanna kumusta mata mo maaga pa rin yan. Ano bang nangyari sa mata mo kasi na puwing o umiyak ka Yanna?” Tanong ni inay sa akin.
Hindi ako umimik kinuha ko lang ang walis tambo at dustpan sa gilid ng refrigerator.
“Nag away ba kayo ng boyfriend mo Yanna? Magsalita ka?” Tanong niya sa akin.
“Wala na po kami ni Joshua nay nakipaghiwalay na ako kagabi nahuli ko kasi siya sa aktong may kasama.” Wika ko kay inay habang kinuha ko ang walis at dustpan.
“Huwag mong iyakan pag ganung tao Yanna. Ipakita mo sa kanya hindi mo siya kailangan. Makakahanap ka pa ng ibang tao magmamahal sayo ng totoo. Huwag kang madali maghanap ng lalaki para sayo. Hintayin mo lang kusang darating yung tao na yun. Anak mahal ka namin nag aalala din kami sayo. Pag kailangan mo ng kausap nandito naman kami anak.” Wika ni inay sa akin.
“ Okay na ako nay kakalimutan ko na siya ngayon. Kailangan ko lang itapon at ibasura ang kailangan itapon nasa kwarto loob ng kwarto ko po.” Wika ko kay inay habang bitbit ko ang walis tambo at dustpan.
“ Ganyan lumaban ka sa buhay huwag mag lamya lamya o magmukmok para lang sa lalaki na yan hayaan mo siya doon sa pinalit sa’yo anak karmahin din yan.” Sagot ni inay sa akin.
“Sige po inay magligpit lang po ako sa kwarto.” Paalam ko kay inay
Bumalik na ako sa kwarto bitbit na ang walis at dustpan. Kumuha ako ng malaking plastic para doon ilalagay ko mga bagay na nagbibigay paalala para sa akin.
Sinimulan ko na pag pulot at isinilid sa plastic ang mga binigay niya sa akin.
Lahat ng binigay niya ay nilagay ko na sa plastic.
“Ayoko ng makita pa ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya.” Sambit ko habang binabasura mga binigay niya sa akin na stuff toys.
Wala akong ititirang gamit na galing sa kanya kailangan itapon ko lahat.
Nang naipasok ko na lahat mga pinagbibigay niya sa akin tinali ko na ito saka inilabas sa kwarto.
“Ano yan anak itatapon mo na ba yan lahat?” Tanong ni inay sa akin.
“Opo inay itatapon na po para makalimutan ko yung hayop na yun.” Sagot ko kay inay hila-hila ang isang plastic na pinamigay niya sa akin.
“Naku sayang naman anak ipamigay mo na lang yan sa mga batang pulubi.” Wika ni inay sa akin.
“ Kayo po bahala inay basta mawala yan sa paningin ko po.” Bilin ko kay inay para mawala sa paningin ko.
“Oh sige ipamimigay ko yan doon ako na bahala yan anak.” Wika ni inay sa akin.
“Halika na kumain ka na dito alam kong hindi ka kumain ka gabi kaya ipaghahain na kita anak.” Alok ni inay sa akin.
“ Sige po inay kain na po tayo maya na lang po ako maligo.” Sagot ko kay inay.
Naghanda si inay ng almusal tumulong na lang ako sa paghahanda sa lamesa.
“Inay si Vince po tulog pa ba?” Tanong ko kay inay
“Ay oo pala tulog pa kapatid mo. Gisingin mo nga anak baka late na naman sa trabaho niya pag hindi natin gisingin.” Wika ni inay sa akin.
“Sige inay kakampalagin ko lang pinto niya sa kwarto.” Wika ko kay inay.
Tumayo ako ang nagtungo ako agad sa kwarto niya para gisingin si Vince.
“Vince! Vince! Gumising ka na dyan mag alas dose na!.” Sigaw ko sa kanya habang kinakalampag ang pinto ng kwarto niya.
“Hmmm..” Tunog niya lang habang tulog pa.
“ Vince gumising ka na nandito girlfriend mo!” Sigaw ko sa kanya habang binibiro.
“Ano ba yan kay aga-aga pa nambu bulabog eh.” Maktol niya habang binubuksan ang pintuan.
“Ano hindi ka pa gigising may pasok ka o wala?” Tanong ko sa kanya.
“Meron, May pasok ako.” Sagot niya sa akin papikit pikit ng mata.
“ Oh May pasok ka pala tapos tanghali ka na nagigising dyan. Halika na mag almusal na tayo sabi ni inay.” Wika ko sa kanya.
“Sige na susunod na ako saglit magdamit lang ako.”Wika ni Vince sa akin.
“ Sumunod ka na dito ha baka matulog ka pa dyan.” Wika ko sa kanya.
Nagtungo na ako agad sa kusina saka pumwesto at umupo sa upuan para mag almusal na kami nila inay. Sumunod na si Vince na papikit-pikit ang mata dahil pinilit kong gisingin siya agad.
“Ano ate kamusta na mata mo?” Tanong ng kapatid ko.
“Okay na ako tinapon ko na lahat mga binigay niya sa akin. Ayoko ng maalala ang bwisit na yun.” Wika ko sa kanya.
“Lahat na yun tinapon mo? Sayang naman yun ate Yanna.” Gulat na sagot nh kapatid ko.
“Ganun talaga pag gusto kong mag move on.” Sagot ko sa kanya
“ Naku tinapon mo tapos maya iiyak iyak ka naman dyan.” Wika niya sa akin
“Hindi na ako makipagbalikan na promise.” Aniya ko
“Whee.Totoo baka bukas pag kausapin ka patawarin mo agad din. Naku marupok pa naman mga babae ngayon.” Asar ni Vince sa akin.
“ Hindi mangyayari yun Vince. Ayoko ng balikan siya doon na lang siya sa bago niyang ka relasyon.” Wika ko kay Vince
“Talaga lang ba sinabi mo yan gawin mo.” Asar niya ulit sa akin.
“Tama na yan kumain na kayong dalawa nasa hapagkainan tayo para kumain.” Saway ni inay sa aming dalawa.
“Pasensya na po inay.” Wika ko sa kanya.
“ Anong oras pasok mo Vince?” Tanong ni inay kay Vince
“Aas onse po nay.” Sagot ni Vince
“Bilisan niyo na baka malate pa kayo sa trabaho hirap pa naman mag commute.” Wika ni inay sa amin.
Nagmamadali na akong kumain para maunahan ko si Vince gumamit ng banyo.