Chapter 4

2035 Words
Chapter 4 Yanna's Pov Tumakbo na ako palabas ng restaurant habang humahagulgol sa pag iyak. “Yanna! Yanna! Wait lang hintayin mo ako!” Sigaw ni Flor sa akin habang hinahabol ako sa labas. Hindi ko na pinansin si Flor habang sumisigaw sa likod ko. Napa hagulgol na lang ako sa iyak habang naglalakad mag isa. Hindi ko lubos maisip na ganun gagawin ni Joshua sa akin. “ Anong nagawa kong kasalanan nagkulang ba ako? Hindi na ba siya masaya sa akin?” Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad sa madilim na daan. Umiiyak pa rin ako hanggang naka abot ako sa sakayan ng jeep. “Sino ba yung babae na yun Love? Totoo bang girlfriend mo siya?” Tanong ng babae kay Joshua. “Oo girlfriend ko siya.” Sagot ni Joshua sa babaeng kaharap niya. “Eh, ikaw pala may kasalanan din bakit mo kami pinagsabay dalawa?” Matalim na sabi ng babae kay Joshua. Hindi siya naka imik sa babaeng kaharap niya sa mesa. “Akala ko ba wala kang girlfriend ngayon? Sabi mo kagagaling mo lang break up? Yun pala pinagsabay mo kaming dalawa. Bahala ka na nga sa buhay mo!” Singhal niyang sabi habang tumayo sa kinauupuan niya at umalis. Biglang na tameme na lang si Joshua sa ginawa niyang panloloko. “Nakasakay na ako ng jeep galing Crossing namula pa rin mata ko dahil sa pag iyak ko kanina. Buti na lang madilim sa loob ng jeep kaya hindi na mahalatang kagagaling ko lang sa iyak. Iniisip ko pa rin ang nangyari tumatatak pa rin sa isip ko. Pigil na pigil akong hindi tumulo mga luha ko dahil nasa loob ako ng jeep. “Para kanto lang po.” Wika ko sa jeepney driver. Huminto ang jeep sa tabi saka bumaba na ako. Naglakad na ako parang walang nangyari. Napakasakit ng ginawa niya sa akin. Kung alam ko lang matagal ko na lang sana hiniwalayan. Bigla na lang tumulo luha ko na hindi ko na mapigilan. Umupo ako saglit sa gilid ng kalsada at doon binuhos ko lahat ang luha ko na nakayuko. “Ate Yanna ikaw ba yan? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak ate Yanna?” Gulat na tanong ng kapatid ko habang nakita ako sa gilid ng kalsada na umiiyak. Napatingala ako sa kanya habang umiiyak ng nakita ako sa gilid. “Vince niloko ako ni Joshua.” Sambit ko habang nakaupo at humahagulgol sa pag pag iyak. “Ano? Niloko ka ni kuya Joshua? May ibang babae ba siya?” Gulat na tanong ni Vince sa akin. “ Oo Vince kitang-kita ng dalawa kong mata na may kasama siyang ibang babae.” Hagulgol kong sabi sa kanya. “Ate wag ka ng umiyak buti nga nahuli mo na agad kaysa niloloko ka na hindi mo alam ate Yanna.” Wika ni Vince sa akin. “Masakit Vince ginawa niya sa akin. Isipin mo 5 years kaming magkasintahan tapos gaganituhin niya ako Vince lolokohin lang ng ganito. Hindi ko alam kong may problema ba siya sa akin o ayaw na talaga niya ako. Dapat mag sabi na lang siya agad para hindi naman ako magmukhang tanga sana Vince. Ang sakit eh sobrang sakit talaga ginawa niya sa akin.” Hagulgol kong iyak sa harapan ni Vince. “Tahana ate hayaan mo na siya move on ka nalang ate Yanna. Humanda siya pag nakita ko siya masusuntok ko talaga pagmumukha niya pag magpakita siya dito.” Pagbabanta na sabi ni Vince. “Salamat Vince sa pag aalala sa akin. Sana ganun ka daling kalimutan yung tao na yun.” Wika ko habang lumuluha ulit ang mga mata ko. “Punasan mo na luha mo baka ika’y makita ni inay magtaka pa yun kung bakit umiiyak ka ate Yanna.” Wika ni Vince sa akin. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. Humihikbi pa rin ako habang pinupunasan ang mga luha ko sa mata. “Halika na ate uwi na tayo anong oras na baka hinahanap ka na din ni inay.” Aya ni Vince sa akin. “ Sige uwi na tayo Vince. Hindi na ba halata mata ko galing umiyak?” Tanong ko sa kanya “Meron pa naman ate Yanna, pero gabi na kasi baka mag alala si inay sa atin hindi pa tayo nakakauwi sa bahay.” Wika ni Vince sa akin. “Sige na uwi na tayo baka nga nag aalala na si inay sa ating dalawa.” Wika ko sa kanya. Umuwi na kaming dalawa sa bahay at doon naabotan namin si inay nasa sala naghihintay sa amin. Lumapit kami kay inay para mag mano sa kanya. “Oh nandito na pala kayo? Nagkasabay ba kayong umuwi ng kapatid mo Yanna?” Tanong ni inay sa akin. “Mano po inay, Nagkasabay lang po kami dyan sa babaan ng jeep ni Vince inay.” Sagot ko habang nagmamano ako sa kanya. “ Anong oras na ba? Alas onse na pala ng gabi? Bakit ngayon lang kayo umuwi?” Tanong sa amin ni inay habang nakaupo nanunuod ng tv. “ Traffic kasi nay kaya ngayon lang kami nakauwi. Pagod nga sa byahe ilang oras nakaupo sa loob ng jeep nay.” Alibay ni Vince kay inay. “Ikaw Yanna anong rason mo naman? Bakit namamaga mata mo? Umiyak ka ba?” Tanong ni inay sa akin. “ Hindi po inay napuwing lang po kanina pag baba ko ng jeep. May nakapasok na insekto na maliit sa mata ko kaya nakamot ko. Saka tunayan po mahapdi pa nga mata ko dahil sa insektong pumasok sa mata ko inay.” Dahilan kong sabi kay inay para hindi halatang umiyak ako. “Kumain na ba kayo? May pagkain dyan sa lamesa para sa inyong dalawa.” Tanong ni inay sa amin. “Busog ako inay baka si Vince na lang po kakain. Gusto ko na pong magpahinga sa kwarto ko nay mauna na po ako sa inyo.” Matamlay kong sabi sa kanila. Binuksan ko na agad ang pintuan ng aking kwarto saka pumasok sa loob at isinarado ang pinto. “Anong nangyari sa ate mo Vince mukhang mugtong mga mata niya? Parang galing umiyak nag away ba sila ng boyfriend niya Vince?” Tanong ni inay kay Vince “Ewan ko po nay hindi ko alam.” Sagot ni Vince kay inay. “Anong ulam nay? Nagugutom na po ako.” Tanong ni Vince kay inay “Pritong isda at pinakbet na gulay.” Sagot ni inay sa kanya . “Kumain na ba kayo inay?” Tanong ni Vince kay inay. “Oo kanina pa nagutom na din ako kanina kaya umuna na ako sa inyo kumain.” Sagot ni inay kay Vince Isinabit ko ang bag ko sa likod ng pinto saka umupo ako ng matamlay sa kama. Dito napatulo ulit ang luha ko habang naka tulala iniisip ang nangyari kanina. “Paano ko siya makakalimutan kung mahal na mahal ko siya? Hindi ko na alam gagawin ko kung paano mag move on.” Sambit ko habang umiiyak. Biglang tumunog ang phone tinignan ko ito. Si Joshua tumatawag sa phone ko. Pinatay ko agad at hindi na siya kinausap pa. Tumunog ulit at pangalawang tawag niya pinatay ko ulit saka block ko na agad ang number. “Ayoko ng marinig mga paliwanag niya puro kasinungalingan. Kailangan iwasan at kalimutan ang sakit na pinaramdam niya sa akin.” Sambit ko. Pinusan ko ang aking mga luha saka huminga ng malalim. “Kailangan isip ko sarili hindi pwedeng ganito na lang magmukmok. Isipin ko trabaho na lang wala ng iba.” Sambit ko Tumayo ako saka lumabas ng kwarto para mag banyo. Tahimik na sa labas patay na ang ilaw nasa kwarto na sila nagpapahinga si inay at ang kapatid kong lalaki. Dahan-dahan akong pumasok sa banyo mag hilamos saka mag toothbrush. Tumingin ako sa salamin kitang kita ko ang aking mga mata na maga sa kakaiyak. Grabe idinulot ni Joshua sa akin pero okay lang kaysa paniniwalaan ko ang mga kasinungalingan niya sa akin. Pagkatapos ko sa banyo ay bumalik na ako sa kwarto para matulog. Humiga na ako sa kama ko saka niyakap ang unan. Magnus Pov. “Hello good evening sa lahat nandito kami pala ang grupong Magno Band. Ako po si Magnus at sila po ang mga kasama ko lagi pag nag gig kami sa iba't- ibang lugar. Sana magustuhan nyo lahat ang mga kakatahin namin na mga love songs.” Wika ko sa mga audience na nanonood sa amin. “Ang una kong kakantahin ay ang kanta ni Parokya ni Edgar. Sa mga nangako dyan n na siya lang ang mamahalin nasaan na kayo? Kung nandito kayo kailangan pakinggan nyo itong kakantahin ko.” Wika ko habang nag entertain ng mga audience. Magsisimula na akong kumanta para sa first song namin. Tinugtog ng mga ka band ko ang kantang “Your Song”. Grabe ang hiyawan nila sa loob ng bar habang kumakanta ako. Yung iba sinasabayan na akong kumanta habang naka upo sila sa mga lamesa nila habang umiinom ng alak. Nang natapos na akong kumanta sumunod na naman ang kantang 214 na kanta ng Rivermaya. Pagkatapos kaunting entertain ulit sa mga audience ko at yun sunod-sunod na akong kumanta ng mga ibang love song. Naka ilang kanta na kami ng mga kasama ko. Umabot kami ng madaling araw sa bar sa pag entertain sa mga audience.Sobrang dami ang dumalo sa pag live band namin sa bar na pinuntahan namin. Isang song na lang para matapos na kaming mag perform. Nang natapos na kaming tumugtog ay nagpahinga na muna kami bago umalis. Nagpasalamat ang may ari ng bar dahil sobrang na entertain ang mga customer habang kumakanta ako. Pinakain at inasikaso kaming mabuti ng may ari saka binayaran kami na may kasamang tip at sinabihan pwede pa kaming tumugtog sa next month. Agad kaming pumayag sa gusto nilang mangyari na tumugtog. Pagkatapos namin nag usap ay dahan-dahan na kaming nag ayos sa mga gamit namin. Nang na sakay na namin lahat ng gamit nag paalam na kami sa may-ari na umuwi. "Grabe nagustuhan ng mga tao perform natin kanina. Malaki ba bigay tip sa atin yung may ari?" Tanong ni Marco na guitarist. "Oo malaki ito naka sobre pa nagdagdag ng 3 thousand para sa tip sa atin." Sagot ko naman. "Sakto need ko talaga pera ngayon may sakit kasi anak. Kailangan kong bumili ng gamot." Wika ni Marco sa amin "Oo maya pag dating natin sa Mandaluyong pag hahatian na natin kinita natin lahat." Wika ko sa kanila. "Salamat Magnus." Sabi niya sa akin. "Pahinga muna tayo ng dalawang araw saka balik tayo sa pag live band sa sabado sa Crossing doon may kakilala ako doon gusto daw marinig mga perform natin. Kahit hindi tayo sikat na band pero kumikita tayo okay na yun." Wika ko sa kanila habang nasa loob kami ng Van. "Tama dami kasing mga magagaling talaga hirap silang kalabanin." Sagot naman ni Bitoy na drummer. "Ikaw Sandro okay ka lang ba kanina?" Tanong ko sa kanya "Oo naman Magnus nahirapan lang ako sa piano ko muntik na talagang nagloko buti na lang naayos ko." Sagot ni Sandro sa akin. "Yung string nga ng guitara ko naputol gago buti na lang napalitan ko agad bago mag perform." Sagot ni Marco. "Buti na lang naayos nyo sayang din kikitain natin sa pag tugtog." Wika ko sa kanila. " Ikaw Magnus hindi ba nagpagod lalamunan mo sa pagkanta kanina?" Tanong ni Sandro sa akin. "Paos nga kaunti pero okay lang sanay na ako basta magka pera tayo. May pinag aaral din ako kailangan rumaket talaga." Sagot ko kay Sandro. "Kaya nga kailangan rumaket talaga pasalamat nga nakasama ako sa inyo kung hindi tambay talaga wala kaming kakainin ng pamilya ko." Wika ni Sandro sa amin. "Pag butihin natin lagi para hanap-hanapin tayo para maka perform ulit." Payo ko sa kanila. " Tama kailangan pa natin kumita para sa pamilya pero kailangan din natin magsaya ngayong gabi mag iinoman tayong lahat." Wika Mikoy na isang guitarist namin. " Sige pagdating natin sa tambayan doon mag iinom tayo kahit sandali lang para pasalamat." Wika ko sa kanila habang nag byahe pa balik ng Mandaluyong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD