Nagising si Camille nang lumagapak siya mula sa kan'yang hinihigaan. Agad siyang napahawak sa kan'yang puwet nang maramdaman ang pagsakit nito. She groaned loudly. Sa lapad ba naman ng kamang hinihigaan niya ay bakit siya nahulog? Dahan-dahan niyang iminulat ang kan'yang mga mata at sa 'di inaasahan ay si Marcus ang kan'yang unang nakita. Dahil sa gulat nang makita ito ay dali-dali siyang bumangon at hinarap ang binata. "Good morning, sir!" nahihiyang bati niya. "Ba't dito ka natulog?" "Sorry sir, hindi ko po namalayang nakatulog na pala ako dito kagabi." Marcus was still wearing the same clothes last night. Mukhang kakagising lang din nito, but he still looks so fresh. Wala na itong sinabi pa at diretso na itong nagtungo sa kusina. Sumunod naman agad si Camille sa binata bitbit ang ka

