bc

My Sweet Revenge

book_age18+
783
FOLLOW
4.8K
READ
dominant
boss
drama
tragedy
twisted
heavy
city
secrets
intersex
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Isang mapait na karanasan ang dinanas ni Marcus noon na nagpabago sa kan'ya at nagdulot nang sukdulang poot sa kan'yang puso. Pinili niyang ikulong ang sarili sa madilim at miserableng mundo. Nabubuhay na lamang siya sa kagustuhang maghiganti. Ang tanging nais niya ay makitang gumapang sa hirap at pighati si Camille hanggang sa kusa na itong umayaw at piliin na lamang nitong maglaho.

Pero masyadong tuso ang mundo para maging kampanti. Natagpuan na lamang niya ang sariling unti-unting nahuhulog sa bitag na siya ang may gawa. Makakatakas pa kaya siya? Maililigtas niya pa kaya ang sarili? Magagawa niya pa kayang tapusin ang laban hanggang sa dulo o hahayaan niya na lang ang sariling magpatianod sa daluyong ng buhay?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Mille!" Napalingon si Camille nang marinig nito ang kan'yang pagtawag. She waved her hand and smiled sweetly upon seeing him. "Naglunch ka na ba? Sabay na tayo!" magiliw na anyaya niya habang habol-habol pa ang kan'yang hininga dahil sa pagtakbo. "Sige ba! Basta libre mo ha? 'di puwedeng tumanggi" pabirong sabi niya. Inayos niya ang pagkakasabit ng bag sa kan'yang kaliwang balikat at 'pagkuwan ay nagsalita. "Mukhang wala na nga akong magagawa pa." Napalakas ang tawa ni Camille nang makita ang pagkamot niya sa ulo. "Huwag na nga lang!" Napatitig siya sa dalaga at bahagyang napangiti. Sa tatlong taon niya itong nakasama sa University na kanilang pinapasukan, 'di niya maitatangging dahan-dahan na ngang lumalalim ang pagtingin niya kay Camille. Bukod kasi sa maganda ito at simple, mabait at palangiti pa ito. She's kind to everyone. Halos lahat ay binabati at nginingitian nito na kung minsan ay gusto niya na itong ipagdamot. She had a lot of friends. Ang daming gustong makipagkilala rito habang siya naman ay tanging ito lang ang kan'yang palaging kasama at kausap sa loob ng skwela. "Camille, nandito ka lang pala!" Parehas silang napatingin sa lalaking papalapit sa kanilang direksyon. "I was looking for you kanina pa. Dito lang pala kita makikita," sambit ni Bryle. Agad na tumalim ang mga tingin ni Jaydon nang makita ang mga braso nitong nakaakbay sa dalaga. Hindi niya gusto si Bryle kahit noon pa man. Masyado siyang naaangasan dito. 'Yong mga tingin kasi nito sa kanya'y palaging naghahamon. Akala siguro nito'y wala siyang ibabatbat sa kan'ya. Kung pwede lang basagin niya ang bungo nito edi sana'y matagal niya nang ginawa. Pero pinipigilan niya ang sariling gawin iyon. He didn't want Camille to see the other side of him, kasi siguradong hindi ito magugustuhan ng dalaga. "Actually, Bryle magla-lunch pa kami ni Jaydon ngayon. Puntahan na lang kita sa room niyo mamaya." "No Camille, I need you now. This is very urgent, tungkol to sa feasibility study natin. Why not lunch together? Wala naman siguro kayong importanteng pag-uusapan nitong si Jaydon, 'di ba?" Binigyan siya ng nakakalokong tingin nito na nagpapainit na naman ng kanyang ulo. Ilang segundo rin silang nagtitigan na para bang sa paraan na iyon ay nagagawa nilang magpalitan ng mga suntok. Pero bago pa man mamuo ang matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa ay agad na itong binasag ni Camille. "Sige!" Nabaling ang tingin niya sa dalaga nang marinig ang pagsang-ayon nito. "Kita na lang tayo later Jaydon. Ingat ka," nakangiting sabi nito habang humahakbang palayo na hindi man lang tinatanggal ang kamay ni Bryle na naka-akbay dito. He was left alone there again. Palagi na lang ganito. He felt like an option. Sa tuwing lumalapit si Bryle kay Camille ay palagi na lang siya 'yong naiiwan at 'di pinipili. 'Di niya maiwasang masaktan habang nakikita ang dalagang papalayo kasama si Bryle. Napasabunot na lamang siya sa kan'yang buhok dahil sa matinding galit na nag-aalab sa kan'yang kalooban. "KAUNTI NA lang magiging akin na si Bryle." Napalingon si Camille nang marinig niya ang sinabi ng babaeng nasa kan'yang likuran. Siya 'yong senior student na palagi niyang nakikitang lumalapit kay Bryle. Muli niyang ibinalik ang tuon sa laptop na kanina pa niya tinututukan at hindi na lang pinansin ang pinag-uusapan ng grupo nito. Nandito siya upang gawin ang kan'yang research at hindi para makinig sa mga usapan ng mga studyanteng nagdadaldalan sa paligid. Magda-dalawang oras na siyang nakatambay dito sa library. Kailangan niya na kasing matapos agad ito dahil ilang buwan na lang at magbabaksyon na, kaya naman doble-doble ang nilalaan niyang oras para maisumite niya ito agad. Sandali niyang iniwan ang kan'yang mga gamit upang maghanap ng iba pang libro na makakatulong sa kan'ya. "Mille!" Nabitawan niya ang mga librong dala niya dahil sa gulat nang marinig ang boses mula sa kanyang likuran. "Jaydon, ikaw pala!" sambit niya habang isa-isang pinulot ang mga libro. "Sorry kung nagulat kita," he said with his apologetic eyes. "Hindi, okay lang 'yon," nakangiti niyang tugon. Gumawa si Jaydon ng ilang hakbang palapit sa kan'ya at tinitigan siya nang ilang segundo bago ito nagsalita muli. "May ibibigay ako sa'yo. Sana magustohan mo." Bahagya siyang napatawa nang marinig ang sabi nito. "Ha? Bakit? I mean, ano? Anong ibibigay mo? regalo? pagkain?" He's always like this. Kung ano-ano ang binibigay nito sa kan'ya kaya medyo nasanay na rin siya. Noong una'y tinatanggihan niya ito pero dahil sa 'di naman na ito iba sa kan'ya, tinatanggap niya na lamang ito, just to appreciate it. "This time, para sa'n na naman 'yan? Naku ah! Napapadalas na ang pagbibigay mo ng kung ano-ano. May balak ka yatang gawing bodega ang kuwarto ko dahil sa dami ng mga binibigay mo," pabirong sabi niya. "Bakit 'di mo ba 'yon nagustohan?" tanong nito na may pag-aalala sa boses. "Hindi naman sa gano'n, syempre gusto ko yon. Pero 'di mo naman kasi kailangan magbigay ng kung ano-ano sakin Jaydon. Masaya na ako na magkasama tayo, nagkuwe-kuwentohan. Masaya na akong magkaibigan tayo. Hindi ko naman kailangan ng mga bagay na 'yon para maging masaya. Kasi 'yong pagkakaibigan na meron tayo, masaya na ako." Nakita niya sa mga mata ni Jaydon ang galak dahil sa kan'yang sinabi. Nabaling ang tingin niya nang makitang may dinukot itong nakatuping papel sa bulsa. Humakbang pang muli si Jaydon papalapit at 'pagkuwan ay inabot nito ang nakatuping papel sa kan'ya. Napatitig naman siya rito na may pagtataka. Nang buklatin niya ang papel ay halos lumugwa ang mga mata niya dahil sa nakita. Agad niya itong itinapon habang nanginginig ang katawan na nakatingin sa binata. Jaydon looked at him confused. "Bakit 'di mo ba nagustuhan? Alin? Saan do'n ang 'di mo nagustuhan? Sabihin mo sa'kin Mille." Habang umaatras siya palayo ay lalo na man itong lumalapit sa kan'ya. "Alam ko na!" nakangiting sambit nito. Kumuha ulit ito ng papel mula sa bag nito at hindi lang isa kundi marami, maraming papel na ang iniabot nito sa kan'ya. "Ito, sa tingin ko mas magugustuhan mo." Lalo pa siyang nakaramdam ng kilabot habang nakatitig sa mga papel. Iwinaksi niya ang mga ito kaya naman ay nagkalat ito sa sahig. Wala siyang nakitang galit sa mga mata ng binata. Ang tanging nakikita niya ay ang pag-aalala, pagtataka, at kalungkutan na namumuo sa magagandang mata nito. "Mille, gusto kita. Gustong-gusto kita. Ayaw mo ba sa'kin? Okay lang, basta gusto kita." He took another step closer to her. "Ibinigay ko ito sa iyo para malaman mong gusto kita, Mille." Nakita niya ang pagbagsak ng mga luha ni Jaydon. Hindi niya inaasahang marinig ito mula sa kaibigan. Pero imbis na sagutin ay tinalikuran niya ito at diretsong lumabas ng library na walang iniwan na kahit anong salita. GABI NA nang mapagdesisyonan ni Camille na ipagsabukas na ang kan'yang mga natitirang gawain. Panay na rin kasi ang tawag ng kan'yang mama dahil nag-aalala ito at bakit 'di pa siya umuuwi. Habang inaayos niya ang kan'yang mga gamit ay may naramdaman siyang kakaiba sa loob. Pakiramdam niya'y may mga matang nakamasid sa kan'ya kaya naman ay kaagad na siyang lumabas at dali-daling pumanaog ng hagdan mula sa 4th floor ng building. Tahimik na ang buong campus at siya na lamang ang natitirang studyante rito ngayon. Dahil sa pagkaabala niya sa kan'yang ginagawa kanina'y 'di niya napansin ang oras. Habang bumababa siya ng hagdan ay napapansin niya ang mga yabag na nakasunod sa kan'ya. Huminto siya ng sandali at pinakinggan ang paligid pero wala na ang mga yabag na narinig niya kanina. Nang mag simula na siyang maglakad ay muli na naman niyang naramdamang may nakasunod sa kan'ya. Sa mga oras na ito'y bumilis ang pintig ng kan'yang puso sabay sa pagbilis ng mga yabag na sumusunod sa kan'ya mula sa likuran. Hindi na niya nagawa pang lumingon dahil halos tumalon na ang puso niya sa kaba. Dahil sa sobrang takot ay diretso siyang pumasok sa isang kuwarto upang makapagtago. Dali-dali niya itong inilock upang masiguradong hindi makakapasok ang kung sinomang sumusunod sa kan'ya kanina. Nang inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto'y nabatid niyang bodega pala ito. Maraming mga lumang libro sa loob, mga sirang printer, mga nagkalat na testpapers at kung ano-ano pang gamit na hindi na mapapakinabangan. Hindi niya masyadong maaninag ang buong kuwarto, sapagkat tanging ilaw lamang na nanggagaling sa likod ng building ang nagbibigay ng liwanag dito. Idinikit niya ang tenga niya sa pinto upang marinig ang tunog na nagmumula sa labas at nang marining niyang wala ng ingay ay kaagad niyang kinapa sa bag niya ang kan'yang cellphone upang tumawag. Nanginginig ang mga kamay niya sa kaba at takot habang dina-dial ang number ng kan'yang mama. Nang akmang tatawagan niya na sana ito'y bigla siyang may narinig na kaluskos na nanggagaling sa kanang bahagi ng kuwarto. Ibinaling niya ang mga mata sa dako kung saan ang ingay at bumalot sa kan'ya ang takot nang mapansing may tao roon. "S-Sino 'yan?" nanginginig ang boses niyang tanong. Napansin niya ang paghakbang nito palapit sa kan'ya kaya naman ay agad siyang napaatras. "Dumating ka! Akala ko lalayuan mo na ako." Gano'n na lang ang panlalambot ng kan'yang mga tuhod nang mawari kung kaninong boses iyon. "J-jaydon?" Kaagad niyang tinapat ang ilaw ng kan'yang cellphone sa kinaroroonan ng taong iyon upang maaninag ang mukha nito. Habang papalapit ito ay mas lalo niyang nakaklarong hindi siya nagkakamali at si Jaydon nga talaga ito. Nanlumo siya nang makita ang bitbit sa kanang kamay nito. Baril, may hawak itong baril. "Salamat at dumating ka," nakangiting sabi nito. Naramdaman niya ang paghaplos ng malamig na kamay ni Jaydon sa mukha niya pababa sa balikat niya hanggang sa mahawakan nito ang nanginginig niyang kamay. "Ba't nanginginig ka? May problema ba?" Isa-isa nitong dinampian ng halik ang kan'yang mga daliri at dahil sa sobrang takot ay 'di niya maigalaw ang kan'yang katawan at para bang napako na lamang siya sa kan'yang kinatatayuan. "Masaya ako at nandito ka. Alam mong 'di ko kakayanin kung mawawala ka sa akin, Mille." She felt like dying because of so much fear. Iba ang Jaydon na nasa harap niya ngayon, sobrang nakakatakot at parang hindi niya ito kilala. Nang akmang hahalikan siya nito'y kaagad niya itong tinulak ng malakas. Napaatras si Jaydon ng bahagya habang titig na titig ito sa kan'yang mga mata. "Nababaliw ka na ba? Ba't mo ginagawa ito?" sigaw ni Camille. Pilit niyang ikinalma ang sarili pero hindi pa rin maikukubli ang takot sa kan'yang boses. "Gusto kita Mille. Ba't mo 'ko ginaganito? Ang sakit, sobrang sakit. Anong hindi mo nagustuhan sa akin? Anong mali sa akin? Anong nagawa kung kasalanan para ganituhin mo ako?" Bawat lumalabas na salita sa bibig ng binata ay puno ng pighati at sakit. Huminga si Camille nang malalim bago nagsalita. "Nahihibang ka na ba? Ano 'to Jaydon? Magkaibigan tayo… H-hindi kita gusto." Nag-uunahang bumagsak ang mga luha sa mata nito habang nakatitig ng diretso sa kan'ya. Napahagulgol na lamang ito habang paulit-ulit na pinupokpok ng baril ang ulo. Nakaramdam siya ng pagkahabag sa binata dahil ngayon niya lang ito nakita ng ganito. His eyes were full of pain. Jaydon was really hurting now. She wanted to console him pero mas nangingibabaw pa rin ang takot niya. Gusto niya nang makalabas at makalayo rito dahil pakiramdam niya'y kahit anong oras ay sasaktan siya nito. Kaya naman ay sinunggaban niya na ang pagkakataon, habang hindi pa ito nakatingin sa kanya'y bahagya siyang umatras upang makalapit sa pinto at pasimpleng kinapa ang doorknob. Her hand was shaking. Nang akmang pipihitin niya na sana ang doorknob ay bigla na lamang sumigaw si Jaydon nang malakas na ikinagulat niya nang husto. "'Wag na 'wag mong bubuksan 'yan, kung ayaw mong iputok ko 'to sa'yo!" galit na galit na sigaw nito. Nandilat ang mata niya nang makitang nakatutok na sa kan'ya ang baril ngayon. Buong lakas siyang hinila ni Jaydon papalayo sa pinto kaya naman ay bumangga ang katawan niya sa binata. Napapikit na lamang siya nang maramdaman ang pagyakap nito sa kan'ya nang mahigpit. Sinubukan niya itong itulak pero wala na siyang lakas para gawin pa iyon. Jaydon was so strong and she couldn't even make a single move. P'wersahan siya nitong hinalikan sa mga labi at kahit anong gawin niyang pagpumiglas ay 'di niya magawang makawala. Ang mga halik nito ay mas lalong lumalalim at nararamdaman niya na ang mga kamay nitong naglalakbay sa kan'yang katawan. Tears fell from her eyes. Hindi niya lubos maisip na ang pagkakaibigan nila ay aabot sa ganito. Unti-unting lumuwag ang pagkakayap ni Jaydon sa kan'ya at ngayon ay nakaluhod na ito sa kan'yang harapan habang nakayuko ang ulo na parang nagsusumamo. "Sorry! sorry!" paulit-ulit na sambit nito habang humahagulgol. Iniangat ng binata ang kamay nitong may hawak na baril at itinutok muli ito kay Camille. Napaatras siya habang ang katawan niya'y nanginginig pa rin sa takot. Ang mga luha niyang kanina niya pa pinipigilan, ngayon ay bumuhos na. Nag-angat ng ulo si Jaydon at ibinalik ang mga tingin sa kan'ya. Pinahid nito ang mga luha at kapagkuwan ay ngumiti. "Kunin mo," sambit nito na ang tinutukoy ay ang baril na nakatutok sa kan'ya. Hindi siya nakagalaw sa kan'yang kinatatayuan at nakatitig lamang siya sa binata. "Kunin mo!" galit na sigaw nito. Dahil sa takot ay napilitan siyang kunin sa kamay ng binata ang baril. Hindi niya alam ang nasa isip nito ngayon pero kailangan niyang magpakatatag. Hindi siya puwedeng magpadala sa kan'yang takot ngayon dahil gusto niya pang mabuhay. Nang makuha niya ang baril ay buong tapang niyang itinutok ito kay Jaydon. "Baliw ka! Baliw ka, Jaydon! Nababaliw ka na!" 'Di mapigil ang pagbuhos ng kan'yang luha. Takot siya, takot na takot at hindi niya na alam pa ang kan'yang gagawin. Napaatras siya nang makitang dahan-dahang tumayo si Jaydon. Humakbang ito papalapit sa kan'ya habang ang mga mata nito'y nanatiling nakapikit. "1..." "2..." Binibilang nito ang bawat hakbang na ginagawa. "Nababaliw ka na!" "3" Nang bigkasin nito ang numerong iyon ay saka naman ang pag-alingawngaw ng malakas na putok sa loob. Everything seemed so fast. Nabitawan na lamang ni Camille ang baril nang makitang humandusay si Jaydon sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook