Isang mapait na karanasan ang dinanas ni Marcus noon na nagpabago sa kan'ya at nagdulot nang sukdulang poot sa kan'yang puso. Pinili niyang ikulong ang sarili sa madilim at miserableng mundo. Nabubuhay na lamang siya sa kagustuhang maghiganti. Ang tanging nais niya ay makitang gumapang sa hirap at pighati si Camille hanggang sa kusa na itong umayaw at piliin na lamang nitong maglaho.
Pero masyadong tuso ang mundo para maging kampanti. Natagpuan na lamang niya ang sariling unti-unting nahuhulog sa bitag na siya ang may gawa. Makakatakas pa kaya siya? Maililigtas niya pa kaya ang sarili? Magagawa niya pa kayang tapusin ang laban hanggang sa dulo o hahayaan niya na lang ang sariling magpatianod sa daluyong ng buhay?