Chapter 1

1502 Words
CHAPTER 1 "How is it?" tanong ni Marcus habang nakatuon ang pansin sa mga nakahilirang papeles sa kan'yang table. "Everything is perfect," sagot ni Lex. "Good! You may go." Nanatili ang kan'yang mga mata sa ginagawa at 'di man lang binalingan ng pansin ang kaibigan hanggang sa makalabas ito. He stopped for a moment and stared at the small envelope on her table. Mula roon ay kinuha niya ang isang picture at tinitigan niya ito ng ilang minuto na tila ba isinasaulo niya ang mukha ng babaeng nasa larawan. Ipinikit niya ang kan'yang mga mata at marahang minasahe ang sentido nang maramdaman ang pagsakit ng kan'yang ulo. Suddenly, he felt something touched his lips kaya naman ay agad siyang napadilat. "Migraine again?" tanong ng isang matangkad, maganda at sexyng babae. Nakangiti itong tinitigan siya habang naghihintay ng sagot. Kaagad niyang inipit sa ilalim ng laptop niya ang picture na kanina lang ay hawak-hawak niya. "What are you doing here?" malamig na tanong niya rito. Binalik niya ang pansin sa mga papeles na nakalatag sa kan'yang table. "I want to see you. Bawal na ba?" saad nito saka umupo sa visitor's chair na katapat niya. Tinitigan niya ito saka nagpakawala nang buntong hininga. "I'm busy!" "Oh! come on Marcus. Wala kana bang ibang excuse aside of your busy schedule?" sumbat nito na halata ang pagka-irita. "None," malamig na sagot niya saka ibinalik ang mga mata sa kan'yang ginagawa. "This is f*cking bullshit!" naiinis na sabi nito sabay tayo at padabog na kinuha ang bag niya. Tuluyan na itong lumabas ng office. MAAGANG GUMISING si Camille dahil ngayon ang unang pasok niya sa trabaho. Tinignan niya ang sarili sa malaking salamin saka inayos ang damit na suot. Ngumiti siya nang kaunti saka nagpakawala ng malalim na hininga. "Kaya mo 'to Camille," sambit niya sa sarili. "SIR, SHE'S here," sabi ng secretary ni Marcus. "Let her in," utos niya rito. Ilang segundo lang bumukas na ang pinto. Bumungad sa kan'ya ang papasok na babaeng nakasuot ng puting long sleeves at pink skirt na hanggang ibabaw ng tuhod nito. Ang mukha nito'y kasing amo ng mukha nito sa larawan. She looks like an innocent, pure lady na hindi nakakagawa ng kasalanan. Sinalubong siya nang matamis nitong ngiti pero tinitigan niya lamang ito na walang anomang emosyon sa kan'yang mukha. "Be sitted," malamig na tugon niya rito. Kinuha niya sa gilid ng kan'yang mesa ang isang folder saka binasa ang nakasulat doon. "So, you're Camille Cordova?" tanong niya. "I'm Camille Cordova. I'm 23 years old. I graduated from---" "I'm just giving you a simple question Sagutin mo ito ng oo o hindi. I don't need all your details." Hindi na nito nagawa pang tapusin ang sinasabi nang agad niya itong pinutol. Binigyan niya ito ng tingin na animo'y isang baril na nakatutok sa noo nito at isang maling pagkakamali lang ay ipuputok niya ito nang walang pag-aalinlangan. "I'm sorry, sir," sambit nito at nag-iwas ng tingin. "Sorry for? May kasalanan ka bang ginawa?" makahulugang tanong niya. Bigla itong natahimik at 'di makasagot. Para bang may kung anong bumara sa lalamunan nito at hindi ito makapagsalita. Pinagmamasdan lamang ni Marcus ang dalaga na ngayon ay pinagpapawisan at halata sa mukha ang nararamdamang kaba. "Nanginginig ka, may problema ba?" Sumilay sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa kan'yang tanong. Nakatitig lamang ito sa kan'ya na para bang may kung anong bagay itong naaalala. "I bet you're not ready for this interview, you're just wasting my time." Camille remained silent and it annoyed him so much. "Did you know, na natanggap ka ng kompanyang ito because of your best performance during your training? Infact, you are recommended by someone who has a good position here in our company," he said. "Yes, sir. I knew it," mahinang sabi nito. Binigyan niya ito ng kuwestyonabling tingin. "So, I guess nagkamali yata sila ng pinili. Baka naman hindi ikaw 'yon? Because you are not the best, you're not even better and you're not good at all," he said to insult her but Camille didn't respond. "Now! answer me. Alam mo ba talaga ang pinapasukan mo?" Humugot ito nang malalim na hininga bago sumagot. "Yes, alam ko po sir at gagawin ko ang makakaya ko to prove you na I can be good, I can also be better, and be best at all times," sambit nito na ngayon ay nakatingin na sa kan'yang mata ng direkta. He smirked. "Really?" sarkastikong tanong niya. "Yes sir." "Anong katumbas ng isang matinding kasalanan Ms.Cordova?" He gave her an intimidating gaze while playing the pen on his fingers. Muli na naman itong natahimik at tila ba napaisip sa kan'yang tanong. "Matinding kapurasahan, sir." "Ano ba 'yong matinding kaparusahan sa'yo Ms.Cordova? Be specific." "death" malakas ang loob na sagot nito. Agad napukaw ang sistema niya nang marinig ang 'di inaasahang sagot ng dalaga. Mas tumalim pa ang mga titig niya rito na animo'y sinusuri niya ang misteryo sa likod ng sagot ni Camille. Binitawan niya ang ballpen na kan'yang pinaglalaruan at ikinuyom ang mga kamay. "So, you can kill anyone?" tanong niya na may diin sa boses. Bago pa makasagot ito'y bigla na lang bumukas ang pinto na ikinagulat nilang pareho. Walang pag-aalinlangang pumasok si Valerie na nakangiti pang lumapit sa kanila. "Oh! you're talking with someone." "You may leave now, Ms. Cordova," sambit niya na halata ang pagka-irita. Kaagad na tumayo si Camille at nakayukong naglakad na para bang nabigo ito ngayon. Nakataas ang kilay na sinundan ito ng tingin ni Valerie. "Sir?" tawag nito. He looked at Camille waiting to hear something from her. "In or out?" she stupidly asked. "You may start working here tomorrow," malamig niyang sagot. Kuminang ang mga mata nito at awtomatikong gumuhit sa labi ang isang matamis na ngiti. She obviously didn't expect his answer. "Thank you, sir." Let see if you can still smile like that after you taste hell. MASAYA SIYANG lumabas ng office ni Marcus. Sa katunayan ay 'di niya inaasahang tatanggapin siya nito. She didn't perform well during the interview. Mukhang 'di rin kasi ito satisfied sa kan'yang mga sagot pero napakasuwerte niya at natanggap pa rin siya. Ang ngiti niya ay agad napawi nang maramdaman ang init sa kan'yang dibdib mula sa tumilapon na kape. "Oh! I'm so sorry, miss. 'Di ko talaga sinasadya," sambit ng isang lalaki. Napaatras siya nang maramdaman ang kamay nitong lumapat sa kan'yang dibdib nang punasan nito ang kan'yang damit na ngayon ay basang-basa na. "Oh! I'm sorry again. I was about to help you para matanggal 'yong stain. I didn't mean to touch your..." Hindi na nito tinuloy pa ang sinasabi at halata rito sa mukha ang pagsisisi sa nagawa. "Hindi, okay lang, 'di mo naman sinasadya," sambit niya saka ngumiti upang maibsan ang kahihiyang nangyari. "HINDI KO gusto ang babaeng 'yon," reklamo ni Valerie. "Who told you to like her?" pambabara niya rito. "In or out? Oh my God, Marcus! Sa'n ka nakapulot ng gano'n kabobong tao? Is she acting cute? adorable? or tanga lang talaga siya kung magsalita? She's getting into my nerves." Inirapan niya lamang ito. "Kapag makita ko ulit 'yong babaeng 'yon dito, I'll make sure na mapapahiya siya sa asta niyang gan'on. Don't she ever dare to flirt you or seduce you, as if she's seductive. Hindi naman siya ka---" Naputol ang sinasabi nito nang padabog na inilapag niya sa mesa ang pinagpatong-patong na mga papeles. "Will you shut up?" naiinis niyang tanong. "Marcus I'm just saying that--- " "For God's sake Val! Will you shut your f*cking mouth? Kung wala kang sasabihing importante, umalis kana. Get out!" sigaw nito na ikinagulat ng dalaga. Hinablot nito ang bag na nakapatong sa kan'yang mesa at padabog na lumabas ng kan'yang opisina. Valerie is always like that and his tired of listening to her nonsense rants, kaya nga minsan ay nag-iinit ang kan'yang ulo at nasisigawan niya ito. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay bumukas na naman ang pinto at pumasok si Lex nang nakangitii. 'Di niya pinansin ang pagdating nito at itinuon niya na lamang ang pansin sa kan'yang trabaho. Inilagay nito sa mesa niya ang kapeng dala nito na ngayon ay nangangalahati na. He sat across him without taking off his smile. "So you met her already?" tanong nito habang tinitingnan ang folder na may lamang resume ni Camille. He just nodded. "So, ano? How is she? Ano first impression mo sa kan'ya? 'Di ka man lang ba na attract? 'Di ka ba nadala sa mga ngiti niya?" pabirong tanong nito. "She's just nothing but a devilish kind of woman with an innocent face. Marami siyang tinatago sa sarili," sagot niya. Sumandal siya sa kanyang upuan at ibinaling ang pansin kay Lex. "She's lovely. Isn't she?" nakangiting tanong nito. "Keep your eyes on her Lex, lahat ng galaw niya rito kailangang alam mo. She'll start working here tomorrow," tugon niya na 'di pinansin ang tanong ng kaibigan. "I will, don't worry. Pati pagpunta niya ng comfort room 'di ko palalagpasin," sagot nito nang nakangiting aso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD