Maagang pumasok si Camille sa trabaho, 4:00 am palang ay gising na ito at hinanda ang kan'yang sarili. Alas-sais na nang makarating siya sa MADeal. Pagdating niya ay iilan pa lang ang mga taong nakikita niyang palakad-lakad dito. Karamihan pa nga ay mga janitor na naglilinis sa bawat hallway. Nakatawag pansin sa kan'ya ang isang napakalaking larawan ng disenting lalaki na napakaseryoso at walang anomang emosyon ang makikita sa mukha nito. Napangiti siya nang mabasa ang pangalan na nakasulat sa ibabaw ng larawan.
Marcus Alarcon
Pumasok sa isip niya ang tanong kung bakit wala itong middle initial na nakalagay. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mukha ng lalaki. Aminado siya sa sarili niyang may taglay itong kaguwapohan. May magandang mata ito na nakakapangilabot pag ikaw ay tinititigan. Matangos ang ilong nito at maganda ang hugis ng kan'yang labi. Ang mga labi nito na hindi man lang magawang ngumiti sa kanya. Alam niya sa sarili niyang mayroon itong tinatagong magandang kalooban taliwas sa pinapakita nitong supladong pag-uugali. Napalingon siya nang maramdaman ang presensya ng taong nasa tabi niya.
"Naguwa-guwapohan ka sa kan'ya?" tanong nito habang nakatingin sa larawan.
Naging pamilyar sa kan'ya ang mukha ng lalaki. Pilit niyang inaalala kung saan nga ba niya ito nakita. Napatitig siya rito sandali at agad na nagflashback sa utak niya ang nangyari kahapon. Siya pala 'yong lalaking nakabangga niya kahapon at sa kasamaang palad ang kapeng bitbit nito ay tumilapon sa kan'yang damit at aksidente pa nitong nahawakan ang dibdib niya. Pilit niyang iwinaglit sa isipan ang pangyayaring 'yon dahil nagdudulot ito ng pag-iinit ng kan'yang mga pisngi.
"H-huh? Uhm..."
'Di niya ito magawang sagutin kasi 'di niya rin alam ang dapat niyang isagot.
'Di niya alam kung sa pagkakataong iyon ay magsisinungaling siya o sasabihin ang totoo. Hindi rin naman big deal kung naguwa-guwapohan nga siya. Kasi lahat naman siguro nakakapansin na guwapo nga si Marcus. Bago pa siya makasagot ay naglahad ito ng kamay sa kan'ya.
"I'm Lex and you are?"
Binigyan siya nito nang napakatamis na ngiti.
Sa pagngiti nito ay kusang nawawala ang singkit nitong mga mata at lumalabas sa magkabila nitong pisngi ang malalim na biloy. Ginantihan niya rin ito ng ngiti sabay abot ng kamay nito.
"Camille," maikli niyang sagot.
"Ang aga mo yatang pumasok, excited?" natatawang tanong nito.
Nakagat niya ang ibabang bahagi ng kan'yang labi dahil sa hiya. Naisip niya na mukha nga talaga siyang excited dahil masyadong maaga ang pagpasok niya.
"Come with me at ituturo ko saiyo kung saan ang office mo."
*****
Nakangiti siyang umupo sa swivel chair. Damang-dama niya ang saya nang makapasok siya sa loob ng office kung saan siya hinatid ni Lex. Hinaplos niya ang makintab na mesa at dinama ang tekstura nito. Hindi siya makapaniwalang magkakaroon na siya ng trabaho rito nang ganun kabilis. Parang kailan lang noong nag tri-training pa siya rito kasama ang mga classmates niya at sa dami nila, siya ang na-absorb ng MADeal. Tuwang tuwa siya noon nang malaman iyon. Pero nasagi rin sa isip niya kung sino nga ba ang nagrecommend para makapasok siya rito at nang mapasalamatan man lang niya.
Ilang oras lang ang dumaan at bumukas ang pinto. Napatingin siya sa babaeng kakapasok lang na nasa edad kuwarenta na. Ngumiti ito sa kan'ya at sinuklian din niya ito ng matamis na ngiti. Nilibot niya ang paningin sa loob ng office at binilang kung ilang computer ang nandoon, natigilan lamang siya nang magsalita ang babae.
"Welcome to the club!" natatawang sabi nito habang inaayos ang mga gamit nitong nagkakagulo sa ibabaw ng mesa.
"I'm Amy, tawagin mo na lang akong ate Amy, total forty-four naman na ako. 'Di na maikakailang matanda na. Eight years na akong nagtatrabaho rito at bawat ugali ng mga kasamahan natin dito sa office ay kabisado ko na," nakangiting sabi nito bago umupo.
"Si Sir Marcus po ba okay lang ba siya? I mean hindi ba siya ganun ka strict sa inyo?" pag-aalangang tanong nito kay Amy.
Napatawa ito sa kanyang tanong.
"Si Sir Marcus, mainitin ang ulo niyan. Isang pagkakamali mo lang, itatapon niya na agad ang effort mo basta-basta. Hindi nga niya magawang magrespond 'pag nag go-good morning ka. Naku! parang bulkan 'yan, anytime puputok bigla."
Pumasok ang isang babae na may katamtamang tangkad, nakasuot ito ng pulang dress na hapit na hapit sa katawan nito. Puno rin ng kolorete ang mukha nito at kung titingnan ay masasabi niyang may pagkamaarte ito. Tinignan lamang siya nito at kaagad na nagtungo sa kabilang table at doon umupo. Kasunod ng pagpasok ng babae ay isang lalaking sa tingin niya ay kaedad lamang niya. Nilingon siya nito at kaagad na nilapitan. Nagulat siya ng umupo ito sa ibabaw ng kan'yang mesa.
"I'm Chris," nakangiting sabi nito.
"Cam---"
Magpapakilala na sana siya nang bigla nitong itinapat sa labi niya ang hintuturo nito upang pigilan siyang magsalita.
"Shss...Let me guess."
She felt weird with this guy's action.
"You are Aya. Ay! hindi. Parang Patricia ang bagay sayo na name o di kaya ay Cam--- Camy… Camille. Tama Camille! Am I right?"
Namangha naman siya dahil sa galing nitong manghula. Dahan-dahan niyang tinanggal ang daliri ng lalaki sa labi niya at nagsalita.
"Wow! P-pa'no mo nahu---"
Hindi niya na natapos pa ang sinasabi nang biglang nagsalita ang babaeng nakapula.
"Seriously? Naniniwala ka sa kalokohan niya? Bobo ka ba? Siyempre malalaman niya kasi may ID kang suot. Like duh!" pagtataray nito sa kan'ya.
Napailing naman si Amy habang napatawa ng bahagya at si Chris naman ay halos mawalan na ng hininga habang hawak-hawak nito ang tiyan. Nagpakawala lamang siya ng hilaw na ngiti nang maisip niya kung gaano siya katanga.
"You know what? You're so stupid..." sabi ni Chris na hindi pa rin matigil sa pagtawa.
"But cute," dugtong nito.
Nagulat siya nang inilapit ni Chris ang mukha nito sa kan'ya at halos dalawang pulgada na lamang ang distansya nito at magdidikit na ang kanilang mga labi. Ramdam na ramdam niya ang paghinga nito na dumadampi sa mukha niya. Umalingawngaw sa loob ang malakas nitong sigaw nang bigla itong kinurot ni Amy sa tagiliran.
"Ate Amy...Aaarayy!" sigaw nito habang hinihimas pa nito ang tagiliran upang maibsan ang sakit.
Napangiti na lamang si Camille.
"Ikawng bata ka, tigil-tigilan mo si Camille sa kapilyohan mo. Baka wala pang isang linggo magresign na yan," bulyaw nito kay Chris na 'di tinitigilan sa paghampas ang likod.
"Kj nito!" nakabusangot na sabi ni Chris.
Umupo ito sa katabing mesa niya at hinarap siya.
"I'll call you baby," nakangiting sabi nito kay Camille.
Nagpakawala lamang siya ng pekeng ngiti at 'di na nagsalita pa.
*****
Napatingin si Marcus sa relong suot niya. Alas diyes imedya na ng umaga, andito parin siya sa bahay ng kan'yang girlfriend. Dalawang oras na siyang pinaghihintay nito at nag-iinit na ang kan'yang ulo. Sabi ng maid nito kanina nagbibihis na raw si Valerie pero hanggang ngayon ay 'di pa rin ito lumalabas.
Damn!
Pagmumura niya ng paulit-ulit sa isipan. 'Di na siya nakapagpigil at kaagad siyang tumayo habang nakakuyom ang mga palad. Humakbang na siya paakyat sa kwarto nito at pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi ito pagmulan ng away nila. Kumatok siya ng pangatlong beses sa pintuan nito at wala pa ring nagbubukas ng pinto. Nagtangis na ang kan'yang mga bagang sa galit. Kumatok siya ulit at sa pagkakataong 'yon ay hindi na siya naghintay na may magbukas pa, kundi kusa niya na itong binuksan.
Sa pagbukas niya ng pinto ay kaagad siyang sinalubong nito ng halik at pinulupot sa kanyang leeg ang mga braso nito. Tila nilulunod siya ni Valerie sa halik nitong mapangahas. Nakatitig lamang siya sa mukha ng dalaga habang patuloy lamang ang paghalik nito sa kan'ya. Mukha itong gutom na gutom sa halik niya at ayaw nitong tumigil. Nang mapansin ang suot nito'y agad na tumalim ang kanyang mga mata. Ang akala niya'y nakapagbihis na ito, pero hanggang ngayon ay suot-suot pa rin pala nito ang bathrobe. Sa gitna ng paghahalikan nila'y itinulak niya ito at bumagsak ito sa kama. Isang mapanglamuyot na ngiti ang gumuhit sa labi ni Valerie.
"Take off your bathrobe," utos niya.
Walang pag-aalinlangang hinubad nito ang saplot sa katawan. Nakahiga lamang ito sa kama at hinihintay ang kan'yang gagawin.
"Fix yourself. Kanina pa ako naghihintay sa'yo sa labas at hanggang ngayon 'di ka pa nakapagbihis. I'll give you five more minutes. Kung 'di ka pa rin bababa, magpahatid ka na sa driver mo," kalmadong sambit niya.
Nanlaki ang mata ni Valerie dahil sa galit. Hindi ito makapaniwala sa pagpapahiya niya rito. Bago siya makalabas ay itinapon pa nito sa kan'ya ang unan na tumama sa kan'yang likod. Hindi niya na ito pinansin pa at diretso na siyang lumabas.
"F*ck you Marcus! F*ck you!" rinig niyang sigaw nito.
*****
"Good Morning Sir Marcus!" bati ng babaeng nakasalubong niya.
'Di man lang niya ito tinignan at dire-diretso lamang siyang naglakad papuntang office. Nang nasa tapat na siya ng pinto'y nakaramdam siya ng kakaiba. He felt like there's someone inside. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at nang mabuksan niya ito'y nadatnan niya si Camille na nakatayo sa harap ng kan'yang mesa at tila may hinahanap ito. Hindi siya nito napansin dahil nakatalikod ito sa kan'ya at abala sa paghahanap ng kung ano.
Pinulot ni Camille sa sahig ang nahulog na maliit na envelope at maingat na ibinalik ito sa pwesto. Pero sa 'di sinasadya ay nasagi niya ang mug na may lamang kape. Agad siyang napaatras upang maiwasan ang pagtalsik nito sa kan'yang damit pero tumama ang kan'yang likod sa matigas na bagay. Lumingon siya at nagulat nang makita ang seryosong mukha ni Marcus. He looked at her with his cold but flaming eyes.
"S-Sir?"
"What are you doing here?"
Kitang kita niya ang kaba at takot sa mukha ni Camille. Napapansin na rin niya ang pamamawis ng noo ito.
"S-sir s-sorry 'di ko po sinasad---" pautal-utal na sabi nito.
"Get out!"
Dali-dali itong lumabas ng kan'yang opisina at di na nagpaliwanag pa.
*****
Madaling araw na pero hindi pa rin makatulog si Camille. Binagabag siya ng kakaisip sa nangyari sa office ni Marcus kanina. Tinakpan niya ng unan ang kan'yang mukha baka sakaling maalis sa isipan niya ang pangyayaring 'yon pero di niya parin maiwasang mag-alala na baka kung anong isipin ni Marcus.
"'Di puwede!" sigaw niya.
Napabalikwas siya ng pagkakahiga nang tumunog ang kan'yang cellphone.
From: Kyle
Idi-date kita bukas. Imy milmil.
She couldn't help but to smile while reading the message.