CHAPTER 3

1760 Words
Umalingawngaw ang boses ni Mr.Lopez sa loob ng marketing office. Simula pa kanina ay hindi na ito matigil sa kakatalak. Paulit-ulit niyang pinagsasabihan si Shon dahil bukod sa absent ito kahapun ay nalate pa ito ng dating. "Ilang beses mo na itong ginagawa, namumuro kana. Talagang inuubos mo ang pasensya ko. 'Wag mong hintayin na mapuno ako sa iyo at sa kangkongan ka pupulutin," gigil na gigil na sabi nito. "Pasensya kana talaga sir, medyo masama pa kasi ang pakiramdam ko hanggang ngayon, kaya nalate ako ng gising," pagsisinungaling niya sabay pakawala nang pekeng ubo upang pangatawanan ang kan'yang pagkukunwari. "Sa tingin mo maniniwala ako sa kasinungalingang 'yan? Hoy! Mr.Gurdon, pinapaalalahan lang kita, isang suspension na lang ay puwede ko nang sipain ang kalyado mong puwet palabas ng kompanyang ito. Huwag na huwag mong sinasagad ang pasensya ko, dahil talagang makikita mo ang gagawin ko." Hindi na siya muling nagsalita pa at nanatili lamang ang kanyang ulong nakayuko. Kung magdadahilan pa kasi siya ay paniguradong hahaba na naman ang estorya at kung saan-saan na naman ito mapupunta. Sawa na siyang makinig sa nakakarinding boses nito. Buti na lang talaga ay pinatawag ito sa conference dahil kung hindi ay talagang aabutin ito ng lunchbreak sa kakakuda. "Tang*na talaga 'yong panot na 'yon, nakakabw*set ng umaga. Sarap sapatusin ang bunganga. Ipakain ko 'to sa kan'yang computer eh at nang matahimik siya." Nagtungo siya sa kan'yang mesa at doon ibinuhos ang galit sa pamamagitan nang paghampas niya nang kan'yang bag sa upuan. "Badtrip! f*ck you Lopez!" pagmumura niya. "Pa'no naman kasi eh absent ka nang absent, tapos late ka pang dumating. S'yempre magagalit 'yon. Alam mo naman tumatanda, sumpungin na, tapos, wala pang asawang nag-aalaga. Eh girlfriend nga wala 'yon," sambit ni Amy sabay tawa. "Landiin mo na kasi Kate nang gumanda naman minsan ang araw ng matandang 'yon. Kulang lang 'yon ng kaunting inti sa katawan eh," panunukso ni Chris habang nakatuon ang mga mata sa computer. "Over my dead, sexy and perfect body Chris. I'd rather die than being with that dirty old man. Yuck! kaderder niya." Hindi na nakisali pa sa usapan si Camille at pinagpatuloy niya na lamang ang kan'yang ginagawang trabaho. Kailangan niya na kasing matapos ito ngayong araw dahil kung hindi ay tiyak na matatambakan na naman siya bukas. Lahat sila ay natahimik nang marinig ang muling pagbukas ng pinto. Nang makita ni Kate kung sino ang nandito ay agad siyang tumayo at sinalubong ito na may mga ngiting puno nang pananabik. "Sir, hinahanap mo ba ako? Anong ipapagawa mo sir? Anything gagawin ko. Gusto mo ba ng massage?" sunod-sunod nitong tanong sabay haplos sa balikat ng binata. Ngumiti lamang si Lex at pasimpleng inalis ang mga kamay ni Kate sa kan'yang balikat. "How are you guys? Pinapahirapan ba kayo ni Mr.Lopez? Marami ba siyang pinapagawa sa inyo?" nakangiting tanong niya. "Aba! palagi naman ya--" 'Di na natapos pa ni Shon ang kan'yang sasabihin nang agad na tinakpan ni Amy ang kan'yang bibig. "Hindi sir, okay lang naman ang relasyon namin ni Mr.Lopez," sabad ni Amy. Gumuhit sa mukha ni Chris ang pagkagulat nang marinig ang sabi nito. "May relasyon kayo?" he asked foolishly. Isang malakas na batok ang natanggap nito mula kay Amy na nagpahagikhik kay Lex. "Tanga ka talaga kahit kailan," naiinis na sabi nito. Gumawa si Lex nang ilang hakbang saka ibinaling ang pansin kay Camille. "Ikaw Camille, how are you? Are you comfortable here? Sabihin mo lang at ililipat kita sa ibang department." Camille smiled sweetly. "Hmm... okay na okay lang ako dito, sir. Mabait silang lahat saakin," sagot niya sa nakangiting si Lex. Kate rolled her eyes with a crossed arm. Mukhang hindi nito nagustuhan ang narinig. "Wow! special treatment," sarkastikong sabi niya na hindi naman din binigyang pansin nila Amy. "Good to hear that, Camille. Anyway, I have to go I'll just see you later," paalam ni Lex na 'di inaalis ang ngiti sa mga labi nito. "Pakabait ka, Ms.Falcon," sambit nito sabay tapik sa balikat ni Kate bago tuluyang lumabas. "Wow ha! May pa see you later pang nalalaman si sir. I smell something fishy," panunukso ni Chris kay Camille. Napakunot ang noo ni Camille sa sinabi nito. "Ha? Ano ba! wala 'yon. S'yempre magkikita kami, iisa lang naman ang building na pinagtatrabahuan natin 'di ba? So walang ibang ibig sabihin 'yon," depensa niya. "Shut the f*ck up!" sigaw ni Kate. Muntik na niyang maihampas ang keyboard sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw nito. Parehas silang napatingin sa direksyon ni Kate na ngayon ay nakapang-abot ang kilay nitong nakatingin sa kanila ni Chris. "Ang ingay niyong dalawa, may ginagawa ako rito. 'Di ako makapag-concentrate," reklamo nito sabay irap sa kanila. Hindi niya sigurado kung naiingayan ba talaga ito sa kanila o iba ang pinagbuntunan nang galit nito ngayon. Dahil pansin niya kasing kanina pa ito nagpaparinig magmula nang pumasok si Lex dito. Pero kahit alin man doon ay mas pipiliin niya pa rin' manahimik at umiwas sa gulo. Hindi niya ito papatulan ano man ang mangyari. Sa pangalawang beses ay muli na naman siyang nagulat at kamuntikan nang mahulog mula sa kan'yang kinauupuan nang biglang tumunog nang malakas ang kan'yang cellphone. Pero nang makita niya kung sino ang tumatawag ay agad na napawi ito ng tuwa sa kan'yang puso. "Hello Kyle!" "Sa'n ka? Susunduin kita." "MADeal" "Sige, I'm on my way," pabirong sabi nito. "Sigurado ka?" natatawang tanong naman ni Camille dito. Narinig niya ang malakas na tawa ni Kyle sa kabilang linya. "Hindi, joke lang. Wala pa akong car." "Camille baby, sinong kausap mo? 'Lika na, maglunch na tayo," pasigaw na sabi ni Chris upang sadyaing marinig ito sa kabilang linya. "Sino 'yon? boyfriend mo?" halata sa boses ni Kyle ang pagtataka. "Hindi, officemate ko lang," she said while giggling. "Text ko na na lang sa'yo sa'n tayo magkikita." "Sige Kyle! Bye!" "KYKY!" NAKANGITING tawag ni Camille. Nang makita niya ang dalaga'y agad siyang kumaway sabay ngiti nang malapad. "Kumusta kana? Namiss kita nang sobra," pambungad na tanong nito sa kan'ya. Kinurot nito ang magkabilang pisngi niya na tila ba isa siyang batang pinanggigigilan nito. "Aray! naman Camille. Tigilan mo nga 'yan, masakit ha," reklamo niya habang pilit na inaalis ang kamay nito sa kan'yang pisngi. "Eh...namiss kita eh. Ako ba, hindi mo namiss?" nakangusong pang tanong nito na parang isang batang nagtatampo. Bahagya siyang tumawa. "Oo naman, namiss kita. Gusto mo ikiss pa kita eh, para maniwala ka," pabirong sabi niya rito. Ngumiti si Camille nang nakakaloko saka inilapit ang mukha nito sa kan'ya na sadyang ikinagulat niya nang husto. Hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon nito sa kan'yang sinabi. "Sige nga!" pahahamon nito habang nakatitig sa kan'yang mga mata. Isang dangkal na lang ang layo nang kanilang mukha at magkakadikit na ang kanilang mga labi. Para siyang istatuwang hindi makagalaw doon sa kan'yang kinauupuan at pati paghinga ay hindi niya magawa. Ang bilis nang t***k ng kan'yang puso at para siyang mahihimatay sa sobrang kaba. "Excuse me sir, may I have your order?" Para siyang nakaahon mula sa pagkakalunod sa malalim na ilog at saka lamang siya nakahinga nang marinig ang tanong ng waiter. Saved by the waiter. "U-uh...uhm… O-oo," pautal-utal na sagot niya. Tuloy ay pinagpawisan siya dahil sa nangyari. "Tang*na mo Kyle! Bakit di mo hinalikan? Nababakla ka ba? 'Di ba gusto mo rin naman? Pero baka sabihin naman niyang mapagsamantala ako o 'di kaya, paghahalikan ko na siya bigla niyang sabihing joke. Ay, ewan! bw*set!" bulyaw niya sa kan'yang isipan. "Kumusta 'yong pag-uwi mo sa probinsya Kyle?" pagbasag ni Camille sa katahimikan. Napapansin niya kasing kanina pa lutang ang isip ng binata habang kumakain sila. Mukhang may malalim itong iniisip na hindi nito magawang sabihin sa kan'ya. "Okay lang naman!" maikling sagot nito na halatang wala itong gana makipag-usap. FROM: ATE AMY Camille, 'san kana? May biglaang meeting kasama si Mr.Lopez. Sabon ang aabutin mo pag mali-late ka. Bilisan mo na ngayon. Nang matanggap niya ang text mula kay Amy kanina ay mabilis pa sa alas-kuwatro siyang nakaalis ng restaurant. Kulang na lang talaga ay liparin niya papuntang MADeal, makaabot lang sa oras. "wait!wait!wait!" hingal na hingal na sigaw niya nang makitang papasarado na ang elevator. Agad niyang hinarang ang kan'yang mga kamay upang pigilan ang pagsarado nito at nang makita kung sino ang nandito ay bigla siyang natameme. Nagayon ay nagdadalawang isip na siya kung tutuloy o hindi dahil parang hindi niya kakayanin ang nakakatakot na presensya ni Marcus sa loob. Pero wala siyang magagawa dahil kung mag-iinarte pa siya ngayon ay tiyak na malalagot siya ni Mr.Lopez kapag nalate siya. Tumayo siya sa pinakadulo upang dumistansya sa binata habang nakayuko at sinusubukang itago ang mukha sa pamamagitan ng kan'yang buhok. "Anong ginagawa mo?" he asked with his deep cold voice that stunned her. Agad siyang tumayo nang tuwid at hinawi ang buhok na nakatakip sa kan'yang mukha. "H-ha? W-wala, wala sir," kabadong sagot niya. Diretsong nakatingin ang mga mata ni Marcus sa harap at simula pagpasok niya kanina ay hindi man lang siya nito nagawang sulyapan kahit saglit. "Hmm…t-tungkol s-sa--" "I don't want to hear your reason. Ayokong makita ka ulit sa loob ng office ko without my permission," he interrupted. Napahigpit ang hawak niya sa kan'yang bag. "Yes sir! 'Di na mauulit, promise." Binigyan niya nang malamig na tingin ang dalaga at sumalubong sa kan'ya ang nakangiting mukha nito. He couldn't deny the fact that Camille is really beautiful even without any make-up on her face. May maganda at malalim itong mga mata na kulay brown. Matangos din ang ilong nito at manipis ang mga labi na kulay rosas. Mas lalong na i-emphasize ang kagandahan nito sa tuwing ngumingiti ito. Nabaling ang mga tingin niya sa balikat ng dalaga. Nakausli ang strap sa suot nitong nitong bra at mukha itong natanggal. Ang mga ngiti sa labi ni Camille ay unti-unting naglaho nang mapansin niyang nakatuon ang mga mata ng binata sa bandang balikat niya. Tila ba na-istatuwa siya at 'di niya magawang igalaw ang kan'yang katawan nang humakbang ito papalapit sa kan'ya habang ang mga mata nito'y 'di maalis sa kan'yang balikat. Ayaw sana niyang pag-isipan ito nang masama pero para kasing iba ang pakiramdam niya sa mga titig nito. Parang may kakaiba. Nagrarambulan ang loob ng kan'yang puso at 'di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon habang papalapit nang papalapit si Marcus. Nandilat ang kan'yang mga mata at halos malagutan siya nang hininga nang maramdaman ang paghila ni Marcus sa strap ng kan'yang bra. They were just looking at each other's eyes and she couldn't even utter a single word.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD