Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at kabadong pumasok sa office. Katulad nang inaasahan niya ay nandoon na si Mr.Lopez at nagsisimula na ang kanilang meeting. Maingat ang bawat hakbang na kan'yang ginagawa upang 'di makalikha nang ingay at 'di sila madisturbo pero mas matalas pa sa elepante ang pandinig ni Mr.Lopez kaya't agad siyang napansin nitong pumasok.
"You're late, Ms. Cordova. Gano'n ba ka importante ang date mo kaya mas inuna mo pa ito kaysa sa meeting natin? You missed half of the meeting," sambit nito na halatang nagpipigil lang sa galit.
Nag-angat siya nang tingin at hinarap ito na may mga mga tingin puno na ng sinseridad.
"Sorry sir, 'di ko po ala--"
"Newbie here, right?" sarkastikong tanong nito.
"yes sir..."
"Then you shouldn't be late!" sigaw nito nang nakaduro sa kan'ya.
"I-I'm really sorry, sir," she said trying to hide the tension she felt.
Humakbang ito palapit sa kan'ya at biglang itinapon sa ere ang mga papel na hawak nito kaya naman ay nagsiliparan ito na para bang mga dahong nahulog mula sa isang puno. Dali-dali niya itong pinulot isa-isa.
"You make the PR plan all by yourself. Ayokong may marinig na tinutulungan niyo siya. You submit it this Friday," he left her with those words.
Naiwan siyang nakatulala at blangko ang utak. Did she hear it right? Ngayon pa lang ay parang sasabog na ang utak niya sa kakaisip kung paano niya sisimulan iyon na hindi humihingi ng tulong kina Amy.
"Okay ka lang Camille?" nag-aalalang tanong ni Amy sa kan'ya habang tinutulungan siyang pulutin ang mga papel na nagkalat.
"Okay lang ako ate Amy," she said with a a reassuring smile.
Akmang damdamputin niya na sana ang huling papel nang makita niya ang pulang sapatos na nakatapak dito. Kahit hindi man niya tingnan ay alam niya na kung sino ang taong nasa harap niya ngayon.
"excuse," kalamado niyang sabi pero tila ba 'di siya narinig ni Kate.
Nag-angat siya nang tingin dito at agad bumungad sa kan'ya ang nang-aasar na ngiti nito.
"How was your date with Lex?"
Nagpang-abot ang kilay niya nang marinig ang tanong nito. Mukhang ayaw talaga siyang tantanan nito, gumagawa talaga ito ng paraan upang magsimula ng away.
"Hindi kami nag date Kate, mali ang iniisip mo," depensa niya.
"Really? Just be honest Camille. Walang magagawa 'yang pagsisinungaling mo."
"Hindi nga--"
"Patago ka pala kung tumuklaw Camille," mapangahas na sabi nito.
Nagkuyom ang mga palad niya sa inis. Pilit niyang ikinakalma ang sarili dahil para bang nangangati na siyang patulan ito.
"Excuse me, kailangan kong magbanyo" pagdadahilan niya upang makaiwas sa gulo.
Ilang minuto niya nang tinititigan ang sarili sa salamin sa loob ng rest room. 'Di pa rin maitago sa mukha niya ang galit na nararamdaman. Matalim ang mga tingin niya at nakakuyom pareho ang kan'yang mga kamay. Maya-maya'y, huminga siya nang malalim saka naghilamos. Muli niyang ibinalik ang tingin sa salamin pero ngayon ay nakangiti na siya.
NAKATAYO LAMANG si Camille sa parking area ng building habang pinagmamasdan ang pagbuhos nang malakas na ulan. Bumabagabag sa isipan niya kanina pa kung paano niya tatapusin ang PR plan na ipinagawa sa kan'ya ni Mr.Lopez gayo'ng tatlong araw na lang at submission na.
"Kung matatapos ko ang PR plan sa Tuesday, makakapagsubmit ako on time. Pero paano nga kung sa araw ng submission ire-reject 'yong PR plan na gagawin ko, dahil 'di nila magustohan ito. Kailangan ko sigurong tapusin ito nang maaga," sambit niya sa kan'yang isipan.
Inangat niya ang kan'yang kanang kamay at ipinikit ang mga mata, upang damhin ang bawat patak nito na dumadampi sa kaniyang mga palad. Nabaling ang atensiyon niya nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa tapat niya. Nang bumukas ang bintana ay sumalubong sa kaniya ang walang emosyong mukha ni Marcus.
"sir!" nakangiting tawag niya.
"Get inside," malamig na tugon nito.
MATAPOS MAGTANONG ni Marcus sa kaniyang address ay 'di na ito nasundan pa at agad na bumalot sa loob ang nakakabinging katahimik. Palihim niya lang din itong pinagmamasdan habang nakatutok ito sa pagmamaneho. Isang ngiti ang sumilay sa kaniya nang maisip niyang tama nga siya at may maganda itong kalooban taliwas sa pinapakita nito sa loob ng kompanya.
"What?" biglaang tanong nito sa kan'ya.
Agad siyang nag-iwas nang tingin nang marinig niya itong magsalita.
"Ahm… w-wala po sir," kabadong sagot niya.
Ilang minuto na naman ang lumipas nang hindi sila nag-uusap. Sa katunayan ay kanina pa siya nag-iisip nang magandang sasabihin dahil para bang naiilang na siya sa katahimikan sa loob.
"Sir, anong kasunod ng nineteen?"
Napatingin si Marcus sa kaniya at halata ang pagtataka sa mukha nito. It took a while for him to answer, tila ba nag-iisip pa itong sagutin siya.
"Twenty, why?" seryosong sagot nito.
Napangiti siya nang marinig ang sagot na kan'yang inaasahan mula sa binata.
"Ay… akala ko kasi eleven. Kasi 'di ba nga nine, ten, so next is eleven," tumawa siya nang malakas na malakas sabay hampas ng kamay niya sa upuan ng kotse.
Pero nang mapansin niyang nagmumukha siyang tanga dahil siya lamang mag-isa ang tumatawa at nanatili pa rin' seryoso ang mukha ni Marcus ay agad din siyang natigilan. Umaayos siya ng upo at nagkunwaring may tinitingnan sa cellphone upang makatakas lang sa kahihiyan.
Napatingin siya sa labas nang biglang ipinarada ni Marcus ang kotse. Tama naman ang address na kan'yang binigay, pero bakit dito sila huminto? Bumaba ito ng kotse at kahit nagtataka ay sumunod siya sa binata. She waited for him to say something, pero dire-diretso itong naglakad na wala man lang iniwan na kahit anong salita. Nakatayo lamang siya doon at binibilang ang bawat hakbang nito palayo sa kan'ya. Napagdesisyon niyang umuwi na lamang dahil wala rin naman itong sinabing maghintay siya. Nakailang hakbang pa lamang siya nang maramdaman niyang ang kamay na humila sa kaniya. Napalingon siya at nagtama ang kanilang mga mata ng binata.
"Sumama ka," maikling tugon nito.
'Di niya maalis ang kaniyang mga mata sa magkahawak nilang mga kamay ni Marcus habang naglalakad sila sa loob ng convenience store. He was holding her tightly like he didn't want to let her go. Ang malamig na gabi ay hindi niya maramdaman dahil sa init ng kamay nito na nangangalaytay sa kan'ya.
Kung titingnan ay para silang magkasintahan na nagpapakita ng apeksyon sa publiko at walang pakialam sa ibang tao. 'Di niya maiwasang mapangiti habang naiisip ang bagay na iyon. Bahagya niyang pinisil ang kamay ng binata saka siya tumingin dito pero gano'n na lang ang pagkagulat niya nang makitang kanina pa pala ito nakatingin sa kan'ya. Sa bawat pagngiti niya habang nakatitig sa kanilang mga kamay ay nasaksihan pala iyon ni Marcus. Agad niyang binawi ang kaniyang kamay at diretsong naglakad upang itago ang pamumula ng kaniyang pisngi.
MAGKATABI SILA ng upo habang sinasamsam ang mainit na kape at pinagmamasdan ang malakas na ulan sa labas.
"Uhmmm… sarap," sabi niya habang nakapikit ang mga mata at dinadama ang mainit na kapeng hatid nito sa kan'yang tiyan.
"Ano bang masarap sa kape?" tanong ni Marcus sa kan'ya nang hindi man lang siya tinitingnan.
"Hmm… Ano nga ba?"
Inilapag niya ang kape sa mesa at sandaling napaisip sa tanong ng binata.
"Ang masarap sa kape ay 'yong makapeling ka," pabirong sagot niya at nag ngiting aso.
Napatingin si Marcus sa kan'ya nang ilang segundo at agad ding nag-iwas ito.
"Joke!" pagbawi niya sa kan'yang sinabi sabay tawa nang mapakla.
"Ang corny ko 'no?" tanong niya habang nakatingin dito at naghihintay nang kasagutan.
Bahagya siya umusog palapit kay Marcus kaya nakuha niya ang atensiyon nito at nilingon siya. Ngumiti siya nang matamis at wala sa isip na itinapat ang magkabila niyang hintuturo sa bawat sulok ng labi nito. Dahan-dahan niya itong kinurba nang magmistulang nakangiti ang binata.
"smile" she said.
Nagkatitigan sila ng matagal hanggang sa unti-unting nang bumababa ang tingin ni Marcus sa kan'yang labi. Muli niya na namang naramdaman ang mainit na mga kamay nitong nakahawak sa kamay niya habang unti-unti nitong tinatanggal ang mga daliri sa labi nito. Biglang nagising ang kan'yang diwa at nang maisip ang kan'yang ginagawa ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin kay Marcus. Kinuha niya ang kape at dire-diretsong nilagok ito saka siya tumingin muli sa binata at nag ngiting aso.
"Sorry sir..."
'Di pa rin nito inaalis ang mga titig sa kan'ya na lalong nagpapainit ng mukha niya.
"Sorry for what? For your childish act o sa kape kong ininom mo?" seryosong tanong nito.
Ilang beses siyang napakurap habang pinoproseso sa utak niya ang sinabi ni Marcus. Nang makita niya ang kapeng hawak niya na wala nang laman at napagtantong kay Marcus nga talaga 'yon ay nanlaki ang kan'yang mga mata.
"Lets go!" Marcus said and headed to the exit.
Nasapo niya ang kan'yang mukha sa kahihiyan. Sa pagkakataong 'yon ay gusto niya na lang lamunin ng lupa at 'wag nang magpakita kailanman.
NATATANAW PA ni Marcus sa side mirror ang nakangiting kumakaway na si Camille. Paulit-ulit itong nagpasalamat sa kan'ya matapos niyang ihatid ito sa apartment na nirerentahan ng dalaga. Nabaling ang atensiyon niya nang tumunog ang kaniyang cellphone at makita kung sino ang tumatawag.
"Oo, pabalik na ako," huli niyang sabi sa kabilang linya bago ito ibinaba.
DIRETSONG NILAGOK ni Marcus ang beer na nasa baso habang iginagaya ang tingin sa loob ng bar.
"So you mean, parang nakukuha mo na ang loob niya?" namamanghang tanong ni Lex na patuloy sa pagtungga ng beer.
"I'm still working on it, slowly but surely," kompyansang sagot niya.
"Slowly, huh? Baka naman you're slowly walking on the wrong path. I mean, baka imbis na kinukuha mo ang loob niya. Ikaw na pala 'yong nagpapakuha ng loob mo," Lex laughed playfully.
"It won't happen. It will never happen," kampante niyang sabi.
"Come on, Marcus! There's no impossible in the game of life. Everything can be possible. So habang maaga pa, you better stop it," nakangiting sabi nito bago ininom ang natitirang beer sa bote.
"No one can stop me," he smirked.
Nakita niya ang pag-iling nito na tila ba hindi ito kombensido sa kan'yang sinabi.
"You know, Marcus, you should forget what happened a very long time ago. See? It's been 4 years, pinalitan na nga ang mga palabas sa TV. May bago na ngang flavor ang Nesfruita. f*******: has been updated. But you? Look at you! 'Di ka pa rin nakakamove-on sa nakaraan. Inilibing na siya, ilibing mo na rin 'yong galit mo. Ilibing mo na rin 'yang sama ng loob mo. Enjoy your life. Live your life happily. Ayoko ng nilulunod mo ang saril mo sa nakaraan. It makes your life miserable."
Napatitig na lamang siya sa kaibigang nagsasalita. Lex was like a brother to him. Kilalang kilala niya na ito at kilalang kilala na rin siya nito. Lex knew everything about him. He was a good adviser and a good friend to him. Everything he asked for, sinusunod iyon ni Lex. Palagi siya nitong binibigyan ng pabor sa mga plano niya. He never heard complaints from Lex. Kahit wala na itong kinalaman sa trabaho. Nang mag-apply si Lex sa MADeal as HR, kaagad niya itong tinanggap, and for almost 3 years na nagtatrabaho ito sa company niya naging magkasundo na sila. Now, isa ng HR Manager si Lex. Lahat ng mga applicants ay kontrolado nito at ang pagpasok ni Camille sa MADeal ay parehas nilang plano.
"Justice... that's what I want," sambit nito na may diin sa boses.
"Marcus, it was Camille's self-defense. Natakot siya sa kapatid mo. Natakot siya baka anong gawin nito sa kan'ya, kaya niya nagawang barilin ang kapatid mo."
Nagtiim bagang si Marcus at sinuntok ang mesa nang buong lakas.
"But still, he killed my brother. He intentionally killed my brother. Paano niya nagawang patayin ang kaibigan niya? Paano niya nagawa 'yon sa isang taong minahal siya. Lex, Jaydon gave everything she wanted, pati ang lahat ng kan'yang luho. Mahal na mahal siya ng tao eh. Paano niya nagawang kitilin ang buhay ng isang taong may mental disorder? Lex, sinaktan niya 'yong kapatid ko, pinaasa niya, pinagmukhang tanga at pinatay. Matapos niyang pagkaperahan, gano'n-gano'n na lang? He took advantage on my brother's condition."
Nangingilid sa kan'yang mata ang mga luhang gusto ng kumawala habang naiisip ang kagagohang ginawa sa kan'yang kapatid noon. Punong-puno ang puso niya ng poot at hinding-hindi ito maiibsan hangga't hindi siya nakakapaghiganti.
"It's okay Marcus. I'm still willing to help you whatever you plan is. You got me," Lex said while patting his shoulder.
Kinuha niya ang natitirang beer sa bote at diretso itong tinungga.
"She really deserves a miserable life…," he cursed.
NAGISING SI Camille sa sinag ng araw na pumasok sa bintana ng kuwarto niyang nakabukas. Nag-unat siya at marahang menasahe ang kan'yang leeg nang maramdaman ang pagsakit nito. Nang idilat niya ang mata niya'y saka niya lang napagtantong sa mesa na pala siya nakatulog kagabi habang ginagawa ang PR plan na iniutos sa kaniya ni Mr.Lopez. Nang sulyapan niya ang oras sa kan'yang cellphone ay napatalon siya nang makitang alas-otso imedya na pala at tatlumpung minuto na siyang late. Mabilis pa sa alas kwatro siyang nagpalit ng damit at nagtoothbrush at hindi niya na nagawa pang maligo dahil sa pagmamadali. Kaagad niyang hinablot ang bag niyang nasa kama at patakbong pumanaog na halos gumulong na siya sa hagdan dahil sa takot na baka mapagalitan na naman siya ulit ni Mr.Lopez.
Dire-diretso lang ang kan'yang pagtakbo at hindi na tiningnan pa ang mga taong nakakasalubong niya sa loob ng MADeal. Sa mga oras na 'yon ay paulit-ulit niyang pinapanalangin na sana'y wala pa si Mr.Lopez sa office. Pero sa 'di sinasadya ay nabunggo niya ang isang matangkad na lalaki at kamuntikan na siyang mawalan ng balanse.
"Sorry p--"
Agad siyang natigilan nang makita kung sino ang taong nasa harap niya ngayon. Marcus looked at him with those cold eyes.
"Sorry po sir," sambit niya.
Yumuko nang bahagya si Marcus at itinapat ang labi sa kan'yang tenga.
"Button your shirt," bulong nito.
Kaagad siyang napatakip ng dibdib nang marinig ang sabi ng binata. Nablangko ang kan'yang isip at 'di niya alam ang kan'yang gagawin. She was so embarrassed. Ilang beses na siyang napahiya sa harap nito. Nagmumukha na siyang tanga.
BUONG INGAT niyang pinihit ang doorknob nang hindi siya makalikha ng ingay. Pasimple muna siyang sumilip sa loob at nang makita niyang wala si Mr.Lopez ay saka lamang siya pumasok. Dahil sa pagmamadali ay muli na namang tumama ang ulo niya sa isang matigas na bagay at nang tingnan niya ito'y bigla siyang na conscious nang makitang si Lex pala ito. Paano kung naamoy nito ang kan'yang buhok? Napaatras siya at napahawak sa kan'yang ulo na nagpatawa kay Lex.
"What's wrong? Anong problema sa buhok mo at parang naco-conscious ka?" nakangiting tanong nito.
Ngumiti lamang siya nang peke sabay atras nang mapansin niya ang pasimpleng paglapit ni Lex.
"Oh my God! 'Wag Sir," sigaw niya at agad na hinarang ang mga kamay upang 'di ito makalapit.
Muling tumawa si Lex nang malakas, na kumuha nang atensiyon nila Amy.
"I'm going out Camille, nakaharang ka kasi," 'sambit nito na 'di mapigil sa pagtawa.
Sandali muna niyang tinitigan ang binata na tila ba nagdadalawang isip siyang maniwala rito. He took a step back and give a way for him. Nang makalagpas ito sa kan'ya ay laking gulat niya nang bigla siyang hinila nito paharap kaya naman ay sumubsob siya sa dibdib nito. Nanigas siya sa kan'yang kinatatayuan at para siyang kandilang unti-unting nalulusaw. Nang marinig ang mapanuksong pagtikhim ni Amy ay parehas silang napapitlag at agad na naghiwalay.
"You smell good Camille, kahit 'di ka man maligo," nakangiting sabi nito na lalong nagpalala sa kan'yang hiyang nararamdaman.
"Hoy! nakanganga ka diyan, baka pasukan ng langaw ang bibig mo ," panunukso
ni Shon na hindi niya na pinansin pa.
Nagtungo siya sa kan'yang mesa at nangalumbaba doon.
"Ba't 'di ka naligo ,baby?" nag ngiting aso si Chris habang tinitignan siya.
"Late na akong nagising," tinatamad na sagot niya.
"Gusto mo paliguan kita mamaya?" binigyan siya nang malagkit na tingin ni Chris.
Ngumiti lamang siya nang peke at 'di na binigyang pansin ang sinabi nito. Ipinikit niya ang kan'yang mga mata upang umidlip nang sandali pero halos mapatalon siya sa gulat nang padabog na inilatag ni Kate sa kan'yang mesa ang mga pinagpatong-patong na dokumento na halos limang kilo ang bigat.
"Siguro wala ka namang pinagka-kaabalahan aside sa paglanlandi mong sideline 'di ba? So, why not bring this to the COO's office," mataray na sabi nito.
Wala naman siyang balak tumanggi dito pero hindi niya lang talaga gusto ang asta nito.
"I take it as yes," sambit nito bago pa man siya makasagot.
"MY GOSH! the boredom is killing me right now Marcus," reklamo ni Valerie.
Dalawang oras na siyang nakatunganga sa office ni Marcus pero hindi man lang siya nito pinapansin.
"Then, you go outside and have some fun," malamig na tugon nito habang 'di parin inaalis ang tingin sa laptop.
Tumayo siya at nilapitan ang binata at walang pagdadalawang-isip na kumandong dito.
"I want to stay by your side, okay? Can't you see? I'm making an effort to have enough time with you because I miss you everyday. Why can't you do the same? You always spend your time in your work. Saan 'yong oras mo sa akin?" malambing na sabi niya habang binibigyan ng malagkit na tingin ang binata.
He just looked at her coldly, so she didn't waste any time and do her first move. Iginaya niya ang kamay ng binata sa hita niya at marahan niyang diniinan ang pagkakaupo niya sa kandungan nito. Kaagad niyang sinunggaban ng halik si Marcus, halik na nakikiusap na pasayahin siya nito sa mga sandaling iyon. When she felt Marcus warm hand touching softly her legs, she moaned softly. 'Di niya mapigilang kagatin ang labi ng lalaki sa nararamdaman niyang sensasyon sa kan'yang katawan. She even felt wet down there. Mas lalong nag-aapoy at lumalalim ang halik nila. She's now touching Marcus's chest. Dinadama niya ang katigasan ng dibdib ni Marcus. Parang mababaliw na siya sa sarap na nararamdaman niya. She opened her legs and lead Marcus's hand in between of her legs. Nagpatianod lang din ang kamay ni Marcus sa ginagawa niya. Takam na takam na siyang maramdaman ang kamay ng binata na humahaplos sa p********e niya nang biglang bumukas ang pinto.