CHAPTER 5

2024 Words
Kumatok si Camille ng tatlong beses pero wala siyang narinig na sagot galing sa loob, kaya naman ay minabuti niya nang pumasok dahil baka abala lang si Marcus sa trabaho at hindi nito napansing may kumakatok. Nang makapasok siya'y laking gulat niya nang makita ang binata na may kasamang babae at nakakandung pa ito sa kaniya. Sandali siyang natulala habang nakatingin sa dalawa kaya hindi niya napansing nabitawan niya na ang mga papel na kan'yang hawak. Katulad niya ay gulat din itong makita siya. "Hindi ka ba marunong kumatok Ms.Cordova?" nagtitimping tanong nito. "S-sorry sir, k-kumatok naman po ako, akala ko kasi wala kayong ginagawa. I-i mean… 'di kayo b-busy kaya pumasok nalang ako," pautal-utal na sagot niya. Tumayo si Valerie mula sa pagkakakandong nito kay Marcus at humakbang palapit sa kan'ya na nagpupuyos ang mga kamay sa galit. Damang-dama niya ang kabog sa kan'yang dibdib habang naririnig ang ingay na likha ng suot nitong sapatos. "Face here!" mataray na utos nito habang nakakrus ang mga braso. Marahan niyang inangat ang kan'yang mukha pero 'di niya magawang titigan ang dalaga sa mga mata. She felt guilty. "Look at me!" maawtoridad na sabi nito. Sabay sa pag-angat ng kaniyang mga tingin ay siya namang pagsalubong nang isang malakas na sampal nito sa kan'yang mukha. Nagulat siya sa ginawa nito, hindi niya inaasahang aabot sa ganito ang galit ng dalaga. Ang hapding nararamdaman niya sa kan'yang pisngi ay tila ba nangangalaytay sa kaibuturan ng kan'yang mga ugat. Nangingilid ang luha sa kan'yang mga mata at pinipigilan niya ang sariling umiyak. "Oh! namumula 'yong kaliwang pisngi mo. Sayang 'yong blush-on 'di pantay. Let me apply some on the other side," sarkastikong sabi nito. Bago pa man dumapo muli ang palad nito sa kan'yang pisngi ay nagawa nang saluin ni Marcus ang kamay ni Valerie. "Stop it Val," saway ni Marcus. Wala na itong nagawa pa at napilitan na lamang itong ibaba ang kamay nang makita ang nakakapagpatinag na mga mata ni Marcus. "You go out Ms.Cordova," utos nito na hindi man lang siya binalingan ng tingin. Bago pa siya lumabas ay dali-dali niya munang pinulot ang mga dokumentong nagkalat sa sahid. "I said go out!" sigaw ni Marcus. "UMIIYAK KA ba baby?" nag-aalalang tanong ni Chris nang mapansin nitong kanina pa panay ang pagsinghot niya. "Hindi, sinisipon lang," pagtatanggi niya dito. "Oh? Anong nangyari, Camille?" mapanuyang tanong ni Kate sa kan'ya. Nang sulyapan niya ito'y gumuhit sa labi nito ang nakakalokong ngiti. "WHAT THE hell, Marcus? Ba't mo 'ko pinigilan? She deserves a hell slap. Kulang pa nga 'yon eh!" nanggagalaiting sabi ni Valerie. Ibinagsak niya ang sarili sa kan'yang upuan at minasahe ang sentido. Kanina pa nag-iinit ang ulo niya dahil sa dalaga. "Hindi mo dapat ginawa 'yon Val!" nagtitimpi sa galit na sabi niya. "Bakit hindi? She's really testing my patience. Wala siyang modo. Hindi nga niya alam paano kumatok. She's being rude, Marcus!." "Kahit na! Hindi mo siya dapat sinampal," diin niya rito. "So, ako pa ngayon ang may kasalanan? Wow! this is ridiculous. Kinakampihan mo ba siya kaysa sa akin?" Hindi na siya sumagot pa at pinili na lang manahimik. Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili dahil pagod na siyang makipagtalo dito, pero talagang rinding-rindi na siya at 'di niya na kakayanin pang magtiis sa pakikinig sa dalaga. Tumayo siya at tinungo ang pintuan pero nang akmang lalabas na siya'y bigla na lang may nabasag na nagpalingon sa kan'ya. Bumungad sa kan'ya ang nagkapira-pirasong plorera sa sahig. Valerie looked at her with threatening eyes. "You should fire her," malakas ang loob na sabi nito. "No," he said coldly. "No? You're being unfair, Marcus. Gusto mo ba siya, ha? D*mn it! Tell me… Do you like that b*tch?" He didn't bother to answer her nonsense question. "Okay, fine! I will tell tito about that f*cking b*tch, at nang siya na ang magpaalis sa babaeng 'yan dito. Kung hindi mo kayang paalisin siya dito, I will do it all by myself. I will make her f*cking life miserable at nang kusa na siyang sumuko," she said out of despair. Nanigas ang mga kamao niya nang marinig ang sabi nito "No! Don't you dare, Valerie. Don't you ever dare. She's mine, all mine. Kaya 'wag na 'wag mong subukang saktan siya dahil ako lang ang puwedeng gumawa no'n. Only I can mess her life. Ako at ako lang." "ANO? SINAMPAL ka niya?" gulat na tanong ni Kyle. Tumango lamang si Camille bilang sagot. Magkasabay silang naglalakad ngayon pauwi, sinundo niya kasi si Camille sa MADeal ng 7:00pm. Kanina niya pa napapansin ang dalaga na tahimik, hindi man lang ito ngumiti nang makita siya nitong naghihintay sa labas ng building kanina. They became bestfriends for almost 4 years. Simula noong umuwi si Camille sa kanilang probinsya at nakilala niya ito'y unti-unti na silang naging magkasundo. Hindi rin naman kalayuan 'yong bahay nila kina Camille kaya madalas lang silang nagkikita at nagkakakuwentohan. She stayed there for 2 years and went back in Manila to continue her studies. "Sabi ko naman sayo 'di ba, do'n ka na lang kasi dapat nag apply sa pinapasukan ko. Mas okay doon, walang mananampal sa'yo. Takot lang nila sa akin," mayabang na sabi niya upang patawanin ang kaibigan. "Sayang kasi 'yong opportunity, Kyle. Tapos malaki pa 'yong sweldo. 'Di ko puwedeng bitawan," malungkot na sabi nito. "Sus! 'di importante 'yong kinikita mo Camille. 'Di ka naman naghihirap sa apartment mo ha. 'Di rin naghihirap 'yong mama at papa mo do'n sa probinsya. Alam mo kung ano 'yong importante? Ang importante kasi ay kung masaya ka ba sa trabaho mo. Eh, kung pinag-iinitan ka ng mga workmates mo do'n, edi mag resign kana. 'Wag munang patagalin pa." Nagpakawala ng buntong hininga si Camille. "Masaya naman ako eh. 'Yon nga lang..." Hindi na nito natuloy pa ang sinasabi nang tuluyan na itong maiyak. Nang mapansin naman niya ang mahinang paghikbi nito'y agad siyang huminto sa paglalakad at hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga saka iniharap ito sa kan'ya. Marahan niyang inangat ang mukha nito at pinahid ang luhang 'di matigil sa pagdaloy. Katumbas na sakit ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya si Camille na nasasaktan. Parang pinipiga ang kan'yang puso habang naririnig ang paghagulgol nito na puno nang pait. Kung pwede lang sanang sampalin niya ang sumampal kay Camille ay ginawa na niya para maipagtanggol man lang niya ang bestfriend niya sa nanakit dito. "Saan ba kasi ang masakit dito sa mukha mo? right or left?" pabirong tanong niya na bahagyang nagpatawa kay Camille at nagpatigil sa pag-iyak. INIHINTO NI Marcus ang kotse niya nang makita niyang tumigil si Camille at ang lalaking kasama nito sa paglalakad. Nakita niya ang pagpahid ng luha ng lalaki sa mukha ni Camille at ang pagtawa nilang pareho habang hinahawakan nito ang magkabilang pisngi ng dalaga. Kinuha niya ang kan'yang cellphone at hinintay na may sumagot sa kabilang linya habang 'di inaalis ang mga mata niya sa dalawa. "Madaliin mo," he said and ended the call. "HOy! CAMILLE, 'di ka ba magla-lunch?" pasigaw na tanong ni Shon. "Hindi na Shon, kayo nalang muna. Kailangan ko na kasi 'tong tapusin," sagot niya na abala sa kan'yang ginagawa. "Ano ba kasi 'yan, Camille?" tanong ni Amy. "PR plan, Ate Amy, 'yong pinapagawa ni Mr.Lopez no'ng Tuesday." "Bukas pa 'yong submission 'di ba?" usisa nito. "Oo, pero kailangan daw ni Mr.Lopez 'yong output ngayon eh." Ginulo-gulo ni Chris ang buhok niya kaya napatingin siya sa binata. "Goodluck baby, you can do it," sabi nito sabay kindat sa kan'ya at ngumiti. "Sige Camille, lunch muna kami ha," paalam ni Amy. Lahat sila ay lumabas na kaya siya na lang ang naiwang mag-isa sa office. Maya-maya lang ay naramdaman niya na ang biglaang ang pagkalam ng kan'yang sikmura pero 'di niya na ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa kan'yang ginagawa. Ilang oras din ang nilaan niya bago niya ito matapos. Medyo humahapdi na rin ang kan'yang mga mata kaya naisipan niya na munang umidlip sandali. "BABY! KAIN ka muna." Nagising siya nang marinig ang boses ni Chris. Kinusot niya ang kan'yang mga mata at nang idilat niya ito'y nasa harap niya na ang pagkain at inumin. Nang tingnan niya ang binata'y nakangiti na ito nang malapad sa kan'ya kaya napangiti na rin siya. "Thank you, Chris. 'Di ka na lang sana nag-abala." Umupo ito sa tabi niya at inakbayan siya. "Sus! okay lang 'yon. 'Di ko ginugutom ang baby ko." Magsisimula na sana siyang kumain nang biglang may tumawag sa kan'ya. "Ms.Cordova, pinapatawag ka ni Mr.Alarcon sa office niya," sabi ng secretary ni Marcus na si Tania. Agad siyang napakagat labi nang marinig ang sabi nito. "Lagot na! Paaalisin niya kaya ako? papagalitan? mumurahin? iinsultuhin? o uutusang humingi ng tawad sa girlfriend niya?" tanong niya sa isipan. Biglang sumikip ang kan'yang dibdib habang naiisip ang mga bagay na iyon. SHE FOUND herself knocking on Marcus's office. Kahit nagdadalawang-isip dahil sa takot ay nagpunta pa rin siya dito dahil wala naman siyang magagawa. "Get inside," sambit ng boses na galing sa loob. She breathed deeply and knocked again to make sure, that what he heard was right. "I said get inside," this time, halata na sa boses nito ang pagkairita. Pumikit siya at pinihit ang doorknob at nang makapasok ay naglakad siyang patalikod papunta sa mesa ng binata, upang hindi na niya makita ang mga bagay na hindi dapat makita ng kan'yang mga mata. Dahil baka kamo'y makatikim na naman siya ng sampal. Mabuti na 'yong sigurado siya. "Humarap ka," utos ni Marcus. Pumihit siya at hinarap ito nang nakapikit pa rin ang mga mata. "Open your eyes," dagdag na utos nito. Dahan-dahan niyang idinilat ang mata niya at sumalubong sa kan'ya ang malamig na tingin ni Marcus. Her heart skipped a beat upon seeing him. They were just staring at each other for about a minute. "Have a seat," malamig na tugon nito. Nagulat siya nang inilapag ni Marcus sa harap niya ang PR plan na ipinasa niya kay Mr.Lopez kanina. "Ikaw gumawa nito?" tanong ng binata. "Yes sir, ako po." "Only you?" tanong nito na animo'y nagdududa sa kan'yang sagot. "Yes Sir!" "Well… It''s not impressive, Ms. Cordova. Hindi mo ba pinag-iisipang mabuti 'tong gawa mo?" Nang marinig ang sabi niyo'y parang siyang pinagsakluban sng langit at lupa. Bigong-bigo siya sa kan'yang sarili dahil halos nilaan niya ang kalahating oras niya araw-araw para lang gawin ito. "Look at your title! Do you think you can easily capture your target audience by that? How can you be so sure na magiging successful ang PR na gagawin ng company kung sa title mo pa lang bagsak na?" "Uulitin ko na lang po," mahinahong tugon niya kay Marcus. "Of course, you should! Because, I'll never accept that trash. Make sure to submit it on time." Tumango lamang si Camille bilang pagsang-ayon. ALAS NUWEBE imedya na nang gabi nasa office parin si Camille. Busy pa rin siya sa pagawa ng PR plan. Halos matuyo na ang utak niya sa kaiisip ng title na gagawin niya. 'Di niya na nga alintana ang kumakalam niyang sikmura dahil sa kagustuhang matapos ito. "Mag o-overtime ka?" Napapitlag siya nang marinig niyang may nagsalita mula sa kan'yang likod. Nang makita si Marcus ay kaagad siyang napatayo at hinarap ito. "Sir, may kailangan ka?" "Wala, dumaan lang ako. Bakit nandito ka pa, what makes you busy?" Kaagad kinuha ni Camille ang papel na pinagsulatan niya at itinago ito sa kan'yang likod. "Hmm.. A-ano s-sir wala… wala po. Ano lang 'to... ano... l-letter," pautal-utal na sagot niya na halatang nagsisinungaling. Ayaw niyang sabihin ditong nagpapakalunod siya sa pagawa ng magandang PR plan na kanina lang ay nireject nito. Humakbang si Marcus papalapit sa kan'ya at kinuha ang papel na itinago niya sa kan'yang likod. Naramdaman niya ang pagdikit ng matigas na dibdib nito sa kan'ya. She felt breathless. Her heart started to tremble abnormally. Para siyang nawawalan ng lakas kaya hinayaan niya na lang agawin ng binata ang papel sa kan'ya. Nang makalayo ito'y saka lang siya nakahinga. Binasa ni Marcus ang nakasulat dito at nagulat siya nang lamukusin nito ang papel at itinapon sa basurahan. "Fix your things hihintayin kita sa labas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD