CHAPTER 6

1512 Words
Huminto sila sa tapat ng isang napakalaki at magarang bahay na kulay puti. Tahimik dito at kaunti lamang ang mga kabahayan na may ilang metro rin ang layo mula rito. Nang humakbang si Marcus papasok sa bahay ay sumunod naman siya pero agad din natigilan nang biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Valerie. Tila ba nabahag ang buntot niya at nakaramdam siya nang takot nang maisip na nasa loob ito ngayon at baka magkagulo pa nang dahil sa kaniya. "Ano pang ginagawa mo? Get inside," sambit ni Marcus nang makita siyang nakatunganga lamang sa kaniyang kinatatayuan. "Uhm.. S-sir, ano... may k-kailangan pa 'kong gawin. Kailangan ko na pa lang umalis," pagdadahilan niya dito. Nagpang-abot ang kilay nito at tila 'di kombensido sa kan'yang sinabi. "Mas importante pa kaysa sa PR plan na gagawin mo?" Napakurap-kurap siya sa tanong ng binata. Kung gayo'n ay isinama pala siya ni Marcus upang tulungan siya sa pag-gawa ng PR plan. May parte ng puso niyang nakaramdam ng tuwa nang maisip iyon. "You get inside pagkatapos mong mag-isip," sarkastikong sabi nito. Bago pa man mag-iba ang isip ni Marcus at pauwiin na lamang siya ay kaagad na siyang sumunod dito TAHIMIK LAMANG siyang nakaupo sa couch habang iginagaya ang paningin sa kabuuan ng bahay. Tanging sila lamang ang tao sa loob. Simula pagpasok niya'y wala na siyang nakitang ibang kasama nito o maging katulong man lang ay wala ito. Ang lungkot sigurong tumira nang mag-isa dito. This house is too big for one person. Paano nito nagagawang linisin ang buong bahay nang mag-isa? Nabaling ang pansin niya nang marinig ang pagtawag ni Marcus mula sa kusina. "Let's eat first!" anyaya nito. Nang makapasok siya'y nadatnan niya si Marcus doon na nakasuot pa lang ng bathrobe at basang-basa pa ang buhok na halatang katatapos lang nitong maligo. Humalimuyak ang presko at mabangong amoy nito sa loob ng kusina. Hindi niya alam kung anong dahilan at bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng pag-iinit ng kaniyang pisngi. Ibinaling na lamang niya ang pansin sa mga pagkain kaya lalo lang siyang nagutom nang makita ang mga 'yon. Umupo siya sa tapat ni Marcus at pinagmamasdan niya ang bawat pagsubo nito. Tila ba nanunuod siya ng isang nakaka-aliw na palabas at hindi niya na magawang alisin pa ang tingin niya dito. Sa bawat paglagok nito ng tubig ay napapalagok na rin siya at maging ang pagnguya nito ay hindi pinapalampas ng kaniyang mga mata. Bigla na namang sumagi sa isip niya ang nasaksihan niyang paghahalikan ni Marcus at ng girlfriend nito sa office. Ang tuwang naramdaman niya kanina'y unti-unti nang napalitan ng kirot. Bakit siya nakakaramdam ng ganito? 'Di kaya gusto niya na ang binata? "Busog kana kakatingin?" Nag-iwas siya ng tingin at lumagok ng tubig nang magtama ang kanilang mga mata. NAPAKAGAT LABI siya nang makitang nilamukus ulit ni Marcus ang panlimang papel na pinagsulatan niya kanina. "It's too long," malamig na komento nito, saka ibinalik ang tingin nito sa laptop. Napabuntong hininga na lamang siya nang malalim. Sa katunayan ay pagod na pagod na siya at 'di na gumagana ang utak niya na halos bumagsak na ang mga mata niya sa pagod. Ilang beses na rin siyang naghikab at parang ilang sandali lang ay babagsak na siya sa sofa dahil sa antok na nararamdaman niya ngayon. Magsusulat na sana siya ulit nang bigla siyang matigilan dahil sa narinig na sabi ni Marcus. "Apply kiss." Naalaglag ang kan'yang panga habang nakatingin dito. Prinoseso na muna niya sa isip ang narinig dahil ayaw nitong mag sink-in sa kan'yang utak. Muli na namang umakyat ang dugo sa kan'yang pisngi nang bahagyang inilapit nito ang mukha sa kaniya. "I said kiss," seryosong sabi nito habang nakatingin sa kaniya nang direkta sa mata. Nanigas siya sa kina-uupuan at 'di malaman ang gagawin niya. Halos marinig na nga niya ang malakas na kabog ng kan'yang dibdib. "K-k-kiss?" nauutal na tanong niya. "Yes! kiss, Keep It Short and Simple." Parang nabuhusan siya nang malamig na tubig nang marinig iyon. 'Di niya alam kung tatawa ba siya o ano dahil hindi niya mawari kung ano dapat ang kan'yang magiging reaksyon "Ah… o-oo, kiss!" tanging sambit niya sabay ngiti ng peke. Halos kalahating oras din siyang nag-isip ng panibagong title bago siya naglakas ng loob upang ipakita ito kay Marcus. Huminga siya nang malalim saka iniabot dito ang papel pero hindi siya pinansin nito. Isang ngiti ang gumuhit sa kan'yang labi nang makitang nakasandal ang binata sa couch at mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito at buong ingat na inihiga. "Ayan! mas komportable na," sambit niya sabay ngiti. Umupo siya sa sahig, sa tapat mismo ni Marcus kung saan kaharap niya ang binata. Pinagmamasdan niya ito na para bang isang maamong tuta na natutulog nang mahimbing. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at gusto niyang hawakan ang mukha nito. Nagising si Marcus nang maramdaman niya ang daliring humahaplos sa kan'yang noo pababa sa labi niya. Nagkunwari na lang muna siyang tulog at hinayaan niya ang sariling damhin ang bawat haplos nito sa kan'ya. Tumakbo ang daliri nito papunta sa kaniyang mga labi habang sinusundan ang kurba nito. "Bakit 'di magawang ngumiti ng mga labing ito?" "SAAN SI Ms.Cordova?" pasigaw na tanong ni Mr.Lopez na ikinagulat nila Shon. "Hindi namin alam, sir," magalang na sagot ni Amy. "Anong 'di mo alam? Magkasama kayo sa iisang office, tapos 'di mo alam? Eh, kung paalisin kaya kita ngayon din, malalaman mo kaya?" Yumuko na lamang siya at 'di na ito sinagot. Kumukulo ang dugo niya ngayon at gusto na niyang bigyan ng kambal na suntok ang mukha nito nang tumahimik. Noon pa'y ganito na ang ugali ni Mr.Lopez, 'di rin ito marunong makisama sa kanila. Kung umasta ito parang siya itong nagpapasweldo sa kanila, eh parehas lang naman sila ditong mga empleyado at naghihintay ng sweldo. "Ano pang ginagawa niyo? Itext niyo na agad, 'wag kayong tumunganga lang d'yan." Ibinalibag nito ang pinto at lumabas. "Ulol kang Lopez ka!" sigaw ni Shon nang tuluyang makalabas si Mr.Lopez. "Ayan! Diyan ka naman magaling eh, sa pagmumura nang wala siya!" kantiyaw ni Chris habang pumapalakpak pa. "Hindi naman sinasagot ni Camille ang tawag ko eh," sabi ni Amy saka pinatong ang cellphone niya sa mesa. "Hay naku! Don't bother to call her. For sure, suma-sideline iyon, naghahanap ng matutuklaw niya," sabad naman ni Kate, saka tumingin sa salamin at naglagay ng foundation sa mukha. "Inggit ka lang eh!" panunukso ni Chris dito. "Sumuko na iyon, 'di na niya kinaya ang ugali ng panot na 'yon. Imagine, pinagawa niya si Camille ng PR plan sa loob lang ng tatlong araw tapos nireject niya. Tanga ba siya? Edi sana nag bigay siya ng ilang araw man lang na extension," nanggagalaiting sabi ni Shon. NAPATINGIN SI Marcus sa kan'yang relo at muling ibinalik ang tingin sa laptop. Maya-maya'y bigla siyang tumayo at kinuha ang coat na nakasabit sa swivel chair na inu-upuan niya at isinuot ito. Lalabas na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Valerie entered with a smile on his face. Kaagad nitong ipinulupot ang mga braso sa leeg niya at binigyan siya ng isang halik. "Where are you going, huh?" malambing na tanong nito. Binigyan niya lamang ito nang malamig na tingin at tinanggal ang mga kamay nitong nakakapit sa leeg niya. Bumalik siya sa pagkakaupo kanina at sinundan naman siya ni Valerie. "I miss you," nakangiting sabi nito. Hindi siya sumagot at tinuon lang niya ang pansin sa laptop. "Dad is inviting you for a dinner later. You should be there, okay?" "Okay," walang ganang sagot niya. "Good! You know naman, i dont take a no answer." Natigil si Marcus sa ginagawa nang may marinig siyang kumatok. "pasok!" Bumukas ang pinto at pumasok si Mr.Lopez. "Saan na?" tanong niya. "S-sir, w-wala pa eh," kinakabahang sagot nito. "What?" kunot noong tanong niya. "Hanggang ngayon 'di pa rin dumadating, sir." "Lumabas ka na!" naiiritang sabi niya. "What was that? Ano yong hinihingi mo sa kan'ya? Sino 'yong hinahanap mo?" sunod-sunod na tanong Valerie nang makalabas na si Mr.Lopez. "It's none of your business, Val," pambabara niya dito. Ngumiti ito nang mapakla nang marinig ang kan'yang sagot. "Really, huh? None of my business? I need to know Marcus, because I'm your girlfriend. Baka kung sinong babae na ang tinatrabaho mo." Hindi siya sumagot at binigyan niya lamang ng malamig na tingin ang dalaga. "Give me your phone," matapang na utos nito sa kan'ya. "Why should I?" "Just give me your phone. I need to know kung sinong nilalandi mo," sigaw nito. Nagtiim bagang si Marcus, nagsisimula na namang uminit ang ulo niya sa mga pinagsasabi nito. "Stop that bullsh*t, Val!" "Then you stop being so secretive, Marcus. You should tell me everything. You should tell me your whereabouts. You should tell me kung anong iniisip mo, kung ano ang ginagawa mo at kung sino ang kasama mo. Kahit gaano pa 'yan kanonsense, sabihin mo. I need to know it, 'cause I'm your girlfriend." "You're absurd!" hindi makapaniwalang sabi niya. "I'm just protecting my territory Marcus. I'm just protecting what's mine!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD