From: Valerie
Where are you? Are you still working? Dad is waiting for you na.
Nang mabasa ni Marcus ang text ng dalaga'y agad siyang tumayo mula sa komportable niyang pagkakaupo sa sofa at dinukot sa kan'yang bulsa ang remote ng kotse. Sa katunayan ay kanina pa siya naka-uwi, hindi lang siya dumiretso kina Valerie pagkatapos ng trabaho niya dahil wala siya sa mood na umattend sa dinner na imbitasyon nito.
Four years na silang magkasintahan ni Valerie. Four years narin niyang tinitiis ang ugali ng dalaga, ang pagiging possessive nito. 'Di sila dumaan sa ligawan. He was only twenty-five years old that time when Valerie's dad introduced him to her. Nag-uusap sila ng dalaga at lumalabas minsan pero hindi sila gano'n kaclose nito. Pinapakisamahan niya lang ito bilang respeto sa ama nitong matagal nang shareholder ng kompanya. Pero ang totoo'y, napipilitan lamang siya dahil wala naman talaga siyang interest kay Valerie.
Nagulat na lang siya nang makalipas ang ilang buwan ay nakiusap si Mr.Gomez sa kaniya, na kung pwede ay sumang-ayon siyang maging boyfriend ng anak nito.
Noong una'y, hindi talaga siya pumayag, pero nagbago ang isip niya noong desperado itong lumuhod sa harapan niya at sinabing gustong-gusto daw siya ng anak nito, at ilang araw na daw itong depressed at nag-attempt mag suicide matapos niyang tapatin si Valerie na wala siyang gusto rito. Dahil sa awa na naramdaman niya noon para sa dalaga ay kaya siya napapayag. Hindi niya gustong magkaganoon si Valerie nang dahil sa kan'ya. Naisip niya rin kasi no'n ang nangyari sa kapatid niyang si Jaydon nang may magustohan din itong babae. Ang akala niya ay isang taon lang tatagal ang relasyon nila ni Valerie at magsasawa rin ito sa malamig na pakikitungo niya dito, pero nabigo siya at hanggang ngayon ay nakatali pa rin siya dito sa dalaga at 'di niya na magawang kumawala. Dahil habang tumatagal mas lalong nababaliw ito sa kan'ya.
Nang mapagdesisyunan niyang paunlakan na lamang ang imbitasyon ng daddy ni Valerie ngayong gabi ay agad na siyang nagbihis dahil ilang minuto na lang ay mala-late na siya sa dinner nito. Gano'n na lang ang pagkagulat niya nang pagkabukas niya ng pinto ay nadatnan niya si Camille sa labas na nakatayo.
"What are you doing here?" nakapang-abot ang kilay niyang tanong.
Ngumiti ito saka inabot ang puting folder sa kaniya.
"Sorry sir, ngayon ko lang pa kasi natapos. 'Di pa naman late 'di ba? Wala pa namang 12:00 am, friday pa rin naman ngayon."
Kinuha niya ito na 'di inaalis ang tingin sa dalaga. Halata ang puyat sa mukha ni Camille, dahil namumutla ito at nangingitim ang ibaba ng mata.
"Hindi ka pumasok kanina because of this?" kwestiyonable niyang tanong.
"Y-yes sir, sorry po..." mahinang sagot nito.
"Don't make it an excuse Ms.
Cordova, para takasan 'yong responsibilidad mo sa kompanya ko," madiin niyang sabi.
"Mag o-over time na lang po ako bukas para mata--"
Hindi na nito nagawa pang tapusin ang sinasabi nang bigla itong matumba, na kaagad naman niyang nasalo.
"Hey, are you okay?"
Nang wala siyang matanggap na sagot mula rito'y kaagad niya itong binuhat papasok.
"HOW IS she, doc?" tanong niya sa Doctor matapos nitong macheck-up si Camille.
"Don't worry Mr.Alarcon, she's fine now. It was just a fatigue. Kailangan niya lang magpahinga at kumain nang tama pagkagising niya. Sa sobrang stress lang niya at pagod, that's why she fainted. So, you should take good care of your girlfriend," nakangiting sabi nito.
Hindi na siya nag-react pa sa sinabi nito. It's not a big deal to him. Hindi niya ugaling magpaliwanag pa at pahabain ang mga walang kabuluhang storya because for him, it's just a waste of time. Wala siyang pakialam kung ano'ng isipin nito.
"So, I have to go Mr.Alarcon," paalam nito sa kan'ya.
Matapos niya itong ihatid sa labas ay umakyat siyang muli sa kan'yang kuwarto kung saan natutulog si Camille.
Hinila niya ang upuan at saka umupo sa tapat ni Camille. Pinapanuod niya lamang itong mahimbing na natutulog habang pinipigilan ang sariling makaramdam ng awa dito.
"You deserve this. You deserve more than this. Dapat hinayaan na lang kitang matumba kanina at panoorin ang dugong lumalabas sa'yong ulo, but this is not the right time for you to die. You should endure every pain you've caused to my brother," nagtatangis ang bagang na sabi niya.
Kinuha niya ang bag ni Camille na nakapatong sa side table at hinalungkat ang laman nito. Agad na kumuha ng atensiyon niya ang isang pure gold na kuwintas na may hugis pusong pendant at sa gitna nito ay may letrang C na gawa sa mga diyamante. Napakuyom ang mga kamay niya habang hawak-hawak ito.
"Tignan mo kuya!" nakangiting ipinakita ni Jaydon ang kuwintas kay Marcus.
"Maganda ba?" tanong nito.
"Ayos ha! Mukhang mamahalin. Ibibigay mo ba sa kan'ya 'yan?" nakangiting tanong niya.
"Oo, sana magustohan niya. Pinag-ipunan ko 'to ng ilang buwan."
Napatigil siya sa paglalaba nang marinig niya ang sabi ni Jaydon.
"Ano? Pinag-ipunan mo? Galing 'yan sa allowance mo?" nakakunot-noong tanong niya?
"Oo, mas maganda 'yong galing sa ipon kaysa hingin ko kay Daddy," natatawang sabi nito.
"Magkano ba 'yan?" tanong niya.
"35k"
'Nang marinig ang sabi nito'y di sinasadyang nasipa niya ang timbang may lamang tubig na nasa tapat ng kan'yang paa.
"Ano, 35k? Ba't ang mahal? May mga mumurahin lang diyan ha. May 350 pesos lang na kuwintas doon sa sidewalk malamit sa shop ni manang Babi. Naku, Jay ha! Parang napapadalas na 'yang pagbibigay mo ng kung ano-ano. No'ng isang linggo lang binigyan mo ng mamahaling bag 'yon tapos pinapadalhan mo ng kung ano-anong mga pagkain. Ginagawan mo pa ng assignments at ikaw pa nagbigay ng susuotin niya noong party niyo. Linggo-linggo ba 'yong birthday niya? Kailangan ba may regalo talaga? 'Di ba siya pinapakain ng magulang niya at kailangang ikaw gumastos sa mga kakainin niya? Tatlong taon ka nang gan'yan ha, pero hanggang ngayon 'di ka pa rin sinasagot ng babaeng 'yan," napapailing na sabi niya.
"Okay lang 'yon kuya. Dapat mga mamahaling bagay ang binibigay mo sa taong mahal mo, kasi malaki 'yong value nila sa buhay mo," sabi ni Jaydon nang nakangiti.
"Hindi naman tama 'yong ubusin mo 'yong allowance mo para sa kaniya. Pa'no kung nagutom ka? Edi--"
"Edi ano, kuya? Edi susumpungin ako? Aandar na naman ang pagkabaliw ko? Kaya nga 'di ba pinapahalagahan ko siya, kasi siya lang 'yong babaeng nagawang kaibiganin 'yong baliw na katulad ko. A-alam kong 'pag nalaman niya na may sakit ako sa pag-iisip, 'pag nalaman niyang baliw ako… tatanggapin niya pa rin ako," naluluhang sambit nito.
Kaagad namang siyang lumapit at niyakap ang kapatid.
"Jay, hindi ka baliw, okay? 'Wag mong sabihin 'yan."
Kumalas si Jaydon sa pagkakayakap at bumulalas ito ng tawa.
"Anong 'di baliw, Marcus? 'Wag mo ngang lokohin 'yong sarili mo. 'Wag mo 'kong lokohin! Alam mo at alam ko, alam natin pareho na baliw ako. Baliw! May sira sa ulo! Takas sa mental! Isang laktaw ko lang ng gamot ko sabog na naman 'yong utak ko. Isang laktaw ko lang ng kain ko, mag rarambulan na naman 'yong mga neurons ko. Kung mamalasin pa nga kahit anong oras susumpungin na naman ako, 'di ba? 'Di ba? 'Di ba baliw ako? Literal na baliw ako!"
Pinagsisipa nito ang mga bagay na nasasagi ng mga paa nito kaya nagkalat sa lupa ang mga damit na nilabhan ni Marcus. Hinayaan niya lamang ang kapatid hanggang sa muli itong kumalma. Jaydon looked at him and smiled.
"Pero alam mo, Marcus? Feel ko mahal niya ako. Nararamdaman kong mahal na niya ako. 'Yong mga ngiti niya, yong mga--"
Naputol ang sinasabi nito nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag. Parehas silang napalingon.
"Jaydon! You're here again," galit na sabi ng isang babae.
Napayuko si Marcus nang makita niya kung sino ito.
"Get in the car, Jaydon!"
Kaagad namang sumunod si Jaydon sa sinabi nito at sumakay ng kotse.
Bago ito umalis ay binigyan muna siya nang masamang tingin ng babae mula ulo hanggang paa na para bang nandidiri ito sa kan'ya.
"Pathetic!" nakataas ang kilay na sabi nito.
Biglang natigilan si Marcus sa kan'yang pag-iisip nang malalim sa kan'yang nakaraan nang marinig niyang may nag doorbell. Ipinasok na muna niya ang kuwintas sa bag ni Camille at ibinalik ito sa puwesto. Saglit niyang sinulyapan ang dalaga upang siguraduhing tulog pa ito bago siya lumabas ng kuwarto.
Nagmamadali siyang nagtungo sa pintuan nang maisip niyang baka may naiwang gamit si Dr. Tan kaya ito bumalik, pero pagkabukas niya ng pinto'y nasurpresa siya nang makita ang galit na galit na mukha ni Valerie.
Nawala sa isipan niya kanina ang dinner kasama ang parents nito kaya heto at pinuntahan siya ng dalaga. Magpapaliwanag na sana siya nang diretsong pumasok ito sa loob at nilagpasan siya.
NAAAMOY NI Camille ang familiar na pabango na humahalimuyak sa loob. Kung 'di siya nagkakamali ay pabango ito ng isang lalaki. Tumagilid siya ng higa at napansing parang mas lalong lumambot ang kamang hinihigaan niya kaysa sa pangkaraniwang kama niya sa apartment.
Hindi na muna niya idinilat ang kan'yang mga mata at inenjoy na lamang niya ang nakakarelax na pakiramdam sa loob ng kuwarto. Ilang minuto rin ang lumipas bago pumasok sa isip niya ang nangyari kanina kaya naman ay bigla siyang napabalikwas sa pagkakahiga.
Wala siya sa apartment niya. Hindi ito ang kuwarto niya. 'Di kaya nasa loob siya ngayon ng bahay ni Marcus?
The room was so big. Ang laki nito'y halos triplehin ang kan'yang kuwarto sa apartment. Kulay gray ang dingding nito at may malaking bookshelf. Bumaba siya sa kama at nagtungo doon saka kumuha ng isang libro. Napangiti siya nang mabasa ang title nitong "Be Rich". Binasa niya ang ilang pahina nito saka ibinalik uli iyon sa puwesto. Nagtungo siya sa malaking kabinet at tumambad sa kan'ya ang isang katutak na mga damit ng binata na nagsisiksikan dahil sa dami nito. Binuksan niya ang drawer sa ibabang bahagi nito at umakyat ang dugo sa kan'yang pisngi nang makitang mga underwear pala iyon. Kaagad siyang tumalikod at nagkunwaring walang nakita.
lnilibot niya muli ang tingin sa kuwarto at napansin niya ang bag niyang nakapatong sa side table. Kinuha niya ito pero sa 'di sinasadya ay nasagi niya ang isang maliit na picture frame. Muntik na itong mahulog, mabuti nalang at kaagad niya itong nasalo dahil kung hindi ay talagang malalagot siya ni Marcus pag nagkataon. Maingat niyang ibinalik ito sa pagkakaayos at natigilan siya nang makita ang nasa larawan. Isang batang lalaki at isang magandang babae na nasa edad trenta na. Habang tinititigan ito'y napansin niyang kamukha ni Marcus ang batang nasa larawan.
"Mommy niya siguro 'to. Ganda naman ng mommy mo, sr," bulong niya sa hangin habang nakangiti.
Naagaw ang pansin niya nang makita ang upuan na nakatapat sa kaliwang bahagi ng kama. Nakaramdam siya ng kiliti sa puso nang maisip niyang nakaupo doon si Marcus kanina habang binabantayan siyang natutulog kanina. Maya-maya'y biglang kumalam ang kan'yang tiyan at naalala niyang hindi pa pala siya kumakain simula kaninang umaga dahil sa sobrang abala niya sa paggawa ng PR plan. Hindi na nga niya nagawang umidlip man lang kahit sandali nang makauwi siya kagabi galing dito sa bahay ni Marcus, dahil sa kagustuhan niyang matapos kaagad ang kan'yang ginagawa.
"BAKIT HINDI ka sumipot?" pagtitimping tanong ni Valerie.
"Nagkaproblema lang sa office, Val," mahinahong sagot niya dito.
"Oh! really Marcus, nagkaproblema lang sa office niyo? You can never lie to me! I've been there in your office at sabi ng secretary mo 7:00pm pa lang umuwi ka na. So, don't give me that f*cking reason."
"I was about to go there, pero--"
"You were about to go there, but what? What bullsh*t excuse was that? And for your information..."
Kinuha ni Valerie ang cellphone niyang katabi ng PR plan na iniwan niya sa mesa kanina. Nakapang-abot ang kilay nitong ipinakita sa kan'ya ang 50 missed calls na nakasulat sa screen.
"Tinawagan kita ng ilang beses, pero hindi mo sinasagot. May pinagkakaabalahan ka ba?"
Hindi siya agad nakasagot, nag-iisip pa siya nang magandang idahilan dito dahil isang maling salita'y magwawala na naman ito.
"You know what, Val? I'm tired, you should leave me at peace. Let's talk about this tomorrow, okay?" kalmado niyang sabi.
"No!" sigaw nito sabay tapon ng cellphone.
Tumilapon ito at tumama sa may hagdan na ikinabasag nito nang husto. Nagtatangis ang bagang niyang nakatingin sa dalaga.
"Umalis ka na bago pa mag-init ang ulo ko," he said trying to control his temper.
"Why are you doing this to me?" napahikbing tanong nito.
Her tears started to run down on her face.
"I'm in so much pain, Marcus. Ang sakit-sakit na, I don't even know kung hanggang kailan ako magpapakatanga. Hanggang kailan ko papaniwalain ang sarili kong gusto mo ako. Marcus, I need you. I f*cking want you in my life. Please… give me love, kahit kaunti lang. Give me some space in your heart. Lahat gagawin ko, just to be with you. I can make you happy that nobody else could," she cried while covering her face with her palm.
Ang galit na naramdaman niya, ngayon ay napalitan na ng awa habang nakikita itong nasasaktan. Bakit siya pa ang minahal nito? Gayo'ng 'di naman niya magawang tumbasan ang pagmamahal nito sa kan'ya. Kahit anong pilit niya, awa lamang talaga ang nararamdaman niya para dito. 'Di niya kailan man matuturuan ang puso niyang mahalin ito.
Lumapit siya kay Valerie at hinawi ang mga kamay nitong nakatakip sa mukha. Matiim niyang tinitigan ang mga mata nitong patuloy sa pag-agos ang mga luha na tila ba nagsusumamo sa kan'ya. Pinahid niya ang mga luha sa mukha nito at unti-unting idinampi ang labi niya sa labi ng dalaga.
Dinama niya ang bawat paggalaw ng kanilang mga labi at ang paglalaro ng mga dila nila. Ipinulupot nito ang mga braso sa kan'yang leeg at hinigpitan niya naman ang paghawak sa baywang nito. Ang halik na pinagsasaluhan nila'y unti-unting lumalalim at nag-aalab. Mas dumidiin na rin ang paglabas-pasok ng dila nila sa bibig ng isat-isa. Narinig niya ang pag-ungol nang mahina ni Valerie kaya hinapit niya ito nang mas madiin sa kan'ya, pero bigla na lamang siyang itinulak nito at bumagsak siya sa sofa.
Valerie looked at him with a playful smile. Dahan-dahan nitong tinanggal ang pang-itaas na suot nito kaya nahulog ito sa sahig at tanging bra na lamang ang natitirang suot nito.
NAISIPAN NI Camille na bumababa upang makapagpaalam na kay Marcus. Wala rin naman siyang balak na magtagal dito dahil baka maabutan siya ng girlfriend nito at makatanggap na naman siya ng sampal. Bababa na sana siya nang hagdan pero agad siyang napahinto nang makita si Marcus na para bang nanonood lamang ng palabas habang nakatitig sa hubad na katawan ni Valerie. Naramdaman niya ang pagkirot ng kan'yang puso. Hindi niya kayang makita ang dalawa sa ganoong sitwasyon.
Akmang babalik na sana siya ng kuwarto pero natigilan siya nang marinig ang sabi ni Valerie. Masakit man sa loob niya, pero pilit niyang ibinalik muli ang tingin sa dalawa. She wanted to see how would Marcus react. She wanted to hear Marcus' answer. Para niyang sinusubukang hawakan ang isang matalim na bagay kahit alam niyang masusugatan lamang siya.
"Marcus, make love to me please. I badly want you right now," pakiusap nito sa kan'ya habang dahan-dahang tinatanggal ang pagkaka-hook ng bra nito.
He's just a man. He can't deny the fact that he felt erection watching Valerie's nudity in front of him. But he never took advantage on Valerie's obsession. Ilang beses na itong naghubad sa harapan niya. Ilang beses na siya nitong inakit. Ilang beses na niyang pinigilan ang sarili niyang gawin ang pag-angkin dito. Lalaki siya and he needs pleasure, pero hindi niya ginawang parausan ang dalaga kasi mas lalo lang itong aasa, mas lalo lang itong masasaktan.
Valerie smiled playfully when he saw him stood and moved closer towards her. He took off his coat and wrapped it on her body before she could successfully unhook her bra.
"What the hell are you doing?" 'di makapaniwalang tanong nito sabay hagis ng coat sa sahig.
"Are you f*cking gay, huh? Ilang beses mo ba 'tong gagawin, Marcus? You're such an as*hole. D*mn it! Bakla ka ba, huh? Tell me, are you f*cking gay?" galit na galit na sabi nito at pinaghahampas ang kan'yang dibdib.
"My God! for almost 4 years Marcus, hindi natin nagawang mag s*x. Palagi ka na lang gan'yan, tinatanggihan mo ko, iniiwan lang sa kuwarto. Ako na nga 'yong gumagawa ng first move eh, kasi kahit ikulong man tayo ng ilang taon sa kuwarto, wala ka man lang gagawin. Ano ha? Don't you find me attractive? Don't you find me hot? sexy? Hindi ko ba magawang painitin 'yong katawan mo? Ano ba'ng gagawin ko, Marcus?"
Hinawakan niya ang balikat ni Valerie at sinubukang pakalmahin.
"Val, stop this! Relax, okay? I'll take you home."
Iwinaksi nito ang kamay niyang nakahawak dito.
"No! Make love to me, Marcus. F*ck me! Damn! F*ck me! I'm yours, I'm all yours. Bakit ayaw mong gawin sa'kin 'yon?"
Nagsimula na naman itong umiyak. 'Di niya na alam ang gagawin dito. 'Di niya na alam kung paano pa ito pakakalmahin. She's getting worse everyday.
"Val, enough! Iuuwi na kita."
Habang pinapakalma niya ang dalaga'y, aksidenteng dumako ang mga mata niya sa may hagdan. Natanaw niya si Camille doon na nakatingin sa kanilang direksyon. Nagtama ang kanilang mga mata at nagkatitigan sila ng ilang minuto. 'Di niya mabasa kung anong nasa isip nito ngayon. Kanina pa kaya ito nakatingin sa kanila? Nasaksihan niya kaya ang lahat ng nangyari? Ano kayang tumatakbo sa isip nito?
"I don't want to go home. Let's go upstairs and take me in your room," sabi ni Valerie habang pinupunasan ang mga luha.
Nanigas si Marcus sa kinatatayuan niya nang marinig ang sinabi nito. 'Di p'wede, mas lalo itong magagalit pag nakita nito si Camille. Tiyak na magkakagulo sila at mas lalong magwawala si Valerie.
Nang akmang tutungo na ito'y kaagad niya itong hinapit sa baywang at iniharap sa kan'ya. Ikinulong niya ang mukha nito sa kan'yang mga palad upang masiguradong hindi ito lilingon.
"No Val, I-i mean... I'll take you home. Mag-aalala ang Daddy mo. You should go home now, okay? I'll make it up to you, I swear, babawi ako," pilit niyang itinago ang kabang nararamdaman sa mga oras na ito.
He tried his best to talk gently and sweetly to Valerie para makumbinsi niya ang dalaga. Ang importante sa kan'ya ngayon ay maiuwi ito sa kanila. Nang maramdaman niyang unti-unti na itong nadadala sa mga sinasabi niya'y binigyan niya ito ng halik sa labi at niyakap ng mahigpit.
Nang magtama ulit ang mga mata nila ni Camille ay agad niya nang sinunggaban ang pagkakataon upang senyasan itong pumasok sa loob ng kuwarto. Sumunod naman ito sa sinabi niya at saka lamang siya bumitaw sa pagkakayakap niya kay Valerie nang masigurado niyang nakabalik na nga si Camille.
TULALA SI Camille habang nakaupo sa kama. 'Di siya makapaniwala sa nasaksihan niya kanina. Hindi niya akalaing gano'n ka desperada si Valerie para maangkin ni Marcus. A part of her heart felt joy. Hindi niya inexpect na tatanggihan ni Marcus ang girlfriend nitong halos wala ng saplot. Ibang parte naman ng puso niya ay nawawasak sa tuwing naiisip niyang kaya nito tinanggihan ang girlfriend ay dahil mahal na mahal niya ito at nirerespeto niya ito ng sobra.
Gulong-gulo ang isip niya, gulong-gulo ang nararamdaman niya. Hindi niya gustong makaramdam ng gano'n, ayaw niyang nasasaktan, ayaw niyang iniisip niya si Marcus. Ayaw niyang isiping nagugustohan niya na ito, dahil bawal. Isa iyong malaking kahibangan.
Alam niyang bawal, alam niyang mali, pero hindi niya magawang pigilan ang nararamdaman niyang saya sa tuwing kasama ito, lungkot at pighati sa tuwing nakikita niyang kasama nito si Valerie. Hindi niya magawang turuan ang puso niyang 'wag itong gustuhin. Dinadaig ng puso niya ang kan'yang utak.
Napatigil siya sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Her heart skipped upon seeing Marcus entered the room. Agad siyang tumayo at hinarap ang binata
.
"Aalis na ako sir," tanging sambit niya dito, saka siya lumabas.
"You go to the kitchen at kumain ka muna. Ihahatid kita mamaya. I'll just take a rest. Don't refuse," he said coldly that made her stop.
Hindi na nito hinintay pa ang kan'yang pagsang-ayon at kaagad na nitong isinarado ang pinto. She sighed audibly.
Humiga si Marcus sa kanyang kama at ipinikit ang kan'yang mga mata habang iniisip ang nangyari kanina. He's mentally tired. Pagod na siyang pakisamahan si Valerie. Sinapo niya ang kan'yang mukha at tumitig sa kisame habang kinakapa ang kan'yang bulsa. Nang mapansin niyang wala ang cellphone niya ay agad siyang naalarma. Lalabas na sana siya nang bigla niyang maalalang itinapon pala iyon ni Valerie kanina kaya natigilan siya at napamura nang malutong.
"Damn that girl!"
Humakbang siya papunta sa kabinet upang makapagbihis at nakatawag ng pansin niya ang nakaawang na drawer kung saan nakalagay ang kan'yang mga underwear. Sa pagkakaalala niya'y isinarado niya ito nang mabuti kanina. Tinignan niya ang loob at wala naman siyang napansing nag-iba sa pagkakaayos nito.
Nang bumaba siya'y nadatnan niya si Camille na naghuhugas ng pinagkainan nito. Tumungo siya sa ref at kumuha ng canned beer saka ito tinungga. Napansin naman agad siya ng dalaga at nginitian lamang siya nito saka nagpatuloy sa paghuhugas. Humilig siya ng bahagya sa ref at pinagmasdan ang dalaga.
"Binuksan mo ba ang drawer kung saan nakalagay ang--"
"H-ha? Hindi… hindi s-sir. Natutulog lang ako. Wala akong ginalaw," pautal-utal na sabi nito nahalata ang kabang nadarama.
Nag-iwas ito ng tingin at paulit-ulit nitong sinasabon ang kutsara kahit wala na naman itong natitirang sebo. Masyado itong napaghahalataan.
"Hmm... May nawawala kasi akong brief," pagsisinungalingi niya upang hulihin ang dalaga.
Nalaglag ang panga ni Camille nang marinig iyon, napakurap-kurap ito at kabadong hinarap siya.
"S-sir, d-diko kinuha promise. W-wala akong kinuha kahit tingnan mo pa sa bag ko. Promise po! T-tiningnan ko lang naman 'yon, w-wala talaga akong kinuha," depensa nito.
Nang maisip nito ang sinabi ay agad itong napatakip sa bibig niya.
"So, binuksan mo nga?"
Hindi niya na hinintay ang sagot nito at kaaagad niya na itong tinalikuran at palihim na napangiti.
HE COULDN'T deny to himself the fact that Camille made her PR plan perfectly. He was just expecting a better PR plan from Camille, but fortunately she made it more than what he expected. 'Di siya makapaniwalang in just three days natapos ito ng dalaga. It so impossible to finish it so well all by herself, sa isang katulad ni Camille na bagohan pa lang at wala pang kahit anong experience sa ganoong gawain.
Napalingon siya nang maramdaman niya ang pag-galaw ng sofa na kan'yang inuupuan. Then, she saw Camille's face smiling at her. She has a smile that can captivates anyone. Her sweet angelic face makes you want to stop from doing devilish things. Masyado itong mabait tingnan para paghinalaan. She can't even break glass. She's a devil in disguise.
"Okay lang po ba 'yong PR plan ko?" nakangiting tanong nito.
Nagkunwari siyang binasa ulit ito at saka nagpakawala ng isang pekeng buntong hininga.
"There are lots of things that need to be improved. The tactics you chose, I don't think it's effective. The budget you planned, it's very costly. I don't like over spending for unsure plans. I don't take risks, but somehow you made it good," pagsisinungaling niya rito.
He was expecting disappointments from Camille after what he said pero imbis na malungkot ito'y, kuminang pa ang mga mata nito at lumapad lalo ang ngiti.
"Talaga sir, good 'yon?" 'di makapaniwala na tanong nito.
"happy?"
"Yes sir, sobra."
Nagulat na lamang siya nang bigla siyang yakapin ng dalaga. 'Di niya inaasahang sa simpleng compliment niyang iyon ay nasiyahan na ito ng lubos. But, it was'nt a compliment at all, it was a lie. Dahil ang totoo, ay masyado siyang napabilib sa gawa nito. Kung nasiyahan ito sa ganoon kaliit na bagay, paano pa kaya kapag sinabi niya ang totoong impression niya sa gawa nito. Nang akmang yayakapin niya ito pabalik ay natigilan siya nang bigla itong bumitaw sa pagkakayakap at umayos ng upo.
"Uhm.. sorry sir," nahihiyang sabi nito.
Marcus broke the awkward atmosphere.
"Let's go! I'll take you home!"