Napangiti si Valerie nang makita siya nitong pumasok ng office na may dalang isang bouquet ng bulaklak. Kaagad itong tumayo at sinalubong siya ng halik sa pisngi.
"Oh! this is so pretty. Thank you so much Marcus," masayang sabi nito.
Sa katunayan ay napilitan lamang siyang puntahan si Valerie dito ngayon dahil nangako siya kagabi na babawi siya rito.
"You surprised me Marcus, I didn't expect you to come. Ohhh! Thank you so much, babe, I love you."
He just gave him a cold gaze and didn't even bother to respond.
"It's already 5pm, marami ka pa bang tatapusin na trabaho?" pag-iiba niya sa usapan.
"No, wala naman. Why?" nakangiting tanong nito na animo'y alam na nito ang dahilan ng kan'yang tanong.
"Let's have a dinner together."
Nakita niya ang pagkinang ng mga mata nito nang marinig ang kan'yang sinabi.
"Really? Are you asking me for a date, Marcus? Oh my God! You're so sweet. Of course, I'll go with you. Alam mo naman, I will set aside everything kahit gaano pa ka hectic ang schedule ko at kahit gaano pa ka importante 'yon. Because you are more important than anything else. You know that, didn't you?"
Tumango lamang siya bilang tugon.
"So, I will just fix my things and we will go na after," excited na sabi nito.
"CAMILLE!"
Napangiti si Camille nang makita si Lex na nakadungaw sa kotse nito.
"Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita!" nakangiting tanong nito.
"Hindi pa sir, may pupuntahan pa ako," sagot niya.
"Are you waiting for someone?"
She nodded.
"Oh! I see. Is it a date?"
'Di pa man siya nakasagot ay nagsalita na ulit ito.
"Oh! sorry, it's too personal. Anyway, enjoy, ingat ka!" nakangiting sabi nito, kapagkuwan ay kumaway at pinaharurot na ang kotse.
Nakatayo lamang si Camille sa labas ng building habang hinihintay na dumating si Kyle. Sinabi kasi nitong susunduin daw siya nito gamit ang bagong motor na nabili nito kahapun. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. 'Di niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng lungkot ngayon. Wala namang nangyaring masama kanina pero para bang masyado siyang dismayado.
Kaninang umaga pa lang hinahanap na ng mata niya si Marcus. Ilang beses siyang nagpalibot-libot ng MADeal at nagbabaka-sakaling makasalubong niya ang binata. Naisipan nga niyang puntahan na lang sa office nito, pero 'di naman niya alam ang idadahilan niya kapag nagtanong ito kung anong kailangan niya. Kaya imbis na magpakahibang ay tinapos niya na lang nang maaga ang mga gawain niya sa office dahil nawawalan na siya ng gana.
Nang palabas na siya ng office kanina ay nahagilap pa ng mata niya si Marcus na may dalang bouquet ng red roses at nagmamadali itong lumabas ng building. Naisip niya kaagad na baka makikipagkita ito kay Valerie. Nagpakawala uli siya ng isang buntong hininga at pilit niyang inaalis ang pag-iisip kay Marcus.
"Milmil!"
Hinanap niya ang direksyon ng boses at napangiti siya nang makitang nasa tapat niya na pala si Kyle habang naka-angkas ito sa bagong motor nito.
"Wow! Ayos ha! Ganda ng motor mo," nakangising sabi niya habang pinapaliguan ng tingin ang motor nito.
"Mas maganda ka pa diyan," pabulong na sabi ni Kyle.
Napakunot naman ang noo niya nang hindi niya maklaro ang sinabi nito.
"Ano 'yon? May sinasabi ka ba? 'Di ko kasi narinig."
Napakamot nalang ng ulo si Kyle.
"Wala… Ang sabi ko sakay na," pagsisinungaling niya.
"Go Kyky!" sigaw nito.
"Ano ba 'yan Camille, kumapit ka nga. Ngayon ka lang ba nakasakay ng motor?" nakabusangot na sabi niya kay Camille.
"Oo, eh," sagot nito at humagikhik.
"Isuot mo 'to."
Napangiti siya nang maramdaman ang pagpulupot ng braso ni Camille sa kan'yang tiyan. Sa pagkakataong 'yon ay gusto niyang bagalan ng sobra ang pagtakbo ng motor. Gusto niyang damhin muna bawat segundo ang kakaibang pakiramdam na dulot sa kan'ya ng dalaga. He always feel the maximum level of happiness kapag kasama niya si Camille. Kahit ngayon lang, gusto niyang maramdaman na they're more than just friends. Why can't they be more than just friends? Bakit nga ba? Bakit hindi? Hindi pa naman niya sinubukang manligaw. Hindi pa naman siya umamin dito. Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig niya itong magsalita.
"May abs ka pala, Ky?" seryosong tanong nito.
Nanlaki ang mata niya nang marinig iyon. Ang init ng palad nito ay para bang tumatagos sa kan'yang damit at umaakyat hanggang sa kan'yang mukha. Masyado siyang nadistract sa mga kamay nitong nakahawak sa kan'yang tiyan kaya hindi niya na napansin na muntik na pala siyang bumangga sa sinusundan nitong kotse, buti na lang ay agad siyang nakapag-brake. Napasigaw sa takot si Camille.
"Camille naman eh, mababangga tayo!" naiiritang sabi niya rito.
"H-huh? Bakit ako? Ikaw naman ang nag da-drive ha. Anong ginawa ko?"
"Kung ano-ano kasing sinasabi mo, 'yan tuloy na distract ako," nakapang-abot ang kilay na sabi niya.
Napatawa nang malakas si Camille na mas lalong nagpa-init ng kan'yang pisngi.
"Bakit ba? Totoo naman ha. May abs ka naman talaga,"panunukso nito.
Naramdaman ni Kyle ang paggalaw ng kamay nito na siyang nagpapakikiti sa kan'ya.
"Ano ba Camille, nananadya ka eh! Tinutukso mo ba ako? 'Di nakakatawa ha," iritadong sabi niya.
Tila ba hindi siya narinig nito at imbis na tantanan siya'y mas lalo pang diniinan nito ang pagkakakapit nito sa kan'yang tiyan.
"Camille, tanggalin mo 'yang kamay mo sa tiyan ko!" sigaw niya.
"Pero baka mahulog ako, Ky," pagdadahilan nito na halata ang pagpipigil ng tawa.
"Dito ka sa balikat ko kumapit," utos niya.
"Hindi na, komportable na ako rito. Ilan ba 'yong abs mo, Kyle? Bilangin ko nga."
Pakiramdam niya parang nasusunog na ang kan'yang mukha dahil sa sobrang pamumula niya.
"Tatanggalin mo o ibabangga ko 'tong motor sa kotseng sinusundan natin," pananakot niya rito upang tigilan lang siya.
Narinig niya ang pagtawa ng malakas ni Camille. Her laugh is like a sweet music to his ear. Everything on her is perfect for him. Mula sa pagngiti nito, pagtawa ng malakas, pagkurap ng mata, pagsasalita, at kahit na ang mahinang paghilik nito ay nagugustuhan niya. Lahat ng galaw ni Camille ay perpekto at maganda sa paningin niya. He admires Camille very much.
"Oo na… oo na..." sambit nito habang tumatawa.
"OH THANK you!" nakangiting sabi ni Valerie sa waiter matapos nitong inilatag ang order nila.
Hindi ugali ni Valerie ang mag-thank you sa mga empleyado o kung sino mang tao na sa tingin nito ay nasa baba lang, pero dahil sa umaapaw na sayang nararamdaman ng dalaga ay nagawa nitong magpasalamat sa waiter.
"Ano kaya kung doon ka na lang matulog sa amin ngayon, Marcus?" nakangiting tanong ni Valerie.
"No, I have a lot of things to do," pagtanggi niya rito.
"Why not? Daddy wants to see you. You should talk a couple of things."
"Like what?"
"Our wedding" nakangiting sagot nito.
Nabulunan siya nang marinig iyon.
"Are you okay, Marcus?" nagpa-panick na tanong ni Valerie, saka inabot sa kaniya ang tubig.
"Ae you kidding?"
"Why should I? Mukha ba akong nagbibiro para sa'yo?"
Nagpakawala siya ng isang mapaklang ngiti at tiningnan sa mata ang dalaga.
Malaki na rin ang sinakripisyo niya para lang sa ikakabuti ni Valerie, pero kung pati pagpapakasal ay igigiit nito, hinding-hindi na siya papayag.
Gusto niyang direktang sabihin sa mukha nito kung gaano ka walang kuwenta ang sinasabi nito pero alam niyang 'pag ginawa niya 'yon ngayon ay maglilikha lamang ito ng gulo sa loob. He took a deep breath and never tried to say any words. Pinipigilan niya ang sariling makapagsabi ng ikakagalit nito.
"I want to schedule it as soon as possible. Ayoko ng patagalin pa, you know, I always rush things," nakangiting sabi nito.
Hindi na niya pinansin pa ang sinasabi nito dahil baka 'di niya mapigilan ang sarili at ma-insulto niya lang ang dalaga.
"Ano nga bang magandang theme? Hmm... I think I should ask tita about this. I'm sure she has a good idea. You know what Marcus, I really don't like to wear ball gowns. It won't emphasizes my body. My wedding gown should fit on my body and emphasize my curves instead. What do you think?"
Rinding-rindi na siya sa kan'yang mga naririnig. Gusto na niya itong murahin nang matigil ang pag-iilusyon nito. Uminom siya ng tubig upang palamigin ang kanina pang nag-iinit niyang ulo at iginaya ang paningin sa labas ng restaurant.
Kitang-kita niya ang galaw ng mga tao at sasakyan dahil nakadikit nang bahagya ang table nila sa wall glass ng restaurant.
Natuon ang kan'yang pansin sa isang motorsiklong huminto sa tapat mismo ng restaurant na kinakainan nila ngayon. Bumaba mula rito ang isang babae at lalaki na parehong nakasuot ng helmet. Nanliit ang mata niya nang makitang si Camille ito kasama ng lalaking pamilyar sa kan'ya. Saka niya napagtanto na ito pala 'yong lalaking nakita niyang kasama ni Camille noong umiiyak ito sa daan.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang makapasok ito sa loob at umupo ito sa pinakadulong table na abot pa rin ng kan'yang tingin. Nabaling ang pansin niya nang yugyugin siya ni Valerie.
"Marcus, I'm talking to you. You're not listening. My God! kanina pa ako nagsasalita," naiiritang sabi nito.
"Let's not talk about it, Val."
"Why not? Do'n din naman tayo patungo 'di ba?"
Minasahe niya ang sentido niya at ibinalik ang tingin sa dalaga.
"We should go now, I'm tired," sabi niya na nagpipigil sa galit.
"OH, BAKIT gan'yan ka makatingin?" tanong niya kay Camille.
Kanina pa siya naiilang dito dahil kanina pa ito nakangiti habang tinititigan siya.
"Wala lang, bawal ba?" nakangiting tanong nito.
"Ano ba Camille! Kanina ka pa nang-aasar ha."
"Di naman ha! Tinitingnan lang kaya kita. Bakit? Sinabi ko ba ulit na may abs ka?"
Nanggigil na talaga siya sa pang-aasar nito sa kan'ya.
"Ayaw mo talagang tumigil ha?" naghahamon niyang tanong.
Nginitian lamang siya nito nang nakakaloko.
"Milmil anong size ng bra mo?" tanong niya rito saka nagngiting aso.
Nanlaki ang mata ni Camille nang marinig iyon. Mukhang 'di nito inaasahang marinig iyon mula sa kan'ya.
"Tumahimik ka Kyle ha, 'di nakakatuwa."
"Ano nga? 25?" nang-aasar na tanong niya sabay tawa.
"Hindi kaya!" nakangusong sabi nito.
"Hindi raw, 'ge nga patingin nga kung 'di ba 25."
Natahimik sila at parehas na napalingon nang marinig ang pagtikhim ng waiter sa kanilang gilid.
"Here's your order ma'am, sir. Enjoy!"
Ngumiti lamang sila ng hilaw at nang maka-alis ito'y kaagad na binigyan siya nang masamang tingin ng dalaga.
"Oh ano?" natatawang tanong niya.
"Narinig tuloy ng waiter," nakasimangot na sabi nito.
"Ha? Ang alin?" pagmamaang-maangan niya.
"Iyong sabi mong 25 lang ang size."
Napabulalas siya ng tawa at agad din namang tumahimik nang mapansin niyang nag sitinginan sa direksyon nila ang ibang customers.
"Eh, ano naman? Dapat proud ka nga kasi dalawa 'yong likod mo," mapang-asar na sabi niya.
Halos pumutok na siya dahil sa pagpipigil ng tawa pero nang mapansin niyang hindi na kumikibo si Camille ay natagilin siya.
"Oh! Milmil, joke lang 'yon. Galit ka ba?" nangangambang tanong niya.
Wala siyang nakuhang sagot at patuloy lang sa pagkain ang dalaga.
HINDI NA siya kinausap ni Camille hanggang sa maihatid niya ito sa apartment na tinutuluyan nito. Bago ito makapasok ay minabuti niya nang komprontahin ang kaibigan. Ayaw niya nang ganito, 'yong nagkakasamaan sila ng loob. Ayaw niyang magalit ito sa kan'ya dahil 'di niya kakayanin.
"Milmil!" tawag niya.
Napahinto naman si Camille sa paglalakad at nilingon siya.
"Galit ka ba kanina? Sorry, 'di ko na uulitin."
Binigyan siya ng ngiti ni Camille. Ngiting alam niya ay pilit lamang. Bakit may lungkot ito sa mga mata? Ganoon ba talaga nito dinamdam ang biro niya. Napasobra ba siya?
Napatingala siya nang maramdaman ang pagpatak ng ulan.
"Pasok ka sa loob Ky, hayaan mo munang tumigil ang ulan."
Kaagad naman siyang sumunod dito, mas okay na rin 'yon para may pagkakataon siyang kausapin ito.
Agad na pinaandar ni Marcus ang kotse nang makita niyang pumasok na sa loob ng apartment si Camille at ang kasama nitong lalaki.