Alas-diyes imedya na at 'di pa rin tumitigil ang ulan, mas lalo pa itong lumalakas. Magtatatlong oras nang naka-standby si Kyle kina Camille at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakaalis dahil sa lakas nito. Humiga na si Camille sa kaliwang bahagi ng kama, tila wala pa rin itong balak kausapin siya. Napahikab siya nang makaramdam ng antok. Mabigat na rin ang talukap ng mga mata niya at maya-maya lang ay bibigay na ito.
"Tulog ka na Kyle."
Nagulat siya nang magsalita si Camille. Tinignan niya ang dalaga at nagbigay ito ng pilit na ngiti sa kan'ya.
"Ha? Saan? Diyan?" nag-aalangang tanong niya sabay turo sa kanang bahagi ng kama.
Tumango lamang si Camille saka umusog pa ng kaunti upang mas lumaki ang espasyo. Nag-aalangan siyang lumapit rito, 'di niya alam kung tama ba'ng tumabi siya? Bakit napaka-inosente ni Camille? Bakit wala man lang itong pag-aalinlangang papasukin siya sa kuwarto nito? Bakit hinahayaan siya nitong matulog sa iisang kama? Kahit naman magkaibigan sila ay dapat inisip pa rin nito na lalaki siya at babae ito. 'Di man lang nito inisip na anytime p'wede siyang may gawing masama sa kan'ya.
S'yempre, wala naman siyang gagawing masama kay Camille dahil mahal niya ito at nireresperto niya ito at ang pagkakaibigan nila. Ganito na ba talaga kalaki ang tiwala nito sa kan'ya? Papapasukin din ba kaya nito kung ibang lalaki ang naabutan ng ulan sa labas? Hahayaan din ba kaya nitong tumabi ito sa pagtulog?
Paano kung oo? Paano kung ganito ito ka inosente at kadaling magtiwala sa mga taong nakapalibot dito? Kinabahan siya nang maisip iyon.
Sinulyapan muna niya si Camille bago tuluyang humiga sa tabi nito. Ngayon ay pareho silang nakatalikod sa isat-isa. Iisang kama ang hinihigaan nila at iisang kumot lang ang pumapawi ng lamig sa kanilang katawan. Ang antok niya'y nawala dahil sa pag-alala para kay Camille. Pinapakiramdaman niya ang paligid. Naririnig niya ang mahinang paghinga nito. Parang piniga ang puso niya nang may narinig siyang paghikbi galing sa dalaga.
"Milmil? Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong niya rito.
Wala siyang natanggap na sagot galing sa dalaga. Ngayon ay mas lalong lumalakas ang paghikbi nito.
"Sorry, dahil ba kanina?" nakokonsensyang tanong niya.
'Di mapigil ni Camille ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Sobrang sakit nang nararamdaman niya. Parang dinudurog 'yong puso niya nang makita niya kaninang palabas ng restaurant si Marcus at ang girlfriend nito.
Kaagad napawi ang saya ni Camille kanina habang kasama si Kyle, nang makita ang dalawa.
'Di niya alam na hahantong pala sa ganito ang nararamdaman niya para sa lalaki. Bakit sa maikling sandaling nakilala niya ito, bigla nalang niya itong ginusto.
Bakit kay Marcus pa na may nagmamay-ari na? Anong laban niya doon?
Wala, wala siyang laban. Dahil siya lang naman 'yong may gusto rito. Samantala 'yong dalawa nagmamahalan na. Kasalanan niya 'yon, hinayaan niya kasing kontrolin siya ng puso niya, kaya heto siya ngayon at labis na nasasaktan.
Naramdaman niya ang pagyakap ni Kyle sa kan'ya mula sa likod. Iniharap siya nito at hinawakan ang kan'yang baba para iangat ang kan'yang ulo. Tinitigan siya nito na para bang binabasa ang nasa utak niya habang patuloy pa rin sa pag-agos ang kan'yang mga luha.
"Bakit? Bakit ka umiiyak? Sabihin mo."
Alam ni Kyle na hindi na dahil sa biro niya kung kaya't umiyak ito ng sobra. Alam niyang may mas malalim itong dahilan na dapat niyang malaman. Ayaw na ayaw niyang nakikitang nasasaktan si Camille dahil para na rin siyang nasasaktan. Simula't sapul pinoprotektahan niya ang dalaga dahil ayaw na ayaw niyang nakikita itong umiiyak. Idinampi niya ang labi niya sa noo ni Camille at hinagod ang likod nito hanggang sa unti-unti na itong tumahan. He then started to sing a song to comfort her and let her sleep 'til she forget the heaviness she's feeling right now. Saka lang siya tumigil sa pagkanta nang mapansin niyang tuluyan na itong nakatulog habang yakap-yakap siya at nakahiga sa kan'yang braso.
"I love you," bulong niya rito at huminga nang malalim.
"I love you too, good nigh.t"
Napamulat siyang muli nang marinig ang sinabi ni Camille. Nagkamali pala siya sa akala niyang nakatulog na ito.
Sana nga...
Sana nga mahal din siya ng dalaga katulad ng pagmamahal niya rito at hindi bilang isang kaibigan lang. Hindi lang iyon ang unang pagkakataong narinig niya sa dalaga ang salitang 'yon, dahil palagi nitong pinapaalala sa kan'ya kung gaano siya nito kamahal.
'Yon nga lang at bilang kaibigan o kapatid lang, pero hindi pa rin maiwasan ng puso niyang manlabot sa tuwing naririnig ang katagang 'yon galing sa bibig ni Camille. Sa bawat pagbanggit nito ng katagang 'yon sa kan'ya, hinihiling niya na sana...
Sana parehas sila ng nararamdaman.
NAGISING SI Camille nang maramdaman niyang may mabigat na bagay na nakadagan sa kan'yang katawan. Nang-idilat niya ang mata niya'y sumalubong sa kan'ya ang guwapong mukha ni Kyle na mahimbing na natutulog. Napangiti siya nang makitang nakaawang pa ang mga labi nito habang mahinang humihilik. Maingat niyang tinanggal ang mga braso nitong nakayakap sa kan'ya pati na ang mabigat nitong binti na nakadagan sa kan'yang hita. Kaagad siyang bumangon at hinawi ang kurtinang nakatakip sa bintana at pumasok mula roon ang sinag ng araw.
Nang maramdaman ni Kyle ang sinag ng araw na tumatatama sa kan'yang mukha ay agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga at inilibot ang tingin sa loob ng kuwarto upang hanapin ang dalaga. Nakatayo ito sa kan'yang likuran at ngiting-ngiti habang pinagmamasdan siya.
"Anong oras na?" pambungad na tanong niya.
"7:20am," sagot nito.
Kaagad siyang tumayo at nagmamadaling isinuot ang kan'yang sapatos saka hinablot niya ang bag niyang nasa mesa at lumabas.
"Ingat ka, Ky!" narinig niyang sigaw ni Camille galing sa loob.
"Bye, Milmil!" pasigaw na sabi niya habang patakbong tinungo kung saan nakaparada ang kan'yang motor.
Hinagilap niya ang susi sa bag niya pero 'di niya ito makita. Napamura na lamang siya nang bigla niyang nabitawan ang bag niya at nagsipaghulugan ang mga gamit niya sa gilid ng kalsada.
"T*ng ina naman! Kung kailan nagmamadali eh saka nangbwi-bwiset."
Isa-isa niyang pinulot ang gamit niya sa daan nag 'di sinasadyang masipa ng kaliwang paa niya ang susi kaya mas lalo itong tumilapon sa daan. Dali-dali niya itong tinungo ito nang bigla na lang siyang mabangga. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking iyon at imbis na humingi ito ng tawad ay matalim lamang siyang tiningnan nito na para bang siya pa ang may kasalanan. Hindi niya na rin binigyang pansin ito dahil ilang oras na lang at mali-late na siya, kaagad niyang pinulot ang susi at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
"HOY! tulala kana naman."
Nagulat si Camille sa ginawang pagtapik ni Chris sa kan'yang balikat.
"May problema ka ba? Kaninang umaga ka pa gan'yan ha 'tsaka namamaga 'yong mata mo," sabi nito.
"Wala, may iniisip lang ako," mahinang sagot niya.
"Buntis ka? 'Wag kang mag-alala, pagsisikapan kong buhayin at bigyan ng magandang future ang magiging anak natin. You don't need to regret what happened between us. Kagustuhan natin 'yon, we enjoyed it, right?" pagbibiro nito sa kan'ya.
Napakunot naman ang noo ni Camille nang marinig iyon. Saka siya ngumiti nang mapakla.
"Who's pregnant?"
Napalingon silang lahat nang marinig ang boses na nanggagaling sa kanilang likuran. Nakita nilang nakatayo si Lex sa may pintuan habang nakakrus ang mga braso.
"W-wala po," sagot niya.
Lumapit ito sa kanilang direksyon at bahagyang inangat ang kan'yang baba.
"Did you cry?" tanong nito.
"Hindi po sir," tanggi niya rito
"Your eyes are swollen."
Agad siyang nag-iwas ng tingin saka yumuko.
"Who made you cry last night? Tell me and I'll teach him a lesson."
ALAS-KUWATRO na at nakatuon pa rin si Camille sa kan'yang computer simula pa kaninang umaga. Hindi na siya nag-atubiling lumabas pa para kumain at minabuti na niyang magbaon. Gusto niya kasing iwasan si Marcus. Ayaw niya itong makita, gusto na niyang kalimutan ang feelings niya para sa binata. Dahil alam niyang wala itong patutungohan, at kung ipagpapatuloy niya ito mas lalo lang lalalim ang nararamdaman niya para sa binata. Ito lang ang alam niyang paraan para makalimutan ito ng tuluyan. Napahinto siya sa kan'yang ginagawa nang bigla siyang tawagin ni Mr.Lopez.
"Ms.Cordova, ibigay mo nga 'to kay Mr.Alarcon. Bilisan mo!" utos nito.
Tila dumikit na siya sa kan'yang upuan at ayaw niya nang gumalawa roon. Nagdadalawang isip siyang sundin ang utos nito dahil iniiwasan niyang makita si Marcus.
"Ano ba! Ba't ang bagal mong kumilos?" sigaw nito.
Dahil sa takot ay nagmamadali siyang tumayo at kinuha iyon kay Mr.Lopez. Habang papalapit nang papalapit siya sa office ni Marcus ay mas lalong lumalakas ang kabog ng puso niya. Huminga siya ng malalim saka pilit na iwinaglit sa isipan ang kabang nararamdaman niya.
"Go! kaya mo 'yan, Camille," bulong niya sa sarili.
Bubuksan na sana niya ang pinto pero may kung anong pumasok sa kan'yang isip at bumahag ang kan'yang buntot. 'Di niya kaya, 'di niya talaga kayang makita ito. Naisipan niyang hanapin na lang ang secretary ni Marcus at makiusap na lang dito na ibigay kay Marcus ang mga dokumentong ito, pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay napahinto na siya nang matanaw 'di kalayuan sa kan'ya ang binata na papalapit sa kan'yang direksyon. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo, parang sila lang ang tao sa loob ng building. Naging blurry ang paligid at tanging ang mukha lang ng binata ang naaaninag niya nang mabuti. Her heart flipped and she felt butterflies inside her stomach. Nakatuon lang ang mga mata niya sa malamig na ekspresyon ng mukha nito.
Habang papalapit ito nang papalapit ay mas lalong bumibilis ang pagtambol ng puso niya. Hindi niya magawang tanggalin ang mata niya sa mukha nito hanggang sa napansin na lang niyang nasa tapat niya na pala ito. Napalunok siya at 'di alam ang sasabihin. Tila ba umatras ang dila niya at 'di siya makapagsalita. Inabot niya ang folder dito na agad din namang kinuha ng binata. Biglang nagising ang diwa niya at siya na mismo ang unang bumitaw ng tingin at 'pagkuwan ay nilagpasan ito. Bigla siyang nakaramdam ng kuryente sa buong katawan niya nang hawakan siya nito sa kan'yang palapulsohan
"What's this?" malamig na tanong nito sa kanyya.
Tiningnan niya ito at binawi ang kan'yang kamay.
"P-pinabibigay ni… ni ano… ni Mr.Lopez," kabadong sambit niya at agad na umalis nang hindi nagpapaalam.
Nang makabalik siya ng office ay napasandal siya sa pintuan at sinapo ang kan'yang mukha. Nagpadausdos siya sa pintong sinasandalan at niyakap ang kan'yang tuhod sabay pakawala ng malalim na buntong hininga.
Pagkapasok ni Marcus sa office niya ay kaagad niyang itinapon sa basurahan ang folder na binigay sa kan'ya ni Camille kanina. Umupo siya sa swivel chair at isinadal ang likod habang minamasahe ang kan'yang sentido. Ipinikit niya ang mga mata niya at ang tanging nakikita niya sa isip ay ang mukha ni Camille kanina habang nakatitig sa kan'ya. Ang mga mata nitong namamaga, halatang galing ito sa pag-iyak. Ang pamumula ng pisngi nito nang magkalapit sila, pati na ang bawat paggalaw ng labi nito habang nauutal sa pagsasalita at ang halatang pag-iwas nito sa kan'ya.
Bakit siya iniiwasan nito?
Napakuyom ang kamay niya. May nalaman kaya ito? Anong alam nito? Alam na kaya nitong kapatid niya si Jaydon? Alam kaya nito ang plano niya? Paano? He needs to know it as soon as possible. 'Di p'wedeng masira lahat ng kan'yang plano.
"Damn!" napamura siya sa kan'yang isip
Dinukot niya sa bulsa ang kan'yang cellphone nang marinig itong tumunog.
From: Mr.Gomez
I need to talk to you Marcus, can you give me some of your time?
"THANKS for com--"
"What do you want to talk about?" sabad niya.
"I'm so glad you're still together with my daughter," nakangiting sabi nito.
"I'm doing it for the sake of your daughter only, awa lang 'yon," malamig na sabi niya.
Nagtungga ito ng beer at diretsong nilagok sabay bulalas ng tawa na ikinakunot ng kan'yang noo.
"I know... I know Marcus, but still I need to thank you. You've been together for almost 2... No! it's 4 years, right?"
"Stop beating around the bush, Mr.Gomez! Tell me what you really want to say. Wala akong oras na makipag-usap sa mga walang kuwentang bagay. So now, you tell me or I will leave?" naiiritang sabi niya.
"Marry my daughter," diretsong sabi nito.
Napasuntok siya sa mesa na agad kumuha ng atensiyon ng mga taong nasa loob ng resto bar.
"No! Hell no!" nanggagalaiting sabi niya.
"Marcus, I know this is too much... but please for the sake of my daughter. She loves you so much, 'di ko kayang tanggihan ang anak ko," pagmamakaawa nito.
Napatayo siya dahil sa pagpupuyos ng galit. Gusto na niyang suntokin ngayon ang pagmumukha ng daddy ni Valerie. Punong-puno na siya rito, ito rin ang sinabi nito sa kan'ya noong nakiusap itong maging karelasyon siya ng anak nitong si Valerie.
"Hindi mo siya kayang tanggihan? Damn it! Then you go and marry your own daughter. Kasi ako? Kaya kong tanggihan si Valerie. You're right… This is too much and this is enough. I'm f*cking tired of this sh*t! Sawang-sawa na akong pakisamahan ang anak mo."
Napansin niya ang pagtulo ng luha nito, mga luhang nagsusumamo sa kan'ya, pero pinigilan niya ang sarili niyang maawa. Kasi kung hahayaan niya ang puso niyang mag desisyon, mangingibabaw na naman dito ang awa. Hahantong na naman ito sa pagtitiis niyang pakisamahan si Valerie at magiging miserable na ang buong buhay niya. This time, tatanggalan niya na ng karapatan ang puso niyang magdesisyon. Dahil sa laban ng buhay, talo ang gumagamit ng puso bilang sandata. Napatiim-bagang siya nang unti-unting lumuhod ito sa harapan niya.
"Nakikiusap ako Marcus... please... marry my daughter. Ayokong nakikita ang anak kong nahihirapan. Ayokong nakikitang nasasaktan siya at umiiyak. 'Di ko kaya… 'di ko kayang makitang unti-unting nawawalan ng saysay ang buhay niya. He loves you, ikaw lang. Alam mo kung gaano ka niya kamahal. Ayaw kong madatnan isang araw ang anak kong wala ng buhay sa kuwarto niya. Please... Marcus please... Nakikiusap ako, kahit awa na lang para sa anak ko.
Halos lahat ng tao sa loob ay nakatingin na sa kanila at nagbubulong-bulongan. Mukhang magiging paksa na naman sila ngayon ng mga balita. Kinuha niya ang basong may lamang alak at dire-diretso niyang nilagok ito.
"You stop manipulating me, Mr.Gomez! 'Di mo na ako madadala sa paluhod-luhod mo," matigas na sabi niya at iniwan ito.
NAKATINGALA SI Camille sa kisame at komportableng sumandal sa kan'yang upuan habang iniisip ang nangyari kanina. Sinadya niya talagang magpahuli sa pag-uwi para mapag-isa sa office at makapag-isip ng mabuti. 'Di mawala sa isipan niya ang matagal nilang titigan ni Marcus. Bakit kaya ganoon ang tingin nito sa kan'ya kanina? Kakaiba, ibang-iba sa mga titig nito noon sa kan'ya. Maya-mayay bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata at nakaramdam siya ng antok. Ipinikit niya ang mga mata niya saglit at nagpatianod sa antok.
KANINA PANG umaga naba-badtrip si Kyle nang malaman niyang kailangan nilang mag overtime dahil paspasan ang trabaho nila at kailangan tapusin agad ngayon dahil may hinahabol silang due date. Kanina pa siya nakatutok sa computer habang ini-edit at pinapaganda ang advertisement sa isang shampoo. Pagkatapos ay gagawan niya pa ito ng print ads. Masyado na siyang naiis-stress, sumasakit na ang kan'yang ulo. Kung ginawa lang sana ng maaga ang advertising plan ay natapos niya na sana ang trabaho niya at 'di katulad nitong kailangan niyang mag-overtime dahil sa kapabayaan ng iba.
"Bw*set!" pagmumura niya sa isip.
Kinuha niya ang cellphone sa kan'yang bulsa at nang maisipan niyang tawagan si Camille. Nagpang-abot ang kilay niya nang tawagan niya ito ng ilang beses pero 'di nito sinasagot.
To: Milmil
Nakauwi ka na ba? Ba't 'di mo sinasagot tawag ko?
Naghintay pa siya ng ilang minuto pero wala pa rin siyang natatanggap na message.
To: Milmil
Hoy! Milmil...
To: Milmil
Nag-overtime ka rin ba?
To: Milmil
snob
To: Milmil
'Di kita masusundo ha, mago-overtime kasi ako. Kabanas! Ingat ka! Ily
NAGISING SI Camille nang maramdaman ang pagsakit ng kan'yang leeg. Nakatulog na pala siya ng ilang oras. Hinaplos niya ang leeg niyang sumasakit saka marahang minasahe ito. Napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding, alas 9:00 na ng gabi kaya kailangan niya nang umuwi ngayon.
Napansin agad niyang wala ng mga tao sa loob at sobrang tahimik na ng paligid. Naglakad na siya papuntang elevator at dinukot ang kan'yang cellphone sa bulsa. Isang ngiti ang sumilay sa kan'ya nang makita ang limang sunod-sunod na mensahe mula kay Kyle. Babasahin niya na sana ito nang bigla na lang nawala ang ilaw sa loob ng building. Kaagad siyang napahinto sa paglalakad dahil wala siyang makita sa sobrang dilim. Ini-on niya ang flashlight ng cellphone niya para kahit papaano'y magkaroon ng liwanag sa loob. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang unti-unti niyang maramdamam ang presensya ng tao sa kan'yang likod. Nilingon niya ito at inilibot ang flashlight sa paligid upang makita niya kung sino ang sumusunod sa kan'ya at nang wala naman siyang nakita ay nagpatuloy siya ulit sa paglalakad.
Maya-maya'y muli niya na namang naramdaman ang taong sumusunod sa kan'ya at sa mga sandaling iyon ay naririnig niya na ang mga yabag nito. Binilisan niya na ang paglalakad dahil magkahalong kaba at takot na ang nangingibabaw sa kan'ya. Nanginginig na ang buong katawan niya at pinagpapawisan na siya nag malamig. Alam niyang sa mga oras na 'yon ay namumutla na siya. Bigla na lamang sumakit ang kan'yang ulo, nawalan ng lakas ang kan'yang tuhod at unti-unting lumalabo ang paningin niya. Nabitawan niya ang cellphone niya kaya nahulog ito at kasunod no'n ay ang pagbagsak niya sa sahig.