NAGING MATAGUMPAY ang naging paraan ni Zionne para makuhang muli ang kiliti ni Paul at para sa kaniya ay napakahirap no'n gawin bilang isang babae, ang mag-first move at mang-akit. Mag-a-alas singko na ng umaga pero parang tinatamad pa rin siyang bumangon. Ngunit ilang sandali lang ay narinig na niya ang malalakas na katok ng kaniyang ina mula sa labas. Sandali pa niyang nilingon si Paul na mahimbing pa ring natutulog habang nakayakap sa unan. Napatayo siya at sandaling nag-inat-inat, kapagkuwa'y pinagbuksan ang kaniyang ina. Pagkabukas ay kunot-noo itong sumalubong sa kaniya. "Bakit, nay?" "Bakit ganiyan ang suot mo?" "E, nay, kagigising ko lang po. Magpapalit din po ako ng damit." "Hindi iyon ang punto ko, ano bang ginawa ninyo kagabi, Zionne?" Napahakipkip siya at sumagot, "Nay n

