MATAPOS MAILIBING ng ama ni Paul ay saka sila muling umuwi ng Pangasinan dahil sa kanilang negosyo. Pero bago sila makauwi ay muling pinagkrus ang landas nilang apat nina Howard, Ruzelle, Zionne at Paul. Dumaan muna kasi sila ni Zionne sa simbahan para taimtim na manalangin. "Howard, parang sina Paul at Zionne, 'yon ah?" pagpuna ni Ruzelle nang matanaw ang dalawa na nakaupo habang nagdadasal. Palabas na sila ng mga oras na 'yon at katatapos lang din na magpasalamat sa Diyos. "Sila nga," tipid na sabi ni Howard. "Gusto mo ba ay lapitan natin?" Sandaling napakunot ang noo ni Howard. "Para saan pa? E, 'di ba galit ka kay Zionne?" "Dati 'yon, pero ngayon ay parang gusto ko na siyang maging kaibigan," wika ni Ruzelle habang nakatanaw kay Zionne. "Hindi p'wede," tanging sagot ni Howard na

