HALOS TUMAKBO na si Zionne habang sinusuyod ang kahabaan ng kalsada sa Edsa. Ngayon kasi sila nakatakdang magkita ni Howard at hindi niya inaasahang matatagalan siya sa oras nang dahil sa pagpili nang maisusuot na magandang damit.
Pagpasok niya sa mall ng Buendia ay agad niyang hinanap ang tambayan malapit sa quantum kung saan ay naroroon ang binata at hinihintay ang kaniyang pagdating. Sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang pormadong lalaki habang gumagamit ng cellphone. At sa pakiwari niya ay si Howard ito kaya naman agad siyang nag-text sa numero nito na nandoon na siya. Dali-dali naman siyang hinanap ng binata gamit ang mga mata nito at nang magtama ang kanilang paningin ay napatayo ito upang lumapit sa kaniya.
"Hi," maikling bati nito sa kaniya na nagdulot ng preskong pakiramdam.
"Pasensiya ka na kung.. medyo natagalan," aniya.
"Ayos lang, alam ko naman na uso ang traffic," sabi ng binata. At para bang nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang hahakbang. Pero agad na napangiti ang binata ang iginiya siya papunta sa dinadaanan ng maraming tao. "Ano pa lang gustong kainin?" Hindi kaagad nakasagot si Zionne dahil ayaw naman niyang maging demanding kung sasabihin niya ang kaniyang paboritong pagkain. Mabuti na lamang at natanaw niya ang ice cream kaya nagkaroon siya nang maisasagot.
"Ah.. ice cream na lang."
Subalit napalingon siya nang matawa ang binata. "Sigurado kang ice cream lang? Hindi ka naman mabubusog no'n, e."
Tipid siyang ngumiti habang sinasabayan ito sa paglalakad. "Ah.. ikaw na bahala," aniya at bigla naman napangiti si Howard.
"Alam ko na! May alam akong masarap na kainin sa food court!" Agad siya nitong hinila papaalis doon at ewan ba niya kung bakit mas binigyan niya ng atensyon ang magkahawak nilang kamay kaysa sa kanilang dinadaanan.
Pagkarating doon ay pumila sila sa isang siomai house. "Pasensiya ka na, ito lang kasi ang naisip kong kainin, e.." tila nahihiyang sabi ni Howard.
"Ano ka ba, ayos lang, 'no.. at isa pa.. masarap kaya 'yan!" masiglang sabi pa ni Zionne. Minsan na rin kasi siyang nakakain no'n nang nagsisimula pa lamang siyang maghanap ng bagong trabaho.
Napangiti naman si Howard dahil doon niya napagtanto na simpleng babae lang talaga si Zionne at natutuwa siya para roon. "So, anong flavor sa'yo?"
"Sharks pin," nakangiting sabi ni Zionne. O-order na sana ang binata nang bigla siyang kalabitin ni Zionne. "Teka, libre mo ba o kaniya-kaniya?" Hindi tuloy maiwasang mapahalakhak ni Howard, kakaiba talaga si Zionne sa mga babaeng ni-date niya.
"Siyempre, libre ko.. pero kung gusto mo naman, libre mo na lang?" pilyong pagbawi niya dahilan para matawa ang dalaga. Kaya naman doon siya nagkaroon ng chance para matitigan ito.
Pagkatapos nilang kumain ay nag-ikot-ikot pa sila sa mall. Nag-videoke sa may quantum at naglaro ng ibang palaro roon. "Grabe, magaling ka pa lang kumanta, hah?" hindi makapaniwalang sabi nito sa dalaga nang magpasya silang tumambay na muna sa mga bench doon.
"Hindi naman, namana ko lang kasi iyon sa papa ko ang pagkahilig sa pagkanta," nakangiting wika niya.
"Pero magaling ka na para sa akin, e, kamusta naman ang pagkanta ko?" umaasang tanong ng binata.
Napangiti siya bago sumagot, "P'wede na.."
Kaya naman natawang muli si Howard. "Anong p'wede na? Pasado ba para sa'yo?"
Hindi tuloy maiwasang matawa ni Zionne. "Sakto nga lang, e, kaya p'wede na.." pagkaklaro niya.
"Ang daya! Palibhasa magaling ka, e," nakangusong sabi ng binata dahilan para sandaling matitigan niya ito. Para kay Zionne ay masayang makasama si Howard at sa paraang iyon ay mas nakikilala niya pa ang binata. Pero sandaling natigil ang masayang kuwentuhan nilang dalawa nang may in-open na namang topic si Howard. "Pero, seryoso.. saan ba ako mas may chance, sa pagkanta o sa panliligaw ko sa'yo?" Doon naging klaro para kay Zionne na may ibig sabihin ang paglabas nilang iyon at hindi lamang basta-- friendly date. Hindi kaagad nakasagot ang dalaga lulan nang pagtataka ay nakatitig lamang siya sa mukha ng binata. "Ayos lang kung hindi mo pa masagot, alam ko naman na masyado akong mabilis pero--"
"Howard, I'm sorry.." pagpuputol niya sa usapan.
"Positibo ba 'yang pagso-sorry mo o negatibo?" seryosong tanong nito.
Napayuko si Zionne. "Hindi ko alam pero.. gusto ko muna kasi 'yong kilalanin na muna natin ang isa't isa.." At doo'y tiningala niya ito at hinabol ang tingin. "Ayaw ko na muna ng assurance na may pag-asa para sa ating dalawa.. p'wede ba 'yon, Howard?"
Sandaling napatango ang binata kahit may bahid nang pagkabigo. At doo'y hindi siya nagsayang ng segundo dahil sinimulan niyang hawakan ang kamay nito. "Pero p'wede naman nating kilalanin ang isa't isa habang nagliligawan, e.. Zionne, sigurado akong gusto kita at gusto pa kitang kilalanin sa bawat araw." Napakalas si Zionne mula sa pagkakahawak ng kamay nito kasabay ang pag-iling.
At sa pagkakataong iyon ay napatingin siya sa kawalan. "Paano ako makasisiguro na ako lang ang babaeng liligawan mo?"
"Zionne.."
Doo'y hinarap niya ito. "Tingnan mo, iyan pa nga lang ay hindi mo na masagot.. paano pa kaya kapag pinayagan na kita?"
Pero sadyang ayaw magpatalo ni Howard at mas pinaninindigan nito ang kagustuhang mapasakanya ang dalaga. "Zionne, maniwala ka naman, o, oo.. may pagkababaero ako.. pero para sa'yo ay handa akong magbago," nagsusumamong anito.
Ngunit sandali itong natigilan sa itinanong ng dalaga. "Si Ruzelle.. totoo ba na niligawan mo siya at tapos bigla ka na lang tumigil? Paano kung gawin mo rin iyon sa akin?" Doo'y napakunot ang noo ni Howard.
"Sinong nagsabi niyan sa'yo? Hindi ko niligawan si Ruzelle, naging close lang talaga kaming dalawa.. at isa pa, kapag sinimulan ko naman ay ipinagpapatuloy ko, e." Nagawa niyang titigang muli sa mga mata ang binata at nakita niya ang sinseridad doon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawala niya bago pa man magsalita.
"Okay, malinaw na sa akin na sa'yo mismo nanggaling.. at.. sana, kapag pinayagan kita.. p'wede bang ilihim na muna natin?"
"Bakit naman?"
"E, ayaw ko lang kasi nang napag-uusapan.. alam mo naman sa department namin, masyadong ma-issue.." Napatango ang binata sa sinabi niya. "Salamat."
"Salamat din sa chance, Zionne.. I promise, na pagbubutihan ko ang panliligaw sa'yo." Napakindat pa ito na nagbigay sa kaniya ng kakaibang kiliti.
-
Kinabukasan ay parang excited na pumasok si Zionne, subalit dahil may iniingatang sikreto ay ayaw niyang magpahalata.
"Paul!" pagtawag niya sa kaibigan na ikinatigil nito mula sa paglalakad.
"Bakit?" tanong nito sa kaniya.
"Bakit ka riyan? Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Isang araw din kaya tayong hindi nagkita," masigla pa niyang sabi subalit kataka-takang wala man lang nagbago sa ekspresyon ng mukha nito.
"Ah.. mukha namang masaya ang date ninyo kahapon, e, para saan pa ba kita kakamustahin?" malamig na anito na ikinaawang ng bibig niya.
"Grabe ka naman, siyempre, gano'n ka kaya.. sa tuwing pagkatapos ng day off ko ay kinakamusta mo ako, e," nakangusong aniya na hindi maiwasang magtampo sa inasal ng kaibigan.
"Ah.. mamaya na lang tayo mag-usap, kailangan kong mag-in ng maaga ngayon, e.. sige, a."
Nagtaka siya sa kakaibang ikinikilos ng kaibigan, pansin niya'y may iniiwasan itong pag-usapan o 'di kaya ay siya na mismo ang iniiwasan nito. Hindi siya sanay sa ganoong timpla ng ugali ng kaibigan at labis niyang ipinag-aalala 'yon.
Samantala'y walang kamalay-malay si Zionne na alam na pala ni Paul ang panliligaw ni Howard sa kaniya dahil na-i-kuwento iyon ni Howard pagkauwing-pagkauwi pa lang. Sa kabila no'n ay in-aassured ni Paul na hindi sasaktan ni Howard si Zionne. Alam niyang pareho niya itong kaibigan pero para hindi na siya tuluyang ma-attached sa dalaga ay iiwasan niya na lamang ito. Hindi niya alam kung paano mabilis nagbago ang kaniyang desisyon gayong iyon ang pinakaayaw niyang mangyari sa lahat.. ang iwasan ang kaibigan. Ayaw niya lang kasing dumating sa puntong maging dahilan pa siya ng pag-aaway ng dalawa kapag naging magnobyo na ito lalo na't kilala niya si Howard na masyadong agressive pagdating sa relasyon.
"O, bakit hindi yata kayo magkasabay ngayon ni Zionne kumain?" puna ni Jennie sa kaniya nang maki-share siya ng table rito. Sa halip na sumagot ay napakibit-balikat na lamang siya. Ngunit sadyang nananadya ang tadhana dahil agad na may tumapik sa kaniya.
"Paul, sabi mo hindi ka pa magbi-break?" Boses iyon ni Zionne at masakit man para sa kaniya ang magsinungaling dito ay nagawa niya lang naman 'yon dahil parte iyon ng kaniyang pag-iwas. Doo'y napalingon siya sa kaibigan, may dala-dala na rin itong plato subalit wala ng bakante sa kanilang table. "Ah, sige.. doon na lang ako sa dulo," anito na ikinalungkot niya. Malungkot para sa kaniya na nakikitang mag-isa ang kaibigan. Parang gusto niya tuloy saktan ang kaniyang sarili dahil sa p*******t sa damdamin nito.
Naramdaman niya na lang ang magkakasunod na kalabit ni Jennie sa kaniya. "May alitan ba kayo ni Zionne?" tanong nito na ikinatahimik niya lalo.
"Uy, 'wag mo na ngang tanungin nang tanungin si Paul, mamaya ay ikaw ang mapagbuntungan niyan," ani Ella.
Minadali na niya ang pagkain para makatayo na rin, narinig pa niya ang usapan ng magkaibigan pero binalewala niya na lamang iyon. Hanggang sa bago matapos ang oras ng kaniyang break ay hindi niya inaasahang muling bubungad sa kaniya ang kaibigan.
"Uy, Paul! Umiiwas ka ba?" Malungkot ang mukha nitong bumungad sa kaniya.
"Zionne--" natigilan niyang sabi dahil biglang dumating si Howard at naagaw na nito ang atensyon ng dalaga.