Chapter 2

1501 Words
MAGANDA ANG panahong sumalubong kay Zionne bago pa man siya pumasok sa trabaho. Alas onse ng umaga ang oras ng pasok niya pero mas inagahan pa niya dahil ayaw niya talagang ma-late. "Ang aga mo, ah?" ani Jennie nang magkita sila sa may locker. Halos kararating lamang kasi nito habang siya ay tapos nang mag-make up. Ngiti lang ang kaniyang isinagot subalit hindi niya akalain na magbubukas ito ng topic tungkol sa nangyari noong isang gabi. "Kamusta kayo ni Howard?" "Ha? E, ayos naman.. nagkaka-text kung minsan, bakit?" takang tanong niya. Hindi niya kasi lubos akalain na ganoon na lang kabilis ang balita na nagiging malapit na sila ni Howard sa isa't isa kahit sa simpleng text lang. "Wala lang, natanong ko lang.. napansin ko kasi, mukhang bet ka no'n, e," sabi pa nito kaya hindi niya maiwasang mapangisi. "Ako, bet no'n? Parang hindi naman.." ani Zionne na ikinakilig naman ni Jennie. "Oo kaya, kita mo nga kung gaano siya lumalapit sa'yo kaysa sa aming ibang girls." Napa-iling lamang siya at kakatwang kahit sa ganoong simpleng usapan ay nakararamdam siya ng anong kilig. Kalaunan ay tila nagpaligsahan na sina Paul at Howard sa pang-aaya kay Zionne para sumabay sa pagkain. Hindi naman iyon inaasahan ng dalaga kung kaya't sa halip na mamili ay nagdesisyon siyang sumabay na sa dalawa. "Niluto mo 'yang baon mo?" tanong ni Howard kay Zionne na hindi maiwasang mailang sa presensya nito. Sasagot pa lamang sana siya nang maunahan siyang magsalita ni Paul, "Ah.. oo, simpleng tao lang talaga si Zionne at iyon ang pinagkaiba niya sa ibang babae, walang kaarte-arte," anito na ipinanlaki ng mga mata ng dalaga. "Paul naman," aniya. At hindi maiwasang mapahanga ni Howard. "'Wag kang mahiya sa'kin, Zionne, tama si Paul, at iyon ang gusto ko sa isang babae.. simple lang," nakangiting wika nito na dahilan para sadyaing mapaubo ni Paul. "O, Paul, ayos ka lang?" pag-aalala ni Zionne sa kaibigan. "Ayos lang, medyo may kumati lang sa lalamunan ko," pagpapalusot nito. Pagkatapos no'n ay sandaling nagkaroon ng katahimikan kaya mas lalong nakaramdam nang pagka-ilang si Zionne. Pero para sandaling mabasag ang katahimikan ay sandali siyang tumayo. "Ah.. bibili lang ako ng soft drinks," aniya na ikinalingon ng dalawa. "Uy, libre mo ako, a!" ani Paul na ikinatawa ng dalaga. "Libre ka riyan, wala pa ngang sahod!" bwelta pa niya na ikinatawa naman ni Howard. Bumili na si Zionne ng soft drinks at para naman maging fair sa dalawa ay binilihan niya na rin si Howard. "Uy, sabi ko na nga ba at hindi makakatiis si Zionne, e!" Malapad ang ngiting binungad ni Paul sa kaibigan habang si Howard naman ay hindi makapaniwalang ililibre siya ni Zionne. "Nag-abala ka pa, pero salamat, ah?" ani Howard. Napangiti ang dalaga. "Wala 'yon, may sobra kasi sa allowance ko kaya walang problema.." "Pero sinabi mo sa akin, nag-iipon ka para madagdagan ang ipadadala mong pera sa probinsya, 'di ba?" tanong ni Paul. "Ayos lang, Paul, saka.. minsan lang naman ako manglibre, e. Ikaw talaga," napapangiting wika niya. At ewan ba niya kung bakit nang sandaling iyon ay parang nawala ang pagka-ilang na kaniyang nararamdaman. - Nanatili ang pagpapalitan ng mensahe nina Zionne at Howard sa isa't isa sa tuwing pagkauwi niya pa lamang ng bahay at bago matulog. Samantala ay hindi rin nagpatalo si Paul gayong hindi niya pa man sinasabi sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman para rito. Masaya na siya sa paraang nakakausap ito subalit may kung anong kirot sa puso niya lalo pa't mas nagiging malapit na sa isa't isa ang dalawa. Ayaw niya namang makasira ng frienship dahil pareho niya itong kaibigan. Subalit isang araw ay tila sinubok siya ng pagkakataon para makipagkompitensya kay Harold.. "Sigurado ka, ha? Deal na 'yan?" Narinig niyang sinabi ni Howard nang maabutan niyang nag-uusap sa lobby sina Zionne at Howard. Hinihintay na lamang kasi nila na matapos ang kanilang oras sa break time. "Sandali, anong deal ang sinasabi ni Howard?" singit niya sa usapan gayong nakatingin lamang siya kay Zionne. "Ah.. ano kasi, Paul.. nag-aya si Howard na.. lumabas kami, tutal ay sabay naman kami ng rest day.." pagpapaliwanag ni Zionne. "Ganoon ba, e, saan naman?" pang-uusisa niya. At bigla naman sumingit si Howard. "Bro, bakit mo naman kailangan alamin kung saan kami pupunta?" "Wala lang, gusto ko lang makasiguro kung magiging panatag ako sa kung sinong makakasama niya.. tandaan mo, bro, kaibigan ko rin si Zionne kaya normal lang na alamin ko," wika niya. Sa pakiwari kasi niya ay gusto lang nitong paglaruan si Zionne dahil kilala niyang matinik talaga ito pagdating sa babae at iyon ang pinakaayaw niyang mangyari. "Tumigil na nga kayo, para kayong mga bata, e, saka, Howard.. may punto rin naman si Paul.. at Paul, wala naman sigurong masama kung lalabas kami, 'di ba? Parang tayo lang no'n.. friendly date." Nakaramdam ng kaginhawaan si Paul sa sinabi ni Zionne subalit malinaw pa rin ang kaniyang paninindigan na hindi siya magpapalamang kay Howard. Nang sumapit ang oras ng trabaho ay hindi na muna nag-usap sina Paul at Zionne, p'wera na lang kung may kakailanganin siyang display sa area. Samantala ay hindi maiwasang lapitan siya ng ilan sa mga babaeng ka-department nila na sina Angel at Ruzelle. "Hi, Zionne!" bati ni Ruzelle habang nakangiti lamang si Angel. Napalingon lang siya at hindi magawang magsalita, hindi niya kasi inaasahan na lalapitan siya ng mga ito dahil bihira niya lamang ito makausap sa trabaho. "Gusto lang namin tanungin, nililigawan ka ba ni Howard?" pang-uusisa ni Ruzelle. "Bakit mo naman natanong?" pagbabalik tanong niya rito. Sandali itong natawa. "Wala lang, I guess, isa ka lang din sa ginu-good time niya," sagot nito na ikinatawa ng malakas ni Angel. "A-anong ibig mong sabihin?" Napatingin ito sa ibang direksyon. "Well, para lang malaman mo.. na.. isa ako sa niligawan no'n ni Howard but unfortunately, may nililigawan din pala siyang iba." Sandali itong natawa. "Binabalaan lang naman kita at sana hindi mangyari sa'yo ang nangyari sa'kin.. dahil, sayang ang beauty mo sa kaniya kapag sineryoso mo 'yong panlalandi niya." Pagkasabi nito ng mga katagang 'yon ay umalis na ito at naiwan siyang tulala. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi nito. "Baliw ka talaga, 'te!" Narinig pa niyang sabi ni Angel habang unti-unti itong lumalayo sa kaniya. Parang gusto niyang puntahan si Howard para komprontahin ito pero may kung anong pumipigil sa kaniya na 'wag na lang, dahil baka.. seryoso naman ito para sa kaniya kahit na wala pang assurance na nagbibigay motibo na itong manligaw. Dahil doon ay ginusto niya na munang mapag-isa nang mag-coffee break. Pero sadyang palagi talagang nandiyan si Paul kapag kailangan niya nang magpapawala ng kaniyang lungkot. "Hindi ka naman nagsabi na, magbi-break ka na.." anito habang may dala-dalang kape para sa kanilang dalawa. "O, inumin mo.." "Salamat, pero bakit nag-abala ka pa?" "Mukha kasing hindi maipinta 'yang mukha mo.. may problema ba?" Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko alam.. hindi ko kasi alam kung dapat ko bang paniwalaan 'yong sinabi ni Ruzzell." Doon mas naging confuse si Paul na alamin kung ano ba ang tumatakbo sa sa isipan nito. "O, anong sinabi niya sa'yo?" "Paul.. hindi naman sa nag-a-assume ako pero.. alam mo 'yon, kahit hindi naman sabihin ni Howard na nagbibigay motibo na siyang manligaw, ramdam ko, e.. pero kasi--" "Sabihin mo na." "Hindi ko alam kung ginu-good time niya lang ako o kung seryoso siya." Doon mas naging seryoso si Paul kahit masakit para sa kaniyang isipin na baka nga hindi seryoso si Howard sa kaibigan. Pero kahit ganoon pa man ay ayaw niyang gawing dahilan 'yon para gawing kasiraan kay Howard upang makipagkompitensya rito dahil kaibigan niya rin naman ang binata. "Bakit ka maniniwala sa sinasabi ng iba kung hindi mo pa napatutunayan sa sarili mo na tama ang sinasabi nila.." Napalingon sa kaniya si Zionne na may nagtatanong na tingin. "Ang ibig kong sabihin, kaya kilalanin mo muna ang isang tao bago mo pa man siya husgahan.. 'di porket may sinabing hindi maganda ang iba sa kaniya ay madidiktahan na nila ang paniniwala mo-- Zionne, alam kong matalino kang tao, kaya dapat maging matalino ka rin sa pagkilatis ng isang tao. Subukan mo munang mapatunayan ni Howard ang kaniyang sarili at kapag napatunayan mo na tama ang interpretasyon nila sa kaniya, doon ka maniwala." "Pero magkaibigan kayo, 'di ba? Bakit hindi mo na lang sabihin kung ano at sino ba siya.." "Dahil hindi ko naman alam ang tumatakbo sa utak niya, Zionne-- at oo, kaibigan ko siya pero hindi ibig sabihin no'n ay alam ko na ang mga gusto at ayaw niyang gawin." Parang naliwanagan si Zionne at kahit naguguluhan ma'y mas pinaniwalaan niya ang sinabi ng kaibigan kaysa sa sinabi ni Ruzelle. "E, sandali.. ano bang sinabi sa'yo ni Ruzelle?" "Na niligawan daw siya no'n ni Howard," mabilis na sagot niya na ipinagtaka naman ni Paul. "Ano? Wala akong nabalitaang niligawan ni Howard si Ruzelle.. baka naman nag-assume lang siya?" Hindi makapaniwalang tugon ni Paul dahilan para magkaroon ng malakas na paniniwala si Zionne sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD