ISANG HINDI inaasahang pagkikita ang sumalubong kay Zionne pagkalipas lamang ng mahigit isang linggo matapos niyang sagutin si Howard.
Kinurap-kurap pa niya ang kaniyang mga mata dahil hindi siya makapaniwala sa taong nasa harapan niya. "Wena?" paniniguro niya. Awtomatiko naman itong ngumiti saka siya sinalubong ng yakap kaya naman naging malinaw sa kaniya na nasa kaniyang harapan ngayon ang matalik niyang kaibigan sa probinsya. "Ikaw nga! Akala ko ay namamalikmata lang ako-- e, teka, kailan ka pa nandito sa Maynila?" wika niya nang maghiwalay sila sa yakap na iyon.
"No'ng isang araw lang," nakangiti nitong sabi na hindi naman sinang-ayunan ni Zionne.
"Wala man lang pasabi? Sino kaya ang best friend mo?" May tonong pagtatampo sa boses niya. Saka naman napahagikgik ang kaniyang best friend na si Wena at kapagkuwa'y hinila siya nito upang ipagdikit ang kanilang braso.
"Ito namang best friend ko, tampo agad! E, siyempre po, nagbabakasakali pa lang ako ng magandang trabaho dito sa Maynila. Nabalitaan ko kasi na mas malaki ang kitaan dito," anito na ikinangiti niya.
"Ah, kaya ka pala biglang lumuwas. Kumusta pala sila nanay doon? May ibinilin ba sila sa'yo tungkol sa'kin?"
"Okay naman sila ang sabi lang nila ay palagi ka raw mag-iingat dito sa Maynila."
"Ganoon ba? E ikaw? Kumusta na?" Sandaling napatitig sa kaniya si Wena kung kaya't napatanong siyang muli, "O, bakit ganiyan ka kung makatingin?"
"Okay lang naman ako. Pero blooming ka, hah? Mukhang in-love-babo ang best friend ko! Yieh!" Siyang pagkiliti pa nito sa kaniyang bewang habang ngingiti-ngiti.
Isang tipid naman na ngiti ang pinakawala niya. "Loka, pero sige-- aaminin ko na, may nobyo na ako rito--"
"Kita mo, ikaw pala 'tong walang pasabi, e," patampo kunwaring sabi ni Wena.
"Uy, bago pa lang naman kami at kakasagot ko pa lang sa kaniya no'ng birthday ko." Naging seryoso pa ang mukha nito kung kaya naman umisip siya ng paraan para mapawi ang pagtatampo nito. "O, sige na, para mawala ang tampo mo.. ililibre kita, tutal naman ay day off ko ngayon kaya magkakasama pa tayo ng matagal," nakangiting wika niya na nagpalabas ng ngiti ni Wena na 'di niya alam ay plano lang nitong pasuyuin siya.
-
"Kung gusto mo, magpasa ka ng resume sa akin, at ilalapit ko sa supervisor ko," suhestyon ni Zionne sa gitna ng kanilang usapan. Problemado pa rin kasi si Wena sa ibabayad sa renta ng kaniyang inuupahan. Kinakailangan niyang makahanap kaagad ng trabaho sa lalong madaling panahon.
"Talaga? O, s-sige.. e, teka, ano ba ang resume?" Kakatwang isipin kung gaano ka-ignorante ang kaniyang kaibigan pero hindi niya nagawang matawa dahil ganoon din naman siya noon nang nagsisimula pa lamang siyang maghanap ng trabaho sa Maynila.
"Parang bio-data rin 'yon, ang pinagkaiba lang, printed siya at hindi handwritten." Napatango si Wena habang ini-imagine ang itsura ng resume. "Hayaan mo at tutulungan kitang gumawa mamaya, kain muna tayo, hah?" nakangiti pa niyang wika.
Marami pa silang pinuntahan pagkatapos nilang kumain, mag-rent ng computer at mag-ikot-ikot doon. May gusto rin kasing bilihin si Zionne para kay Howard para sa darating nilang first monthsary kaya nagbabakasakali rin siyang may magugustuhan.
"Hindi ka ba natatakot umangkas ng motor?" tanong ni Wena habang tumitingin sila ng sapatos.
"Maingat naman mag-drive si Howard," tipid na aniya saka siya napatitig sa sapatos na kulay asul. "Sa tingin mo, papasa kaya 'to sa taste niya?"
Nagkibit-balikat lang si Wena sabay sabi, "Siguro-- pero bakit ba kasi masyado kang nagbibigay ng effort para sa boyfriend mo, e, bago pa lang naman kayo? Wala pa kayo sa kalingkingan ng mga relasyong may taon na."
Napanguso lang si Zionne. "Ano bang masama ro'n? Wala naman sigurong masama sa kagustuhan kong iparamdam sa kaniya na kahit hindi niya ako diktahan ay gagawin ko para sa kaniya."
Doo'y napatango si Wena at sinabing, "Ikaw bahala, concern lang ako sa'yo, best, kasi alam mo na.. karamihan sa mga lalaki, magaling lang sa umpisa." Buntong hininga lang ang isinagot niya.
Nang makaramdam ng pagod ay nagpasya silang tumuloy na muna sa tinutuluyang apartment ni Zionne sa Pasig. "Pasensiya ka na sa mga nasabi ko kanina, best, hah? Baka kasi masamain mo ang pagtatanggol ko sa boyfriend ko, e."
"Ayos lang, ano ka ba! Pero sa totoo lang nakakapanibago talaga ang taong in-love. Nagagawa niyang gawin ang mga bagay na hindi niya naman talaga ginagawa." Napangiti pa ito na lalong nakapagpataka sa kaniya. "Basta, kung saan ka masaya, susuportahan kita." Doon sumilay ang ngiti niya.
"Salamat, best."
-
Hindi nila inaasahang dalawa na sa kanilang pagdating sa apartment ay may bubungad na bisita.
"O, Howard?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zionne sa nobyo. Walang ipinagbago ang pagiging seryoso ng mukha nito nang magtama ang kanilang mga mata. Habang doo'y pinapakiramdaman lamang sila ni Wena.
"Kanina pa kita hinihintay, lumamig na lang ang pasalubong ko," malamig na anito pagkaupong-pagkaupo pa lamang nila sa may sofa.
"Sorry, h-hindi ko naman akalain na pupunta ka, e, w-wala kang tawag o kahit text man lang," natatatarantang sagot niya subalit wala pa ring nagbago sa reaksyon ng mukha nito.
"Alam mong day off ko rin ngayon kaya hindi malabong sorpresahin kita.. teka, saan ka ba nanggaling?"
"Namasyal lang ako sa mall at hindi sinasadyang magkikita kami ng best friend ko, si Wena." Doo'y nagsimulang ngumiti si Wena at tipid naman itong nginitian ni Howard. "Ah, sandali lang, ilalagay ko lang sa kuwarto itong bag," ani Zionne.
"P-pasabay ako, best!" Napatango siya habang seryoso pa rin ang mukha ni Howard.
Pagkarating ng kuwarto ay hindi maiwasang maglabas ng saloobin ni Wena sa kaibigan. "Naku, hah, hindi ko gusto ang pakikitungo niyan sa'yo ng boyfriend mo. Kung umasta siya parang asawa mo na, e."
Agad niyang sinaway ang kaibigan, "Uy! 'Wag kang maingay, baka marinig ka no'n, e," pabulong niyang sabi.
"Pake ko? Mas mabuti nang makita niya ngayon ang devil side ko, kaysa naman siya, mukhang may mailalabas pa!" prangkang sabi nito.
"Natural lang naman na magalit ang tao, nag-expect siya na maaabutan ako rito, e. Sinubukan niyang sorpresahin ako pero siya itong na-surprise." Napabuntong hininga lang si Wena sa sinabi niya. "Tara na, baka lalong mainip 'yon don." Napapa-iling siyang sinundan ng kaibigan subalit nagpasya rin itong magpaiwan na lang sa kuwarto para makapag-usap sila ni Howard.
Sa may salas ay nadatnan niyang tahimik pa rin ang nobyo habang gumagamit ng cellphone at saka lang nito binitawan iyon nang matunugan ang kaniyang pagdating. "Love.." pagtawag niya rito sa mahinahong paraan. Doon lang ito nagtaas ng tingin sa kaniya. "Ano ba 'yung dala mo? Kakainin ko pa rin naman 'yon kahit malamig na, e." Doo'y sumilay ang ngiti ni Howard.
"Iyong paborito mong pizza, nilagay ko na muna sa may lamesa," anito.
"Hindi ka na nagtatampo?" umaasang tanong niya. Saka ito napatango at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
"I love you," pabulong na sabi nito na nagbigay ng kiliti sa puso niya. Saka siya sinalubong ng yakap. "Kahit araw-araw tayong nagkikita, parati kitang nami-miss, gusto kitang naso-solo, kaso ngayon, mangyayari kaya 'yon? E, may bisita ka."
"Ano ka ba, hindi lang naman ito ang araw para ma-solo natin ang isa't isa, e. At isa pa, hindi lang basta bisita si Wena, 'no! Best friend ko kaya 'yon at parang kapatid ko na rin." Tipid na ngumiti si Howard at kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman niyang hindi nito gusto ang presensya ng kaibigan sa mga oras na iyon.
Pinakiramdaman pa niya si Howard nang sumapit ang dapit-hapon kung saan ay kakaalis lamang ni Wena. Nakatakda pa naman silang magkita nito sa mga susunod na araw dahil sigurado siyang matatanggap ito sa kanilang kompanya.
"Dinner's ready!" Boses iyon ni Howard mula sa may kusina. Katatapos lang kasi nitong magluto ng ginataang adobo.
"Wow, mukhang masarap 'yan, love, hah?"
"Siyempre naman, parang ako lang," pagbibiro pa nito na tila nagbigay sa kaniya ng kaba. Napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan itong naghahain at sinubukang sumakay sa biro nito.
Habang kumakain sila ay hindi niya inaasahang magbubukas ito ng usapan na ikabibigla niya. "Love, paano kung may hilingin ako sa'yo, pero hindi pa naman sa ngayon.. ibibigay mo ba?" Nagbigay iyon ng malaking pagtataka sa kaniya.
"Ano ba 'yon, love?" Sinubukan niya pa rin kumalma.
"'Yong virginity mo--" Muntikan na niyang maibuga ang kinakain kaya natigilan ito sa sasabihin. At agad naman siyang inabutan ng tubig nito.
"Thank you. Pero-- seryoso ka ba sa tanong mo? Kung anu-anong tumatakbo sa isip mo, love, hah." Para niyang niloloko ang sarili kahit pakiramdam niya'y gusto na siya nitong bumigay.
"Don't take it seriously, love. I don't want to offend you but.. you know how much I love you even in a short period of time."
Doon na naging seryoso si Zionne. "Pero hindi nasusukat ng s*x ang kahit anong pagmamahalan, Howard. Alam mong may sinusuportahan pa akong magulang kaya asahan mong hindi ko pa maibibigay 'yan," aniya at kapagkuwa'y napatayo siya upang tumakbo patungo sa kaniyang kuwarto.
Agad naman siyang hinabol ni Howard na labis ang pagsusumamo. "Love, gusto ko lang linawin, hindi pa sa ngayon. Makapaghihintay ako, don't you worry. I still love you even if without s****l i*********e. Sabik lang siguro ako na dumating ang araw na 'yon, 'yong mapatutunayan ko sa sarili kong hindi ka na mawawala sa akin."
Doon lang siya muling napatitig sa nobyo. Maaaring may punto ito pero ayaw niyang maging mahina dahil alam niyang ito ang magdadala sa kaniya sa walang kasiguraduhan. "Nagsisimula pa lang tayo, Howard. 'Wag kang mag-alala, sa'yo at sa'yo ko pa rin naman ibibigay 'to, e. Kung tayo pa rin hanggang sa huli."
Niyakap siya ng nobyo subalit hindi na niya nagawa itong yakapin pabalik. "I'm really really sorry, sana hindi ko na lang binuksan ang topic na 'yon."
Napabuntong hininga siya bago pa man sumagot, "That's okay. And thank you for being honest."
"I always do, love." Doo'y nagtagpong muli ang kanilang mga mata at kahit may kaunti siyang pag-aalinlangan sa mga sinabi nito ay nagawa niya pa rin tugunin ang halik nito.
Ayaw niyang magmadali, iyon ang tanging sigaw ng isipan niya, pero bakit tila hindi nakikisama ang puso niya?
Itutuloy.