(Note: May maseselang mga salita, unawain pa rin nang mabuti at 'wag isasabuhay.)
"Anak, bakit medyo bumababa yata ang pinapadala mo sa amin dito?" wika iyon ng kaniyang ina mula sa kabilang linya. Naghalo ang kaba at takot sa dibdib niya. Ngayon lang kasi nangyari ito na kailangan niyang bawasan ang pinapadalang pera para sa kaniyang pamilya sa probinsya dahil sa pinaghahandaan niyang unang pasko at unang monthsary kasama si Howard.
"Ah, pasensya na po, nay, sadyang lumaki lang po ang gastusin dito sa nirerentahan kong apartment," pagsisinungaling niya kahit labag iyon sa kaniya.
"Ganoon ba, pasensiya ka na, anak. Hindi ko alam na malaki na pala ang gastusin mo riyan, hayaan mo't ipaliliwanag ko na lamang sa ama mo. Mag-iingat ka palagi, riyan ha?"
"Opo, nay, kayo rin po. Miss na miss ko na kayo." May pumatak na luha mula sa kaniyang mga mata. Pagkatapos ay ibinaba na nito ang linya, sabay punas niya sa sariling luha.
Nasa ganoong sitwasyon naman siya nang dumating si Howard upang sunduin siya. Hindi na siya nagtaka dahil may duplicate ito ng susi niya, bilang nobya kasi ay malaki ang ibinibigay niyang tiwala rito. "O, umiiyak ka ba?" bungad nito sa kaniya na ikina-iling niya.
"Hindi, halika na?" Nauna siya sa paglalakad upang hindi na nito mapansin ang pahabol na luha sa kaniyang mga mata habang pasimple niyang pinupunasan.
Magka-holding hands ang magnobyo nang tumambay sila sa lobby habang naghihintay ng oras para pumasok. At hindi naman sinasadya na dadaan mula sa kanilang harapan si Paul na tila mabilis nagbago ang eskpresyon ng mukha nito nang madapo ang tingin sa kanilang magkahawak na kamay. Doo'y lalong humigpit ang paghawak sa kaniyang kamay ni Howard. At unti-unti nang nawala sa paningin nila si Paul dahil nag-in na ito at naiwan sila roong nakaupo. Gustuhin man ni Zionne na kausapin ang kaibigan ay wala siyang nagawa dahil may malaking harang na sa pagitan nila at iyon ay si Howard.
Pagkalipas lamang ng ilang minuto ay nagpasya na silang pumasok dalawa. Doon lang sila naghiwalay sa harap ng mga guards na nakabantay doon. Pagkarating sa area ay may mapanghusgang mga mata ang nakatitig sa kanila. Mabilis kasing kumalat sa buong department na may relasyon na sila. Samantala ay inasikaso na kaagad ni Zionne ang nagdadagsaang mga customers dahil nga peak season at nalalapit na ang Pasko.
Pagkatapos ay itinupi ang mga nagkakagulong mga item mula sa kanilang mga on-sale.
Nang siya ang pumindot ng audio device na ginagamit para hindi na kailangan bumaba pa sa stock room ay hindi niya inaasahan ang boses na bubungad sa kaniya.
"Yes?" boses iyon ni Paul. Kaya naman bago pa man siya magsalita ay napabuntong hininga siya.
"SKU, one two zero, seven ninety six,, white blouse na may naka-embroid na mga bulaklak, short sleeve at may butones sa gitna, size eight please," paglalarawan niya. Pero wala siyang narinig na response mula rito. "Hello, copy ba?" tanong niya pero ibinaba na nito ang linya. Doo'y lalo siyang nabahala pero agad niya iyong naisawalang bahala nang may dumating ulit na customer at nagtatanong ng size sa damit na hawak.
At doo'y nagkaroon ulit siya ng chance na marinig ang boses ni Paul. "O, wait, paakyat na," sabi nito na mukhang nagmamadali.
"Paul, sandali, ito pa." Dinikta niya ulit ang SKU at ni-describe ang hawak na damit. Pero wala pa rin siyang narinig na sagot mula kay Paul.
Habang hinihintay nila ng customer ang pinahanap na stock ay umaasa siyang si Paul ang bubungad sa kanila pero wala ni anino nito ang nakita niya-- kundi si Jessie na isa rin nilang stock man.
Nang maibigay niya sa customer ang size na hinihiling nito ay saka siya nagpasalamat dito. At saka niya binalikan ng tingin si Jessie na malayo-layo na rin ang distansya sa kaniya dahil pabalik na ulit ito ng stock room.
"Jessie!" pagtawag niya na kaniya namang ipinagpasalamat dahil narinig siya nito. Mabilis namang nakalapit pabalik sa kaniya si Jessie.
"Bakit, Zionne?"
"Ah.. itatanong ko lang sana kung bakit ikaw ang umakyat at hindi si Paul?" may tonong pag-aalangan sa boses niya dahil ayaw niya naman sanang usisain pa kaya lang ay ramdam niya na umiiwas ang kaibigan.
"Ah, busy siya, e. Marami kasing dumating na bagong items, e, hindi ko pa naman kabisado kung saan dapat ilagay ang mga 'yon kaya ako na ang pinaakyat niya."
"Ganoon ba, sige-- salamat, Jessie." Pagkatalikod nito ay napa-isip pa rin siya dahil hindi naman ganoon ang kaibigan, kung dati nga ay gumagawa ito ng paraan, makapag-usap lang sila. Dahil doon ay hindi siya masyadong nakapag-focus sa trabaho at nagpasyang maunang mag-break sa ka-partner niya sa area na si Jennie nang mag-lunch break. Sanay naman kasi siyang kumain mag-isa lalo na kapag malalim ang iniisip niya.
Ilang minuto pa lamang siyang nakakaupo para kumain ay napansin niya si Howard na tila may hinahanap mula sa hindi kalayuan. Nagpasya siyang hindi magpakita rito at lumingon sa ibang direksyon subalit hindi naman niya inaasahang magtatagpo ang mata nila ni Paul. Naroon pala ito sa isang sulok mula sa kaniyang bandang kanan, hindi niya akalaing nag-early break din ito. At kahit nagdadalawang isip ay napagpasyahan niyang sabayan ito sa pagkain.
"Bakit nag-early break ka rin? Sana inaya mo na lang akong mag-break para sabay tayong lumabas," aniya na ikinalingon nito.
Umaasa siyang may maayos na sagot na maririnig mula rito pero hindi niya inaasahan ang sasabihin nito, "Hindi mo na dapat ako kinakausap ng ganiyan," seryosong anito na ipinagtaka niya. "I mean, hindi na dapat tayo nagsasabay na mag-break lalo na't may nobyo ka na." Nagawa niya itong titigan kahit hindi nito magawang tumingin sa mga mata niya.
"Bakit mo ba sinasabi 'yan? Ayaw mo na ba ako maging kaibigan?" Anong kirot sa dibdib ang naramdaman niya matapos na sabihin 'yon. Pero sa halip na sagutin siya nito ay kumain na lamang ito nang kumain. Habang siya ay tulala pa rin sa kaibigan. Magsasalita pa sana siya ulit subalit may kamay na tumapik sa kaniyang balikat.
"Nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap," anito. Napatayo siya pero laking gulat niya nang pigilan siya ni Howard upang umupong muli sa tapat ni Paul at doo'y sinubukan niya muling kausapin ang kaibigan, "Paul, ayos lang ba na sumabay kami sa'yong kumain?"
Akala ni Zionne ay magkakaroon na naman ng initan sa pagitan ng dalawa dahil parang iniinsulto ni Howard si Paul bagama't batid nito ang lihim na pagtingin ni Paul kay Zionne. Pero kalmado lang si Paul nang sumagot, "Oo naman." Bagama't hindi pa rin nito magawang tumingin sa mga mata ni Zionne.
At sa bawat segundong tumatakbo ay mas nararamdaman ni Zionne ang pagkailang. Lalo pa't ipinapakita ni Howard kay Paul ang ka-sweet-an nito sa kaniya. Ilang sandali pa ay tumayo na si Paul dahil tapos na itong kumain.
"Bro, una na ako ha?" pagpapaalam nito kay Howard na ipinagtaka ni Zionne dahil hindi man lang nito nagawang lumingon sa kaniya. Dahilan para mas lalo siyang masaktan sa ipinaparamdam nitong pag-iwas.
-
Nang matapos ang buong araw para sa trabaho at nang maihatid na siya ni Howard sa kaniyang nirerentahang apartment ay doon lang niya nailabas ang bigat sa kaniyang dibdib.
"Hey, love, bakit ka umiiyak?" tanong nito sa kaniya at saka siya niyakap nang mahigpit. Doo'y mas lalo siyang napahagulgol.
"Hindi ko maintindihan kung bakit masakit para sa akin ang pag-iwas ni Paul, Howard. Hindi naman siya dating gano'n, e."
Agad na napakunot ang noo ng nobyo. at doo'y napakalas si Howard mula sa pagkakayakap. "Si Paul? Zionne, naman.. ako ang kasama mo pero si Paul ang iniisip mo!" Hindi inaasahang mapapataas ang tono ng boses nito. Dahilan para mag-hysterical siya.
"H-howard hindi naman sa gano'n, kaibigan ko kasi si Paul at hindi lang basta kaibigan, close kami noon pa."
"Kaya nga, e, kaibigan mo lang siya at ako ang nobyo mo, pero bakit ka ganiyan kung maapektuhan sa kaniya?" Hindi niya na maintindihan ang nararamdaman. Gusto niyang alisin sa isipan ng nobyo na wala lang iyon pero hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Mahal niya na talaga si Howard at ayaw niyang mawala na lang ito ng basta-basta sa buhay niya. Kaya isang desisyon ang pinanghawakan niya. Hinarap niya ang nobyo, hinawakan sa mukha nito at tinitigan sa mga mata. "Howard, 'wag mo nang isipin 'yon, mahal na mahal kita. I'm sorry." Napayuko ito at sinamantala ang oras na iyon para makuha ang balak na makuha.
"Paano ako makasisiguro na sa'kin ka lang, Zionne?" Napalingon sa kaniya ang dalaga at ngumiti.
"Sa'yo lang naman ako, Howard."
"Pero gusto ko ng assurance na sa'kin ka na talaga."
Napawi ang ngiti ni Zionne at napalitan iyon ng pagtataka. "Pero paano?" Tinitigan siya nito sa mga mata at unti-unting napukaw ang tingin nito sa kaniyang labi. Nakaramdam si Zionne ng kaba pero hindi niya alam kung bakit unti-unti siyang naging mahina sa mga titig ng nobyo. Hanggang sa nakita niya na lamang ang sarili na tumutugon sa halik nito. At hinahayaan niya itong suyurin ang buong katawan niya ng halik at hindi niya namalayan sa na pareho na silang walang saplot. Hanggang sa nababaliw na siya sa bawat halik at paghaplos nito. Hindi niya na naisip ang kahahantungan, ang iniisip niya lang ay mahal na mahal niya ito.
"O, Zionne.." pag-ungol ni Howard na lalong nagpahina sa kaniya. At wala siyang pag-angal nang ibuka na nito ang mga binti niya. Dahan-dahan nitong pinasok ang kailaliman niya at napapikit siya nang maramdaman ang sakit dulot ng maselang bahagi nito. Madiin at agresibo ang paglabas-masok nito sa kailaliman niya. Magkahalong sakit at sarap ang nararamdaman niya.
"O, Howard.. oh!" pag-ungol niya.
"Ang sarap-sarap mo, love. Gusto ko 'yong ganito kasikip, mas lalo akong na-cha-challenge.. oh!" Nakakabaliw ang boses ng nobyo sa kaniyang pandinig kaya naman mas nasarapan pa siya.
"Howard.." nagsusumamong aniya habang patuloy ito sa pag-angkin sa kaniya. Ang init ng kanilang magkadikit na katawan ay lalong nagbibigay sa kaniya ng kakaibang sensasyon. Hanggang sa marating nila ang sukdulan at pareho silang hingal na hingal. Hindi niya maintindihan ang halu-halong emosyon na nararamdaman lalo na nang maramdaman ang pumasok na likido sa kaniya.
"I love you," maluha-luhang wika niya na walang narinig na sagot mula sa nobyo dahil siguro sa pagod na ito.
Ang gabing iyon na hindi niya inaasahang magiging mahina siya sa pagmamahal sa nobyo. At ang gabing nakuha nito ng ganoon kabilis ang kaniyang virginity.
Itutuloy..