MABILIS NA tumakbo ang mga araw, linggo at buwan, hindi namalayan ni Howard na manganganak na si Ruzelle. "H-Howard? Manganganak na yata ak-- ah!" malakas na pag-ingit nito na ikinataranta niya para mag-impake at itakbo si Ruzelle sa hospital. Dinudugo na ito nang itakbo niya sa may emergency room. "Lakasan mo ang loob mo, hah, nandito lang ako," sabi niya rito habang nakahiga na sa may kama at hinihila na ng mga nurse para dalhin sa delivery room. Napatango naman si Ruzelle kahit mukhang nahihirapan. He crossed his fingers while praying that Ruzelle would have a safe delivery. And apparently his prayer has answered in different way, because of one rumor that spring up on him. It's Zionne and Paul forthcoming wedding. Napahilamos siya sa sariling mukha at nasabi sa sarili, "Hindi p'we

