Note: Rated ESPIJI. Read at your own risk. HINDI MAIPINTA ang mukha ni Howard nang madatnan ang bahay na nagkakalat isang araw pagkauwi niya. Hindi niya napuna na puno na pala ang mga upos ng sigarilyo sa ashtray na nasa center table at nakakalat ang ilang gamit na dapat ay nasa tamang lagayan katulad ng remote control, tumbler at charger. Hindi rin maayos ang pagkaka-cover ng sofa at wala sa tamang puwesto ang mga unan. Malayung-malayo ang itsura nito kumpara no'ng naroon nakatira si Zionne at kapansin-pansin ang malungkot na awra nito. Tamad na tamad siya sa sarili sapagkat hindi niya iyon magawang iligpit, dala rin ng kapaguran sa trabaho at higit sa lahat ay ang madalas na kawalan ng focus. Sadyang malaki ang pagkukulang simula nang mawala sa kaniyang buhay ang dating kasintahan. ?

