Matapos kong magwalis sa dulo ay nakita kong nagsisialisan na ang mga magulang na nagwawalis din ng classroom. Nilibot ko ang aking mata hanggang sa mahagip ko si Liam na nakatayo sa may pintuan. Parang hindi naglinis ng classroom dahil nandoon parin ang kanyang kagwapuhan. Hindi ko naman itinatanggi na sadyang gwapo talaga siya. Ilang taon na kaya siya ngayon? Tss, the hell I care. Lumapit ako sakanya upang kunin ang ginamit rin niyang walis, nasa tabi niya kasi ito. "Uh salamat sa tulong mo Mr. Lyndon," sabi ko at ngumiti ng pilit. "Welcome. By the way, can I have your number?" Kumunot naman ang noo ko dahil sa kanyang tanong. "M-my number?" "Yes, your number. So I can check Vince." Oh! Ano ba naman itong iniisip ko! Masyado nanaman akong ilusyonada! Inayos ko ang pagmumukha ko ba

