Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa ibaba ng bahay. Napasapo pa ako sa aking noo dahil sa sakit ng ulo dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag flashback ng lahat ng pangyayari sa aking utak. Bumangon ako habang hinihilot ang aking sentido at dumiretso na sa banyo. Naligo ako at nagbihis ng aking uniporme dahil panibagong araw nanaman ng pagtuturo sa mga bata. Matapos kong maayos ang sarili ay bumaba na ako para do'n nalang maglagay ng kauting make up para naman hindi ako magmukhang patay. "Ewan koba diyan sa kapatid mo Ernest! Masyado ng nalibang sa pagtuturo sa mga bata kaya hanggang ngayon ay wala paring nobyo!" Dinig kong sambit ni mama. Humalakhak naman si kuya Ernest. "Eh baka hanggang ngayon ma e may hinihintay parin." "Gusto kona magkaroon ng pang apat na a

