"Sinong naiwan kay Vince ngayon?" Tanong ko habang nasa drive thru kami upang umorder. Hinihintay nalang namin ang pagkain para makausad na. "He's with Lolo today." Sabi niya bago tanggapin ang pagkain. "Thank you!" Nag drive na ulit siya. "Kumusta na si Mayor? Si Felix na pala ang mayor ngayon 'no! Hindi na rin ako magtataka dahil sadyang makamasa naman talaga ang pamilya nyo!" Dire-diretso kong sabi. Napasulyap siya sa akin. "Lolo's fine. We're still recovering... uh yeah Felix is now the Mayor, nakatsamba ang gago!" Ngumiti ako. "Si Janine? Miss kona si Janine! May asawa na ba 'yon?" "She's now a nurse. Kind of busy. Boyfriend meron." Tumango naman ako. Siguro naman pwede kong siyang tanungin tungkol sa buhay niya? Uh siguro naman naka move on na siya sa mga nangyari dati. Siguro

