Habang naglalakad palabas ng school ay nagtipa ako ng mensahe kina Aileen na itext nalang sa akin kung saan kami pupunta mamayang gabi, dahil hindi na ako nakapunta sa room ni Denver dahil hapon narin nang natapos ang meeting namin. Pagbaba ko ng tricycle ay nagbayad na ako at dumiretso papasok ng bahay dahil bukas naman ang gate. Kita kona agad ang mga nagkalat na laruan ng aking pamangkin. Nilapitan ko ang mga ito at hinalikan sa pisngi. "Hi baby! Tita's home!" Hinanap naman ng mata ko si mama upang ipaalam sakanya na lalabas kaming magkakaibigan mamaya at para narin ipaalam ang pinag-usapan namin ng principal kanina. Nagtitimpla siya ng gatas sa kusina kaya naman nilapitan ko siya. Umupo ako sa upuan do'n at ibinaba sa lamesa ang aking bag, pagkatapos ay umub-ob na animo'y pagod na pa

