Nagdaan ang mga araw ay naging normal naman ang takbo nito. Matapos ng pag-uusap namin ni Liam ng gabing 'yon ay kinamusta lamang ako ni mama at sinabi ko naman na kinumusta siya ni mayor sa akin. Mabuti na lamang ay hindi naamoy ni mama ang alak habang ako'y nagsasalita ng gabing 'yon. Matapos akong kumustahin ni mama ay tamad akong dumiretso sa kwarto.
Matapos kong maligo ay nagbasa lamang ako ng mga messages nila Aileen tungkol sa kung ano daw ang nangyari at naghintay ng text ni Liam hanggang mag madaling araw ngunit wala akong ni isang natanggap kaya naman natulog nalang ako.
Nag-aayos na ako ng mga gamit dahil tapos na ang klase ngayong araw. Tinext naman ako nila Aileen at sinabing mauuna na raw sila for sure daw ay naghihintay na ang aking sundo sa gate. Sige lamang ang naireply ko. May kaunting hiya pa ako kay Liam dahil sa mga nangyari ngunit siguro nga'y wala na 'yon sakanya... Sana nga. Hindi rin ako nakatanggap ng text sakanya simula kaninang umaga. Siguro ay busy 'yon sa work the whole day.
Nagwalis-walis muna ako ng classroom na aking tinuturuan, pagkatapos no'n ay saka ko napagpasyahan na lisanin na 'yon dahil most of the teachers ay nakauwi na. Sumaglit ako sa office para mag-out.
Ngunit nang ako'y makalapit na sa may guard house ay wala doon ang kotseng palaging naghihintay sa akin. Napakibit na lamang ako ng aking balikat at lumapit sa guard na naroon.
"Kuya, uh mayroon po bang kotseng naghihintay rito? Yung palagi pong naghihitay sa may banda rito?"
Napaisip ang guard, siguro'y kinikilala ang aking inilalarawan sakanya. "Ay hindi po ma'am e. Pero mayroon pong SUV na nag park sa labas. Tingnan nyo na lamang po at baka ayon ang hinahanap ninyo."
Tumango ako. "Salamat po kuya, mauuna na po ako," paalam ko at pagkuwa'y lumakad na palabas.
Palinga-linga ako sa bawat sulok, nagbabakasakaling naroon ang sasakyan ni Liam, ngunit ang tanging narinig ko lamang ay ang pagsara ng pinto ng isang puting SUV at iniluwa ang ate ni Liam. She's wearing a corporate attire, wari ko'y kagagaling lamang sa kanyang trabaho.
What the hell is she doing here?!
I stiffened when she walked near me. My heart is beating too fast because of her, cuz the last time I check, she hated me. Uh kinda.
Pero kahit na may nararamdaman akong kakaiba sakanya ay ngumiti parin ako. Ngunit hindi niya sinuklian ang ngiting binigay ko sakanya nang siya'y makalapit. Humalukipkip pa siya ng nasa mismong harapan kona siya.
"Can we talk?" she asked na akala mo'y ginto ang oras para sakanya.
"About what...po?"
Tumalim nanaman ang tingin niya sa akin. "You want me to say my concerns right here? Really? In this damn parking lot?" she smirked.
Nanunuyo ang lalamunan ko dahil walang lumalabas na salita sa aking bibig. Bigla bigla nalang akong tumango sa kanyang sinabi at naabutan ang aking sariling sumusunod sa kanyang paglakad papalapit sa sasakyan.
Bumaba kami sa isang coffee shop na kami lamang ang tao. I don't know kung pinaghandaan ba niya ito or what.
Naupo kami sa pinaka tagong mesa sa coffee shop. Mayroon nang mga pagkain ro'n kaya naupo na agad kami.
Tumikhim siya kaya napatingin ako sakanya. I saw her very classy attire na bumagay sakanya. Maging ang mga koloreteng nagkikintaban sa kanyang katawan, halata talagang kilala ang pamilya niya. Napakaganda niya, para siyang girl version ni Liam.
"What do you want from my brother?" he asked while looking at me.
Kumunot ang aking noo dahil roon. "What do you mean?"
"Oh could you please stop your not so good plan! You're such a gold digger, aren't you?!" Tumaas ang kanyang boses.
"Excuse me, ma'am but I have no idea sa mga sinasabi mo!" Tumaas narin ng bahagya ang boses ko.
Tumawa siya ng nakakainis at tumayo sa kanyang kinauupuan. "Are you aware that my brother was already engaged? Oh of course you didn't know! Dahil nabulag ka lang naman sa matatamis na salita no'n. You know naman the politicians diba? Alam mo naman na they're fond of fix marriage. I hope nagsisink in dyan sa utak mo ang gusto kong iparating!"
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Pinipigilan kong lumandas ang luhang kanina ko pang pinipigilan. My hands were in fist. Halo-halong emosyon ang dumadaloy sa sistema ko ngayon.
"I-I didn't know..." Napipiyok kong sabi
"Of course hindi mo talaga malalaman dahil tanga ka at bulag! Hindi mo alam na niloloko kana ng lalaking ipinangako sa'yo ang buong mundo. At ikaw naman 'tong tanga tanga na akala mo naman totoo lahat ng mga 'yon. You're being delusional! Hindi ka mahal ng kapatid ko, sabihin na nating isa ka lang sa mga girl toys niya. Well alam mo--" Hindi kona siya pinatapos, kahit na may sakit siya ay gusto ko paring mapakinggan ang saloobin ko.
"Tama na!" Tumayo narin ako sa aking kinauupuan at sinabit ang dala kong bag sa aking balikat. "Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi mo! At hindi ko hinahangad ang pera ng kapatid mo! Kung gusto mong layuan ko siya para sa ikakasaya mo then I can do that. Hindi mona kailangan pang siraan ang kapatid mo sa ibang tao para lang may mapatunayan!" Tumawa ako ng mapait upang maibsan ang sakit na nararamdaman. "I got your point. Excuse me."
Pagkasabi ko no'n ay lumakad ako papalabas ng coffee shop at doon na tuluyang nag-unahan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.
Nakauwi ako sa bahay ng pula ang mata, Naligo ako upang mahimasmasan ang aking nararamdaman. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa mga tanong na gumugulo sa isip ko.
Nagising ako sa isang katok. Tinatamad akong binuksan ito. Nanlaki ang mata ko sa lalaking tumambad sa akin.
"What are you doing here?" Hindi ako makatingin sakanya
Hinawakan niya ang aking pisngi upang maiharap ako sakanya. "I'm sorry, nagising ba kita?"
"Anong ginagawa mo dito?"
He chuckled. "My baby isn't in the mood right now. What's with the coldness huh? I'm sorry, I didn't fetch you kanina. Maraming paper works ang inasikaso at pagpunta ko sa school ay wala--"
"Let's break up." Pinigilan ko ang aking sarili na maiyak o ano. Naging normal parin ang aking salita.
"What?! No!" he said like it's final.
"Anong no? Ayoko na Liam... A-ayoko na." My tears started rolling in my eyes.
I saw his bloodshot eyes na nakatingin sakin. "May nagawa ba ako?" he asked calmly. "May kasalanan ba ako? Tell me Estella so we can compromise!"
"W-wala... Narealize ko lang na... hindi na pala kita mahal..." Ngumiti ako na para bang gusto ko ang aking mga sinasabi, "Nakakasawa ka palang magmahal.. Nasasawa ako na palagi kang nakabuntot sa akin...hindi ka ba nagsasawa sa set up na gano'n? Pwes ako, nasasakal ako Liam kaya ayaw ko na!"
"Hindi kita maintindihan Estella! Ano bang kulang ko? Sabihin mo lang at babaguhin ko, wag mo lang akong iwan." Nagmamakaawa niyang sabi
Mas lalo pakong umiyak ng makita ako ang luhang pumapatak sa kanyang pisngi. Gusto kong punasan ang mga 'yon pero natatakot ako... natatakot ako na hindi ko tuluyang magawa ang gusto ng kapatid niya dahil sa pagmamahal ko sakanya.
"Ayoko na nga sabi Liam e! Palayain mona ko! Parang awa mo na..." Nakatitig parin ang kanyang mata sa akin.
Hinawakan niya ang aking pisngi, "Is that decision will make you happy, huh?" Tanong niya habang pinupunasan ang luhang pumatak sa aking mga mata.
"Yes..."
Pagod siyang ngumiti at pagkuwa'y niyakap ako. Yakap na alam kong ayaw niyang matapos ang pag-uusap na ito. Ang yakap na hindi kona muli pang mararamdaman dahil sa aking desisyon... Yakap na alam kong hahanap hanapin ko rin kalaunan....
Matapos ang mahigpit na yakap ay bumitaw siya. Gusto ko siyang habulin at bawiin ang lahat ng sinabi ko pero huli na...
Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo. "Take care of yourself, please." Pagkasabi niya no'n ay pagod siyang ngumiti sa akin. Pagkuwa'y lumabas na siya ng kwarto at hindi kona muli pa siyang sinundan.