Nakapulupot sa akin ang braso ni Janine habang tinutungo namin ang kanilang garahe. Sa aming paglalakad ay nadadaanan namin ang mga naggagandahang muebles at atique vases.
Nang makarating kami sa garahe ay saka pa lamang siya bumitaw sa pagkakapit sa akin at masayang niyakap ang isang kulay pulang sports car.
"Finally! I longed you for so long!" Hinalikan pa nya ang nguso ng sasakyan. "You know what ate, ngayon nalang ulit namigay si Kuya Liam ng sasakyan niya. Thanks to you too!"
Ngumiti lamang ako.
"You want to join me? Try natin 'to hanggang sa park lang ate!" Excited niya sabi at hinila pa ako papasok doon. Paano pako makakatanggi.
"Mabilis lang ha, baka pagalitan ka..."
"Don't worry, wala naman si mommy. Si kuya Liam lang ang magagalit dahil tinakas ko ang girlfriend niya! Let's go na!"
Pagkapasok namin ng sasakyan ay inayos lang namin ang aming seatbelt at nagulat pa ako ng paharurutin niya ito.
Tumigil kami sa 7/11, siya lamang ang lumabas para bumili ng kung ano at pagbalik niya'y mayroon siyang dalang supot.
Nag seatbelt ulit siya at pinaharurot ulit ang sasakyan. Nang makarating kami sa park ay tinggal kona ang seatbelt at maging si Janine rin ay gano'n ang ginawa.
Hinayaan naming nakabukas ang pinto ng sasakyan, inilabas niya ang laman ng supot. Nagulat ako sa alak na laman no'n at sitchirya.
"Nag-iinom kaba?" Si Janice habang inilalabas ang mga 'yon.
"Uh... I'll try..." Sabi ko ng ikinatawa niya.
"Baka isalvage ako ng pinsan ko kapag inuwi kitang amoy alak!"
"N-ngayon lang naman e..."
Pagkasabi ko no'n ay inabot niya sa akin ang isang can no'ng alak at binuksan niya 'yong mga sitchirya.
Ginaya ko naman siya sa pagbubukas no'ng alak at nang tumungga siya ay gano'n rin ang aking ginawa.
"You know what ate, ngayon ko nalang ulit nakitang ngumiti si kuya... It's been long years since ate Kiana passed away..." Tumingin siya sakin at nagulat. "Oh my gosh! I-I'm sorry ate... nabanggit naman siguro ni uh kuya 'yon s-sayo?" Tanong niya at napakamot pa sa ulo.
Ngumiti ako sakanya, "Don't worry, I know her. Uh marami naman akong naririnig tungkol do'n and it's fine with me."
"No'ng namatay si ate Kiana, kuya Liam was wasted..." pagpapatuloy niya, "he got into trouble at halos pabayaan na niya ang sarili niya..."
Uminom ulit siya at gano'n rin ang ginawa ko.
"When the accident happened, he's in Manila... hindi na niya naabutang humihinga si ate Kiana... kung sana daw ay hintid niya ito..."
Ngumit ako ng mapait. "Sa tingin moba... naka move on na talaga ang pinsan mo?..." nagdadalawang isip kong tanong.
"Oo naman 'no! He told us na hindi siya sasama dito sa Batangas kung hindi pa siya nakaka move on cuz there are lot of things here that reminds him of ate Kiana. Kaya sana talaga ikaw na!" Hinawakan niya ang aking kamay, "About ate Lindsay's attitude... pagpasensyahan mona ha. Hindi nga namin alam kung bakit iritable siya lately... and hindi namin siya masyadong iniistress dahil may sakit siya sa puso... nagalit lang siguro si tito kanina dahil sa inasal..." she caressed my hand, "sorry do'n ate..."
"You don't have to be sorry... ayos lang 'yon sakin... siguro ay gano'n talaga siya dahil sa nararamdaman."
Pagkatapos no'n ay pinagpatuloy namin ang pag-inom. Napakaganda ng mga bituin sa kalangitan ngayong gabi...
Naka tig tatlong can kami ni Janine. Lumabas pa siya ng sasakyan upang maitapon ang mga basura namin.
"Umuwi na tayo at baka isalvage ngang talaga ako ng pinsan ko!" Sabi niya na humahagikhik pa.
Tumawa lamang ako at pinaandar na niyang muli ang sasakyan pabalik ng mansyon.
Habang nasa byahe ay naliliwanagan ang mga tanong sa aking isipan dahil sa sinabi ni Janine... at mas lalo pa akong humanga kay Liam dahil sa lahat ng pinagdaanan niya sa pagkawala ni Kiana ay nanatili parin siyang matibay.
Nakarating kami ni Janine sa gate ng mansyon. Nagulat ako sa nakita kong nakahalukipkip roon at malamig ang titig sa sports car.
"Lagot ako neto!" Sabi ni Janine bago tanggalin ang kanyang seatbelt.
Gano'n rin ang ginawa ko at inamoy ko muna ang aking hininga bago lumabas, baka kasi amoy alak ako.
Naunang lumabas si Janine bago ako. Nakahalukipkip parin si Liam habang papalapit kami sa kanyang banda. Nanlalambot naman ang tuhod ko sa malamig niyang titig.
"Where the hell have you been?" He asked coldly to Janine.
"Tinry ko lang yung car kuya! I invite ate to have a ride... that's why..."
"Go inside Janine, I'll talk to this girl too." Pagkasabi niya no'n ay tumingin muli siya sa akin ngunit umiwas ako, at si Janine nama'y halos magdapa na sa sobrang pagtakbo upang mapandar muli ang sasakyan.
Tumabi kami sa gilid ni Liam upang makadaan ang sasakyan, pagkatapos humarurot noon ay hinawakan niya ako sa baywang at hinila sa may punong katabi ng gate.
Pinaupo niya ako sa bench na naroon at siya nama'y nanatiling nakatayo na animo'y handa nang mangaral.
Nilalaro ko ang aking mga daliri at tinignan ang gwapong lalaking nasa aking harap, nananatili parin ang matalim niyang titig sa akin.
Tumikhim ako. "Uh... nagpasama lang si Janine..."
"Hmm." Yun lamang ang kanyang sagot
"We tried the car and it was good naman..."
"Ginabi na kayo, Estella."
"Hindi naman gaanong uh gabi ah!" Tumaas ang boses ko, siguro'y dahil nahihilo narin ako.
Tumingin siya sa wrist watch niya. "It's 9:30 in the evening Estella... ang sabi ko sa mama mo iuuwi kita ng maaga... wait are you drunk?!" His brows arched
"I'm not!" Pagtatanggi ko, kaya naman lumuhod ang isa niyang tuhod sa harapan ko.
Ang mga kamay niya'y nasa gilid ng aking inuupuan. He sighed, "Let me smell your mouth then."
Nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang sinabi, "What the hell?! Ayaw ko nga!"
"Isa..."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayaw ko nga Liam! Andami dami mong aamuyin, hininga kopa talaga ang napili mo?!" Pagkasabi ko no'n ay hindi na nakapagpigil ang mata kong kanina pang nagbabadyang umirap.
He smirked. "What do you want me to smell then?" Tumayo na siya at pinagpagan ang tuhod.
Tumikhim ako. "I'm not drunk okay. It's not a hard liquor that you're thinking, bumili lang si Janine ng root beer to refresh, that's it!"
"Uh-huh. I'll take you home." Pagkasabi niya no'n ay inilahad niya ang kanyang kamay sa akin kaya naman tinaggap ko ito at nagpatianod na lamang sa kanya.
Habang nasa byahe ay hindi parin maalis sa aking isipan ang pakikitungo ng kapatid ni Liam sa akin.
Hinawakan niya ang aking kamay. "Sorry about my sister." He said apologetically.
"Uh it's okay! I don't mind." Sabi ko at ngumiti for the assurance.
Nakarating kami sa bahay at nasa sasakyan palang kami, tanaw kona si mama na humihikab pa sa labas ng bahay, kaya naman dali dali akong bumaba. Sumunod naman si Liam sa akin.
"Tita, pasensya na po at ginabi kami." Sabi niya pagkatapos naming makalapit kay mama.
Ngumiti si mama. "Ayos lang hijo, at least inuwi mo itong anak ko," pabirong sabi niya. "Magpaalam ka muna Estella at mauuna na ako sa loob," dagdag pa niya at iniwan na kaming dalawa ni Liam.
Humarap ako sa aking likura upang maharap ko siya. "I'm sorry kanina... nag celebrate lang naman kasi---"
"Shhh. You don't have to explain. I understand." He said.
Tumango ako. Naghihintay ng susunod niyang gagawin. Ngunit nabigo ako dahil imbes na may gawin siya ay tinalikuran lamang niya ako at tuluyan ng pumasok sa kanyang sasakyan at pinaharurot 'yon.