Maaga din akong nagising kinabukasan bumabalik ako para magkape nang nadatnan ko si Maffi sa coffee station, nagprorpovide kasi ang resort ng coffee sa mga tourist na ayaw ng pumunta sa malayo para magkape. "Good morning," Bati niya at nilabi ko naman sa kanya ang pagbati pabalik. "Tulog pa si Ana?" Tanong niya sa akin ng walang anino ni Ana ang nakita niya na sumusunod sa akin. "Yah, di ko na ginising ang himbing ng tulog." Sagot ko. "Ano bang next activities?" I check the schedule on the printed copy of Ama, nasa ibabaw kasi ng table niya kaya tiningnan ko na. "Picnic." Sagot ko na dahilan upang malukot ang kanyang noo. "Ano ba naman yan apaka boring naman gumawa ng activity plan ni Ana." Natawa ako sa sinabi niya, takot kasi si Ana sa mga ocean activities, nagtaka nga ako ng magay

